You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin

sa Pagtuturo ng Aralin Tungkol sa Elemento at Proseso ng Komunikasyon.

I. Layunin:

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Naiisa-isa ang mga elemento o sangkap ng komunikasyon;

2. Naimumungkahi ang mga mabisang paraan upang maging malinaw ang komunikasyon; at

3. Naiuugnay ang mabisang konsepto ng komunikasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.

II. Paksang-Aralin:

A. Paksa: Elemento at Proseso ng Komunikasyon

B. Kagamitan: mga larawan, tsart at musika.

C. Sanggunian: Salazar, Gomez et.al. Wika at Komunikasyon. Batayang Aklat sa Filipino pahina 97
hanggang 99.

D. Pagpapahalaga: Nabibigyang pansin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malinaw at


mabisang komunikasyon upang mapanatili ang maayos na relasyon sa pamilya, kapwa at Diyos.

III. Pamamaraan:

Gawing Guro Gawing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin po G. Fhilip!

Bago tayo magsimula sa ating aralin ay maaaring


tumayo muna tayong lahat para sa ating
pambungad na panalangin.
Opo, G. Fhilip. Sa ngalan ng Ama, Anak....
Maricar, pangunahan mo ang panalangin sa (magdarasal ang bata)
umagang ito.

Bago kayo maupo ay pakipulot muna ang anumang


kalat na mayroon sa ilalim ng inyong mesa at
upuan. Pakitapon ito sa ating basurahan para
maging maaliwalas at maayos tingnan ang ating
silid-aralan.

Ngayon naman ay alamin natin kung mayroon ba


kayong kamag-aral na lumiban sa araw na ito. Sa Wala pong lumiban ngayon.
ating tagatala, isulat mo sa talaan ang pangalan ng
iyong kamag-aral kung may lumiban man.

Muli, magandang umaga sa inyong lahat! Handa


na ba kayong making at matuto? Handang-handa na po!

Gusto ko lamang ipaalala sa lahat ang tungkol sa


ating mga patakaran sa loob ng klasrum para sa
Opo, G. Fhilip. Maliwanag po.
mas maayos na daloy ng ating pag-aaral. Kung
kayo ay may mga katanungan, kahilingan at
paglilinaw ay mangyaring itaas lamang ang inyong
kamay at magtanong. Maliwanag ba ang ating
panuto?

B. Pagganyak

Tayong lahat ay magkakaroon ng bahagi sa ating


gagawing munting laro. Magiging makabuluhan
ang inyong magiging karanasan sa ating gagawin, Sige po, mag-umpisa na po tayo.
kaya umpisahan na natin.

Simple lamang ang panuto na inyong susundin.


Kailangan ninyong maghanda ng isang malinis na
papel at panulat. Dapat maging matapat kayo dahil
kailangan habang isinasagawa natin ito ay
nakapikit ang inyong mga mata. Maliwanag ba? Opo, maliwanag po.

Habang nakapikit ang inyong dalawang mata at Opo, makikinig po kami.


hawak-hawak ang panulat ay kailangan talasan
ninyo ang inyong pandinig at isipan, dahil iisang
boses lamang ang dapat ninyong pakinggan, ang
aking boses.

Mayroon akong hawak na isang bagay pero hindi


ko sasabihin kung ano ang pangalan nito.
Itatanong ko sa inyo kung ano ito sa pamamagitan
ng paglalarawan. Habang kayo ay nakapikit at
mayroong naririnig na musika ay iguguhit naman
ninyo ito sa papel. Tandaan dapat maging
matapat. Mayroon lamang kayong 5 minuto upang
ito ay gawin pagkatapos ay tingnan natin kung ano
ang magiging resulta ng ating laro. Maliwanag ba? Opo, maliwanag po ang gagawin namin.
C. Paglalahad sa Paksa

Mula sa ating simpleng laro ano ang inyong Napansin ko po na kailangan makinig mabuti sa
napansin? Sige Andrew. taong nagsasalita para maging malinaw ang iyong
gagawin.
Magaling Andrew!

Sige, Anthony ano ang iyong napansin?


Para po maging malinaw ang ginagawa, kailangan
po ay walang sa sagabal tulad ng musika at hindi
po nakapikit para po maging tama ang iginuguhit.

Tumpak, may kaugnayan ang iyong sagot!

Ikaw, Jasmine ano ang naobserbahan mo? Salamat po!

Mayroon pong kaugnayan ang aralin sa


komunikasyon, dahil may proseso pong nangyayari
tulad ng pagbibigay tugon sa pamamagitan ng
pagguhit. Mayroon din pong mensahe na nais
iguhit.
Tamang-tama! Magaling ang iyong sagot Jasmine.
May kaugnayan nga sa komunikasyon ang ating
aralin, dahil sa araw na ito ang ating paksa ay
tungkol sa Elemento o Sangkap at Proseso ng
Komunikasyon.

