You are on page 1of 15

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.6 (Pangwakas na Gawain)
Panitikan: Mga Hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng
Makatotohanang Proyektong Panturismo
Inaasahang Pagganap: Proyektong Panturismo (Travel Brochure)
Bilang ng Araw: 8 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ij-6)


 Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa
napakinggang mga pahayag.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ij-6)


 Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong
panturismo (halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure).

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ij-6)


 Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong
panturismo (halimbawa ang paggamit ng acronym sa promosyon).

PANONOOD (PD) (F7PD-Ij-6)


 Naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa
youtube o ibang website na maaaring magamit.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-Ij-6)


 Naiisa-isa ang mga hakbang at panuntunan na dapat gawin upang
maisakatuparan ang proyekto.

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ij-6)


 Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Ij-6)


 Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa
ng isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo.

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7EP-Ij-6)


 Nailalahad ang mga hakbang na ginawa sa pagkuha ng datos kaugnay
ng binuong proyektong panturismo.

Unang Markahan | 121


TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ij-6)


 Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang
mga pahayag.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ij-6)


 Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo
(halimbawa ang paggamit ng acronym sa promosyon).

PANONOOD (PD) (F7PD-Ij-6)


 Naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa youtube o
ibang website na maaaring magamit.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-Ij-6)


 Naiisa-isa ang mga hakbang at panuntunan na dapat gawin upang
maisakatuparan ang proyekto.

II. PAKSA

Mga Hakbang at Panuntunan sa Pagbuo ng Proyektong


Panturismo
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (LIKE A PRO)


Magpapakita ang guro ng video clip ng isang tour guide habang kanyang
sinasamahan at ipinapasyal ang mga kasamang turista sa isang lugar sa ating
bansa.

Unang Markahan | 122


Habang nanonood ay may ipamimigay ang guro na mga promo coupons at travel
brochures tungkol sa lugar na itinatampok sa video clip.

ROGER THE FUNNY TOUR GUIDE OF THE RUINS


(Negros Occidental)
https://youtu.be/iy_8TdfvJWs

Gabay na Tanong:
a. Paano ninyo ilalarawan ang tour guide sa napanood ninyong video clip?
b. Ano ang masasabi ninyo sa kanyang trabaho?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano makabubuo ng isang makatotohanang “travel brochure”?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WATCH AND LEARN)


Pagpapanood ng isang video clip ng ilan sa mga halimbawa ng proyektong
panturismo na karaniwang ginagawa upang gamiting promosyon para sa isang
lugar.

ANG BAYAN NG TISA


TRAVEL BROCHURE
https://youtu.be/7fa5qzb0Bc

ANALISIS

1. Paano ninyo ilalarawan ang kabuuang dating ng proyektong panturismo na


inisa-isa sa inyong napanood?
2. Saan kaya nagmula ang mga datos o impormasyong na inilagay sa
halimbawa?
3. Alin kaya sa mga bahagi ng ginawang proyektong panturismo ang
pinakamahalaga? Bakit?
4. Gaano kahalaga ang mga larawan sa isang proyektong panturismo?
5. Ano-ano kaya ang mga hakbang na maaaring sinunod sa paggawa ng mga
proyektong panturismong inyong nakita?

Unang Markahan | 123


Pagbibigay ng Input ng Guro
DAGDAG KAALAMAN-(FOR YOUR INFORMATION)

MGA HAKBANG AT PANUNTUNAN SA PAGSASAGAWA NG


MAKATOTOHANANG GAWAING PANTURISMO

1. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong “Travel Brochure”


Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahil ito ang
aakit sa mga turista upang ito ay pasyalan. Makabubuti kung gayon na
magsaliksik at magbasa ka upang marami kang maibahagi tungkol sa
lugar na ito. Mula sa nasaliksik ay piliin ang pinakamahahalagang
bagay na gusto mong bigyang-diin tungkol sa lugar na sa tingin
mo ay aakit sa turistang target ng iyong travel brochure. Maging
maingat sa mga salitang ilalagay mo sa brochure. Dapat, ito ang
pinakamahalaga dahil hindi makabubuti kung mapupuno ng salita ang
brochure dahil baka katamaran na itong basahin ng target mong
babasa.

