You are on page 1of 1

Ito ang buod ng maikling kuwentong Ang Munting Bariles:

May isang mapangahas at matalinong negosyante na si Jules Chicot at gusto


niyang maangkin ang lupa ng isang matandang si Nanay Magliore.

Ilang beses nang inalok at sinubukang hikayatin ni Chicot si Magliore upang


payagang bilhin ang kanyang lupa ngunit kadalasang tinanggihan ni Magliore si
Chicot.

Isang araw, pumunta ulit si Chicot sa bahay ni Magliore. Inalok niya ang isang
kasunduan na hindi siya magtangkang vilhin ang bahay pero babayaran niya ang
matanda. Kumunsolta ang matanda sa abogado sa sumunod na araw tungkl sa
kasunduhan at sa huli ay pumayag siya. Tatlong taon na ang lumipas at naiinis
na si Chicot dahil malakas pa rin si Magliore.

Isang araw, inanyaya niya si Maglior na bumisita at maghapunan sa bahay ni


Chicot. Una, naghanda siya ng masaganang hapunan subalit hindi na
masyadong kumakain si Magliore.

Kaya niya inihanda ang munting bariles at inalok sa matanda ang alak. Hindi
tinanggihan ni Magliore at naengganyo siya na matikman ang alak. Nalulong si
Magliore sa alak at nagbigay ito ng masamang epekto sa kanya kaya siya
namatay bago mag-Pasko.

Pagkatapos ng pagkamatay ng matanda ay kinuha ni Chicot ang lupa at


ipinalabas niya na kasalanan ni Magliore kung bakit siya namatay.

You might also like