You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino

Ika- 20 ng Enero, ala 7: 30 ng umaga

I. Layunin: sa pagtatapos ng klase ang mga mag- aaral ay inaasahang,


 Natutukoy ang iba’t- ibang dula na nagkamit ng gantimpala sa kasalukuyang
panahon.
 Nakakapagsadula ng mga dula sa kasalukuyan.
II. Paksa
 Paksang Aralin: Ang mga Dula at Teleserye sa Kasalukuyang Panahon
 Kagamitan: pantulong biswal,
 Sanggunian: Teresa Loterena (2017), Ang mga Dula at Teleserye sa
Kasalukuyang Panahon. Retrieved from http://www.scribd.com
III. Pamamaraan:
 Panalangin
 Pagsasaayos ng upuan
 Pagtatala sa mga lumiban sa klase
 Pagbabalik- aral sa mga nakaraang paksa
IV. Hakbang sa Pagtuturo
a) Paglalahad
 Hahatiin ang klasi sa apat na pangkat.
 Bawat pangkat ay babaybayin ang mga salitang ibibigay ng guro.
 Pipili ng isang kalahok ang bawat pangkat upang isayaw ang salitang
babaybayin
 Bibigyan lamang ng 2 minuto ang bawat pangkat para hulaan at baybaying ang
bawat salita.
 Ang pangkat na may pinakamaraming tamang sagot ay siyang panalo.

b) Pagsusuri
 Ano ang naging basihan niyo sa inyong mga sagot?
 May malaki bang naiambag ang teknolohiya sa kasalukuyang mga dula?

c) Pagpapalalim
 Tatalakayin ng guro ang mga dula at teleserye sa kasalukuyang panahon.
 Tatalakayin ng guro ang mga dulang nagkamit ng gantimpala sa kasalukuyang
panahon.
d) Paglalapat
 hahatiin ang klasi sa apat na pangkat.
 Bawat pangkat ay bubunot ng papel na may nilalamang mga dula.
 Pipili ng mga tumatak na eksena sa nabunot na dula ang bawat pangkat at
isasadula ito sa harap ng klase sa loob ng 3 minuto.

V. Pagtataya
 kukuha ng isang kapat na papel ang mag- aaral.
 Sasagutan ang maikling pasulit na ibibigay nang guro.
1. Ito ay isang uri ng sining na nagsasalaysay ng isang kwento sa pamamagitan ng
pasasalita at pagkilos?
a. Musika b. pag- aarte
c. dula d. Agham
2. Naiiba ang dula sa ibang katha dahil?
a. Dahil ito ay medaling gawin
b. Dahil ito ay may makabuluhang aspekto
c. Dahil sa paraan at estilo ng pagtatanghal nito
d. Dahil parte na ito sa ating kasaysayan
3. Ano ang pagkakaiba ng nobela at dula?
a. Ang nobela ay nakalimbag at binabasa samantalang ang dula ay itinatanghal at
pinapanood
b. Ang nobela ay itinatanghal at pinapanood samantalang ang dula ay nakalimbag
at binabasa.
c. Ang nobela tinatanghal, habang ang dula ay pinapanood.
d. Ang dula ay itinatanghal habang ang nobela ay pinapanood.
4. Ano ang pagkakatulad ng nobela at dula?
a. Kapwa napapanood sa teatro
b. Kapwa itinatanghal
c. Kapwa nagpapahayag ng sariling damdamin
d. Kapwa nagsasalaysay ng mga pangyayari.
5. Sa kasalukuyang panahon, anong dulang pantelebisyon ang patok sa
manonood?
a. Asianobela b. Koreanobela
c. Telenobela d. Soap opera
6. Aling dula ang may tatlong yugto?
a. Usapang babae ni Cruz Millado
b. Deuterium ni Bienvenido Noriega Jr.
c. Dalawang Mukhang Kagubatan ni Emilina Regis
d. Daigdig dinaig ng makamundong pananalig ni Abel Molina
7. Aling dula ang pantelebisyon maliban sa isa?
a. patay- bata ni Manuel Biusing
b. Ang pagbabalik ni kiwada ni Emmanuel Quindo Palo
c. Baclaran ni Wilfredo Victoria
d. Walang Lunas ni Ronaldo Tumbukon
8. Anong taon ginampanan ang sulat ni Cruz Milado?
a. 1990 b. 1992
c. 1996 d. 1999
9. Sino ang sumulat ng Baclaran
a. Wilfredo Victoria b. Ronaldo Tumbukon
c. Riah Regis d. Criss Milado
10. Anong dekada nagpasimulang ilunsad ng ABS-CBN ang dula sa telebisyon?
a. Dekada 60
b. Dekada 50
c. Dekada 80
d. Wala sa nabanggit

You might also like