2. Pagpili ng mga Larawang Isasama sa “Travel Brochure”


Pumili ka ng mga larawang aangkop sa iyong binubuong travel
bochure. Ang mga larawang ito ay inaasahang lalo pang makapang-
aakit sa target mong uri ng turista. Makabubuti kung mas marami kang
pagpipilian dahil hindi naman lahat ng larawang ito ay isasama mo.
Maliban sa larawan ng iba’t ibang pasyalan o magagandang tanawin ay
huwag mo ring kalimutang magsama ng mga larawang puwedeng
gawin sa mga lugar na ito tulad ng pangangabayo, pagzi-zipline,
pagpipiknik o simpleng paglalakad-lakad sa malapulbos na
dalampasigan. Tiyaking ang mga larawan ay sadyang makaaakit, bago
at may mataas na kalidad o hindi malabo.

3. Pagbuo ng Burador Para sa Iyong “Travel Brochure”


Bago pa tuluyang buoin ang travel brochure ay makatutulong ang
pagbuo muna ng burador para maging huwaran o template ng iyong
bubuoin. Kahit wala munang mga larawan o teksto, iguhit lang muna
kung saan ilalagay ang mga ito gayundin kung paano titiklupin ang
travel brochure. Karaniwang tinitiklop sa tatlo ang travel brochure.

4. Pagbuo ng Aktuwal na “Travel Brochure”


Mula sa burador ay handang-handa ka na sa pagbuo ng aktuwal na
travel brochure. Gagamitin mo na ngayon ang mga impormasyong
iyong nasaliksik gayundin ang mga larawang pinili mo. Tiyaking
malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel brochure. Iwasan ang
masyadong maliliit na titik. Bigyang-diin ang pinakamamahalagang
bahagi sa pamamagitan ng paggamit ng ibang kulay o paggamit ng diin
(bold face) sa mga ito.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 ni Elma M. Dayag et.al

Unang Markahan | 124


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (“HAKBANG” SA PAGGAWA)


Piliin ang mga susing salitang angkop na ilagay sa bawat bakas ng hakbang ng mga
paa sa ibaba. Sa tulong ng mga susing salita na iyon ay isa-isahin ang
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng proyektong panturismo, ang
travel brochure.

TRAVEL
BROCHURE

www.clipartbest.com/cliparts/nCE/Kxn/ncEKxnpcA.jpeg

Burador Pananaliksik Larawan

Upang makabuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo


(travel brochure), kailangang magsagawa ng pananaliksik nang maraming
maibahagi tungkol sa lugar na itatampok sa nasabing proyekto.
Pagkatapos ay piliing mabuti ang mga larawan. At maaari nang gumawa
ng burador na magsisilbing gabay upang mapadali ang pagsasagawa ng
aktuwal na travel brochure.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (BE A RESEARCHER)


Matapos matalakay ang mga hakbang sa pagsasagawa ng makatotohanang
proyektong panturismo, sasamahan ng guro ang mga mag-aaral sa silid-aklatan
upang maghanap at magsaliksik ng mga impormasyon sa makatutulong sa kanila sa
isasagawa nilang travel brochure.

GAWAIN SA LOOB NG SILID- AKLATAN

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga halimbawa ng mga travel brochure. Magdala ng kopya ng


nasaliksik na brochure.
2. Maghanap na rin ng mga larawang maaari mong magamit sa susunod na mga
araw sa pagbuo ng isang travel brochure ng Mindanao.

Unang Markahan | 125


LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ij-6)


 Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo
(halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure).

