dapat patangay sa inaakala mong damdamin dahil madalas kaysa hindi, ang nararamdamang itoy mapanlinlang. Akala mo siya na kaya laha- lahat ibinigay mo. Ngayon, nagmukmok ka dahil naiwang talunan. Ilang tahanan na ba ang nawasak? Ilang buhay na nga ba ang pinatay hindi pa man ipinapanganak. Kaya nga ba ginawa ng Diyos na mataas ang utak kaysa puso. Natural lamang na pairalin. Paggamit ng salitang magkasingkahulugan at maging ang pag-uulit ng mga salita
Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kangyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag. Sapagkat ang mga palad na nagbigay at nandidiring mapadiit sa marurusing na palad na wari bang ang maninipis na kamay lamang ang malilinis.
Kaisahan ng Diwa
Mula noon, nakilala si Quezon sa larangan ng pulitika. Nahalala siya bilang gobernador ng Tayabas. Matapos iyo'y nahalal siyang kinatawan ng kanyang lalawigan sa Asembliya ng Pilipinas. Agad na napansin ng maraming mambabatas ang kanyang husay at talino sa Asembliya kung kaya't di naglao'y nahalal siyang pinuno ng mayorya sa Asembliya.
Mula sa "Manuel L. Quezon: Ama ng Kalayaang Pilipino" ni Rolando A. Bernales Kohirens
Ang bawat taong isinisilang ay may kanya- kanyang tungkuling ginagampanam sa daigdig. Iba't iba sa bawat panahon. Sa unang pagkakita sa liwanag, nakapataw na sa kanya ang isang tungkulin. Tungkulin bilang isang anak at kapag nagkaroon pa ng mga kapatid, nadadagdagan pa ang tungkulin bilang kapatid. Gayundin sa panahon ng pagiging ama at ina. At kung bibigyan pa ng mahabang buhay at sumapit na magkaroon ng apo, nakamit niya ang pinakamataas na tungkuling pampamilya, ang maging lolo o lola.
Mula sa "Tungkulin ng Tao" ni Dominador G. Tiamson Diin sa pamamagitan ng POSISYON A.
Isa sa pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay wika. Dahil sa wika ay nagkakaunawaan at nagkakalapit lapit ang mga tao sa daigdig. Ito ang dahilan upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang anumang kanyang naiisip, nakikita at nadarama tungkol sa kanyang paligid. B.
Isinilang si Apolinario Mabini noong Hulyo 23, 1864 sa isang dampa sa Tanauan, Batangas. Nagmula siya sa isang angkang mahirap lamang. Ang kanyang mga magulang ay sina Dionisia Maranan at Inocencio Mabini na bagama't mga dukha lamang ay kapwa mga huwarang magulang sa Tanauan.
Mula sa "Apolinario Mabini: Ang Utak ng Himagsikan" ni Rolando A. Bernales.
C.
Nang sumiklab ang himagsikan laban sa mga Kastila, dinakip at ibinilanggo si Mabini dahil sa kanyang labis na paghanga kay Andres Bonifacio. Nang siya'y palayain, agad siyang umanib sa pangkat ni Emilio Aguinaldo at kalauna'y naging tagapayo at kanang- kamay. Simula noon, si Mabini ay tinaguriang Utak ng Himagsikan.
Mula sa "Apolinario Mabini: Ang Utak ng Himagsikan" Diin sa pamamagitan ng PROPORSYON
AKO ANG IYONG INANGBAYAN Ni Rolando A. Bernales
Ako ang iyong Inangbayan. Binubuo ako ng mahigit sa pitong libong pulo na nahahati sa tatlong bahagi, ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa lawak ng aking mga lupain ay matatagpuan ang mga bukirin, bundok, gubat, ilog, lawa at look. Sa akingmga bundok ay may mga mina ng ibat ibang metal. Sa aking mga bukirin ay mapagtataniman ng sarisaring halamang inyong mapag-aanihan ng mga pagkain. May mga kayamanan ding makukuha sa mga kagubatan ko bagamat mabilis na itong nababawasan Oo, sagana ako sa mga likas na kayamanan. Ngunit higit sa lahat, lubha pang mahalaga kaysa rito ay kayong aking mga anak. Kaybilis ng inyong pagdami ay kaybilis din ng inyong pag-unlad sa maraming bagay.
Nagugunita ko noong matagal nang panahong lumipas nang dumating sa aking dalampasigan ang mga unang dayuhang maliliit, maiitim at may kulot na buhok. Sinundan sila ng iba-iba pang dayuhang may kani-kaniyang ring kultura. Ang pagsasalin-salin ng lahi na naganap sa mahabang panahon ay nagbunga ng isang lahing maipagmamalaki sapagkat silay matapang, matiyaga at maibigin sa kalayaan. Nasubok ang kanilang katapangan tuwing may magnanais na lumupig sa kanila, Ilang beses silang nasakop ng ibang bansa subalit silay nagtagumpay rin at nakamit ang kalayaang kanilang minimithi.
Ako ang iyong Inangbayan. Ang aking kabuuan ay binubuo ng ibat ibang bahagi. Kayong mga anak ko, ang kayamanang tinatamasa ninyo, ang malayang pamahalaang itinatag ninyo at ang lahat-lahat ng bagay na nasa paligid niyo ay siyang aking kabuuan. Ako iyon. . . Ang iyong Inangbayan. Diin ayon sa pagpares-pares ng ideya
ANG MANUNULAT SA ISYU NG PAGYURAK SA MGA KARAPATANG PANTAO Ni Rolando A. Bernales
Marahil ay hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang patuloy na pagyurak sa mga karapatang pantao(human rights violations). Lahat ay nagkakaisa na maging hanggang sa kasalukuyan ay umiiral ang ganitong ang ganitong sistema at kalakaran sa ating lipunan. Ngunit ang pagkakaiba ay nasa ginagawa ng bawat tao upang mapag-isa ang bayan tungo sa ikalulutas ng suliraning ito. Kung gayon, kinakailangang magkaroon ng pagkakaisa ng mga palaisip (thinkers) at mga palagawa (doers). Halimbawa, ang mga tinatawag nating academic minds o intellectuals at maging ang mga spiritual pioneers o mga moralists kasama ang ibat ibang sektor at indibidwal na kumikilos sa isyung ito ay dapat manguna bilang isa upang maikintal sa isipan ng mga mamamayan ang mga bagong ideya ng pagtanaw ng realidad.
Sa pamamagitan nito, ang isyu ukol sa pagyurak sa mga salalayang karapatang pantao ay hindi magiging bukam-bibig at islogan na lang. FILIPINO: TATAK NG LAHI KO ni Maureen E. Valencia
Sa pagdaan ng panahon ay nagsikap ang mga Pilipinong magkaroon ang sariling tatak sa mundo. Simula pa sa pagkasakop ng ating bansa ng mapang- aping dayuhan ay nagnais na tayong makawala sa mga rehas ng ibayong kultura mga banyagang pag-uugali, pananmit, pagkain at marami pa. Kaya ito ay nabuo -- Filipino Ang Filipino ay tatak ng ating lahi. Ito ay simbolo nga ting pagkabansa. Sa paglipas ng mga taon ay lalaognalilinang ang ating pambansang wka. Ito ay lalong yumayaman at umunlad simula pa sa pagpapahayag ni Manuel L. Quezon na Filipino ang ating pambansang wika
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong 1. Ano ang kahalagahan ng pangangatwiran? (5 puntos) 2. Bakit kailangan isaalang-alang ang mga katangian ng isang mahusay na talata? (5 puntos)