You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Upo

Noong araw ay may isang matangkad na lalaki pangalan ay palupo.Bilugan at mahahaba ang kanyang
binti at braso. Makinis ang kanyang balat na tila sa isang babae.Maputi rin ang kanyang balat. Sa kabila
ng mga katangian niyang ito, si Palupo ay plagi bigo sa pag-ibig

Paano ko magugustuhan si Palupo,wika ng isang babaing kanyang niligawan. Mabait nga siya,masipag
at matulungin pero ang pangit-pangit naman niya. Hindi kami bagay

Sa kabila naman ng kanyang kapangitan ay may magandang kalooban si Palupo.Siya ay


mapagbugay,lalo na sa mga nangangailangan.Kahit sino ang kumatok sa kanyang bahay na
nangangailangan ay kanyang pinatutuloy at pinapakain.At bago umalis ay pinababaunan niya ng anumang
makakaya iyang ibigay tulad ng mga gulay.

Dahil sa kanyang kabiguan sa pag-ibig nangako si Palupo sa sarili na hindi na siya iibig pa.”Hindi na
ako manliligaw. Sa halip ay iuukol ko lamang ang aking buhay sa pagtulong sa aking kapwa.”

Lalong pinararami ng Palupo ang mga pananim sa kanyang maluwang na bakuran upang ang lahat ng
mga nanghihingi ay kanyang mabibigyan.

ANg Pagbibigaysa kapwa ang nagging kaligayahan niya.

Isang araw ay dinapuan ng mabigat nakaramdaman si Palupo.Dahil nag-iisa lamang siya walang
nakaalam na nagkasakit siya.Natagpuan na lamang siyang patay ng mga taong nanghihingi sa kanyang
mga gulay at prutas.

Inilibing si Palup[o sa kanyang bakuran,at nang lumipas na taon may tumubong gulay sa kanyang
kinalibingan at ito ay tinawag na Upo.

You might also like