You are on page 1of 53

EL FILIBUSTERISMO

KABANATA 10
PANGALAN: DATE:

A. SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA TANONG:

1. Bakit ipinagtaka ng mga mamamayan ang pakikituloy ni Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales?

2. Ano ang iyong naramdaman sa ginawang maramihang pagbili ng mamamahaling alahas kay Simoun ng
ilang may kayang pamilya sa bayan kahit hindi nag-ani nang maganda ang mga sakahan?

3. Bakit kaya nais bilhin ni Simoun ang relikaryo na nasa pag-iingat ni Juli?

4. Malaki na sana ang magagawa ng limandaang pisong presyo ni Simoun para sa relikaryo ni Maria Clara
para makalaya si Juli kay Hermana Penchang subalit natutukso man ay ginusto pa rin ni Kabesang Tales
na ipagpaalam sa anak ang kanyang balak. Bakit kaya hindi na lamang ito ipinagbili ni Kabesang Tales at
saka na lamang niya kausapin si Juli?

5. Bakit nagbago ang ihip ng hangin at hindi na tumuloy si Kabesang Tales na kausapin si Juli para maibenta
ang relikaryo at kinuha nang walang paalam ang baril ni Simoun?

6. Kung ikaw si Kabesang Tales gagawin mo rin ba ang paghihiganti gayong alam mong ang kapalit nito ay
ang seguridad ng iyong ama at anak?

7. Sino ang tinutukoy ni Simoun sa pahayag na ito: "Sa wakas ay mayroon na akong tauhan, May katigasan.
Ngunit lalong magaling . Hindi siya magtataksil sa kanyang sinabi"?

8. Ano ang nais iparating ng may-akda sa bahaging iniisa-isa niya ang mga bantog na may-ari ng mamahaling
alahas na kanyang ipinagbibili?
9. Paano naiugnay ng relikaryong ibinigay ni Maria Clara sa ketongin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere at
El Filibusterismo?

10. Ano kaya ang sinisimbolo ng relikaryong na ito sa dalawang nobela?

11. Bakit sa bahay ni Kabesang Tales tumuloy si Simoun upang magbenta ng kanyang mamahalaing alahas?

12. Bakit bumili ng mamahaling alahas ang mga tao sa Tiani at San Diego kay Simoun?

13. Bakit hindi sumang-ayon si Hermana Penchang na ipagbili ni Kabesang Tales ang relikaryo ni Juli kay
Simoun?

14. Bakit natuwa pa si Simoun nang kunin ni Kabesang Tales ang kanyang baril kapalit ng dating relikaryo
ng kasintahan?

15. Bakit kaya pinauna ni Simoun ang kanyang mga utusan sa San Diego nang matapos ang bentahan at siya
ay sa lupa nagdaan dala pa ang natirang mga alahas?

B. Tukuyin ang kasingkahulugan nito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng ginulong mga titik.


1. Pinigilan daw ng mga tulisan si Simoun upang makapulong. B I N B I I M N
B __ __ __ __ __ __ N

2. Nabuhay si Basilio sa kalinga ni Tata Selo noong siya ay makatakas sa mga prayle at ni Kapitan Tiyago
nang lumuwas ng Maynila. N A K D I I L
K __ __ __ __ __ I

3. Lahat ay napapalingon sa ngiti at pang-akit ni Paulita sa madla. P L N G A A A I N H


P __ __ __ __ __ __ __ __ A

4. Tagos sa puso ang mga panlilibak ng mga Espanyol sa mga itinuturing nilang Indiyo. A N P U U A Y N
P __ __ __ __ __ __ A

5. Nag-alab ang damdamin ni Isagani sa mga pasaring ni Simoun tungkol sa maralita nilang bayan.
S A G N I K L B A S __ __ __ __ __ __ __ B

C. Ipaliwanag mo ang mga nakalahad sa bawat kahon.

Ikaw ay nagtiyaga, nagsikap nang buong katigasang-loob, at katulad ko rin ay mayroon kang pautang na dapat
singilin . . . Ikaw at ako ay kapwa nauuhaw sa katarungan . . . Kaya kailangan tayong magtulungan.

Kahulugan ng Pahayag:
EL FILIBUSTERISMO
KABANATA 1 - 3
PANGALAN: DATE:

A. SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA TANONG:

1. Bakit ipinagtaka ng mga mamamayan ang pakikituloy ni Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales?

2. Ano ang iyong naramdaman sa ginawang maramihang pagbili ng mamamahaling alahas kay Simoun ng
ilang may kayang pamilya sa bayan kahit hindi nag-ani nang maganda ang mga sakahan?

3. Bakit kaya nais bilhin ni Simoun ang relikaryo na nasa pag-iingat ni Juli?

4. Malaki na sana ang magagawa ng limandaang pisong presyo ni Simoun para sa relikaryo ni Maria Clara
para makalaya si Juli kay Hermana Penchang subalit natutukso man ay ginusto pa rin ni Kabesang Tales
na ipagpaalam sa anak ang kanyang balak. Bakit kaya hindi na lamang ito ipinagbili ni Kabesang Tales at
saka na lamang niya kausapin si Juli?

5. Bakit nagbago ang ihip ng hangin at hindi na tumuloy si Kabesang Tales na kausapin si Juli para maibenta
ang relikaryo at kinuha nang walang paalam ang baril ni Simoun?

6. Kung ikaw si Kabesang Tales gagawin mo rin ba ang paghihiganti gayong alam mong ang kapalit nito ay
ang seguridad ng iyong ama at anak?

7. Sino ang tinutukoy ni Simoun sa pahayag na ito: "Sa wakas ay mayroon na akong tauhan, May katigasan.
Ngunit lalong magaling . Hindi siya magtataksil sa kanyang sinabi"?
8. Ano ang nais iparating ng may-akda sa bahaging iniisa-isa niya ang mga bantog na may-ari ng mamahaling
alahas na kanyang ipinagbibili?

9. Paano naiugnay ng relikaryong ibinigay ni Maria Clara sa ketongin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere at
El Filibusterismo?

10. Ano kaya ang sinisimbolo ng relikaryong na ito sa dalawang nobela?

11. Bakit sa bahay ni Kabesang Tales tumuloy si Simoun upang magbenta ng kanyang mamahalaing alahas?

12. Bakit bumili ng mamahaling alahas ang mga tao sa Tiani at San Diego kay Simoun?

13. Bakit hindi sumang-ayon si Hermana Penchang na ipagbili ni Kabesang Tales ang relikaryo ni Juli kay
Simoun?

14. Bakit natuwa pa si Simoun nang kunin ni Kabesang Tales ang kanyang baril kapalit ng dating relikaryo
ng kasintahan?

15. Bakit kaya pinauna ni Simoun ang kanyang mga utusan sa San Diego nang matapos ang bentahan at siya
ay sa lupa nagdaan dala pa ang natirang mga alahas?
B. Tukuyin ang kasingkahulugan nito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng ginulong mga titik.
1. Pinigilan daw ng mga tulisan si Simoun upang makapulong. B I N B I I M N
B __ __ __ __ __ __ N

2. Nabuhay si Basilio sa kalinga ni Tata Selo noong siya ay makatakas sa mga prayle at ni Kapitan Tiyago
nang lumuwas ng Maynila. N A K D I I L
K __ __ __ __ __ I

3. Lahat ay napapalingon sa ngiti at pang-akit ni Paulita sa madla. P L N G A A A I N H


P __ __ __ __ __ __ __ __ A

4. Tagos sa puso ang mga panlilibak ng mga Espanyol sa mga itinuturing nilang Indiyo.A N P U U A Y N
P __ __ __ __ __ __ A

5. Nag-alab ang damdamin ni Isagani sa mga pasaring ni Simoun tungkol sa maralita nilang bayan.
S A G N I K L B A S __ __ __ __ __ __ __ B

C. Ipaliwanag mo ang mga nakalahad sa bawat kahon.

Ikaw ay nagtiyaga, nagsikap nang buong katigasang-loob, at katulad ko rin ay mayroon kang pautang na dapat
singilin . . . Ikaw at ako ay kapwa nauuhaw sa katarungan . . . Kaya kailangan tayong magtulungan.

