You are on page 1of 13

Modyul 2

Pang-uri

I.Mga Layunin:

1. Nakikilala ang mga pang-uri at ang pangngalang inilalarawan.

2. Nakasusulat ng mga pangungusap gamit ang mga pang-uri.
3. Nabibigyang halaga ang mga pang-uring ginamit sa pangungusap.

II. Takdang Oras: 2 Oras

III. Pagganyak:

A. Panuto: Isulat ang mga salitang naglalarawan basi sa nakita ninyo sa

larawan.

13
1. _______________________
2. _______________________
3. _______________________
4. _______________________
5. _______________________

B. Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan na inilalarawan ninyo mula

sa larawan? Isulat ang sagot sa papel at magbigay ng halimbawa.

IV. Aralin:

Pang-uri

Ang pang-uri ay ang mga salitang naglalarawan sa tao, bagay,hayop,

lugar o pook at pangyayari. Inilalarawan nito ang katangian ng mga pangngalan
at panghalip. Maaaring gawing payak na simuno o payak na panaguri ang pang-
uri. Maaari rin itong gawing bahaging naglalarawan ng simuno o panaguri.

Halimbawa:

1. Matibay ang lubid.

payak na panaguri

2. Masayang laro ang habulan.

naglalarawan sa payak na panaguri

3. Mahusay sa luksong lubid ang batang pastol.

naglalarawan sa simuno

4. Sa mga laro, luksong lubid ang pinakamatanda.

payak na simuno

14
V. Pagsasanay

A. Gumawa ng tsart sa papel at kilalanin ang mga pang-uri sa bawat

pangungusap. Isulat sa kasunod na hanay ang pangngalang inilalarawan.

1. Maraming bata ang mahusay sa luksong lubid.

2. Baka sa susunod na taon, may paligsahan na sa paglalaro ng luksong lubid.

3. Mapapalad ang mga batang Pilipino.

4. Malulusog ang mga batang manlalaro

5. Malalakas silang lumukso.

6. Maganda ang tanawin sa Lungsod ng Talaingod.

Mga Pang-uri Mga Pangngalang Inilalarawan

1.marami bata

B.Sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap na naglalarawan tungkol sa mga

bagay na nasa larawan.

1.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2.

15
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3.

C. Bigyang-halaga ang mga pang-uri sa loob ng talata. Itala ang mga pang-
uri at gamitin ito sa sariling pangungusap.

Kasalan sa Nayon

Pagkatapos ng kasalan sa simbahan, masaya ang lahat.

Hinahagisan ng bigas at maliliit na talulot ng bulaklak ang bagong
kasal. Pagkatapos ng kainan, sisimulan ang sayawan. Mauunang
sumayaw ang bagong mag-asawa. Habang sumasayaw, sinasabitan
sila ng pera. Nakakaipon sila ng malaking halaga sa ganitong paraan.
Bukod sa marami at mamahaling regalo, may pera pa silang
magagamit sa bagong pamumuhay.

1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________

Aralin 1: Antas ng Pang-uri.

16
I.Mga Layunin:

1. Nakikilala at nagagamit ang kaantasan ng pang-uri sa pakikipag-usap.

2. Nakasusulat ng pangungusap gamit ang iba’t ibang antas.

3. Nabibigyang-halaga ang paggamit ng iba’t ibang antas ng pang-uri.

II. Takdang Oras: 2 Oras

III. Pagganyak:
A. Pansinin ang ibat’ibang larawan. Ihambing ang mga ito sa bawat isa.

1. _________________________________________________
2. _________________________________________________
3. _________________________________________________

B. Anong pang-uri ang ating gagamitin upang maihambing natin ang tao,
hayop, bagay, pook o lugar at mga pangyayari? Isulat ang sagot sa papel.

IV- Aralin:

17
Antas ng Pang-uri

May tatlong kaantasan ang pang-uri sa paglalarawan ng pangngalan.

Pansinin natin ang mga pang-uri sa loob ng tsart.

Pangngalan Lantay na Pang-uri Pahambing Pasukdol

1.kaibigan guwapo mas guwapo pinakaguwapo
2. bisikleta bago higit nab ago napakabago
3. kamote malalaki, maliliit kasinlaki ubod ng laki

1. Lantay ang tawag ng pang-uri na nasa ikalawang hanay ng tsart.

2. Nasa pahambing na antas kapag nilagyan ng salitang mas o higit ang
pang-uri.

Halimbawa:

Mas guwapo ako sa iyo.

Higit kang mapalad kaysa sa akin.

3. Ginagamit ang mas o higit kung nakahihigit ang isa sa dalawang

pinaghahambing. Kung pareho naman ang katangian, ginagami ang
kasing- o magkasing-.

Halimbawa:

Kasinlaki ng kaldero ang kamote.

Magkasintaas pala sina Lloyd at Jose.

4. Kung nakahihigit ang isa sa dalawang pinaghahambing, ginagamit ang di-

gaano o di-gasino.

Halimbawa:

Di-gaanong malaki ang bag ko.

Di-gasinong mataas si Lyzel.

18
5. Kung pasukdol na antas naman, ginagamit ang panlaping pinaka-,
napaka- sa salitang-ugat. Maaaring gamitin ang mga salitang ubod ng,
saksakan ng, nuno ng, at iba pang pasukdol na salita.

Halimbawa:

Akin pa ring bisikleta ang pinakabago.

Ubod ng ganda ang kaklase kong mayaman.

V- Pagsasanay

A.

