You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin sa Filipino Baitang 7

Ikaapat na Markahan

I. Mga Layunin:
Sa loob ng 60 na minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga larawan sa kuwento sa Ibong Adarna gamit ang Picture Mo, Show
Mo!;
b. nailalahad ang kahalagahan ng kuwento sa Ibong Adarna sa pamamagitan ng Kuwento
Mo. Ibahagi Mo!; at
c. nasasagot nang wasto ang mga tanong gamit ang Heartsu o Awtsu.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Ibong Adarna
Sanggunian: Baisa-Julian et.al., (2017). Pinagyamang Pluma 7 (K to 12)., Phoenix
Publishing House, Inc. 927 Quezon Avenue, Quezon City.
Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, at laptop

III. Pamamaraan:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda
Panimulang Gawain
Lahat tayo ay magsitayo para sa panalangin.
Panimulan mo Mark. Ama naming bukal at tagapagtaguyod ng
karunungan
Dakilang pinagmulan ng lahat at Siyang tamang
daan.
Nawa’y tanggapin ang aming pasasalamat sa
iyong mga biyaya
At buong pusong paghingi ng kapatawaran sa
aming mga nagawang pagkakasala sa Iyo at sa
aming kapwa.
Gabayan Ninyo po kami sa aming mga gawain
sa araw-araw
Bigyang lakas at husay sa pagharap sa bawat
pagsubok ng buhay
Habang nananatiling nagpupunyagi at
nagsusumikap
Para sa ikauunlad ng aming sarili at pamayanan
At para sa ikararangal ng aming Paaralan at ng
bansang Pilipinas. Amen.

Bago tayo magsimula, narito ang ating


alituntunin. Una, bago pumasok sa klase,
siguraduhing naka-mute ang inyong miktinig, i-
unmute ito kung kayo ay sasagot. Ikalawa,
hangga’t maaari, panatilihing naka-ON ang
camera. Ikatlo, gamitin ang raise hand button
kung nais sumagot. Ikaapat, makinig nang
mabuti sa lahat ng oras upang lubusang
maunawaan ang talakayan. Malinaw ba?
Opo, Ma’am.

Kumpleto ba ang lahat? Opo, Ma’am.

Magandang buhay! Mabuting tao!

Kumusta kayo? Mabuti po.

Kayo ba ay nasisiyahan at nasasabik sa Opo. Ma’am!


panibagong kaalaman ngayong araw na ito?

Dahil alam na natin ang pakiramdam ng bawat


isa, tara na’t lakbayin ang obra maestrang Ibong
Adarna!

B. Paghahawan ng Balakid
Halina’t alamin muna natin ang salita ngayong
araw.

Panata na ang ibig sabihin ay sumpa o pangako.

Isang halimbawa ng pangungusap ay ang,


“Mula ng ako’y maulila sa akin pong ama’t ina,
pitong taon kong panatang mamuhay nang
mag-isa.”
- Donya Leonora

Ang ginamit ni Donya Leonora na panata ay


nangangahulugang sumpa o pangako. Maaari
ba kayong magbigay ng sariling pangungusap?
Sige Red.
Panata ko sa kanya na magbabago na ako.
Salamat, Red. Sino pa ang nais magbahagi?
Sige, Ley. Ang panata niyang babalik siya sa akin ay hindi
niya tinupad.

Salamat, Ley. Mayroon pa bang nais


magbahagi? Wala na po.

C. Pagbabalik-aral
Kung gayon, dumako muna tayo sa nakaraan ng
Ibong Adarna Serye. Magbalik-tanaw tayo sa
Natalakay po natin dito ang pagbaba sa balon ni
kuwento. Sino ang nais sumagot? Sige, Renz.
Don Juan upang makita kung ano ang nasa loob
nito. Laking gulat niya na may palasyong
napakaganda.

Magaling. Salamat. Sino ang nakita niyang isang


binibini doon? Sige, Kent.
Si Donya Juana po, Ma’am.

Tama, salamat. Ano ang naging reaksyon ni Don


Juan nang makita niya Si Donya Juana? Sige,
Kyle. Siya po ay nabighani sa kanyang ganda. Iniligtas
din po niya si Donya Juana sa kamay ng higante.