Kahulugan ng Pahayag:
mamahaling

ahan at siya
pautang na dapat
EL FILIBUSTERISMO
KABANATA 11
PANGALAN: DATE:

A. ISULAT ANG KAHULUGAN AT PANGUNGUSAP SA GRAPHIC ORGANIZER

Matatalinghagang
Kahulugan Pangungusap
Pahayag

1. magsunog ng kilay

2. ikapitong langit

3. bukang - liwayway

4. ibigay kay Caesar ang para


kay Caesar

5. magpalaman ng salita

B. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Ilarawan ang kapitan heneral bilang isang pinuno.

2. Bakit kaya hindi man lang nakahuli ang kapitan heneral ng kahit isa mang ibon o daga nang siya ay nangaso?

3. Anong hindi kanais-nais na kaugalian ng mga Pilipino sa pakikitungo sa kanilang pinuno ang ipinakikita ng
pagdadala ng banda sa pangangaso ng kapitan heneral at kusang pagpapatalo sa larong baraha upang manalo
ang kapitan heneral?

4. Bakit sinabi ni Simoun na sa kanyang palagay ay ang mga tulisan ang mga pinakamatapat na mamamayan sa
buong bayan?

5. Sino ang tinutukoy ni Simoun na "mga tulisan sa mga bayan"?

6. Ano ang naging reaksiyon ng kapitan heneral sa pagtatalo nina Simoun at Padre Irene?

7. Ano ang tatalakayin nila sa araw na iyon? Bakit pinakahihintay ito nina Padre Sibyla at Padre Irene?
8. Ano ang hiniling ng guro sa Tiani? Ano ang naging reaksiyon at opinyon ng mga kasama sa talakayan?

9. Ano ang iminumungkahi ni Don Custodio na nagbunsod ng pagtutol? Makatwiran ba ang kanyang mungkahi?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

10. Ano ang hiniling ng mga mag-aaral?

Ano-ano ang mga opinyon at reaksiyon ng sumusunod hinggil sa hiling ng mga mag-aaral:
11. Padre Sibyla

12. Simoun

13. Padre Fernandez

14. Padre Camorra

15. Padre Irene

C. Basahin ang sumusunod na pahayag at kilalanin kung sino ang nagsabi ng pahayag na ito:

1. Nais kong linisin ang bayan at wasakin ang binhi ng masasama.


2. Tama na ang mga laro at biruan; magtrabaho na tayo. Pag-usapan natin ang higit na seryosong bagay.
Kalahating oras pa bago mananghalian. Marami pang dapat pag-usapan.
3. "Ang dapat lamang nilang gawin at magbuwis at sumunod. Hindi nila gawaing magsuri ng mga aklat at batas."

4. Sinumang ibig magturo ay makapagtuturo. Si Socrates ay nagturo sa plasa, si Pilato sa ilalim ng mga puno sa
paaralan; at si Kristo ay sa mga bundok at lawa.
5. Ang pagtuturo ng Kastila ay maisasagawa nang wala ni anumang sukat ipangamba, kaya hindi ito lalabas na
pagkatalo ng pamantasan.
D. Ang sumusunod na mga kaisipan ay lumutang sa akdang binasa. Suriin kung anong ugaling Pilipino ang
masasalamin dito.

Kaisipang Lutang sa Kabanatang Binasa Ugaling Pilipinong Masasalamin Dito

Ang kapitan heneral ay may kasama pang banda ng


musiko, mga kawani, matataas na tao, at mga prayle sa
simpleng pangangaso lamang.

Ang kapitan heneral ay pinasigla ng kanyang mga


Ang kapitan heneral ay pinasigla ng kanyang mga
pagwawagi laban kina Padre Irene at Sibyla na talagang
sinasadya namang magpatalo sa kanya.

Humingi ng tulong ang isang guro dahil ang paaralan ay


wala ng bubong. Nababasa raw ang kanyang biniling
mga mapa at larawan mula sa sarili niyang bulsa.

Dahil maraming natanggap na reklamo ang kapitan


heneral ay pinasuspinde niya ito. Nahabag ang mataas
na kawani sa sinapit ng guro na matapos humingi ng
tulong at sa halip na tulungan ay inalisan pa ng
hanapbuhay.

Iminungkahing gamiting paaralan ang sabungan tuwing


Lunes hanggang Biyernes at kung may pagkakataong
kailangang magbukas ng sabungan sa araw ng pasukan
ay ipasasara ang paaralan.
EL FILIBUSTERISMO
KABANATA 12
PANGALAN: DATE:

A. Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Bakit ganoon na lamang ang pag-ayaw ni Placido sa pag-aaral?

2. Ano-ano ang mga katangian ni Placido bilang mag-aaral . Isa-isahin ito.

3. Paano nagkatulad at nagkaiba sina Placido Penitente at Juanito Pelaez?

4. Mayroon ka bang kilalang katulad ni Juanito Pelaez? Ano ang nararamdaman mo kapag kausap mo siya?

5. Ilarawan si Tadeo. Sa iyong palagay, paano kaya siya pumapasa gayong hindi siya regular na pumapasok at hindi nag-aaral nang mabuti?

6. Ilarawan si Paulita Gomez. Ano ang naging epekto niya sa mga binatang nakakita sa kanya?

7. Ano ang pinapipirmahan kay Placido Penitente? Anong mga karanasan ang pumigil sa kanya upang pumirma?

8. Kung ikaw si Placido Penitente, pipirma ka ba agad sa pinapipirmahan sa iyo? Bakit OO o bakit HINDI?

B. Suriin ang bawat katangian ng mga mag-aaral. Sa puwang bago ang bilang ay isulat ang H kung ang tinutukoy ay mag-aaral na Heswita,
D kung mag-aaral na Dominiko, M kung mag-aaral ng Paaralang Pang-munisipyo, at P kung tumutukoy sa mga mag-aaral ng Pilipinas.

1. Nakasuot-Europeo, mabibilis lumakad, at maraming dalang aklat at mga kuwaderno.

2. Halos lahat ay nakasuot lalawiganin.

3. Makikita silang parang laging nag-aalala at walang magandang pag-asa sa hinaharap.

4. Higit na nakararami, ngunit iilan ang dalang aklat.

5. Nasa itsura nila ang nag-iisip ukol sa kanilang leksiyon at mga asignatura.
6. May laso sa kanilang mga balikat at may mga aklat na kipkip sa braso.