D. Pagtalakay sa Paksa

Ngayon naman ay dumako na tayo sa pagtalakay


sa ating paksang-aralin. Mayroon akong
Inihandang PowerPoint slide presentation para sa
ating aralin.

(Iisa-isahing ilahad ng guro ang mga susing salita


na may kaugnayan sa paksa tulad ng mga sangkap
ng komunikasyon upang ipaliwanag maging ang
proseso nito kung paano nangyayari, at ano ang
mga naging dahilan upang ito ay hindi maging
malinaw, samantala magkakaroon ng pagkakataon
ang mga mag-aaral na magtanong kung may
katanungan at paglilinaw at ito ay buong husay na
tutugunan ng guro.)

Natapos na ang ating pagtalakay sa paksa, ngayon


naman kung wala na kayong katanungan ukol dito Handa na po kami.
ay ako naman ang magtatanong upang masiguro
kung may natandaan kayo at nauunawaan sa ating
aralin. Handa na ba kayo?

Sa inyong palagay, Bakit napakahalaga na pag-


aralan ang tungkol sa komunikasyon? (Magtataas
ng kamay ang mga mag-aaral)

Sige, Rabiya ipaliwanag mo nga sa amin ang iyong Mahalaga po na pag-aralan ito dahil tinutulungan
sagot. po tayo na maintindihan ang mga bagay na may
kinalaman sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.
Magaling! Palakpakan natin siya.

Ikalawang katanungan. Kailan natin ang maaaring


sabihin na naging mabisa ang isang komunikasyon
sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap o higit
pa? (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Farah, sige ibahagi mo ang iyong sagot.


Magiging mabisa po ang isang komunikasyon
kapag po nagkaroon ng malinaw na palitan ng
sagot ang dalawang tao, dahil po kapag malinaw
ang sagot o tugon ang ibig sabihin po ay
Mahusay na mahusay ang sagot. Bigyan natin siya nauunawaan ng kausap ang kanyang sinasabi.
ng masigabong palakpakan!

Mahusay ang naging sagot ni Farah, nakikinig


talaga siya sa talakayan.

Sa inyong palagay paano natin maiiwasan na


maging dahilan ang mga sagabal sa pagkakaroon
ng malinaw na komunikasyon? Ang aking ibig
sabihin ay mga sagabal tulad ng ingay sa paligid,
mahina signal, at iba pang sagabal. (Magtataas ng
kamay ang mga mag-aaral) Maiiwasan po natin ang mga sagabal sa
pamamagitan po ng pagpili sa tamang lugar na
Sige, Joanna ibahagi mo ang iyong sagot sa klase.
hindi po maingay para makapag-usap po nang
maayos. Maaari din po na gumamit po tayo ng
mga alternatibong paraan tulad ng maayos na
pagpapadaa ng text kung may problema po sa
signal na naging dahilan ng putol-putol na tawag.

Tama! Ang Ganda ng iyong sagot Joanna.


Palakpakan natin siya.

Magaling ang sagot ni Joanna, tamang-tama ang


paggamit ng mga alternatibong paraan para
maiiwasan ang anumang sagabal. Sa inyong
palagay paano makatutulong ang mabisang
komunikasyon upang mapatatag ang relasyon
natin sa pamilya? (Magtataas ng kamay ang mga
mag-aaral)
Kailangan po sa pamilya ang pagkakaroon ng
Jennalyn, sige ibahagi mo ang iyong sagot. maayos na komunikasyon dahil nakatutulong po
ito upang tumatag ang samahan ng magkakapatid
at mag-asawa. Sa tulong nito ay naiiwasan ang
anumang problema at napag-uusapan ang
magandang plano para sa pamilya.

Mahusay na mahusay ang iyong sagot Jennalyn.


Palakpakan natin siya.

Kailangan talaga sa pamilya ang malinaw na


komunikasyon, paano naman nito matutulungan
na mapataas ang tiwala natin sa kapwa at ng ating
kapwa mismo sa sarili natin? (Magtataas ng kamay
ang mga mag-aaral)
Kapag po klaro ang usapan sa pagitan ng dalawang
Sige, Marlon pangatwiranan mo ang iyong sagot. magkaibigan mas nagkakaroon po tiwala sa isa't
Isa at magiging maayos ang relasyon sa kapwa.
Ang tiwala po ay nakasalalay sa katapatan ng salita
kaya kailangan po na klaro ang komunikasyon
palagi.

Maganda ang sagot ni Marlon! Palakpakan natin


siya. Paano naman ito makatutulong, ang
komunikasyon para mapalalim ang ating katapatan
sa Diyos? (Magtataas ng kamay ang mga mag-
aaral)

Aldren, ibahagi mo ang iyong sagot.


