Nagtagpo ang mag-amang Utnapishtim at Gilgamesh, ang hari. Nang
una’y hindi pa namukhaan ng anak ang kanyang ama, at inisip pang hamungin ito. Ngunit agad niya itong nakilala, at naisip na sa ama maaaring mabatid ang lihim ng buhay na walang hanggan. “Ama,” wika ni Gilgamesh, “ Papaano kang nabuhay nang walang hanggan? Papaano kang napasama sa hanay ng mga diyos?”. Tumugon ang ama ng ganito: “Sasabihin ko sa iyo, Gilgamesh, anak kong hari, ang kasaysayan; isa itong lihim ng mga diyos. May isang antigong lungsod, ang Shuruppak. Narinig mo na ito tiyak. Isa itong pinagpalang lungsod, kinakasihan ng mga diyos. Matatagpuan ito sa isang pampang ng Euphrates.” “Isang araw, nagtipon ang konseho ng mga diyos at nagpagpasiyahang magpadala ng baha sa kaybuting lunsod. Lihim silang nagtipon, nagpasiya – naroon si Anu, ang tagapayong si Enlil, ang matahimik na si Ninurta. Naroroon din si Ennugi, ang diyos ng mga lagusan. Dumalo rin si Ea, pinakamatanik sa mga diyos.” “Bumaba si Ea nang palihim at nagising ang aking sambayanan. Mula sa aking dingding na yari sa tambo, narinig ko ang kanyang tinig na nagwiwikang “Makinig, tandaan ang sasabihin ko. Ikaw Utnapishtim, anak Ubartutu.” At ako’y talagang napabaling. Iwan ninyo ang lahat ng inaari, ang inyong yaman. Lumikha kayo ng arko, at isakay doon ang bawat uri ng nabubuhay upang makaligtas sila sa isang paparating na unos, at sa baha.” Malinaw ang kanyang habilin. “Likhain ninyo ang arko ng mabuti, bubungan ninyo ito gaya ng kailalimang nalililiman.” Nahindik ako, ngunit nagtanong. Anong sasabihin ko sa iba? Papaano ko ipaaalam sa mga nakakatanda at madla? Tumugon si Ea. “Sabihing hindi na maaring tirahan ang lungsod sapagkat galit sa inyo ang diyos na si Enlil. Lungsod ni Enlil ang lungsod na ito, at ikaw Utnapishtim, ay kanyang kamumuhian.” “Humanap na kayo ng malilipatan, at magkakaroon na rin ng diyos na inyong magiging bagong pintakasi. Ako na, si Ea, mula sa kailaliman ng Apsu, ang inyong bagong pintakasi. “Sa Apsu kayo magtutungo, doon kayo’y kakalingain at pagpapalain, o lungsod ng Shuruppak. Sa himpapawid noon ay magliliparan ang mga ibon, sa mga dagat noon, ang mga lamang-dagat na hindi pa inawit kailan man sa kasaysayan. Mabubusog kayo sa bagong lutong tinapay, at mapupuno ng trigo ang inyong mga taniman. Isang masaganang tag-ani ang naghihintay! Iyan ang sabihin sa mga matatanda at madla. “Kinabukasan, sinimulan na naming buuin ang arko. Dumating ang mamamayan,kahit ang kabataan. Walang hindi tumulong—ang mahina’t malakas, lahat may dala-dalang pambuo ng arko. Iginuhit ko ang hitsura nito upang humusto sa sukat: sampung beses ang laki sa dosenang kubi ang mga dinding, sampung beses ang laki sa dosenang kubi ang bawat bahagdan. Anim ang bahagdan, at may siyam na silid ang buong arko. Ang lahat nang ito’y pinagkabit-kabit, pinatibay,sinigurong hindi papasukin ng tubig.” “Naging masaya ang pagbuo naming ng arko. Nagpakatay ako ng tupa at toro upang magdiwang ang lahat. Umaapaw ang mga