7. Lagi silang matahimik at masuring gaya ng mga mag-aaral na Aleman.

8. Nang panahong iyon, hindi sila maloloko o mayayabang.

9. Wala kang maririnig na tawanan o biruan sa kanila.

10. May maayos at magarang damit, walang dalang aklat kundi baston.

C. Punan ang sumusunod na graphic organizer.

Pahayag Kaisipan Damdamin at Paliwanag

Ayaw na ni Placido Penitenteng


ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
1
Sinasabi niyang ibig na niyang umuwi at
magtrabaho na lamang.

"Isinusumpa ko! Wala silang magagawa!


Isa lamang angal sa kanila, mawawala ang
2
kanilang ama, asawa, o anak. Pagkatapos,
masayang Pasko!" wika ni Pelaez.

"May nakaharap pa kaming isa. Kasintahan


daw ni Basilio. Napakatanga niya para umibig
sa katulad ng babaing iyon. Walang alam ni
isang salitang Kastila. Walang pera. Naging
alila. Napakamahiyain pero maganda. Sinaktan
ni Padre Camorra ang dalawang lalaking
3 nangharana sa kanya minsan isang gabi. Ewan
ko kung ano ang nangyari pagkatapos.
Masungit ang babae. Pero siguradong
pagdaraanan din niya ang inabot ng ibang tulad
niya," may pagyayabang na ibinahagi ni
Pelaez.

Naalaala ni Placido ang isang mag-aaral


na pumasa lamang sa asignatura dahil sa
4
pagreregalo ng kanaryo sabay bigay ng
tatlong piso.
Isang mag-aaral ang lumabas ng simbahan
na nababakas sa mukha ang debosyon sa
5
pagdarasal sa birhen upang gawing
maliwanag ang leksiyon sa araw na iyon.

Hindi pumirma si Placido sa


pinapipirmahan sa kanya. Naalaala niya
ang tagapangulo sa kanilang bayan na
pumirma nang hindi binabasa ang isang
6 dokumento at dahil doo'y nabilanggo at
napatapon. Ganoon din ang kanyang tiyo
kaya sa tuwing may magpapapirma ay
naalaala niya iyon at para bang nadarama
pa niya ang salot na dulot nito.

Hindi pumirma si Placido sa


pinapipirmahan sa kanya. Naalaala niya
ang tagapangulo sa kanilang bayan na
pumirma nang hindi binabasa ang isang
7 dokumento at dahil doo'y nabilanggo at
napatapon. Ganoon din ang kanyang tiyo
kaya sa tuwing may magpapapirma ay
naalaala niya iyon at para bang nadarama
pa niya ang salot na dulot nito.

Kabuluhan ng Edukasyon Pagmamahal sa Diyos Karuwagan Paglilibang


Kapangyarihan ng Salapi Pagsasamantala sa Kapwa Paninindigan sa Sariling Prinsipyo
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 13
Pangalan: Petsa:

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Paano mo ilalarawan si Padre Millon bilang isang guro.

2. Sa iyong palagay, matatawag ba siyang isang mahusay na guro? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Mayroon pa bang mga "Padre Millon" sa panahong ito? Magbahagi ng mga pagkakataong magpapatunay rito?

4. Ano-anong mga sistema ng edukasyon noon ang masasabi mong nananatili pa rin hanggang ngayon?

5. Makatutulong ba ang mga sistemang ito sa pagsulong ng kalidad ng edukasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

6. Kung ikaw si Placido Penitente, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit OO o bakit HINDI?

7. Ano kaya ang kahihinatnan ni Placido nang dahil sa kanyang ginawa?

8. Ilarawan ang sistema ng edukasyon noon? Ano ang masasabi mo hinggil dito?

9. Masasabi mo bang buhay pa ang ganitong sistema sa ilang paaralan?


Kung OO ang iyong sagot, ano ang iyong magagawa upang magbago ang ganitong sistema sa paaralan?

Kung HINDI ang iyong sagot, ano ang iyong magagawa upang hindi magkaroon ng ganitong sistema sa paaralan?

B. Punan ang graphic organizer: Ang mababasa sa Graphic Organizer ay mga isyung tinalakay sa akda.
Masasabing ang mga isyung ito ay nananatili pa rin sa kasalukuyang panahon. Maglahad ng mga pangyayari sa kasalukuyan na
katulad ng nakatalang sitwasyon sa akda.

Mahahalagang Isyung Tinalakay sa Akda Kasalukuyang Sitwasyon

Hindi kuwalipikado si Padre Millon upang magturo


ng Pisika, ngunit ipinagkatiwala sa kanya ang
asignaturang ito.

Ang mga kagamitan ay hindi binili para sa mga


mag-aaral. Ang laboratoryo ay ginawa para
ipagmalaki sa mga dayuhan at matataas na
opisyal ng kapuluan, upang sabihing hindi sila
nahuhuli kailanman.

Naisip ni Padre Millong masarap ipahiya ang


binatang si Placido, na laging maayos ang
pananamit, at halatang malaki ang tiwala sa sarili.
Naisip ni Padre Millong masarap ipahiya ang
binatang si Placido, na laging maayos ang
pananamit, at halatang malaki ang tiwala sa sarili.

Sumagot si Penitente sa pang-aalipusta ng guro at


sinabing mababawasan ang kanyang marka,
ngunit walang karapatan ang gurong umalipusta
ng kapwa. At umalis ang binata sa klase.
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 14
Pangalan: Petsa:

A. Sagutin ang sumusunod:

1. Paano mo ilarawan ang tahanan ni Makaraig? Ano ang ipinakikita nito sa mag-aaral na may-ari ng tahanan?

2. Ano ang pinag-usapan sa bahay ni Makaraig? Sino-sino ang dumalo sa pulong?

3. Ano ang damdamin ng mga pangunahing estudyanteng sina Isagani, Sandoval, at Pecson ukol sa kanilang hiling?

4. Sa iyong palagay, totoo kayang maka-Pilipino at pusong Pilipino si Sandoval na isang tunay na Espanyol ? Patunayan.

5. Ano-anong solusyon ang kanilang naisip upang mapagbigyan sa kanilang hiling?

6. Kung ikaw ay kabilang sa samahan ng makabagong mag-aaral, paano mo haharapin ang isang kahilingang alam mong
magdaraan sa butas ng karayom?

B. Suriin ang mga problema sa kabanatang ito, at kung ano ang naging sanhi at ibinunga ng problema. Kung ikaw ay isa
sa mga kabataang ito, anong solusyon ang iyong gagawin?

PROBLEMA EPEKTO SANHI SOLUSYON


C. Ang pagnanais ng mga estudyante na lumapit sa mga kilalang tao upang magpatulong. Ang tawag ng sistemang ito ay
humahanap ng padrino. Umisip ng mga pangyayari na iyong naranasan, nabalitaan, nabasa, napakinggan tungkol sa
ganitong sistema at kung ano ang iyong damdamin ukol dito. Ilahad ito sa graphic organizer.

