Kabanata 10 Talasalitaan Dumagsa- Biglang pagdami ng mga tao
Kabonegro- buri; kaong
Naglisaw- Nagkalat
Panaghoy- Pagtangis; pag-iyak
Tauhan Matandang Kastila- malalim ang mata at matatas managalog. Namigay ng kung ano-ano kapalit ng gubat.
Don Saturnino - Anak ng matandang kastila. Ama ni Don
Rafael Ibarra
Dalagang Manilenya- Napang-asawa ni Don Saturnino. Ina
ni Don Rafael Ibarra
Don Rafael Ibarra- Anak nina Don Saturnino.
Padre Damaso- Pumalit sa paring Indio ng ito ay mamatay. San Diego - Isang bayan sa baybay-lawa na may malawak na bukirin. Sagana sa asuka, palay, kape, at prutas na ipinagbibili sa iba’t- ibang bayan o sa mga mapagsamantalang Intsik. - Tanaw mula sa simboryo ng simbahan ang buong bayan. Tabi- tabi ang bahay na may bubong na pawid, yero, tisa, at kabonegro. Parang ahas ang ilog sa luntiang bukid. - Madaming tinatago ang gubat na iyon. Kabilang na dito ang sumusunod; - Noong araw, nang panay na kubo pa lamang ang bahay sa San Diego at marami pang naglisaw na mga usa at baboy damo dumating doon ang isang matandang kastilang malalim ang mata at matatas magtagalog. Naglibot siya sa gubat na noon ay may bukal na mainit ang tubig ipinagtanong niya kung sino ang may-ari ng gubat may humarap sa kaniya na ilang nagpapanggap na may-ari. Binigyan niya ito ng damit, alahas, at salapi kapalit ng gubat. Hindi nagtagal nawala na lang bigla ang matanda. Nahanap nila ang bangkay ng kastila na nakabitin sa sanga ng balete. Dahil sa takot ay tinapon nila ang alahas sa ilog at sinunog ang mga bigay nitong damit. Mula ng ilibing nila ang matanda sa tabi ng punong balete ay wala ni isa mang lumapit doon (Punong Balete- isang malaking punongkahoy na mayamungmong at tila maraming sanga. Ito ay tinuturing na nakakatakot at maalamat na punongkahoy na tumutubo sa madilim na pook at pinaniniwalaang pinaninirahan ng mga laman- lupa) - May isang pastol na nakita roon ng ilaw at sabi naman ng ilang binata ay nakaririnig sila ng panaghoy. - Makalipas ang ilang buwan ay may dumating na binatang mukang mestisong kastila na nagngangalang Don Saturnino na nagpakilala bilang anak ng matandang kastila at balak niya daw roon manirahan. Nagsaka siya at nagtanim ng tina. Walang kibo, malupit, mapusok, ngunit masipag. May gulang na siya ng maisipang mag-asawa ng dalagang Manilenya. Sila ang naging magulang ni Don Rafael Ibarra. - Napaunlad ni Don Rafael ang pagsasak sa pamamagitan ng tulong ng pamamaraan ng kaniyang ama. Dahil doon ay dumagsa ang mga dayuhan, kabilang ang mga intsik dahil dito ay lumaki ang nayon. Nagpadala doon ng isang paring Indio. Naging bayan ang nayon at pumalit si Padre Damaso nung namatay ang pari. Ang Mga Makapangyarihan Kabanata 11 Talasalitaan Bantayog- estrakturang matataas na itinayo bilang paggunita sa isang makasaysayang pangyayari o isang bayani
Kasawian- kabiguan
Nakabubulahaw- nakaaabala; nakagugulo
TAUHAN Don Rafael- Pinakamayaman sa San Diego at maraming may utang na loob sa kaniya.
Kapitan Tiago- Inuulan ng regalo at pinaghahandaan.
Gobernadorcillo o kaya ang kapitan- nananagot sa
alcalde mayor.
Padre Salvi- tahimik at bata pang pranksiskano.
