You are on page 1of 11

I.

PANITIKAN SA PANAHON NG MGA KATUTUBO

Ang yugtong ito ng panitikan ay sinasakop ng mga taong 1942-1945. Ito

ang panahon ng Ikalawang Digmang Pandaigdig. Itinuturing ito ng aria na

“gintong panahon” ng maikling kuwento at dulang Tagalog. Ang wikang Ingles na

nakuhang maipasok ng mga Americano hanggang sa kamalayan ng mga Pilipino

ay ipinagbawal ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa ng bunga ng

pagbabawal na ito ay ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang isang

manunulat ay likas na manunulat, kayat nang ipagbawal ang pagsusulat ng

Ingles siya’y napilitang gumamit ng wikang Tagalog upang makapagsulat

lamang. Ang isang naging bunga nito ay ang paglitaw ng isang uri ng

pamamaraan sa pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbubuo ng mga

pangungusap hanggang sa estilo ng pagsusulat.

Nabigyang-sigla ang Pabansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng

mananakop. Mapapansing ang mga nasulat nang panahon ng Hapon na

maikling katha, tula, dula at nobela ay karaniwang may damdaming makabayan

ngunit ang mga manunulat ay ingat na ingat na hindi ito mahalata ng mga

mananakop. Nabigyan ng diin ng mga manunulat ang katutubong kulay, ang uri

ng buhay ng panahong iyon, ang pananalat at ang kadahupan ng pang-araw-

araw na buhay.

1
A. BUOD

“BIAG NI LAM-ANG”

ni: Isabelo de los Reyes

Ang epiko ay tungkol sa isang sanggol na lalaki na ipinanganak ni

Namongan. Sa Nalbuan naninirahan sina Namongan at Don Juan. Ang mag-

asawa’y nagkalayo bago manganak ang babae. Napasa-bundok si Don Juan

upang parusahan ang isang pangkat ng Igorot. Isinilang si Lam-ang habang nasa

bundok pa ang ama. Naiiba siya sa karaniwang sanggol sapagkat nagsalita na

siya agad at hininging maging Lam-ang ang kanyang pangalan. Siya pa ang

pumili ng magiging ninong. Itinanong pa niya kung nasaan ang kanyang ama.

Siyam na buwan pa lamang siya’y sinundan na niya ang amang hindi pa

umuuwi. Napanaginip niyang habang siya’y nagpapahinga sa kabundukan, na

ipinagdiriwang ng mga Igorot ang kamatayan ng kanyang ama. Nagising siyang

galit na galit at nagdudumaling nilandas ang madawag na pook hanggang sa

siya’y makarating sa kinaroroonan ng mga Igorot. Inabot niyang nagsasayawan

sa paligid-ligid ng pugot na ulo ng kanyang ama ang nagkakatuwaang mga

Igorot. Lalong nagngitngit si Lam-ang. Pinagpapatay niya ang mga Igorot. May

isa siyang itinira ngunit pinahirapan muna niya.

Nang magbalik siya sa Nalbuan, dumaan siya sa ilog na Amburayan at

pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan niya. Napakakapal ng kanyang libag at

2
dahil sa dami ng napatay niya ay masama ang amoy na nagbubuhat sa kanyang

katawan. Lahat ng isda sa ilog ay nangamatay tuloy.

Nang umabot na siya sa pagbibinata, naibigan niya si Ines Kannoyan.

Dinayo niya ang bayan nito. Kasama niya ang kanyang puting tandang at isang

aso. Sa daan nagkasalubong sila ni Sumarang, na manliligaw ni Ines. Nang

dumating siya kina Ines, maraming manliligaw ng dalaga ang nasa bakuran.

Pinatilaok niya ang tandang. Nabuwal ang bahay nina Ines Kannoyan. Pinatahol

niya ang aso. Tumindig muli ang natumbang bahay. Nanaog si Ines at ang

magulang nito. Ang tandang ang nagpahayag ng pag-ibig sa dalaga. Sumagot si

Ines sa isang kondisyon, papantayan ni Lam-ang ang kanilang kayamanan.