Magaling! Salamat. Ngunit may isang kahilingan


pa sana si Donya Juana kay Don Juan. Nais din Siya po si Donya Leonora. Isang serpyenteng
niyang iligtas ang kapatid nito. Sino siya? Sige, may pitong ulo po ang nagbabantay sa kanya.
Rose. Ngunit ito po ay hindi naging handlang upang
sumuko sa pagsagip sa kanya. Kaya naman,
matagumpay po niyang nailigtas si Donya
Leonora.

Siyang tunay! Salamat. Pagkatapos, nang sila Nakalimutan po niya ang singsing na bigay sa
ay papauwi sa Berbanya, may nakalimutan si kanya ina. Naiwan niya ito sa lamesa.
Donya Leonora. Ano ito? Sige, Alex.

Ano ang ginawa ni Don Juan? Sige, Toni.


Muli siyang bumalik sa balon upang kunin ang
singsing. Subalit, hindi pa man siya nakaaabot
ay pinutol na ni Don Pedro ang lubid.

Ano ba ang namayani kay Don Pedro kung bakit


niya iyon ginawa kay Don Juan? Sige, Rex.

Tama. Salamat. Bunga po ng inggit sa kanyang bunsong kapatid.

D. Pagganyak
Batid ko ay handa na kayo para sa ating
susunod na kuwento! Narito ang dapat nating
matamo ngayong araw na ito sa kasanayang
pampagkatuto at KODA (MELCs): Nasusuri ang
damdaming namamayani sa mga tauhan sa
pinanood na dulang pantelebisyon/pampelikula.

Handa na ba kayo?
Opo, Ma’am!

Sige, simulan natin sa isang gawain na


pinamagatang “Linyahan Ko, Gayahin Mo!”
Bigyan ng tuon at pansin ang video clip na aking
ipapakita. Ang mga linyang ito ay inyong
gagayahin. Pagkatapos ay sasagutin natin ang
mga gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang napanood o linyang
binitawan ng mga karakter?
2. Sa palagay mo, ano-anong uri ng pag-ibig
ang naipakita?
Malinaw ba?
Opo, Ma’am.

Sige, simulan na natin! Ang tagpong ito ay


nagmula sa palabas sa GMA na pinamagatang
“Anak ni Waray VS Anak ni Biday.”

(Pagpapakita ng video clip)

Sino ang may lakas ng loob na gayahin?


Kailangan ko ng dalawang representante. Sige,
Alex at Toni.

Ginalyn: Sana mapatawad mo ‘ko sa nangyari


sa atin nila Kokoy.
Mia: Wala na sa’kin ‘yon basta ang mahalaga
magkasama tayo bilang magkapatid kasama
natin sila daddy, si nanay, si mommy, di ba
Tishi?

Magaling! Maraming salamat! Bigyan sila ng


tatlong palakpak! Ang susunod na video clip ay a
tagpo mula sa isang pelikula na pinamagatang,
“Anak.”

(Pagpapakita ng video clip)

Sino ang nais maging ina? Sige, Rose.

Mahusay! Maraming salamat! Bigyan sila ng


tatlong palakpak!
Josie: Naintindihan kita, I’m sorry.

Para sa ating huling video clip ay tagpo mula sa


pelikula na pinamagatang, “Barcelona.”

(Pagpapakita ng video clip)

Sino ang nais sumubok? Kailangan ko ng


dalawang representante. Sige, Daniel at Kath.

Ely: Mia, mahal kita.


Mia: You don’t have to. Huwag mo kong mahalin
dahil mahal kita, mahalin mo ko dahil mahal mo
ko because that is what I deserve.
Mahusay! Maraming salamat! Bigyan sila ng
tatlong palakpak!

Ngayon, muli nating balikan ang mga gabay na


tanong:

1. Tungkol saan ang napanood o linyang Tungkol po sa pag-ibig.


binitawan ng mga karakter?
Sige, Ken.

Tama, salamat. Sunod na tanong:


2. Sa palagay mo, ano-anong uri ng pag-ibig
ang naipakita?
Sige, Irish.
Pag-ibig po sa pamilya, kapatid, ina, at
kasintahan po.