II. PAKSA

Pagsusuri ng Isang Promo Coupon o Travel Brochure


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (AIRPLANE MODE)


Magkakapit ang guro sa pisara ng larawan ng eroplanong may banner. Sa loob
ng banner na iyon ay isusulat ng mga mag-aaral ang mga lugar na pangarap
nilang puntahan sa loob man o labas ng bansa.

https://goo.gl/images/6arGAV
Gabay na Tanong:
a. Bakit nais mong makarating sa bansang iyong napili?
b. Sinong isasama mo kung sakaling mabigyan ka na ng pagkakataong makapunta
sa bansang iyon? Bakit?
c. Ano ang maaaring makatulong sa iyo na magsisilbing gabay mo upang malaman
ang magagandang tanawin sa lugar na nais mong puntahan o kaya nama’y ang
mga maaari mong gawin sa lugar na iyon?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

Unang Markahan | 126


2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano mas makahihikayat ang isang travel brochure?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (LET’S SEE WHAT YOU’VE GOT)


Bahagi ng naging takda ng mga mag-aaral ay ang pagdadala ng mga halimbawa ng
travel brochure na kanilang nasaliksik. Hahayaan ang mga mag-aaral na ipakita ang
mga dala nilang travel brochure sa kanilang mga kaklase.
Pag-uusapan nila ang mga napansin nila sa mga brochure na kanilang nasaliksik.

4. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (SURIIN NATIN)


Ang guro ay may ipamamahaging mga promo coupon o kaya’y travel brochure sa
bawat pangkat. Susuriin ng pangkat ang napabigay sa kanilang promo coupon o
travel brochure batay sa detalye na ipamamahagi rin ng guro.

Impormasyon: ____________________ Impormasyon: ____________________


Mga Larawang Ginamit: _____________ Mga Larawang Ginamit: _____________
Mga Salitang Ginamit: ______________ Mga Salitang Ginamit: ______________
Kulay:___________________________ Kulay:___________________________
Kabuong Dating: __________________ Kabuong Dating: __________________

Impormasyon: ____________________ Impormasyon: ____________________


Mga Larawang Ginamit: _____________ Mga Larawang Ginamit: _____________
Mga Salitang Ginamit: ______________ Mga Salitang Ginamit: ______________
Kulay:___________________________ Unang Markahan | 127
Kulay:___________________________
Kabuong Dating: __________________ Kabuong Dating: __________________
https://goo.gl/images/IghvSfhttps://goo.gl/images/yrx5v2https://goo.gl/images/14Jddrhttps://goo.gl/images/SbOq7e

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan ng
5. Pagtatanghal ng pangkatang gawain Mahusay Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o kaisipan
Organisasyo nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o na nais iparating sa
n kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais manonood (1)
ng mga iparating sa manonood (3) iparating sa
Kaisipan manonood (4) manonood (2)
o Mensahe
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat pangkat sa ginamit ng sa presentasyon (0)
sa presentasyon presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon(1)
Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat miyembro pagkakaisa ang bawat miyembro sa
Kooperasyon bawat miyembro sa sa kanilang bawat miyembro kanilang gawain (0)
(3) kanilang gawain (3) gawain (2) sa kanilang
gawain (1)

6. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

7. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng


kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro

ANALISIS

1. Nakatulong ba ang mga mahahalagang impormasyong tinalakay noong


nakaraang aralin upang masuri nang maayos ang mga travel brochure o promo
coupon na naibigay sa inyong pangkat?
2. Sa inyong palagay, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin ng
isang travel brochure o promo coupon upang mas makaakit ng turista?
3. Ano ang malaking gampanin ng pananaliksik ng mga impormasyong ilalagay sa
isang brochure?
4. Gaano kahalaga ang paglalagay ng pagkilala o citation sa mga kinuhang datos
mula sa iba’t ibang sanggunian?
5. Bakit pormal ang salitang kailangang gamitin sa proyektong panturismo?
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (TIKET NG KAALAMAN)

Unang Markahan | 128


Aayusin ang mga salita sa loob ng “Airline Ticket” upang mabuo ang pangunahing
konsepto ng aralin.

mas makahihikayat at mga larawan

ang travel brochure

sa tulong ng mga tamang impormasyon

sa mga turista

https://goo.gl/images/D3ckAo

Mas makahihikayat ang travel brochure sa mga turista sa tulong ng mga


tamang impormasyon at mga larawan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (SUGGESTIONS PLEASE)


Magbibigay ng suhestiyon ang mga mag-aaral sa katanungan ng guro.

Batay sa naging pagsusuri ng bawat pangkat sa naunang gawain, ano


pang mga mungkahi ang inyong maidaragdag upang mas mapaganda ang
isasagawa ninyong travel brochure?