Pumayag si Lam-ang. Umuwi siya. Nang magbalik siya sa bayan ni Ines sa

Kalanutian, lulan siya ng isang kaskong puno ng gintong lampas pa sa

kayamanan nina Ines. Ikinasal sila. Naging engrande at masaya ang

pagdiriwang.

Masaya ang kanilang nagging buhay. Pagkalipas ng ilang panahon, ayon

sa kaugalian ng bayan, turno nan i Lam-ang ang panghuhuli ng raring na isang

uri ng isda. Tungkulin ng lahat ang panghuhuli nito. Ipinagtapat ni Lam-ang kay

Ines na may kutob siyang makakagat at mapapatay siya ng berkakan kapag

napalaot siya sa panghuhuli ng raring. Ngunit wala siyang magagawa kundi ang

tumupad sa tungkuling iniatas sa kanya. Pumalaot siya. Namatay nga siya.

Nagkatotoo ang kutob niya.

Labis na nalungkot si Ines. Umisip ng paraan ang tandang. Tinawag niya

ang isang maninisid at ipinatapon ang buto ni Lam-ang. Nang mapagbuu-buo

3
ang kalansay, pinangalagaan ito ni Ines ng tandang aa ng aso. Muling nabuhay

si Lam-ang. Naging maligaya si Ines.

B. BATAY SA DULOG PORMALISTIKO

1. Uri ng Genra- Epiko (Biag ni Lam-ang)

Ang layunin ng panitikang ito ay ipakita ang pakikipagsapalaran ng

mga tao basi sa kanilang pamumuhay, pag-ibig at pakikipagtunggali.

Mapapansin din sa akda ang impluwensiya ng Kristiyano rito sa

pangalang Kristiyano ng ama ni Lam-ang na si Don Juan, pati na rin ang

pangalan ni Ines.

2. Banghay

Ang Epikong Biag ni Lam-ang ay nabuo sa malalim na imahinasyon ng


may-akda. Marami ring katotohanang karanasan na ipinapakita sa epiko..
Hangad ng may-akda na maipakita ang karanasan o daloy ng buhay ng mga
Igorot. Pinapakita din dito na hindi lahat ng panahon ay maganda ang
pakikitungo sa iyo ng kapwa tao lalong-lalo na sa mga taong sakim.
            Nagpapahiwatig sa bawat tauhan sa epikong Biag ni Lam-ang na maging
matatag sa hamon ng buhay. Bawat pagsubok sa buhay ay may kapalit na
kaginhawaan. Ang mga tauhan sa epiko ay sina Lam-ang, Don Juan, Ines, at
Namongan.
            Ang pamilya ang pinaka-ugat ng isang komunidad at mahalaga ang
pamilya sa pagbuo ng sambayanan at ang magkaroon ka ng isang tunay na
pamilya na may pagmamahalan ay napakalaking nang kayamanan na

4
maituturing. Kaya dapat huwag tayong susuko kahit ano mang dagok ang
dumating sa ating buhay.

2.1 Simula

Sa simula ng akda ay inilalarawan ang pangunahing tauhan bilang isang

sanggol na naiiba sa karaniwan.

Patunay:

Naiiba siya sa karaniwang sanggol sapagkat nagsalita na siya agad at

hininging maging Lam-ang ang kanyang pangalan. Siya pa ang pumili ng

magiging ninong. Itinanong pa niya kung nasaan ang kanyang ama.. (Pahina 34,

Talata 1)

Isinasaad dito ang kalagayan ng tauhan basi sa kanyang katayuan.

2. 2 Katawan

Nagkaroon ng hamon sa buhay ni Lam-ang nang siya ay umibig kay Ines

Kannoyan.

Patunay:

Nang umabot na siya sa pagbibinata, naibigan niya si Ines Kannoyan.


Dinayo niya ang bayan nito. Kasama niya ang kanyang puting tandang at isang
aso. Sa daan nagkasalubong sila ni Sumarang, na manliligaw ni Ines. Nang
dumating siya kina Ines, maraming manliligaw ng dalaga ang nasa bakuran.
Pinatilaok niya ang tandang. Nabuwal ang bahay nina Ines Kannoyan.
(pahina 35, Talata 4)

5
2. Wakas

Nagkaroon ng kalungkutan si Ines Kanooyan dahil sa nangyari kay Lam-

ang pero naging maligaya siya sa likod ng kalungkutan.