Pangyayaring iyong naranasan, nabalitaan,


Sistema sa Paggamit ng Padrino Ano ang iyong naging damdamin ukol dito?
narinig, nabasa o napanood
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 15

Pangalan Petsa

A. Sagutin ang sumusunod:

1. Paano mo ilalarawan si Ginoong Pasta? Anong uri siya ang abogado?

2. Ano ang pakay ni Isagani kay Ginoong Pasta?

3. Bakit hindi sang-ayon si Ginoong Pasta sa isinusulong ng mga estudyante?

4. Ano ang iminungkahi niya kay Isagani sa halip na ipagpatuloy ang kanilang sinusulong?

5. Sa iyong palagay, wala bang malasakit sa kapwa si Ginoong Pasta? Patunayan.

6. Kung ikaw si Isagani, isusulong mo pa ba ang pinaglalaban ninyo bagama't ayaw kayong
tulungan ng ibang tao? Pangatwiranan.

B. Suriin ang bawat pahayag at tukuyin kung sino ang nagwika ng mga pahayag.
Isulat kung ikaw ay sang-ayon o di - sang-ayon sa pahayag at ipaliwanag ang sagot.

1. "Ang pamahalaan ay gumagawa para sa kabutihan ng mga tao at upang maisakatuparan ang kanilang
layunin, dapat nilang sundin ang kahilingan ng mga mamamayan na mas nakakaalam ng kanilang
pangangailangan."

2. "Ang dangal ay siyang pinakamahinang saligan ng malasariling pamahalaan sapagka't sila'y di umaasa sa
kanila kung hindi sa pinamamahalaan at nagtatagal lamang ito kung ito'y kinikilala. Sa wari ko ba'y ang
katarungan ang magdudulot ng mas matagal na saligan."
2. "Ang dangal ay siyang pinakamahinang saligan ng malasariling pamahalaan sapagka't sila'y di umaasa sa
kanila kung hindi sa pinamamahalaan at nagtatagal lamang ito kung ito'y kinikilala. Sa wari ko ba'y ang
katarungan ang magdudulot ng mas matagal na saligan."

3. "Laging ipinapayo sa akin na isipin ko ang aking kapwa ng katulad ng aking sarili. Hindi ako pumunta rito
para sa aking sarili kung hindi para sa iba na nangangailangan ng aking tulong?

4. "Siya na ibig matuto ay talagang matututong mabuti. Subalit ilan sa mga ibig matuto ang naging katulad
mo? Isa sa isang libo."

4. "Siya na ibig matuto ay talagang matututong mabuti. Subalit ilan sa mga ibig matuto ang naging katulad
mo? Isa sa isang libo."
5. "Ang tagumpay ay di nagbibigay ng kapanatagan ng isipan."
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 16

Pangalan: Petsa:

A. Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Sino si Quiroga? Ano ang pinapangarap niyang magkaroon para sa mga katulad niyang
Intsik sa bansa?

2. Sino-sino ang dumalo sa handaan ni Quiroga nang gabing iyon?

3. Saan ginanap ang handaan?

4. Ano ang lihim na nararamdaman ni Quiroga nang gabing iyon, bagama't siya ay
nakikipagkamay, nakikisalamuha, nakikipagbatian, at nakikipagngitian sa mga panauhin?

5. Ano ang nalalaman ni Simoun sa kanyang ikinikilos kapag siya ay kumikita at kapag siya
ay nalulugi.

6. Walang tiwala si Quiroga sa mga kilalang panauhin. May basehan kaya siya sa kanyang
pagdududa? Magbigay ng mga patunay mula sa iyong nabasa?

7. Ano-ano ang mga kapighatian ni Quiroga?

8. Ano ang iminungkahi ni Simoun kay Quiroga nang ipagtapat nito na wala pa siyang
ibabayad sa kinuhang alahas?
9. Sumang-ayon ba si Quiroga sa mungkahing ito ni Simoun? Ipaliwanag ang iyong sagot.

10. Kung ikaw si Quiroga, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa upang mapagbigyan
ang iyong hinihiling?

B. Suriin ang dalawang pangungusap. Isulat ang:

A - kung tama ang unang pahayag at mali ang ikalawa


B - kung tama ang ikalawa at mali ang una
C - kung parehong tama ang mga pahayag
D - kung parehong mali ang mga pahayag
1. a. Naghanda ang Intsik na si Quiroga ng isang hapunan sa itaas ng kanyang
tindahan sa Escolta.
b. Nangangarap si Quiroga na magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa sa
Maynila.
2. a. Masayang-masaya ang lahat. Walang puknat ang pagbubukas ng mga inumin,
kantian ng mga baso, halakhakan, sigarilyuhan.
b. Punong-puno ang bulwagan ng tahanan ni Quiroga ng mga Indio.
3. a. Ipinahalata ni Quiroga na wala siyang tiwala sa mga panauhin.
b. Nagpapalibot - libot siya sa mga panauhin upang matiyak na
walang mambubulsa ng anuman.
4. a. Gutom na gutom na si Simoun at kumain agad siya sa bulwagan pagdating niya.
b. Ayon kay Simoun ang sanhi ng hindi pag-unlad ay ang daungan.
5. a. Binayaran ng Intsik kay Simoun ang tatlong pulseras na kanyang inutang.
b. Ipinalabas ni Simoun sa pier ang ilang kahong puno ng mga armas.
C. Magbigay ng napapanahong isyu para sa isyung kalakalan at sistema sa piyer,
pagkatapos ay ibigay ang iyong patunay at paliwanag.
Ilang Isyung Pambansa Patunay at Paliwanag
Kalakalan
Sistema sa Piyer
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 17

Pangalan: Petsa:
A. Sagutin ang sumusunod:
1. Ilarawan ang perya sa gabing iyon.

2. Kaninong kubol pupunta ang labindalawang galing sa bahay ni Quiroga?

3. Bakit may kakaibang tuwa si Padre Camorra nang gabing iyon?

4. Sino ang nakita ni Padre Camorra na lalong nagpasaya sa kanya?

5. Ano ang naramdaman ni Isagani tuwing may titingin kay Paulita?

Kabanata 18
1. Paano mo ilalarawan si Mr. Leeds? Bakit nais ipakita o ipaalam ni Ben-Zayb ang sekreto sa likod ng palabas niya?

2. Ano ang kakaiba sa kanyang palabas at nais panoorin ito ng pangkat nina Ben-Zayb?

3. Ano ang kadayaan sa palabas? Natuklasan ba ito ni Ben-Zayb?

4. Ano ang isinalaysay ni Imuthis kaugnay ng kanyang buhay?

5. Kaninong buhay mo maihahambing ang buhay ni Imuthis? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Kabanata 19
1. Bakit biglang tumapang ang matimpiing si Placido ? Masisisi mo ba siya sa pagbabago niyang ito? Ipaliwanag.

2. Ano ang masasabi mo sa naging reaksiyong ni Kabesang Andang bilang isang ina sa pagbabago ni Placido?

3. Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, ganoon din ba ang ipapayo mo sa iyong anak? Pangatwiranan.