Donya Consolacion- asawa ng alperes Ang mga Makapangyarihan Sino-sino ang makapangyarihan sa San Diego? - Hindi kabilang si Don Rafael sa mga makapangyarihan. Totoo ngang siya ang pinakamayaman doon at maraming may utang na loob sa kaniya. Ngunit dahil sa kababaang loob at hindi naghihintay ng kapalit sa kaniyang mga nagawa sa bayan ay hindi niya pinalakas ang sarili kailanman. - Si Kapitan Tiago ba? Sinasalubong ito ng mga orkestra at mga may utang sa kaniya. Inuulan ng regalo at pinaghahandaan. Kung magugustuhan nito ang kabayo ng may utang sa kaniya ay kalhating oras bago mapasakaniya. Totoo ang lahat ng ito ngunit pinagtatawanan siya ng mga tao at tinatawag na Sakristang Tiago. - Ang Gobernadorcillo kaya o ang kapitan? Sa halip na mag-utos ay siya pa ang inuutusan. Hindi siya nang- aaway sa halip siya pa ang inaaway. Siya ang nananagot sa alcalde mayor sa lahat ng ipinagagawa, inuutos, at hinihinging pagpasiyahan.
- Liban sa mga bantayog na marmol at colliseum, ang San
Diego at Roma ay magkatulad. Kung ang makapangyarihan sa Batikano ay ang Papa, sa San Diego naman ay ang kura; at kung ang namumuno sa Quirinale ay ang hari ng Italya, sa San Diego naman ay ang alperes ng guardia civil. Tulad doon, laganap din ang samaan ng loob sa San Diego dahil gusto makontrol ng isa ang isa. (Quirinale- isa sa pitong gulod na matatagpuan sa matandang Roma na ngayon ay kilala sa pangalang Monte Quirinale. Dito matatagpuan ang hari sa Italya)
- Padre Salvi, tahimik at bata pang pransiskano, ibang-iba
ang ugali at kilos kaysa sa ibang kapwa pari, lalo na kay Padre Damaso. - Payat si Padre Salvi at masasakitin. Parang laging nag- iisip, matapat sa simbahan, at laging pinapanglagaan ang pangalan. Bihira siyang manakit at pinagmumulta niya ang maykasalanan na malaki ang pagkakaiba kay Padre Damaso na munting kibot ay manununtok at mamalo na ng baston. - Walang kaaway si Padre Salvi kundi ang alperes. Ang asawa niya ay matandang Pilipina, makapal mag make- up at kung tawagin ang sarili ay Donya Consolacion. Iba naman ang tinatawag sa kaniya ng mga alperes at ng kanilang mga kakilala. Isang kasawian para sa mga alperes ang pagpapakasal niya kay Donya Consolacion. (alperes- pinuno ng pulisya ng isang bayan noong panahon ng Espanyol. Ang kaniyang posisyon ay katumbas ng pangalawang tenyente at mas mataas kaysa sa sarhento.) - Bilang pagsisi o paghihiganti ay lagi siyang naglalasing. Kung minsa’y pinagmamartsa niya ang kaniyang mga guardia civil sa kainitan ng araw samantalang nasa lilim siya. Madalas niyang binubugbog ang babae. Parang biruan na lamang ang kanilang pag-aaway. Nagbubugbugan sila sa harap ng maraming tao. Nagmumurahan na nakabubulahaw sa mga kapitbahay. - Kapag may dumadalaw na kaibigang Kastilla, madalas sabihin ng alperes na kung pupuntahan ba daw nito sa kumbento ang munting kura na Moscamuerta o patay- Na- langaw at babantaan ito na mag-ingat at kung sisilbihan daw ng tsokolate, baman hindi nakasisiguro ang alperes ay pakiramdaman daw nitong mabuti. Kapag sinabi ng kura sa kaniyang utusan na “Hoy! Maghanda ka ng isang tasang sikulate,e!” ay pumanatag daw sa pag-upo ang bisita. Kapag naman “Hoy! Maghanda ka ng isang tasang sikulate,a!” ay mag sumbrero daw agad ito at birahan ng alis.