1. Ano-ano ang iba’t ibang kaantasan ng pang-uri?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Basahin ang talata. Kilalanin ang pang-uri sa bawat talata at isulat sa papel.
Isulat sa tapa tang ng pang-uri ang kaantasan nito.

a. Isa sa pinakamagandang pook sa Pilipinas ang Lungsod ng Talaingod.

Maraming turista ang pumupunta rito. Malamig ang klima dito. Napakaraming
magagndang tanawin ang hatid dito.

b. Itinuturing na isa sa pinakamagandang kultura ang kulturang Ata-Manobo.

Maraming dumarayo sa kanila at magkaroon ng pananaliksik. Ubod ng bait ang
mga Manobo. Marunong silang makihalubilo sa kanilang kapwa tao.

Mga Pang-uri Antas ng Pang-uri

19
3.Lapatan ng antas ng pang-uri ang mga pahayag upang makabuo ng usapan.

Bata 1: Tingnan ko nga ang lapis mo.

Tingnan mo itong sa akin,______________. Ay, ________________.

Bata 2 : Huwag iyan. Tingnan mo itong bag ko ___________________.

__________________ kaysa dati.

Bata1:Siyanga?__________________iyan noong aking ___________________.

Parehong-pareho.

Bata 2: Sino kaya ang__________________ sa ating dalawa? Pantay tayo.

Tumalikod ka nga.

Bata 1: Alisin mo ang sapatos mo. O, pantay tayo. Naku,

_____________________

B.

1. Mula sa kahon ng mga pang-uri, pumili ng limang salitang naglalarawan at

gamitin ito sa pangungusap gamit ang iba’t ibang antas.

masaya malakas mabagal

mabilis mahusay mahinhin

mahinahon matulin maliksi

1.______________________________________________________________

2. _____________________________________________________________

3. _____________________________________________________________

4. _____________________________________________________________
20
5. _____________________________________________________________

2. Sumulat ng talata tungkol sa katangian ng iyong ama at ina. Gamitin ang iba’t
ibang antas ng pang-uri sa paghahambing ng iyong mga magulang.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________

C.

1. Ipaliwanag ang kahalagahan sa paggamit ng mga kaantasan ng pang-uri.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________

Aralin 2: Kayarian ng Pang-uri.

I.Mga Layunin:

21
1. Nasusuri ang kayarian ng pang-uri .

2. Nakasusulat ng pangungusap gamit ang iba’t ibang kayarian ng pang-uri

3. Nabibigyang-halaga ang paggamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri.

II. Takdang Oras: 2 Oras

III. Pagganyak:
A. Lapatan ng salita ang patlang basi sa salitang binaligtad upang makabuo
ng mga salitang naglalarawan.

1. Hugis usop =

2. Araw-wara =

3. Maya namay =

4. Mata simat =

5. Mala lilam =

B.Ano-anong kayarian ng mga salita ang nabubuo ninyo? Ano ang tawag sa
mga salitang ito?
IV. Aralin:
Kayarian ng Pang-uri
Ang pang-uri o salitang naglalarawan ay maya apat na kayarian:
1. Payak- Ito ay pang-uring binubuo ng likas na salita lamang o walang lapi.

22
Halimbawa:
a. Ang gusto ni Edward na looban ay sagana sa looban.
b. Ang palda ng bata ay dilaw.

2. Maylapi- Binubuo ng salitang-ugatna may panlapi ang salitang

naglalarawan o pang-uri.
Halimbawa:
Malawak at luntian ang isa sa mga hinihilinh ng bata.
•Ang may salungguhit ay mga panlapi.

3. Inuulit- Pang-uring may pag-uulit ng salitang-ugat. Maaaring ganap o di-

ganap ang pag-uulit.
Halimbawa:
Pag-uulit na ganap
a. Sa dinaanan naming bahay ay nakatambak ang putul-putol na kahoy.
b. Kaawa-awaang matandang nakatulog sa bangketa.

Pag-uulit na di-ganap
a. Ang bagong pitas na rambutan ay matatamis.
b. Malalaki na ang aking itinanim na puno.

4. Tambalan- pang-uring binubuo ng dalawang salitang magkaiba ang

kahulugan na pinag-iisa.

Halimbawa:

a. Biglang-yaman ang magkakapatid dahil sa ipinamanang kayamanan.

b. Nadatnan nila sa ospital na agaw-buhay ang nasagasaang bata.

V- Pagsasanay

A.

23
1. Suriin sa ibaba ang mga salitang naglalarawan at isulat sa patlang ayon
sa kayarian nito.

lakad-pagong hinog tuwang-tuwa lanta

makatao sariwa patay-gutom palatawa

dilang-anghel putting-puti payat maliit-liit

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

________ __________ __________ ___________

________ __________ __________ ___________

________ __________ __________ ___________

________ __________ __________ ___________

2. Isulat sa sagutang papel ang pang-uri at isulat ang kayarian nito.

a. Mababait ang mga manlalarong kasama nila.
b. Tuwang-tuwa ang mga magulang sa pagtatapos ng kanilang anak.
c. Minamahal ni Jimboy nang buong-puso ang kanyang mga patay-gutom
na mga kapitbahay.
d. Masaya silang nagsibalik sa kanilang maliit na bahay.
e. Ang kanilang mga ugali ay parang laking-lansangan.

______________________________________________________________

24
1. Sumulat ng limang pangungusap gamit ang iba’t ibang kayarian ng pang-
uri.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2.Buuin ang mga pangungusap sa pagsasanay B.1 upang makabuo ng isang

talata.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

C.

1. Ano-ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga kayarian ng pang-uri?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

25

You might also like