4. Ano naman ang masasabi mo sa naging sagot ni Simoun sa tanong ni Placido kaugnay ng kanyang planong
pangingibang bansa?

5. Ilarawan ang kaisipan at damdamin ni Simoun kaugnay ng rebolusyong kanyang binabalak.


Kabanata 20
1. Sino si Don Custodio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo? Ilarawan ang kanyang katangian at pagkatao.

2. Sa iyong palagay, tama bang makatanggap siya ng iba't ibang papuri, matalaga sa kanyang mga tungkulin, at
maging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral? Ipaliwanag.

3. Paghambingin ang buhay ni Don Custodio sa Pilipinas at ang karanasan niya sa Espanya. Paano niya nagamit
ang mga karanasang iyon sa kanyang pagbabalik sa bansa?
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 18

Pangalan: Petsa:
A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Paano mo ilalarawan si Mr. Leeds? Bakit nais ipakita o ipaalam ni Ben-Zayb ang sekreto sa likod ng palabas niya?

2. Ano ang kakaiba sa kanyang palabas at nais panoorin ito ng pangkat nina Ben-Zayb?

3. Ano ang kadayaan sa palabas? Natuklasan ba ito ni Ben-Zayb?

4. Ano ang isinalaysay ni Imuthis kaugnay ng kanyang buhay?

5. Kaninong buhay mo maihahambing ang buhay ni Imuthis? Ipaliwanag ang iyong sagot.

6. Bakit labis na naapektuhan si Padre Salvi sa isinalaysay ni Imuthis?

7. Kung ikaw si Padre Salvi, ano ang mararamdaman mo pagkatapos ng paglalahad ni Imuthis?

8. Bakit nais ipahinto nina Don Custodio at mga prayle ang palabas?
9. Sa iyong palagay makatwiran ba ang pagpapatigil ng palabas?

10. Nagtagumpay ba ang pangkat sa pagpapatigil ng palabas? Bakit OO o bakit HINDI?

B. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot.

1. Huwag tayong padala sa simbuyo ng ating damdamin kapag may hinaing.


Kasingkahulugan:

2. Si Placido ay may kakayahang sumagot sa masalimuot na tanong.


Kasingkahulugan:

3. Naubos ang pasensiya ni Placido at ibinalibag ang aklat.


Kasingkahulugan:

4. Ang bawat isa ay nagsapantaha ng magiging pasiya ng heneral.


Kasingkahulugan:

5. Ang layunin ni Ginoong Pasta ay magulumihanan si Isagani sa mayaman niyang salita.


Kasingkahulugan:

6. Ang pamahalaang ito ay puro kabalintunaan.


Kasingkahulugan:

7. Ang kautusan ay may layong lalo silang libakin.


Kasingkahulugan:

8. Bantulot si Quirogang tanggapin ang alok ni Simoun.


Kasingkahulugan:

9. Matatas magsalita ng Espanyol si Mr. Leeds.


Kasingkahulugan:

10. Kung sinisiyasat ni Ben-Zayb ang mesa ay makikita niya ang salamin.
Kasingkahulugan:
C. Suriing mabuti ang mga pahayag . Tukuyin kung anong kaisipang lutang dito. Isulat ang letrang D kung tungkol
sa pagmamahal sa Diyos, B kung sa bayan; KT kung kapwa-tao; o M kung sa magulang.

1. "Nais kong linisin ang bayan at wasakin ang binhi ng masasama," wika ni Simoun.

2. "Ang mga tulisan ang mga pinakamatapat na mamamayan sa buong bayan dahil nagpapakapagod

sila sa araw-araw nilang pagkain," ang pagtatanggol ni Simoun.

3. Nahabag ang mataas na kawani sa sinapit ng guro na matapos humingi ng tulong at sa halip tulungan

ay inalisan pa ng hanapbuhay.

4. "Ang kanilang kahilingan (pag-aaral ng Wikang Kastila) ay makabuluhan at wala tayong karapatang

pigilin ito dahil lamang sa ating pala-palagay," sambit ng mataas na kawani.

5. "Kapitan ang anak pong dalaga ni Kabesang Tales ay muling naparito upang hilinging mapalaya ang

kanyang nuno. Ikatlong araw na ngayong siya'y naparito," dagdag ng kawani.


EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 19

Pangalan: Petsa:
A. Sagutin ang mga tanong:
1. Bakit biglang tumapang ang matimpiing si Placido ? Masisisi mo ba siya sa pagbabago niyang ito? Ipaliwanag.

2. Ano ang masasabi mo sa naging reaksiyong ni Kabesang Andang bilang isang ina sa pagbabago ni Placido?

3. Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, ganoon din ba ang ipapayo mo sa iyong anak? Pangatwiranan.

4. Ano naman ang masasabi mo sa naging sagot ni Simoun sa tanong ni Placido kaugnay ng kanyang planong
pangingibang bansa?

5. Ilarawan ang kaisipan at damdamin ni Simoun kaugnay ng rebolusyong kanyang binabalak.

6. Bakit nasabi ni Placidong; "Mamatamisin ko pang itapon sa dagat o maging isang bandido kaysa bumalik sa
pamantasan"?

7. "Gigibain ko ang pader ng iyong kulungan; kukunin kita sa gapos ng kapanatikuhan; at ikaw, mahal na kalapati,
ikaw ay magiging parang phoenix na makalilipad mula sa nagliliyab na lungsod," Sino ang tinutukoy rito ni
Simoun at ano ang nais niyang mangyari?

8. Ipinikit ni Simoun ang kanyang mga mata; natatakot sa kanyang mga ginawa; matagal na hindi nakakilos; at sa
unang pagkakataon sa kanyang buhay ay nanginig ang kanyang katawan sa takot pagkatapos siyang magmuni-
muni sa nalalapit na katuparan ng kanyang layunin. Bakit niya naramdaman ito?
9. Tila nakita ni Simoun ang amang patay sa kulungan at ang mukha ni Elias na namatay para kay Ibarra na naniwa-
lang matatamo niya ang katubusan ng kanyang lupang tinubuan. Bakit nakita niya ang mga larawang ito ng mahaha-
lagang tao sa kanyang buhay?

10. "Ang kanser ay magagamot lamang ng apoy at bakal. Ang kasalanan ay dapat pagbayaran." Ano ang ibig sabihin
ni Simoun sa pahayag na ito?
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 20

Pangalan: Petsa:
A. Sagutin ang mga tanong:
1. Sino si Don Custodio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo? Ilarawan ang kanyang katangian at pagkatao.

2. Sa iyong palagay, tama bang makatanggap siya ng iba't ibang papuri, matalaga sa kanyang mga tungkulin, at
maging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral? Ipaliwanag.

3. Paghambingin ang buhay ni Don Custodio sa Pilipinas at ang karanasan niya sa Espanya. Paano niya nagamit
ang mga karanasang iyon sa kanyang pagbabalik sa bansa?

4. Ano ang iyong kaisipan sa: "Ang iba'y ipinanganak upang mag-utos at ang iba'y upang maglingkod."

5. Bakit kaya sinabi ng may-akda ang pahayag na ito: "Kung nais mong supilin ang bayan, paniwalain ninyong sila'y
nababagay na tagasunod lamang?"