- Tinanong ng kausap ang alperes kung bakit at kung
nakalalason ba ito. - Hindi naman daw ito nakakalason kapag “sikulate,e!” ang utos ang ibig sabihin ay malapot at kung “sikulate, a!” ay malabnaw. - Pero maaring paninira lamang ng alperes ito sapagkat madalas na ang pangyayari ay inuukol niya din sa maraming kura. - Ginagantihan ng mga kura ang alperes sa pamamagitan ng banal na paraan. Pag nakitang pumasok sa simbahan ang alperes ay agad uutusan ang sakristan na isara ang lahat ng pinto. Aakyat ang kura sa pulpito at magsesermon hanggang antukin pati mga santo. - Nagmumurang lalabas ng simbahan ang alperes at kapag may nakitang sakristan o utusan ng kura ay susunggaban at hahampasin. Pinaglalampaso sa kuwartel o sa mismong bahay niya na noon lamang nalinis. Subalit ang ganito ay hindi nakakahadlang sa kanilang relasyon. Tuwing nagkikita ay nagkakamayan at nagbabatian.
Sila ang makapangyarihan sa San Diego.
Todos Los Santos Kabanata 12 Talasalitaan di magkamayaw- magulo ang mga tinig; hindi magkaintindihan
Makipot- masikip; makitid
Naghihimutok- nagsusumigaw ang damdamin sanhi ng matinding
kalungkutan o kasawian.
Nakabunton- nakatambak
Napakaselan- sensitibo
Pabulalas- pagsigaw o pagsasalita ng malakas o mariin.
Tauhan Unang lalaki: Tagapaglibing
Pangalawang lalaki- Tagapaglibing, naninigarilyo
- Noong unang panahon ay gumagalang at sumasamba ang mga Pilipino sa namatay nilang mga ninuno
Pagsamba sa mga patay - Isa sa mga gawi o paniniwala ng mga Pilipino
noong unang panahon. Naniniwala at sumasamba sila sa mga anito o espiritu ng kanilang mga ninuno o ng kalikasan.
- Sa dakong kanluran ng San Diego ay matatagpuan ang puro libingan.
Makipot ang landas rito, na maalikabok kung tag- araw at mapamamangkaan naman kung tag- ulan. - Sa gitna naman ng sementeryo ay may malaking krus na kahoy sa ibabaw ng tuntungang bato. - Ang karatulang INRI sa krus ay niyupi ng bagyo. Ang mga titik nito ay binura ng ulan. - May dalawang lalaki na naghuhukay ng paglilibingan. Ang isang tagapaglibing ay mabagal sa paghuhukay ngunit ang isa naman ay balisa, pawis na pawis, lura nang lura habang naninigarilyo. - Nais nilang lumipat ng ibang lugar upang doon maghukay pero pare- pareho lamang ito. Ang mga nahukay nilang buto ay may mga dugo pa. - Sinabi ng isang tagapaglibing na siya’y pinaghukay ng isang bangkay ng dalawampung araw pa lang nalilibing. Gabi pa at umuulan. Namatay rin ang ilaw nito habang naghuhukay. - Ang ataul ay nabuksan at lumabas ang kalahati ng bangkay na umaalingasaw. Ang tagapaglibing at ang bangkay ay basang basa. - Ito ay inutos lang sa kanya ng kurang malaki. Inutos na ibaon ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. - Parami na nang parami ang mga tao sa libingan. May mga naghahanap ng libing. May nagtatalo. May lumuluhod na lang kahit sa anong maibigang lugar. May naghihimutok at umiiyak - Ang mga nitso ay nagsipagsindi ng kandila at nagdasal. - Hindi magkamayaw ang ingay ng nagdarasal ng orapreo, orapreis, requiemeternam. - Matapos sa paghuhukay ang tagapaglibing. Nakabunton sa tabi ng hukay ang dalawang tumbok ng basang lupa. Kumuha ng hitso sa salakot at saka nginanga. Luminga siya sa paligid.