You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin: Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag – aaral ay inaasahang.

a. Nakakikilala sa iba’t ibang uri ng komunikasyon;


b. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng komukasyon;
c. Nakalalahok sa mga Gawain gamit ang iba’t ibang uri ng komunikasyon.

II. Paksang Aralin

Paksa: Uri ng komunikasyon: Berbal at Di – berbal


Sanggunian: Diwa ng wika at Panitikan 7
Ni: Eugene Y. Evasco
Kagamitan: Pantulong Biswal, larawan,cellphone, kahon.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag – aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
- Magsitayo ang lahat para sa ating Tumayo lahat ng mag – aaral.
panalangin.

b. Pagbati
- Magandang umaga mga mag – aaral! Magandang umaga din po sir!

- Handa naba kayo sa bagay paksang


tatalakayin natin ngayon? Opo! Handa na po!

- Kung ganoon, ipakita ninyo sa akin na


kayo’y talagang handa na.
- Say hephep hurey !...2x

- Magaling! Ngayon, ayusin ninyo ang


inyong mga upuan, pulutin ang mga
nagkalat sa sahig at itapon sa basurahan.

c. Pagtala ng Liban
- Sinu – sino ang liban ngayon klas? Wala po sir.
- Wow! Ako ay nagagalak sapagkat narito
kayong lahat. Nararapat kayong bigyan ng
bompanis na palakpak. (3 padyak, 3 palakpak, sabay sabi bompanis)

d. Kasunduan
- Okey klas, meron tayong iilang kasunduan.

1. Making ng mabuti kapag nagsasalita


ang guro sa harap.
2. Itaas ang kanang kamay kung gusting
sumagot.
3. Gumamit ng Po at Opo kapag kayo ay
sasagot.

- Naunawaan niyo ba klas? Opo! Sir.


B. Balik – aral
C. Pagganyak
(Magpapakita ng cellphone)

- Ano naman itong hawak ko klas?


Yes, Nekka. Nekka: Isang cellphone po sir.

- Tama! Ito ay isang cellphone. Ano naman


ang karaniwang gamit ng cellphone?
Sige Mia. Mia: Ito ay ginagamit pang komunikasyon
po sir.
- Magaling! Ito ay ginagamit pang
komunikasyon.

- Sa inyong palagay ano kaya ang paksang


tatalakayin natin ngayon?
Yes, Alvin. Alvin: Sa tingin ko po ito ay tungkol sa
komunikasyon.

- Tama! Napakahusay! Dahil diyan bigyan (3 padyak, 3 palakpak, sabay sabi magaling
natin ng Aling Dionisyang palakpak si Alvin. 3x)

D. Paglalakad

- An gating tatalakayin ngayon ay tungkol sa


mga uri ng komunikasyon ngunit bago natin
sisimulan, nais ko munang malaman ninyo
ang ating mga layunin sa araling ito.
(Ipapabasa ang Layunin). (Ipapabasa sa mag – aaral)

E. Pagtatalakay

- Ang komunikasyon ay isang proseso ng


pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan
na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang
sistema ng mga simbolo. Upang magkaroon
kayo ng ideya tungkol sa mga uri ng
komunikasyon may ipapagawa ako sa inyo
kailangan ko ng dalawang mag – aaral dito sa
harapan sinong gusto mag – rerepresent
makakatanggap ng gantimpala.

- Sige sisimulan na. (Nagsimula ng magpresent)


- Okey napaka husay niyo naman, palakpakan
natin sila. (Nagpalakpakan)

- Ngayon may ediya naba kayo kung ano-anu


ang mga uri ng komunikasyon? Opo.

- Anu – ano nga ba, Nathan? Nathan: Ang uri ng komunikasyon ay ang
berbal at di – berbal.
- Tama! Ito ay berbal at di-berbal.

- Narito ang kahulugan ng berbal na


komunikasyon.
Berbal na Komunikasyon – Ito ay pormal
na paraan ng pakikipag komunikasyon na (Ipapabasa sa mag-aaral)
sumasailalim sa estruktura ng wika. Ito ay
maaring pasulat kung nababasa o pasalita
kung naririnig o binibigkas. Halimbawa
liham, dyaryo, patalastas.

Di – berbal na Komunikasyon – Hindi ito


gumagamit ng salita bagkus naipapakit ang (Ipapabasa sa mag-aaral)
mensaheng nais iparating sa kausap sa
pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan.