inumin. Natapos ang paggawa sa ikapitong araw, at ginamot kong pamahid ang aking mga palad.” Matapos noon ay ipinaakyat ko na sa arko ang lahat ng aking ari- arian. Isinama kong lahat ang mga mahal ko sa buhay. Pagdadapithapon, inihanda naming ang arko na may kahirapang ipihit. Dinala naming ito sa ilog upang doon ay ipalutang. Nagsimula kami sa sa paghihintay ng unos baon ang pangako ni Ea. “Sa Apsu kayo magtutungo, doon kayo’y kakalingain at pagpapalain, o lungsod ng Shuruppak.” “Pagkaumaga, nagsimula nang bumuhos ang ulan. Nagdilim ang buong paligid at unti-unting tumaas ang tubig. Sa kailaliman, ginising ng diyos nitong si Negral ang mga lupa. Nagbukas ang mga dike at lalong bumaha, gawa ng kamay ni Ninurta, diyos ng gulo at digmaan.” Humangin mula sa timog, at pati mga bundok ay inabot ng tubig. Nawaglit ng mga nilalang ang isa’t isa. Ang mga diyos, naguguluhan din sa kaguluhang kanilangg idinulot. Ang nagging sanhi ng kaguluhan, si Ishtar, na siyang nagmungkahi sa mga diyos na lipulin ang daigdig, ay naghinagpis din” “Humagulhol ako. Nang masdan ko ang daigdig, walang gumagalaw. Nalipol, napatag, nalatagan ng tubig ang lahat. Ang arko ay napadpad sa ituktok ng Bundok Nisir. Tumagal kami ng isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim na araw na naroroon. “Sa ikapitong araw, nagpalipad ako ng kalapati. Pinalipad ko ito at pumagaspas itong walang nalalapagang ligtas na lupain. Kaya ito bumalik. Nagpalaya ako kalaunan ng langay-langayan. Wala in itong matagpuan at nagbalik, lumapag sa arko. Huli kong pinalaya ang uwak. Ito ay lumipad at hindi na bumalik. Senyales ito na ligtas na ang lahat. Saka ko pinalaya ang lahat ng ibon. “Nang makasiguro kaming ligtas na nga ang lahat, binuksan naming ang arko at sa pampang ay nag-alay kami sa mga diyos. Pitong sisidlan ng ala yang ipinatayo ko, at may karagdagan pang pito. Nagparikit ako ng apoy na sinabuyan ng mira at ginatungan ng kahiy ng tubo at kahoy ng sedro. Naibigan ito ng mga diyos, ang mabangong usok. Bumaba ang diyosang si Ishtar at ibinigay sa akin ang kwintas niyang may palamuting lapis lazuli. Noo’y sinabi ng diyosa na ang kwintas na iyon ay tanda ng gunita ng bumabang delubyo sa daigdig. Bumaba ang iba pang mga diyos at nakipagdiwang, maliban kay Enlil na siyang nagpabagyo sa buong kalupaan. “Ngunit nabalitaan ni Enlil na agad na bumaba rin sa pagdiriwang. Itinanong niya kung bakit nakaligtas ako at ang aking sambayanan. Ipinagtanggol kami ng mga diyos. Hinarap ni Enlil si Ea, nagsabing agad ko lamang daw nahiwatigan na may paparating na unos. Bumaba kay Enlil ang pagkaunawa na ako’y may ganap na karunungan. Nang sa huli’y iniabot niya sa akin ang kanyang kamay, pinaluhod, gayundin ang aking asawa at sambayanan. Hinipo niya an gaming mga noo at pinagpala kami sa pagsasabing “ Ngayon ay kahanay na kayo ng mga diyos, at kayo’y mamumuhay sa malayo, ang lunan na pinagbubuklan ng lahat ng tubig-daluyan ng daigdig.” Sangguniang aklat: Baybayin ni Louie Jon A. Sanchez