Patunay:

. Labis na nalungkot si Ines. Umisip ng paraan ang tandang. Tinawag niya

ang isang maninisid at ipinatapon ang buto ni Lam-ang. Nang mapagbuu-buo

ang kalansay, pinangalagaan ito ni Ines ng tandang aa ng aso. Muling nabuhay

si Lam-ang. Naging maligaya si Ines. (pahina 35, talata 7)

“Sa likod ng makapal na ulap may araw ding sisikat”.

C.PAGPAPAHIWATIG NG KATANGIANG HERMENYUTIKO


SA MGA GENRA

1. Paglalarawan ng Tauhan

Ang mga tauhan ay mga taong likha sa lipunang ginagawalan sapagkat

sila ay kabilang sa kumunidad na namumuhay na mortal sa mundong ibabaw.

Isang bata na makisig at matapang matulungan at mapaghiganti ang ama.

Asawang may malalim na pag-ibig, mapagmahal na asawa.

Patunay:

Inabot niyang nagsasayawan sa paligid-ligid ng pugot na ulo ng kanyang

ama ang nagkakatuwaang mga Igorot. Lalong nagngitngit si Lam-ang.

Pinagpapatay niya ang mga Igorot. May isa siyang itinira ngunit pinahirapan

muna niya.

6
2. Paksang-diwa o Tema

Ang paksang-diwa sa binasang genra ay pumapaksa tungkol sa taong

nakikipagsapalaran sa buhay makamit lamang ang minimithi sa buhay at

makasama ang taong iniirog.

Patunay:

Ikinasal sila. Naging engrande at masaya ang pagdiriwang. Masaya ang

kanilang naging buhay pagkalipas ng ilang panahon. (pahina 35, talata 6)

3.Simbolo o Sagisag

Ang nakikitang simbolo ng binasang genra ay aso at tandang. Ito ay

sumisimbolo ng kasipagan at katapangan.

D. MGA KAISIPANG PILOSOPIKAL SA BAWAT GENRA

1. Marksismo

Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang


madapi ang nangaaping lakas.
Ang tauhan ay nagkaroon nang lakas ng loob na hindi padadaig sa mga

kalaban.

Patunay:

Nagising siyang galit na galit at nagdudumaling nilandas ang madawag na

pook hanggang sa siya’y makarating sa kinaroroonan ng mga Igorot.

Pinagpapatay niya ang mga Igorot. May isa siyang itinira ngunit pinahirapan

muna niya.(pahina 34, talata 3)

7
2. Naturalismo

Ang teoryang Naturalismo, ang kasamaan ng tao ay natural lamang.

Higit na makatotohanan na ang tao ay dumadaan sa mahigpit na

pakikipagsapalaran. Ang tao ay pinasasama ng mga karanasan at kapaligiran.

Patunay:

Lalong nagngitngit si Lam-ang. Pinagpapatay niya ang mga Igorot. May isa

siyang itinira ngunit pinahirapan muna niya. (pahina 34, talata 2)

3. Kultural

Tumutukoy sa mga kwentong base sa isang kulturang pinaghanguan ng


kwento o tula.

Patunay:

Pagkalipas ng ilang panahon, ayon sa kaugalian ng bayan, turno nan i


Lam-ang ang panghuhuli ng rarang na isang uri ng isda. Tungkulin ng lahat ang
panghuhuli nito Pinatutunayan dito na ang epiko ay hango sa kultura at
kaugalian ng mga Igorot.(pahina 35, talata 6)

8
9
Historikal -ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang
ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga
pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na
may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito
ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon,
agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya
Masasabing nabibilang ito sa teoryang historikal sapagkat gumamit ang
awtor ng flashback sa buhay ng isang tauhan sa kwento. Nabibilang iton sa
teoryang historikal spagkat tumutukoy ito sa mga kwento ng isang matanda sa
pinagdaanan ng ama ni Danding noong bata pa siya.

Patunay: ’Kaparis ka ng iyong ama,’ ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan
ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan.Naulila agad siya sa

10
ama.’Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang
munti.Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa
akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa
kaiiyak.’Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang
hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga
huramentadong Kastila na paparito.

11

You might also like