- Ngayon, sa nkikita ninyo kanina dito sa


harapan alin doon ang halimbawa ng berbal
na komunikasyon iyong nagpahula o iyong
taga hula?

- Yes, Karen. Karen: Iyon pong tagahula sir.

- Tama, iyong tagahula ang halimbawa ng


berbal dahil gumagamit siya ng salita upang
mahulaan ang ipinahihiwatig ng kanyang
kasama.

- Iyong nagpahula naman ang halimbawa ng


di-berbal, Bakit?

- Yes, Bryle. Bryle: Di – berbal kasi hindi po siya


gumagamit ng salita tanging galaw
lamang ng katawan.

- Tumpak! Ngayon nauuwaan na ba ang


tungkol sa mga uri ng komunikasyon? Nauunawaan na po.

- Kung gayon magkakaroon tayo ng


pangkatang Gawain.

F. Paglalapat
- Sa puntong ito aalamin natin kung anong
magiging resulta ng hindi maayos na
komunikasyon.

a.) Gawain 1
- Ilabas niyo na ang inyong pagiging marites.
Papangkatin ko kayo sa dalawa, ang
gagawin niyo ay tinatawag na (Message
Relay).

Pangkat 1: Bmili ako ng bituka ng butiki sa


botika.

Pangkat 2: Nagprito ng pitumput-pitong puto


ang pumipitong putting pato.

- Anong nangayari? Tama ba ang naihatid


ninyong mensahe? Hindi po.
- Anong mangyayari kapag hindi maayos ang Aya: Magkakagulo po at hindi
komunikasyon? Yes, Aya. magkakaintindihan.

- Tama! Kapag hindi nagging maayos ang


komunikasyon sa isa’t isa o sa bawat ay
maaaring magkakagulo dahil sa hindi
pagkakaunawaan at humantong sa malaking
hidwaan.

- Mahalaga ba ang komunikasyon? Opo.


- Bakit Brent? Brent: Ang komunikasyon po ang
pinakasentro sa mundo. Hindi
gagalaw ang mundo kung walang
nagaganap na komunikasyon.
- Napakahusay.

- Tunay na napakahalaga ng komunikasyon


ito man ay beerbal o di-berbal dahil ito ang
pinakamahalagang proseso sa buhay ng isang
tao.

b.) Gawain 2
- Bumuo ng apat na pangkat yong dalawang
pangkat naman ang sasagot.

- Napahusay, bigyan natin sila ng Aling


Dionisyang palakpak.

G. Paglalahat
- Ngayon anu-ano nga ulit ang mga uri ng
komunikasyon? Liam. Liam: Berbal at Di-berbal.

- Ano naman ang kahulugan ng berbal na


komunikasyon? Yes, Frank. Frank: Ito ay isang pormal na paraan ng
pakikipag komunikasyon na sumasailalim sa
estruktura ng wika.

- Ano naman ang kahulugan ng di-berbal na


komunikasyon? Yes, Zack? Zack: Hindi ito gumagamit ng salita bagkus
naipapakita ng mensaheng nais iparating sa
kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng
katawan.

- May katarungan pa ba kayo tungkol sa


aralin?

- Kung gayon kumuha kayo ng isang kaapat


na papel.

IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa
bawat bilang.

____1. Ano-anu ang mga uri ng


komunikasyon? (dalawang letra)
a. berbal c. di – berbal
b. balbal d. kolokyal
____2. Tumayo lamang siya nang tanungin.
Anong uri ito ng komunikasyon berbal?
a. berbal c. balbal
b. di – berbal d. kolokyal

____3. “Magandang umaga”, ang masayang


bati niya sa guro.
a. balbal c. di – berbal
b. kolokyal d. berbal

____4. Ang impormasyon ay naibahagi o


naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw
ng katawan.
a. kolokyal c. di – berbal
b. balbal d. berbal

____5. Ito ang mga kahalagahan ng


komunikasyon. Maliban sa?
a. Nagpaglalapat ang dalawang taong
may hidwaan.
b. Nakakapagbabahagi ng kanyang
nararamdaman sa kapwa.
c. Nauuwaan ng tao ang tamang
paggamit ng kanyang wika.
d. Ang komunikasyon ay hindi na
kinakailangan sa ating lipunan

Mga Sagot:
1. a,c
2. b
3. d
4. c
5. d

V. Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa mga iba’t ibang anyo
ng komunikasyong di – berbal.

Inihanda ni: Reneboy B. Bulay – og

You might also like