You are on page 1of 11

9 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 3:
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
(Denotatibo at Konotatibo)

May-akda: Leonor F. Alonzo

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

● Aralin 1 – Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita (Denotatibo at Konotatibo)

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:

A. natutukoy ang mga salitang may malalim na kahulugan na ginamit


sa akda;
B. nakapagbabalik-aral tungkol sa denotatibo at konotatibong
pagpapakahulugan; at
C. nabibigyan kahulugan ang malalim na mga salitang ginamit sa akda
sa denotatibo at konotatibong kahulugan.

Subukin
Bago ka magpatuloy, isagawa mo muna ang gawaing ito. Ibigay ang
konotasyon at denotasyon ng sumusunod:

Salita Konotasyon Denotasyon


ahas
buwaya
bituin
puso
kamay na bakal

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Pagbibigay Kahulugan

1 sa mga Salita
(Denotatibo at Konotatibo)

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang kasanayan sa pagbibigay ng kahulugan


ng malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo o konotatibong
kahulugan . Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga gawain.

Balikan
Magbalik-aral tungkol sa nakaraang tinalakay. Magbigay ng dalawang
ideya mula sa akdang binasa na “Ang Ama.” Bigyan ng hatol ang mga nasabing
kaisipan.

Kaisiapan 1:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__

Hatol:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___

Kaisipan 2:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__

Hatol:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin
A. Panimula
Magmuni-muni ka tungkol sa iyong mga magulang, ilarawan mo ang iyong
ama at ina ayon sa kanilang kilos at pag-uugali na iyong hinahangaan. Bigyan ng
kahulugan ang mga salita sa ibaba gamit ang concept map.

AMA INA

Mahusay ang iyong ginawang pagbibigay kahulugan. Ano ang naging


batayan mo sa pagpapakahulugan?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Panonood

Panoorin ang video na ito na tumatalakay sa pagpapakahulugan gamit ang


denotatibo at konotatibong kahulugan. Puntahan ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=jSbIuhROXAY&t=1s

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
C. Pag-unawa sa Pinanood:
1. Mula sa pinanood mong video, ano ang ibig sabihin ng denotatibo?
2. Sa pagpapkahulugang denotatibo, ano ang kahulugan ng mga ito:
a. ilaw b. babae c. ahas
3. Kung ang denotatibo ay isang literal na pagpapakahulugan, ano naman
kahulugan nito sa konotatibo?
4. Balikan ang mga salitang ilaw, babae at ahas. Ibigay ang kahulugan ng
mga ito sa konotatibo.
5. Gaano kahalaga ang paggamit ng pagpapakahulugang denotatibo at
konotatibo?

Suriin

Ang pagpapakahulugang denotatibo at konotatibo ay parehong nagbibigay ng


kahulugan o ibig sabihin ng salita. Paano nagkaiba ang mga ito?

• Denotatibo- Ito ay literal na kahulugan ng isang salita o parirala (Halimbawa:


Malalaki ang buwaya. Ang literal na kahulugan ng buwaya ay isang uri ng hayop
na kabilang sa klasipikasyong reptilya)

• Konotatibo – Ito ay ang kahulugan ng salita o parirala ayon sa pagkakagamit sa


pangungusap o hindi literal na pakahulugan (Halimbawa: May mga buwayang
nakaabang sa kanto. Ang kahulugan ng buwaya dito ay mga tiwali at kurakot na
pulis).
Sa pagpapakahulugan sa paraang denotatibo at konotatibo, mahalagang
isaalang-alang ang konteskto ng mga salita sa akda.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman sa denotatibo at


konotatibong pagpapakahulugan sa salita. Bumasa ng isang akda. Maglista ng
limang (5) salita na may denotatibo at konotatibong kahulugan.

Salita Konotatibo Denotatibo

Isaisip

Tandaan na mahalaga ang pag-unawa sa mga binabasa. Kailangang


maging malinaw sa iyo ang mga denotatibo at konotatibong kahulugan ng
mga salita para sa mas maayos at malinaw na pag-unawa. Isaalang-alang ang
konteksto ng mga salita.

Denotatibong kahulugan ay karaniwang nakikita ang ganitong klase ng


kahulugan sa mga diksyunaryo. Ito ang sentral o pangunahing kahulugan
ng isang salita.

Konotatibong Kahulugan ay ang pagbibigay ng ibang kahulugan batay sa


paggamit ng mga ito sa pangungusap. Ito ay maaaring mag-iba-iba ng
kahulugan ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Palawakin pa ang iyong natutuhan sa aralin. Isagawa ang mga gawain.

A. Magbasa ng isang akda. Humanap sa akda ng mga salitang may


denotatibo at konotatibong kahulugan. Ibigay ang konotatibo at
denotatibong kahulgan at pagkaraan ay gamitin ito sa pangungusap.

DENOTATIBONG KONOTATIBONG
SALITA PANGUNGUSAP PANGUNGUSAP
KAHULUGAN KAHULUGAN
1.

2.

3.

4.

5.

B. Sabihin kung konotatibo o denotatibo ang ginamit na kahulugan sa


sumusunod:

KAHULUGAN

PUSO – pag-ibig,
pagmamahal, damdamin

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
IBON – kalayaan,
kapayapaan

BULAKLAK – bahagi ng
halaman na makulay.

KOMPYUTER – isang
kasangkapan na
nakaprograma upang
magsagawa ng mga
opersyong aritmetika o
lohikal

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, panahon na para sukatin ang iyong
natutuhan.
A. Tukuyin kung denotatibo o konotatibong kahulugan ang may salangguhit
na salita.
1. Ang putik ay isang uri ng lupa
2. Pasan na krus niya ang ama na laging lasing.
3. Siya ang kanang kamay ng kanyang amo kaya lagi siyang
kasama sa pinupuntahan nito.
4. Ilaw ay gamit na may liwanag upang madali tayo makakita
sa dilim.
5. Ang hangin mo naman, akala mo guwapo ka?

B. Ibigay ang denotatibong kahulugan ng mga sumusunod na salita:


1. Bituin-
2. Bato-
3. Kalangitan-
4. Malakas na alon-
5. Diyos-

C. Ibigay ang konotatibong kahulugan ng mga sumusunod na salita:


1. Bituin-
2. Bato-
3. Kalangitan-
4. Malakas na alon-
5. Diyos-

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan sa aralin. Isagawa ang


sumusunod na gawain.
A. Sumipi ng limang bugtong na may sagot. Tukuyin ang mga salitang may
denotatibo at konotatibong kahulugan.
B. Gumawa ng komiks strip, lagyan ng diyalogo o mga salitang may
denotatibo at konotatibong kahululgan.

Susi ng Pagwawasto

A. Sagot sa “Subukin”
1. D 2. C 3. E 4. B 5.A
B. Sagot sa “Tayahin”
1. Denotatibo 4. Denotatibo
2. Konotatibo 5. Konotatibo
3. Konotatibo

Sanggunian

Peralta , Romulo et al., 9 Panitikang Asyano ( Modyul ng Mag-aaral sa Filipino Bulan ,


Helen G. et al ., Ang PITAK 9 ( BOYUM 2 BLG 1)
JDJs e-Lerning Channel Knowedege Channel Foundation.
Crizel Sicat –De Laza et al, BAYBAYIN 10 Paglalayag sa Wika at Panitikan

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Leonor F. Alonzo (Guro, CISSL)


Mga Editor:
Adelwisa P. Mendoza (CISSL)
Lawrence Dimailig (MSHS)
Wilfredo Padua (School Head)
Dr. Josefino DL. Lu (PSDS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like