IV. KASUNDUAN

1. Balikang muli ang mga hakbang at panuntunan sa pagsasagawa ng isang


proyektong panturismo. Siguraduhing sapat na ang iyong mga datos at mga
larawang kakailanganin sa gagawing travel brochure.
2. Humanda para sa paggawa ng burador ng iyong travel brochure.

PAUNLARIN
I.LAYUNIN

Unang Markahan | 129


WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Ij-6)
 Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng
isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo.

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7EP-Ij-6)


 Nailalahad ang mga hakbang na ginawa sa pagkuha ng datos kaugnay ng
binuong proyektong panturismo.

II. PAKSA

Pagbuo ng Burador ng Travel Brochure


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehya: (SINETCH ITEY)


May ipapakita ang guro na isang malabong larawan ng isang kilalang tao na
inirerespeto ng buong bansa sa kasalukuyan. Sa oras na mahulaan ay bibigyan ng
katangian ng mga mag-aaral ang nasabing persona. Kailangang maiugnay ng mga
mag-aaral ang katangian niyon sa mga nagawa nito sa lalawigang pinagmulan.

2. Pagtalakay sa Gagawing Burador sa tulong ng GRASPS

GOAL: Nabubuo ang burador ng proyektong panturismo.

ROLE: Ikaw ay isang advertising executive sa isang kompanya.


Unang Markahan | 130
AUDIENCE: Mga turista na nais makarating sa Mindanao

SITUATION: Nais nang makita ng lupon mula sa Departamento ng


Turismo ang ginawa mong “template” o “framework” ng
proyekto na ipinagkatiwala nilang ipagawa sa iyo. Kailangan
mong ipasuri sa kanila ang iyong natapos.
.
PRODUCT: Proyektong Panturismo (Travel Brochure)

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Napakahusay ng Mahusay ng Di-gaanong mahusay
pagkaguhit ng burador pagkaguhit ng burador ang pagkaguhit ng
NILALAMAN
(4)
ng gagawing travel ng gagawing travel burador ng gagawing
brochure. brochure.. travel brochure.
(5) (3) (1)
Lubos na naging Maayos ang Di-gaanong maayos
TIMBANG NA maayos ang pagkakalagay ng mga ang pagkakalagay ng
GAMIT NG
pagkakalagay ng mga larawan ayon sa mga larawan ayon sa
LARAWAN AT
MGA SALITA larawan ayon sa iginuhit iginuhit na burador. iginuhit na burador.
(3) na burador. (2) (1)
(3)
Lubos na maayos at Maayos at kaakit-akit Hindi gaanong kaakit-
KABUOANG kaakit-akit ang kabuong ang kabuong dating akit ang ginawang
DATING dating ng ginawang ng ginawang travel travel brochure ng
(3) travel brochure. brochure. mag-aaral.
(3) (2) (1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga ginawang burador ng bawat mag-aaral.

4. Pagbibigay-puna sa ginawang burador ng mga mag-aaral.

IV. KASUNDUAN

1. Dalhin ang mga datos o impormasyong nakalap tungkol sa Mindanao na


gagamitin sa bubuoing travel brochure.
2. Piliing mabuti ang mga larawang gagamitin.
3. Dalhin ang mga sumusunod:
a. long board paper/ long coupon bond
b. mga pangkulay
c. mga pandisenyo

ILIPAT
I.LAYUNIN

Unang Markahan | 131


PAGSULAT (PU) (F7PU-Ij-6)
 Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7EP-Ij-6)


 Nailalahad ang mga hakbang na ginawa sa pagkuha ng datos kaugnay ng
binuong proyektong panturismo.

II. PAKSA

Pagbuo ng Proyektong Panturismo


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 3 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (MAGLAKBAY TAYO)


May ipapanood ang guro sa mga mag-aaral na isang video clip tungkol sa
Mindanao. Maaari ring magtala ng mahahalagang impormasyong makakalap sa
inyong napanood na maaaring magamit sa gagawing travel brochure.