Siyang tunay!

E. Paglalahad
Tumungo na tayo sa ating talakayan na
pinamagatang “Picture Mo, Show Mo!”
Magpapakita ako ng mga tagpo at titignan natin
kung ano nga ba ang mga pangyayari sa mga
tagpong ito. Malinaw ba?
Opo, Ma’am.

Para sa unang tagpo, ano kaya ang inyong


napansin? Ano ang nangyari kay Hating
Fernando? Sige, Carla. Ma’am, ang napansin ko po kay Haring Fernando
ay siya’y nanaginip muli.

Tama. Salamat. Sino ang kanyang


napaniginipan? Ano kaya ang posibleng
nangyari sa taong nasa panaginip ng hari? Sige, Si Don Juan po Ma’am ang kanyang
Lloyd. napaniginipan. Mukhang ang panaginip pong ito
ay masama dahil nakatali ang kamay nito.

Tama ang iyong tinuran! Salamat. Anong kayang Pag-ibig po sa anak.


uri ng pag-ibig ang ipinakita dito? Sige, Royce.

Sunod na tagpo. Batay sa larawang ito, ano kaya


Umuwing muli sa Berbanya ang dalawang taksil
ang nangyari? Sige, Kate.
na magkapatid at isinama po nila sina Donya
Juana at Donya Leonora.

Magaling! Batay sa kilos ng magkapatid sa


larawan, ano kaya ang sinasasabi nila kay
Nais po nilang magpakasal sa dalawang binibini.
Haring Fernando? Sige, Kevin.
Si Donya Juana para kay Don Diego at Donya
Leonora para kay Don Pedro.
Mahusay! Pumayag ba sila long-lalo na si Donya
Leonora? Sige, Regine.
Hindi po. Humingi po si Donya Leonora kay
Haring Fernando ng pitong taong panatang
mamuhay nang mag-isa.

Ano ang naging tugon ng hari dito? Sige, Ely. Pinayagan po siya ng hari sa kanyang panata.

Tama. Ano naming uri ng pag-ibig ang ipinakita Pag-ibig po sa kasintahan.


rito? Sige, Ela.

Sapagkat, kaya niyang maghintay nang matagal


Bakit? sa pagbabalik ni Don Juan.

Magaling. Salamat.

Para naman sa pangatlong tagpo. Ano ang Si Don Juan po ay nakahiga sa lupa.
napansin sa larawan? Sige, Carl.

Siya po ay nahulog sa balon dulot ng pagputol ni


Ano kaya ang nangyari sa kanya? Sige, Ralf. Don Pedro sa tali.

Tama. Siya ay nakahandusay na sa kanyang


pinagbaksakan. Sa inyong palagay, Malala ba
Opo, Ma’am.
ang natamong sugat ni Don Juan?

Bakit? Sige, Renz. Dahil po malalim po ang balon at nagkalasoglasog


po ang kanyang mga bato.

Tama. Ano pa ang napansin sa larawan? Sige,


May isang lobo po.
Kent.

Ano kaya ang ginagawa ng lobong ito?


Tutulungan ba niya si Don Juan o gagawing
pagkain? Sige, Shane.
Sa palagay ko po, tutulungang gamutin ng lobo si
Don Juan.

Sang-ayon ba ang lahat sa kanyang sinabi? Opo, Ma’am.


Kung gayon, anong uri ng pag-ibig ang ginawa
ng lobo para kay Don Juan at bakit? Sige, Eli.
Pag-ibig po sa kapwa. Dahil tinulungan po ng lobo
si Don Juan kahit na hindi po niya ito kilala.
Nagmagandang-loob po siya.

Magaling! Salamat. Para sa huling tagpo, ano


ang inyong napansin sa larawan? Sige, Rose.
Umiiyak po si Donya Leonora.

Ano kaya ang nararamdaman niya sa puntong ito


at bakit? Sige, Charles.
Malungkot po dahil siya ay nangungulila sa
kanyang kasintahan.
Anong uri ng pag-ibig ang ipinapakita rito? Sige,
Kyle.
Pag-ibig po sa kasintahan dahil siya ay
nangungulila at nag-aalala sa kanyang
minamahal lalo na’t siya ay hinulog sa balon.