6. Anong kaisipan ang nabuo sa iyo tungkol sa pagtatalaga ng kawani ng pamahalaan noon at sa kasalukuyan?
May pagkakaiba ba o may pagkakatulad? Patunayan.

7. Paano kaya natin maiiwasan ang pagtatalaga sa tungkulin ng mga taong hindi naman karapat-dapat?

B. Basahin ang pahayag sa bawat bilang at ibigay ang ipinapahiwatig nito.


1. Naisip ni Don Custodio na pausukan ng disimpektante ang lahat pati ang mga telegramang nanggaling sa mga
lugar ng may sakit na nakahahawa. Tumutol din siya sa paggamit ng gaas sa mga ilaw sa kalye sa halip na langis
ng niyog.

2. Dahil sa kakulangan ni Don Custodio sa pinag-aralan hindi siya pinahalagahan sa lipunang pansiyentipiko at
pang-akademya sa Espanya. Kahit marami rin siyang brilyante ay napagkakamalan siyang tagabukid na hindi
marunong maglakad nang maayos.
3. Makita lamang ni Don Custodio ang tala-talaksang pahayagan mula sa Espanya ay napahihikab na siya.

4. Naawa si Don Custodio sa mga bilanggong nagtatrabaho sa init ng araw kaya nagmungkahing sa gabi pagawain
sa halip na sa araw.

5. Tinanong si Don Custodio ng mataas na kawani tungkol sa kalagayan ng panukala. Nagsawalang -kibo siya upang
ipalagay na nakapagpasiya na siya. Ngumiti ang mataas na kawani. Ang ngiting iyon ang lumiligalig sa kanya.
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 21

Pangalan: Petsa:
A. Suriin at isulat kung ang pahayag ay TAMA o MALI batay sa mahalagang kaisipan o pangyayari sa binasang
kabanata.
1. Si Camaroncocido ay may malaking malasakit sa kapakanan ng kanyang bayan kaya't ipinagwalang-
bahala niya ang mga kahina-hinalang bagay na kanyang nakita nang gabi ng palabas.
2. Maraming tao ang naakit na manood ng palabas sa teatro dahil sa murang halaga ng tiket nito.
3. Malaki ang malasakit ni Tadeo sa mga baguhang kababayan kaya't ipinakilala niya at nagkuwento
siya ng ilang bagay na kanyang nalalaman tungkol sa matataas at kilalang tao sa lipunan.
4. Si Padre Salvi ay isa sa mga tutol sa panonood ng Les Cloches de Corneville kaya't nagpalabas siya
ng sulat pastoral na nagbabawal sa panonood nito.
5. Karamihan ng mga manonood ng palabas ay hindi gaanong maalam sa wikang Pranses kaya't
sumisilip sila sa mga dalang diksiyonaryo nang patago.
6. Naging maingat na si Ben-Zayb sa kanyang mga pagsasalin dahil ayaw na niyang mapintasan pa
katulad nang nauna niyang karanasan.
7. Si Padre Irene ay buong pagmamayabang na tumungo sa teatro upang manood ng palabas.
8. Ang matatandang babae at mga may asawa ay ilan lamang sa tumututol sa pagpapalabas ng
Les Cloches de Corneville sa teatro.
9. Hanggang sa panonood ng palabas sa teatro ay dala-dala pa rin ni Don Custodio ang pag-iisip sa batas
na kanyang nais ipasa.
10. Tila kambal sina Tiyo Kiko at Camaroncocido lalo na sa kanilang pisikal na katangian.

B. Gamit ang iyong natutuhan tungkol sa pang-uri at mga tayutay ay bumuo ng mahusay na pangungusap na maghahambing sa
mga pangunahing tauhan sa kabanata batay sa nakasaad sa bawat bilang.
1. Matalino si Camaroncocido. Nakita niya ang mga nangyayari sa paligid. Ihambing si Camaroncocido sa isang agila sa bilis ng mata at isip.

2. Si Tiyo Kiko ay masipag. Naghanapbuhay pa siya kahit may edad na. Gumamit ng angkop na mga salitang maihahambing siya sa
katangian ng kalabaw sa paggawa.

3. Mahangin si Tadeo. Pinagyabangan niya ang kababayang mangmang. Ihambing siya sa makulay na pabo na ipinakikita ang makukulay
niyang balahibo.

4. Maputi at maganda ang katawan ng mananayaw na si Pepay. Lagi at paulit-ulit siyang humihingi ng pabor kay Don Custodio na lubhang
nagigiliw sa kanya. Ihambing si Pepay sa isang linta.

5. Matangos ang ilong ni Padre Irene. Natutukoy agad siya ng mga tao dahil dito. Ihambing ang ilong ni Padre Irene sa isang bagay na alam
mong higit na makapaglalarawan sa kanya.

C. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Anong malaking palabas sa Teatro de Variedades ang hinihintay ng mga manonood?
2. Sino-sino ang pabor at salungat sa pagpapalabas nito? Bakit sila pabor o bakit sila salungat?

3. Bakit marami pa ring tao ang nanonood nito gayong ipinagbawal itong panoorin ng mga prayle?

4. Anong pangunahing mensaheng nais ihatid ng may-akda sa kabanatang ito?


EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 22
Pangalan: Petsa:
A. Sagutin ang mga sumusunod:
1. Anong kaugaliang ikinabit sa mga Pilipino ang nasalamin mo rito?

2. Bakit kaya masaya si Pepay sa kanyang hawak na sulat gayong malungkot naman ang mga mag-aaral na nakabasa nito?

3. Sa iyong palagay dapat nga bang sabihing kaugaliang Pilipino ang mga ito gaya ng pagiging huli sa oras na nakilalang
"Filipino Time"? Pangatwiranan.

4. Sa iyong palagay, bakit kaya ipinaubaya sa mga relihiyosong orden ang ganap na pagpapasiya sa bagay na ito?

5. Anong pangkalahatang kaisipan o aral ang personal mong nakuha sa kabanatang ito?

Kabanata 23
1. Anong uri ng tagapag-alaga si Basilio? Ilarawan ang kanyang kalagayan sa kanyang pag-aalaga kay Kapitan Tiyago.

2. Bakit patuloy na lumala ang kalagayan ng kalusugan ni Kapitan Tiyago? Saan kaya siya nakakakuha ng opyo?

3. Bakit kaya tinitiis ni Basilio ang lahat ng masasakit na bagay na ginagawa ni Kapitan Tiyago?

4. Kung ikaw ang nasa kalagayan, ano ang gagawin mo sa inaalagang katulad ni Kapitan Tiyago ?

5. Bakit nagpunta si Simoun kay Basilio? Ano ang ibig nitong sabihing pinuntahan niya ang huli upang ihandog ang kamatayan
o hinaharap nito?

Kabanata 24
1. Saan at bakit magkikita sina Isagani at Paulita?

2. Sa iyong palagay, bakit kaya nagkasakit si Simoun at ayaw tumanggap ng sinumang dalaw?
3. Sang-ayon ka ba sa naisip ni Isagani tungkol sa pagkakasakit ni Simoun kung ihahambing sa mga sundalong galing sa
ekspedisyon sa Carolina?