Importante po ang komunikasyon o ang palaging
pakikipag-usap sa Diyos dahil natutulungan po nito
tayo na mas lumalim sa pagtitiwala sa Kanya at
manatiling tapat sa lahat ng pagkakataon. Kapag
wala po tayong oras sa pakikipag-usap sa Diyos
manghihina po tayo at mawawala sa Kanyang
Tama! Kailangan talaga natin na palaging
presensya.
makapag-usap sa Diyos. Palakpakan natin si
Aldren!

Salamat sa inyong mga matatalinong sagot. Labis


ninyo akong pinahanga. Napakakaganda ng inyong
sagot. Totoo nga na may naintindihan kayo sa
ating aralin.

E. Paglalahat

Ngayon naman bago tayo magkaroon ng isang


pangkatang gawain ay mayroon muna tayong
gagawin na isang Gawain na makatutulong upang
mas mapalalim pa ang ating kaalaman tungkol sa
ating paksang aralin.

Magtatawag ako ng isang mag-aaral na nais


magbuluntaryo para sagutin ang gawain na
makikita ninyo sa ating slide presentation.
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Sige Hannah salamat sa iyong pagbubuluntaryo.

Hannah mayroon tayong lipon ng mga salita rito. Walang anumang po G. Fhilip.
Ang gagawin mo ay simple lamang. Sa tulong ng
mga salita ay bubuo ka ng isang pahayag na may
kinalaman sa pagkakaroon ng mabisang
Opo, maliwanag po at kayang-kaya!
komunikasyon. Bibigyan kita ng 2 minuto para rito.
Pagkatapos ay ibahagi mo ito sa klase. Maliwanag
ba ang panuto?

Sige, umpisahan muna Hannah.

(Narito ang grupo ng mga salita)

pagkakaisa (Bubuo ng isang pahayag ang mag-aaral)

malinaw

kapaki-pakinabang

inspirasyon

pag-asa

pangarap

Magaling Hannah! Salamat sa iyong sagot.


Palakpakan natin siya.

F. Paglalapat

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa tatlong
pangkat sa pamamagitan ng pagbibilang ng Isa,
dalawa, at tatlo. (Magbibilang ang mag-aaral, at
ang bilang ang magsisilbi nilang code para sa
pagpapangkat)
Isa, Dalawa, Tatlo.
Lahat ng kabilang sa unang bilang ay magsama-
sama sa kaliwang bahagi ng ating klasrum,
gayundin ang nasa ikalawang bilang ay sa kanang
bahagi naman, at ang ikatlong bilang ay sa gitnang
bahagi ng ating klasrum. Maliwanag ba ang ating
pagpapangkat.
Opo, maliwanag po.
Bawat pangkat ay magkakaroon ng lider na siyang
tatayo sa unahan upang magpresinta sa klase ng
kanilang mungkahi kung paano gagawing mabisa
ang komunikasyon sa mga sitwasyon na nasa
larawan na pipiliin ng bawat pangkat. Isusulat
ninyo ang mungkahi sa isang malinis na kartolina
kung saan makikita ang larawan. Pagkatapos ng
limang minuto bagyuhang-utak ay maaari nang
ipresinta ito sa harapan ng lider.

Narito ang pamantayan sa inyong gagawing


pangkatang gawain;

Nilalaman 30%

Kaangkupan 30%

Kahandaan sa Pagpipresinta 30%

Pagtutulungan ng mga miyembro sa pangkat 10%

Kabuuan 100%

Nauunawaan ba ang ating pamantayan?

Kung gayon, maaari na kayong magsimula.

Tapos na ang limang minuto. Maaari nang


magsipaghanda ang bawat lider ng pagkat upang
ipresinta sa harapan ang inyong mungkahi. Nauunawaan po namin.
IV. Ebalwasyon:

Tapos na ang ating pangkatang-gawain. Masaya ba


kayo sa mga marka na inyong natanggap?

Kung gayon itago na ang lahat ng inyong mga


gamit maliban sa inyong panulat. Kumuha rin kayo
ng isang malinis na papel para sa ating pagsusulit.
Magsipaghanda ang bawat Isa dahil mayroon
lamang kayong limang minuto upang sagutin ang Opo, masayang-masaya po kami.
mga katanungan;

1. Ano-ano ang mga sangkap o Elemento na


bumubuo sa isang komunikasyon?

2. Magbigay ng isang isang sitwasyong


pangkomunikasyon na hindi naging mabisa dahil sa
pagkakaroon ng sagabal.

Maliwanag ba ang panuto?

Tapos na ang limang minuto pakipasa na ang


inyong papel.
V. Takdang-Aralin:

Basahin at pag-aralang mabuti ang pahina 100


hanggang 102 sa inyong aklat upang makapaghanda
Maliwanag po.
para sa susunod na talakayan.

You might also like