Mahusay! Tama ang iyong tinuran. Karagdagan


pa sa iyong sinabi, siya ay nalulumbay at
umaasang babalik pa ang kanyang irog.

F. Paglalapat
Dumako naman tayo sa isang gawain na
tinatawag na, “Alamin Mo. Damdamin Ko!”
Ngunit bago ang lahat, pamilyar ba kayo sa
pelikula o dulang pantelebisyon na
pinamagatang “Seven Sundays?”
Opo, Ma’am.

Maaari ba kayong magbigay ng kilalang mga


karakter sa pelikulang ito? Ma’am, si Dingdong Dantes po.

Ma’am si Cristine Reyes po.

Kung gayon, ang gagawin lamang natin dito ay


aalamin natin kung ano ba ang namamayaning
damdamin sa mga tauhan o mga karakter batay
sa inyong pinanood. May mga gabay na tanong
na dapat nating masagot:
1. Ano-anong mga damdamin ang
namamayani sa mga tauhan sa pinanood?
2. Nasasalamin ba sa akda ang tungkol sa
wagas na pag-ibig? Paano?
3. Ano-anong aral kaugnay sa buhay at
pagibig ang natutunan mo sa palabas?
4. Paano mo maipadarama ang wagas na
pag-ibig sa mga taong minamahal mo?
Malinaw ba?
Handa na ba ang lahat? Opo, Ma’am.
Opo, Ma’am.
Simulan na natin!

(Pagpapanood ng video clip)

Sige, muli nating balikan ang mga gabay na


tanong at atin na itong sagutin.
1. Ano-anong mga damdamin ang
namamayani sa mga tauhan sa pinanood?

May naiyak ba o kaya’y nainis? Anong emosyon


ang namayani sa inyo? Sige, Carl.

Nainis po ako sa parte na iyan dahil porket may


nagawa mong magtagumpay sa buhay, may
mga tao pa ring manghihila pababa sa iyo.
Ang masakit pa rito, ang mismong pamilya mo
pa ang nanghihila pababa.
Mahusay! Salamat. Sang-ayon ba kayo sa
kanyang sagot?

Sino pa ang gusting magdagdag? Sige, Ley. Opo, Ma’am.

Sang-ayon po ako sa kanyang sagot dahil ako rin


po mismo ay nakararanas ng ganito.
Gayunpaman, mas pipiliin ko na lang din pong
tumulong kaysa sa pansinin ang mga sinasabi
Magaling! Ako ay lubos na sumasang-ayon sa ng ibang tao.
inyong mga kasagutan. Marapat lamang na
huwag pansinin ang mga taong mapanghusga
lalo na ang mga taong pilit kang hinihila pababa.
Bagkus, ituloy lang ang mabuting gawa mo sa
kapwa mo.
2. Nasasalamin ba sa akda ang tungkol sa
wagas na pag-ibig? Paano?

Sige, Micah.
Opo, Ma’am. Sapagkat, ang naipakita po rito
ang iba’t ibang uri ng pag-ibig. Gaya po ng pag-
ibig sa anak at kasintahan. Lalo na po ang
wagas na pagmamahal ni Donya Leonora kay
Don Juan. Handa po siyang maghintay ng
pitong taon, makapiling lang muli ang
minamahal.
Mahusay! Sang-ayon ba ang lahat sa kanyang
ibinahaging sagot?

Sang-ayon din ako sapagkat, wagas talagang


magmahal si Donya Leonora.
Opo, Ma’am.
3. Ano-anong aral kaugnay sa buhay at
pagibig ang natutunan mo sa palabas?

Sige, Avril.

Dapat po ay marunong po tayong magpatawad.


Laging manguna ang pag-ibig sa ating puso at
isipan.
Sang-ayon ba ang lahat?

Opo, Ma’am.
Magaling. Dapat ngang manguna ang pag-ibig
sa ating puso at isipan. Huwag pairalin ang
inggit, bagkus ay maging masaya tayo sa kung
anong mayroon tayo at maging masaya tayo
sa mga tagumpay ng mga taong nasa paligid
natin.