4. Paano ipinakita sa kabanatang ito ang matinding pagmamahal o pagkagusto ni Isagani kay Paulita? Ganito ba talaga ang
natural na umiibig?

5. Ano-ano ang pangarap ni Isaganing ibinahagi niya kay Paulita para sa kanyang bayan?
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 25
PANGALAN: PETSA:
A. Sagutin ang sumusunod:
1. Ayon sa mga haka-haka, ano-ano raw ang nangyari kay Simoun? Alin kaya sa mga ito ang totoo? Bakit?

2. Ano ang dahilan at nagkatipon-tipon ang mga mag-aaral sa pansitan ng Intsik? Paano nila isinagawa
ang pagkikita-kita?

3. Bakit lipos ang kasiyahan si Isagani nang dumating sa pansiterya?

4. Ano ang lutang na lutang na damdamin sa mga mag-aaral kahit sila ay nagbibiruan at nagtatawanan?

5. "Tingnan ninyo ang kasalukuyan at aninagin ang hinaharap . Ano ang nakikita ninyo? Prayle, prayle,
at marami pang mga prayle!" Ano ang ibig sabihin nito?

Kabanata 26
1. Bakit tila si Basilio lamang ang di - nakababatid ng kaguluhan at pagbabago ng kapaligiran lalo na sa
mga mag-aaral at sa mga nangyayari sa unibersidad?

2. Bakit hindi na niya nagawang itago ang mga bagay na ito?

3. Sino ang naiisip ni Basilio habang naririnig ang kuwento tungkol sa pagbabanta ng maraming
pagsalakay, pagpatay, at iba pang pagyayabang? Bakit?

4. Maituturing bang duwag si Basilio nang talikuran niya ang kaibigang si Isagani na noo'y hindi alintana
kung maririnig man siya ng mga prayle sa pagsanib sa may kagagawan ng paskin?

5. Anong damdamin ang nanaig sa iyong puso nang mabihag si Makaraig at madamay rin si Basilio?

Kabanata 27
1. Ano ang sinabi ni Isaganing dahilan kung bakit ayaw daw ng mga prayleng matuto ang mga kabataang
Pilipino?

2. Ayon sa prayle, ano raw ang mahinang uri kapag daw hindi natuto ang mga mag-aaral?

3. Ano ang tingin ng prayle kay Isagani nang ipinagtanggol niya nang poot na poot sa kanyang pangmamaliit sa
sa kapwa niya mag-aaral na Pilipino?
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 28
PANGALAN: PETSA:

Sagutin ang sumusunod:


1. Ano ang lumaganap nang mabalita ang tungkol sa paskin at sa pagkakadawit sa mga mag-aaral? Paano ito
nakapinsala sa buhay ng mga tao?

2. Ano ang inisip ni Quiroga sa kanilang napagkasunduan ni Simoun tungkol sa mga ipinatago nitong armas sa
kanyang tirahan? Bakit nais na niyang mawala na ito sa kanyang tirahan?

3. Nakita ni Ben-Zayb ang walang - buhay na Pilipinang hinalay. Hindi niya ito ibinalita. Paano niya nakokontrol
ang paksa ng kanyang isinusulat?

Kabanata 29
1. Bakit sinasabing napakaringal ng ginawang lamay at paglilibing kay Kapitan Tiyago? Ilarawan.

2. Naging tapat kaya si Padre Irene bilang tagapangasiwa at tagapagpatupad sa mga huling habilin ni Kapitan Tiyago? Patunayan.

3. Ano-anong kaugalian ang ipinakita sa kabanatang ito kapag may namatay?

Kabanata 30
1. Paano hinarap ni Juli ang pagkabilanggo ni Basilio at ang mga bulong-bulongan sa masamang mangyayari sa katipan? Isa - isahin
ang mga ginawa niyang paraan upang matulungan ang kasintahan.

2. Ano ang padrino system? Iugnay ito sa kabanatang tinatalakay. Nangyayari pa ba ito sa kasalukuyang panahon?
3. Paano inihayag ng may-akda ang "nangyari" sa kumbento ni Padre Camorra nang humingi ng tulong si Juli sa kura paroko?
Ano ang hindi lantarang isinulat ng may-akda sa huling bahagi ng buhay ni Juli?
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 31
PANGALAN: PETSA:

A. Sagutin ang mga sumusunod:


1. Bakit hindi man lang nalathala sa mga pahayagan o lumikha ng ingay ang gusot na kinasangkutan nina Juli at Padre Camorra?
Ano ang ipinakikita nito sa uri ng pamamahayag na umiral sa panahong iyon?

2. Bakit inalis lang si Padre Camorra sa bayan ng Tiani? Makatwiran ba ang "parusang" iyon sa kanyang nagawa?

3. Ano ang napag-usapan ng Kapitan Heneral at ng Mataas na Kawani na nagresulta sa pagbibitiw at pagpapabalik sa Espanya
ng huli?

Kabanata 32
1. Ano-ano ang mga ibinunga ng paskin sa buhay ng mga mag-aaral na nasangkot dito?

2. Natunton ba sa akda kung sino ang tunay na utak ng mga ito? Ayon sa mga alingasngas, sino-sino raw ang may pakana ng
mga paskin at ano-ano ang kanilang mga kadahilanan?

3. Bakit si Basilio lamang ang naiwan sa kulungan? Bakit kaya hindi siya tinulungan ni Simoun?

Kabanata 33
1. Ano-ano ang haka-haka ng mga tao patungkol kay Simoun na maaari niyang gawin ngayong paalis na ang kapitan-heneral?

2. Sa iyong palagay, ano ang mahalagang bagay na pinagkakaabalahan ni Simoun sa kanyang ginawang pagkukulong sa
kuwarto?

3. Bakit nagpasiya si Basilio na umanib sa kilusan o makiisa sa pagsasagawa ng himagsikan?


EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 34
PANGALAN: PETSA:

A. Isulat ang wasto sa linya kung tama o totoo ang isinasaad ng pahayag batay sa salita o mga salitang may
salungguhit at kung mali naman ay isulat ang nararapat na salita para rito.

1. Ang mga mag-aaral ay nakabakasyon na sa kani-kanilang lalawigan nang araw na iyon maliban kina
Basilio at Isagani.
2. Nang makalaya si Basilio ay wala siyang natuluyan; walang kaibigang nakausap; walang perang pambili ng
pagkain maliban sa aklat sa kanyang bulsa.

3. Habang naghihintay sa malagim na mangyayari, tila nakikita ni Basilio ang mga taong nagdaraan na pugot ang ulo.

4. Binilinang mabuti ni Simoun si Basilio na lumayo sa daang del Rosario.

5. Nagpasalamat si Don Timoteo kay Quiroga dahil pinautang siya nito upang magastos sa marangyang kasal ng anak.

Kabanata 35
1. Anong larawan o kaugalian ng mga Pilipino ang masasalamin sa nangyaring handaan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Bakit kaiba ang anyo ng Kapitan Heneral nang gabi ng kasalan?

3. Ano-anong mga bagay ang pumasok sa isip ni Basilio nang makita niya ang lamparang maglilinis ng masasama sa bayan?
Anong damdamin ang nananaig sa kanya nang makita niya ito?