WOW MINDANAO
https://youtu.be/TMK7GRGh_nQ

2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong


panturismo.
ROLE: Ikaw ay isang advertising executive sa isang kompanya.
Unang Markahan | 132
AUDIENCE: Mga turista na nais makarating sa Mindanao

SITUATION: Kinausap ka ng Departamento ng Turismo sa Mindanao


upang bumuo ng travel brochure na makapang-aakit ng
mga turista upang dalawin o pasyalan ang iba’t ibang lugar
sa Mindanao.

PRODUCT: Proyektong Panturismo (Travel Brochure)

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Ang mga larawan at Ang mga larawan at Ang mga larawan at
datos o impormasyon ay impormasyon ay impormasyon ay hindi
NILALAMAN
(4)
buhat sa masusing kinuha lamang sa gaanong sinaliksik ng
pananaliksik. iisang sanggunian. mga mag-aaral.
(5) (3) (1)
Lubos ang paggamit ng May ilang mga Hindi gaanong
PAGGAMIT NG pormal na mga salita sa salitang di-pormal ang mahusay ang naging
SALITA ginawang travel nakita sa ginawang pagpili ng mga
(3) brochure. travel brochure. salitang ginamit.
(3) (2) (1)
Lubos na maayos at Maayos at kaakit-akit Hindi gaanong kaakit-
KABUOANG kaakit-akit ang kabuong ang kabuong dating akit ang ginawang
DATING dating ng ginawang ng ginawang travel travel brochure ng
(3) travel brochure. brochure. mag-aaral.
(3) (2) (1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapakita ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa Lungsod ng Batangas. Gumawa


ng mini-travel brochure hinggil sa mga impormasyong nakalap.
2. Humanda para sa Mahabang Pagsusulit.

SANGGUNIAN
Aklat

Unang Markahan | 133


PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.
Pagtitipon ng mga Akdang Batangueño mula sa disertasyon ni Amelita Javier

Internet

http://www.gmanetwork.com/news/story/334614/publicaffairs/imbestigador/mga-batas-
na-nangangalaga-sa-kapakanan-ng-mga-hayop
http://muslim-academy.com/the-right-understanding-of-the-islamic-culture/#more-1897
http://www.gmanetwork.com/news/story/334614/publicaffairs/imbestigador/mga-batas-
na-nangangalaga-sa-kapakanan-ng-mga-hayop

Videos

https://www.youtube.com/watch?v=_npfDhFfaBM
https://www.youtube.com/watch?v=az0Ab_AInS8
https://www.youtube.com/watch?v=nwGOIlLYys8
https://www.youtube.com/watch?v=IbGAqbmkYfg
https://www.youtube.com/watch?v=gUdTdSgW9dc
https://www.youtube.com/watch?v=i-7nsjrUjys
https://www.youtube.com/watch?v=hMB2X9V8SBY
https://www.youtube.com/watch?v=ySW32bhEhrg
https://www.youtube.com/watch?v=gHlJ_WiafAk
https://www.youtube.com/watch?v=oIhFBqm_kT0
https://www.youtube.com/watch?v=zFXpRMCAhn8
https://www.youtube.com/watch?v=vqOoVQLZp_s
https://www.youtube.com/watch?v=ICn3_tRVGT0
https://www.youtube.com/watch?v=MqnYj4__51s
https://www.youtube.com/watch?v=JqvQYIII2bM
http://youtu.be/kocoCZI-QYO
https://youtu.be/iy_8TdfvJWs
https://youtu.be/7fa5qzb0Bc
https://youtu.be/TMK7GRGh_nQ

MGA MANUNULAT
DIONA P. GAYETA
Teacher III
Batangas National High School

Unang Markahan | 134


Tserman

LUZ G. HERNANDEZ
Master Teacher I
Batangas National High School
Katulong na Tserman

Mga Miyembro:

PATRICIA M. PLATA KATHERINE D. UMALI


Teacher III Teacher I
Batangas National High School Batangas National High School

ALLAN M. AGUILAR
Teacher I
Conde Labac National High School

MGA KONSULTANT:

RECELY L. PAPA
Head Teacher VI, Filipino Department
Batangas National High School

GENERIEGO O. JAVIER
Education Program Supervisor I, LRMDS
Division of Batangas City

EDERLINDA L. LONTOC
Education Program Supervisor I, FILIPINO
Division of Batangas City

Unang Markahan | 135

You might also like