4. Paano mo maipadarama ang wagas na


pag-ibig sa mga taong minamahal mo?

Sige, Cris.

Para sa akin po, ang pag-ibig ay unibersal. Hindi


lamang po ito limitado sa magsing-irog. Kagay
po ng natalakay kanina, may pag-ibig po sa
magulang at anak. Maaari pong maipadama sa
mga simpleng bagay, gaya ng kumustahan sa
bawat isa o kaya naman po ay pagtulong kapag
walang-wala ka na.
Mahusay! May gusto pa bang magdagdag? Wala na po.

G. Paglalahat
Para sa ating susunod na gawain, na
pinamagatang, “Gusto Mo ‘Yun. Gusto Ko ‘Yun!”
na pinasikat ni Lloyd Cadena. Mula sa ating
talakayan, ano ang iyong nagustuhan? Bago
banggitin ang sagot, sabihin muna ang “gusto
mo ‘yun, gusto ko ‘yun!” Malinaw ba?

Opo, Ma’am.
Sige, Carla.

Gusto mo ‘yun, gusto ko ‘yun! Ang bahaging


handang maghintay si Donya Leonora sa
kanyang minamahal na si Don Juan kahit
umabot man ito ng pitong taon.

Salamat. Sino pa? Sige, Ethan. Gusto mo ‘yun, gusto ko ‘yun! Ang bahagi na
kung saan parang napahiya si Don Pedro dahil
hindi pinayagang magpakasal sila ni Donya
Leonora.

Mayroon pa bang nais magdagdag? Wala na po.

H. Pagpapahalaga
Ngayon naman, nais kong kayo ay magbahagi
ng inyong kuwento. Narito ang mga gabay na
tanong:
1. Ikaw, naranasan mo na bang magmahal?
Sige, Ley. Opo, Ma’am. Mahal na mahal ko po ang lolo ko.
Siya po kasi ang nag-alaga sa akin simula po
noong bata pa po ako. Kaya naman, tuwing
kaarawan po niya, binibilhan ko po siya ng maliit
na regalo.

Napakalambing naman pala ni Ley sa kanyang


lolo.

2. Nakikita mo ba ang sarili mo sa isa sa mga Opo, Ma’am. Lalo na po si Don Juan. Wagas po
tauhan sa akda? ang pagmamahal niya sa kanyang magulang,
Sige, Ash. kapatid, kasintahan, at maging sa Diyos.
Talaga nga namang napakabuting tao ni Don
Juan.

Pareho ba kayo nararamdaman kapag napag-


uusapan ang pag-ibig?
Sige, Ken.

Opo, Ma’am. Dahil Malaki po ang pagkakatulad


naming ni Don Juan. Madali ko pong mapatawad
ang aking minamahal dahil mahal ko po siya.

Ang bilis naman palang magpatawad ni Ken.


Ganyan daw siya magmahal.

Anong aral kaugnay sa pag-ibig ang maibabahagi


mo sa mga kabataang tulad mo?
Sige, Karla.

Manguna po ang pag-ibig sa puso at isipan po


natin. Hayaan po natin ang mga taong humihila
sa atin pababa. Magpokus po tayo sa mga taong
nagmamahal sa atin.
Mahusay!Salamat.Maynaispa bang magbahagi?

Batid ko ay handa na kayo sa ating pagsusulit! Wala na po.

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang salitang HEARTSU kung tama ang pahayag, AWTSU kung ang
pahayag ay mali.
1. Umaasa pa rin si Donya Leonora na babalik si Don Juan.

2. Hindi pumayag si Leonora na magpakasal kay Don Pedro sapagkat siya ay


mayroong panata.
3. Pumayag si Haring Fernando sa gusting mangyaring pagpapakasal ni Don
Pedro kay Donya Leonora at Don Diego kay Donya Juana.

4. Laging inaalala ni Leonora si Don Juan.


5. Nanaginip ng ikalawang panaginip ang hari at si Don Juan pa rin ang laman
ng kanyang panaginip.
V. Takdang-Aralin
Panuto: Basahin ang susunod na kuwento.

You might also like