Kabanata 36
1. Bakit agad-agad na umuwi si Ben-Zayb mula sa pagtitipon?

2. Bakit itinuturing niyang natatanging lathalain ang kanyang gagawin na noon pa lamang diumano mababasa sa Pilipinas?

3. Ano ang pangunahing layunin ni Ben-Zayb sa pagsulat ng lathalain? Sa iyong palagay, tama ba ang pagkakaroon ng ganitong pananaw
sa pagsusulat ng isang balita o lathalain?

4. Bakit ipinabalik ng patnugot kay Ben-Zayb sa pagsulat ng lathalain?


5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng responsible journalism sa bansa?
EL FILIBUSTERISMO
Kabanata 37
PANGALAN: PETSA:
A. Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang kumalat na balita sa kinabukasan sa mataong lugar ng mga Orenda tungkol sa nagdaang kasalan?

2. Ano-ano ang nakita nang alisin ang kioskong nagsisilbing kainan ng mga panauhing pandangal? Ano ang ibig
ipahiwatig ng mga tanawing ito?

3. Sino ang pinaghihinalaan ng mahusay na abogadong si G. Pasta na may kagagawan ng pakanang pinag-uusapan
ng grupo? Ano kaya ang ibig ipahiwatig ng pagtingin ng magkakapatid na Orenda kay Isagani?

Kabanata 38
1. Bakit naging kilabot ng Luzon si Matanglawin? Paano siya lumusob sa mga lalawigan?

2. Paano iniligtas ng mga tao ang kanilang mga sarili sa kilabot na si Matanglawin? Ano ang mangyayari sa mga
magsasaka kapag hindi nakahuli ng tulisan ang mga guardia civil?

3. Ano ang nangyari sa kalakalan nang panahong iyon? Talakayin ang epekto sa kalakalan kapag may kaguluhan?

Kabanata 39
1. Ano ang dahilan nang labis na kalungkutan ni Padre Florentino? Tama ba ang sapantaha ni Don Tiburcio na siya ang
tinutukoy ng telegrama na darakpin buhay man o patay? Bakit?
2. Paano tinanggap ni Padre Florentino si Simoun sa kanyang tahanan? Anong magagandang kaugaliang Pilipino ang
masasalamin sa kanya?

3. Bakit itinapon ni Padre Florentino ang maletang bakal na naglalaman ng malaking kayamanan ni Simoun sa pusod ng
dagat? Kung ikaw si Padre Florentino, gayon din ba ang iyong gagawin ? Bakit OO o HINDI?
EL FILIBUSTERISMO
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO
PANGALAN: DATE:

A. SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA TANONG:

1. Ano-anong pangyayari ang nagtulak kay Rizal upang isulat ang El Filibusterismo?

2. Saan at kailan niya isinulat ang ikalawang obra?

3. Ano-anong suliranin ang kanyang naranasan habang isinusulat ang nobela?

4. Paano niya nalampasan ang mga suliraning ito? Isa-isahin.

5. Bakit kinailangang lisanin ni Rizal ang Paris at lumipat sa Brussels, Belgium nang siya ay nagsusulat na ng nobela?

6. Ano-ano kaya ang damdaming naghari kay Rizal nang dumating ang kaibigang si Valentin Ventura sa panahong
napakatindi ng kanyang pangangailangan?

7. Bakit kaya nakumpiska sa Hong Kong at Pilipinas ang mga kopya ng El Filibusterismo? Ano ang pinatutunayan
nito sa kapangyarihan ng mga Espanyol nang panahong iyon?
8. Paano nakatulong kina Andres Bonifacio at sa kanyang kilusan ang ito ni Rizal?

B. Lagyan ng tsek ang kahon kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang El
Filibusterismo. Isulat sa linya ang magpapawasto sa pangyayari kung mali ito.

Si Governador-Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bansa nang sinimulan ni Rizal ang pagsusulat
ng ikalawang nobelang El Filibusterismo.

Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo kaysa Noli Me Tangere.

Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang isinusulat niya ang
nobelang ito.

Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay - inspirasyon sa kanyang tapusin na ang kanyang
nobela sa lugar na ito.

Mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi isinama ni Rizal sa Noli kaysa sa
mga pahinang hindi niya isinama sa El Fili.

C. Patunayan na ang mga pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng akda ay umiiral sa mismong kabuoan o
bahagi ng nobela. Punan ng mga detalye na magpapakitang sinasalamin ng kaligirang pangkasaysayan ang ilang
bahagi ng nobela.
Pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan
Pangyayari sa Nobela
ng Nobela
Nagpakasal kay Juanito ang
katipan ni Isagani na si Paulita
Gomez

Nanaginip si Rizal at nakakita ng


mga pangitain tungkol sa
kasawian ng kanyang pamilya at
kaibigan

Nagkaroon ng suliranin sa mga


prayle si Kabesang Tales nang
kinamkam nila ang lupang
kanyang pinagyaman.
Nag-urong sulong si Simounna
isagawa ang katuparan ng
kanyang mga plano.

D. Ilahad ang mga layunin o adhikain ni Rizal sa pagsulat ng nobelang El Filibusterismo.

Mga Layunin o Adhikain ni Rizal sa Pagsulat ng El Filibusterismo

E. Kilalanin ang mga tauhan na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Siya ang paring Pransiskano na iginagalang ng mga kasamahang prayle at naging


kompesor ng anak ni Kapitan Tiagong si Maria Clara.

2. Siya ang nagkupkop sa batang si Basilio nang makatakas sa mga guardia civil
nang sila ng kanyang kapatid ay mapagbintangan ,magnanakaw ng mga prayle.

3. Isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi dahil minamaliit, tinutuligsa


at itinatakwil ang kapwa niya Indio.

4. Nawalan siya ng pag-asa nang pumasok sa kumbento ang pinakamamahal na anak.


Nalulong sa bisyo at nawala sa katinuan.

5. Salungat ang Vice-Rector na ito sa panukala ng mga makabagong mag-aaral sa


pagbubukas ng paaralan sa pagtuturo ng wikang Kastila.

F. Suriin at isulat ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa mga pangyayaring tinalakay sa kaligirang
pangkasaysayan ng akda.

1. Hindi inisip ni Dr. Jose Rizal ang gabundok na balakid sa kanyang nilalayon.

2. Hinimok ni Gobernador Heneral Emilio Terrero si Rizal na lumisan muna ng bansa.


3. "Pihong matatapos ni Rizal ang nobela dahil dumating ang saklolo mula sa
mayamang kaibigan.

4. Ang mariwasang si Valentin Ventura ang nagligtas sa kanyang kagipitan.

5. Pinag-usig at pinasakitan ang pamilya ni Rizal dahil sa maling paratang.

G. Magsalaysay o maglahad ng magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo base sa


sumusunod na sitwasyon o pangyayari.

Mga Balakid na Naranasan ni Rizal sa Pagsulat ng El Filibusterismo

Mga Hakbang na Ginawa ng mga Espanyol Upang Mapigilan ang Pagsulat, Paglathala at pagdating ng
Nobela sa Kamay ng mga Pilipino

You might also like