You are on page 1of 7

DAUSIN, NATHANIEL IVAN T.

BEED – 2B

II. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK SA NAGBABAGONG PANAHON

Talagang napakahalaga ang modernong pananaliksik dahil makakapagbigay impormasyon ito ukol sa
kasaysayan ng modernong panahon natin ngayon. Malalaman natin kung anu na pala ang mga nagbago sa ating
mundo na di pa natin namamalayan ang kaibahan at pinakabagong mga impormasyon nito. Dahil sa pananaliksik
ay matutulungan tayong kumilos na naaayon sa bagong impormasyong nalalaman natin. Makakabuti din ito lalo na
sa mga taong wala ng panahon upang malaman ang mga dapat gawin sa buhay, dahil sa sobrang busy sa kanilang
mga hanapbuhay. Sa pamamagitan ng pananaliksik ay malalaman natin kung anu na ang mga pangyayari sa buong
mundo o naging may pagbabago ba sa ekonomiya o may pag-unlad ba sa kalakalan.

A. AKADEMIKONG PANANALIKSIK
Isang akademikong gawain na maaaring pang-indibidwal at panggrupong gawain na nagangailangan ng
ibayong kasanayan, tiyaga sipag at didiplina. Pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon at
paglutas ssa isang suliranin. Isang masuing pagsisiyasat at pagsusuri ng mga konsepto, bagay, isyu, ao at
iba pang naisbigyang linaw, patunayan o pasubalian. “Isang maingat, mapanuri, displinadong pamamaraan
ayon sa kalakasan at kalagayan ng suliranin na itutuon para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin”
(Good) “Isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat tungkol sa isang bagay sa layuning sagutin ang ilang
katanungan ng pananaliksik” (Parel) “Isang pagtatangkang makakuha ng kalutasan sa mga suliranin. Sa
katiyakang lilikom ngmga datos sa isang mahigpit at kontroladong kalagayan sa layuning makapaghinuha o
makapagpaliwanag” (Treeceat Truce)

o MGA TERMINOLOHIYANG GAMIT SA PANANALIKSIK


Ito ay mga salita ng ginamit sa pananaliksik at magbibigay kahulugan sa punong ideya ng pag-aaral. Dito
matutugunan ang katanungan ukol sa kahulugan ng mga mahahalagang salitang
ginamit.

1. Wika- isang bahaging pakikipagtalastasan. Kalipunan ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na bantas
upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. (2017)
2. Pananaliksik- ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.
Isinasagawa ito sa pammagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap
ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga
pamammaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga nappansin o
obserbasyon. (2017)
3. Mag-aaral – siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino.(2017)
4. Pormal na Wika – mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihan
nakapag-aaral ng wika gumagamit ng bokabularyo mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw- araw na
usapan kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelekwal. (2011)
5. Teknolohiya – mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng
mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumutulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.
(2017) Salita – yunit ng wika na nagdala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-
kumulang mahigpit na sama-samang magkakaugnay , at may halagang ponetika. (2017)
6. Wikang Filipino – ang pambanasang wika at isa s amga opisyal na wika ng pilipinas ang Ingles ang isa pa
ayon sa Saligang Batas ng 1982. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facio sa katitihanan na
pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure (sa prinsipyo) itong iba rito. (2017)

Dausin, Nathaniel Ivan T.


DAUSIN, NATHANIEL IVAN T.
BEED – 2B

o KAHULUGAN, KATANGIAN, AT LAYUNIN


- bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa.
- maaaring pang-isahan o kaya’y panggrupo
- sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag oorganisa at
pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
- Aquino – ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impor- masyon
o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan
- Manuel at Medel – ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para
malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan
- Parel – ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong
na ginawa ng mananaliksik
- Treece at Treece – ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga
suliranin; tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon
- Atienza atbp. – (UP) bumuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang matiyaga,
maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto,
kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan

KATANGIAN NG PANANALIKSIK
 Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.
 Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong
mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta.
 Empirikal – Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang
mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
 Pagsusuri – Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
- Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang
- Kwalitatibo – tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro
 Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na
batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
 Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa
lamang ng pag-aaral.  Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong
pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring
naganapna o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng
suliranin sa isasagawang pag-aaral.Mananaliksik – may mga tungkulin at responsibilidad na
dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa gagawing pananaliksik.
Layunin ng Pananaliksik
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preservasyon at pagpapabuti ng
kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nina Good at
Scates (1972), “The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.”

Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga tiyak ng pananaliksik ay ilan sa mga
sumusunod: Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang
penomena.

Dausin, Nathaniel Ivan T.


DAUSIN, NATHANIEL IVAN T.
BEED – 2B

o ORYENTASYON NG MGA PILIPINO SA PANANALIKSIK

paraan kung papaano gagawin ang pananaliksik sa diwang Pilipino ng datos ay


may oryentasyong kanluran at hindi angkop sa pag-iisip

Matagal na ring tinatalakay kung bakit nalilihis ang landas ng mga Pilipinong mananaliksik patungong
kaalaman ukol sa diwang Pilipino at kung papaano ito maitutuwid. Madalas sabihing:

Gumamit ng sariling wika; Pahalagahan ang katutubong kultura; at Iwaksi ang mapagkumbabang


pagtingala sa kanluraning kultura na nagsisilbing balakid sa pagtarok ng kaalaman tungkol sa katutubong
kultura. Kailangan ring paunlarin ang paraan kung papaano gagawin ang pananaliksik sa diwang Pilipino.

o MGA MANANALIKSIK AT MGA URI NG PANANALIKSIK


Basic Research

Ang resulta ng tinatawag na basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din
ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa
kasalukuyan. Ang sumusunod ay halimbawa ng basic research:

 pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng


Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid

 pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila

 pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan- ng mga kabataan sa isang
barangay 
Action Research

Ang action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot


ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang
resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik. Ang mga
halimbawa nito ay ang sumusunod:

 pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang
inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa
mga gawain

 pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga


estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance

 pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga
estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong paaralan.
Applied Research

Dausin, Nathaniel Ivan T.


DAUSIN, NATHANIEL IVAN T.
BEED – 2B

Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon. Ang mga
halimbawa nito ay ang sumusunod:

 pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan

 pananaliksile kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baitang
sa isang paaralan

 pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad.

o MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

 Panimula – mababasa dito ang presentasyon o paglalahad ng suliranin. Binabanggit din sa bahaging
ito ang saklaw ng pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral.

 Paglalahad ng Suliranin – makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag- aaralan. Bukod
dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na kailangang masagot sa sulating pananaliksik.

 Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral – tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-
aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.

 Batayang Konseptwal/Teoretikal – ipinaliwanag ni Kerlinger na ang teoretikal/ konseptwal na


balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na
konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng
phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.

 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralan – inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang
tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at kalian ito gagawin. Ipinaliwanag nina
Sevilla atbp. na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng pagsisiyasat na makaiimpluwensya sa
resulta ng pag-aaral na maaaring makasama subalit di na ito kontrolado ng mananaliksik.

 Kahulugan ng mga Katawagan – may dalawang paraan.

- Konseptwal na Pagpapakahulugan – (ayon kina Sevilla atbp.) matatagpuan sa mga


diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan ng
maraming tao.

- Operasyonal na Pagpapakahulugan – (ayon kay Kerlinger) eksperimental at nasusukat

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Dausin, Nathaniel Ivan T.


DAUSIN, NATHANIEL IVAN T.
BEED – 2B

Pamantayan sa paghahanap ng mga datos na kailangan sa pananaliksik:

- Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.

- Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.

- Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon sa paksa.

 PAMAMARAAN

- Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disensyo o metodolohiya sa pagsasagawa ng


pananaliksik na maaaring palarawan, historikal o kaya’y eksperimental. Ipinapakita rin dito ang
paraan ng pagkuha ng datos gaya ng pagbuo ng talatanungan, pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid
o case study.

 PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

- Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik.

 PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDAYON

- Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang ang mga
mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilahad ang konklusyon sa pag-aaral na ginawa.

o MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PAMANAHONG PAPEL/PANANALIKSIK


MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PANANALIKSIK
 PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA – dapat isaalang-alang ng mananaliksik na makatutulong ang paksang
mapipiling pag-aaralan. Ayon kina Atienza atbp., mahalaga na sa simula pa lamang ay limitahan na ang
napiling paksa upang hind imaging masyadong masaklaw ang pag-aaral at pagtalakay na gagawin dito.
Batayan sa Paglilimita ng Paksa:
- Panahon
- Edad
- Kasarian
- Pangkat na Kinabibilangan
- Anyo/Uri
- Perspektibo
- Lugar
 PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYON
 GAMIT NG DOKUMENTASYON
- Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon
- Paglalatag ng katotohanan ng ebidensya
- Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel
- Pagpapalawig ng ideya
 Content notes – talang pangnilalaman
 Informational notes – talang impormasyonal
 Mga Sistema ng Dokumentasyon

Dausin, Nathaniel Ivan T.


DAUSIN, NATHANIEL IVAN T.
BEED – 2B

- Footnote-bibliography (Sistemang talababa-bibliograpiya) – karaniwang ginagamit sa larangan ng


humanidades at agham panlipunan. Pansining mabuti ang mga ss:
 Paglalagay ng superscript – Ang superscript ay isang nakaangat na numerong Arabiko.
Inilalagay ito pagkatapos ng salita, grupo ng salita, pangungusap o taltang naglalaman ng
hinalaw na ideya o nais bigyang-diin.
 Pagnunumero ng tala
 Pagbabantas
 Indensyon – limang espasyo sa kaliwa, sunod ang superscript, sunod ang isang espasyo at
kasunod ang mg impormasyong bibliograpikal
 Unang Pagbanggit sa mga Sanggunian - ibinibigay dito ang kumpletong
impormasyong ibiliograpikal. Isinasama ang mga ss:
 Kumpletong pangalan ng awtor
 Pamagat ng aklat
 Editor/Tagasalin
 Edisyon
 Bilang ng tomo
 Lungsod o bansa ng publikasyon
 Tagapaglimbag
 Petsa ng Publikasyon
 Bilang ng tiyak na tomo na ginamit
 Pahina
 Muling Pagbanggit sa Sanggunian
 gumagamit ng mas maikling pormat: huling pangalan ng awtor at pahina
 kung may dalawa o higit pang sanggunian: huling pangalan ng awtor,
pinaikling pamagat at pahina
 kung walang nakalagay na awtor: banggitin lamang ang pamagat ng
aklat/artikulo at pahina
 kung mahigit sa isang awtor: banggitin ang hanggang 3 pangalan ng awtor.
Kung may higit sa tatlong awtor: banggitin ang unang pangalan at isunod ng
et. al.
 kung may mga awtor na magkatulad ang huling pangalan: banggitin ang
unang pangalan o inisyal
 kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may maraming tomo: isama ang
bilang ng tomo na pinagkunan ng impormasyon
 Pagdadaglat na Latin
 Ibid – ginagamit sa magkasunod na banggit ng iisang sanggunian
 Op. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang isang sanggunian ngunit
hindi magkasunod
 Loc. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang isang sanggunian at pahina
ngunit may pumapagitnang ibang sanggunian
 Tala (Endnotes) - pinagsama-sama sa katapusan ng papel.
 Parenthetical-reference list (Sistemang parentetikal-sanggunian) – paglalagay ng mga impormasyong
bibiliograpikal sa loob ng parenthesis na nasa teksto mismo. Karaniwang ginagamit sa larangan ng agham.
Pormat ng Talang Parentetikal:
- Apelyido o pinaikling pamagat
- Pahina
Iba pang alituntunin:
- Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto.
- Kung higit sa isa ang awtor: banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor.
- Kung may apat o higit pang awtor: banggitin lamang ang apelyido ng una at sundan ng et. al.

Dausin, Nathaniel Ivan T.


DAUSIN, NATHANIEL IVAN T.
BEED – 2B

- Kung pamagat lamang ang naibigay: banggitin ang pinaikling bersyon at pahina
- Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang tomo: banggitin ang tomo
(tutuldok ang maghihiwalay sa tomo at pahina)
- Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor: banggitin na lamang ang
akda.
 PAGSULAT NG BURADOR
 PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK

Dausin, Nathaniel Ivan T.

You might also like