You are on page 1of 3

EPIKO AT ANG ELEMENTO NITO

Ang epiko ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan
at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.
Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Ito ay ipinahahayag nang pasalita, patula, o paawit. Minsay ay sinasaliwan ito ng instrumentong pang
musika. Mahaba ito, binubuo ng 1000 hanggang 5000 na linya.

Mga Epiko ng Pilipinas:


Hudhud at Alim Ibalon Agyu
Ibaloy Maragtas Darangan
Ullalim Hinilawod Biag ni Lam-ang

Mahahalagang Elemento ng Epiko:

Sukat at Indayog
Indayog – diwa ng tula
Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa
isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:
Epiko -> e-pi-ko – may tatlong panting
Sukat -> su-kat – may dalawang pantig

Mga Uri ng Sukat:


a.) Wawaluhin (8 pantig)
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
b.) Lalabindalawahin (12 pantig)
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
c.) Lalabing-animin (16 pantig)
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
d.) Lalabingwaluhin (18 pantig)
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malaba

Tugma – sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod
ay magkakasintunog.
Taludturan – ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod nga isang tula. Tinatawag rin itong saknong
Matatalinghagang salita – ito ay tinatawag ring idyoma na may kahulugang taglay na naiiba sa
karaniwan. Di tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga ito.
Halimbawa:
pabalat bunga – paimbabaw
likaw na bituka- kaliit-liitang lihim
mapaglubid ng buhangin- sinungaling
kisap mata/ iglap – mabilis
isang tuka isang kahig- mahirap
Banghay – ito ay pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari na maaring maging payak o komplikado.
Binubo ito ng simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas.
Tagpuan – ang tagpuan ay ang lugar at panahon ginanap ang mga pangyayari. Nakakatulong ito sa
pagbibigay-linaw sa paksa, banghay at mga tauhan.
Tauhan – ang tauhan ang siyang kumikilos sa epiko. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na
nagpapatakbo ng epiko. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan.

Biag ni Lam-ang
(Epikong Ilocano)

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang kilala sa


pangalang Don Juan at Namongan.

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at
pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga Igorot upang
ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay
pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng
pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang ipaghihiganti
niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man
siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na
makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ay isang mahiwagang tandang, ang tangabaran, at
mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman
ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay
nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang
pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot.
Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan.

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang sabi nila'y huwag
matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan.
Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si
Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga
Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang
tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribu. Dahil
sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat
at alimasag sa pampang.
Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang sa pagtungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang
dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at
mahiwagang aso.

Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang
sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.

Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni
Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si
Lam-ang.

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman
tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng
kayamanan nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines. Si
Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang
pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang.
Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya. Na siya ay makakain ng pating berkahan. Ipinagbilin
ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang.
Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng
mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.

Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang
bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang maligaya
sa mahabang panahon.

Pangalan:
Baitang:
Guro: Ralph Raven N. Mupada
Asignatura: Filipino 8

You might also like