You are on page 1of 5

Pesticide

Isang masipag na magsasaka si Yokyok, Di paman tumitilaok ang mga manok ay nagbabanat na siya ng
buto sa sakahan para may maihain sa kaniyang palamunin na asawa na si Boki at sa tamad niyang
bayaw na si Piko na nakisiksik sa kanilang maliit na bahay sa tabi ng sakahan. Mahirap ang buhay nila
subalit sa kabila nito naitataguyod pa rin ni Yokyok ang kanilang buhay sa bawat araw.Maliit lamang ang
kita sa sakahan dahil hindi maganda ang panahon at maraming piste, dumagdag pa ang kapatid ng
kaniyang asawa na hindi man lang mautusan mag saing ng bigas na aking pinaghirapan mabili.

Isang araw laking tuwa ni Yokyok dahil may ipamamahagi raw na mga buto ng gulay mula sa
kagawaran ng agrikultura ,maliban sa mga buto may kalakip din itong mga pataba at pangkontra sa
mga mapaminsalang insekto. Binungkal ni Yokyok ang kaniyang sakahan at humingi ng tulong sa
kaniyang bayaw upang mapadali ang kanilang trabaho

“Piko,maari mo ba akong tulungan sa pagbubungkal ng lupa upang mapabilis ang ating trabaho.”
Mahinahon na paghingi ng pabor ni Yokyok.

“Sige ,mauna ka doon at susunod lang ako magbibihis lang ako saglit.” Sagot ni Piko.

At Pumaroon si Yokyok sa sakahan sa pag aakalang susunod ang kaniyang bayaw. Malapit nang matapos
ni Yokyok ang pagbubungkal ng lupa ngunit wala parin siyang nakitang sensyales na paparating ang
kapatid ng kaniyang asawa. Umuwi si Yokyok pagkatapos nitong magpbungkal dahil kumakalam na ang
sikmura nito at medyo napagod rin siya sa mag-isang pagtatrabaho sa sakahan.

Nang makauwi na sa kanilang tahanan nadatnan niyang walang nilutong pagkain si Boki at mahimbing
pa itong natutulog ,habang humihilik naman ang kapatid nito na hindi tumugon sa kaniyang hininging
pabor. Nanahimik lamang si Yokyok at siya nalang ang kumilos at nagluto ng kanilang makakain.

“hmm, ang bango naman niyang niluluto mo mahal.” Papuri ni Boki nang magising ito sa bango ng
niluluto ni Yokyok.

“oh? Gising kana pala? Akala ko hindi na kayo magigising ng kapatid.” Sagot ni Yokyok.

“Mahal ikaw na muna tumapos nito at nkalimutan kong bumili ng kape at bibili muna ako saglit.” Pabor
ni Yokyok kay Boki.

“Sige, ako na lang tatapos niyan.” Tugon ni Boki.

Dali-daling pumunta si Yokyok sa pinakamalapit na tindahan upang bumili ng kape para sa kanilang
tatlo,subalit sarado ito.

Natagalan si Yokyok dahil may kalayuan ang tindahan na kaniyang pinagbilhan. Pagkauwi ni Yokyok
namula siya sa galit nang datnan niyang nakahiga na naman ang asawa at naninigarilyo ang bayaw nito
matapos nilang ubusin ang ulam at ang itinara sa kaniya ay puwet nalang ng sinaing.
Sa halip na magalit ay mas pinili nalang ni Yokyok na manahimik, tinimpla niya ang kape at ito nalang
ang isinabaw sa kaniyang medyo sunog at matigas na kanin upang lumambot ito. Paulit –ulit itong
ginawa nina Boki at Piko kay Yokyok, inabuso nila ang kabaitan niya at nilapastangan siya napakabuktot
ng kanilang pagtrato sa kaniya .

Dumating ang panahon na napuno at nasagad ang pasensya ni Yokyok sa dalawa,Nagdilim ang kaniyang
paningin at pinagpasyahang tuldukan na ang lahat ng ito. Inilabas niya lahat ng kaniyang galit na
kinikimkim sa mga peste ng kaniyang buhay.Hindi inubos ni Yokyok ang Pesticide na kaniyang ginamit sa
pananim at dinala ito sa kanilang tahanan. Inihalo ito ni Yokyok sa kaniyang nilutong ulam at sa sinaing
na bigas. Bumalik si Yokyok sa sakahan upang iligpit ang mga buto dahil paparating na ang ulan

Makalipas ang ilang oras umuwi si Yokyok at nagtagumpay siya sa kaniyang plano, dinatnan ang mga
malamig na bangkay ng kaniyang bayaw na patay gutom at tamad maging ang kaniyang asawang
walang kwenta at makasarili.

Labis ang tuwa ang nadama ni Yokyok gumaan ang kaniyang pakiramdam at sumaya siya. Hinisa niya
ang kaniyang itak at pinagpira-piraso ang mga katawan nila at ipinaanod sa rumaragasang baha.
Iniligpit ni ya ang mga bakas, at nagbihis, pagtila ng ulan ay pumunta siya sa sakahan upang ipagpatuloy
ang pagtatanim na animo’y walang nangyari.
Pagsusuri Sa Kuwento

1.Pamagat

Ang pamagat ng maikling kuwento ay Pesticide, Kung bakit ito ang naging pamagat ay dahil ito
ang ginamit ni Yokyok upang makamtan ang kaniyang kapayapaan at kaligahayan sa tulog nito
natulungan niya ang kaniyang sarili at kahit papaano ay napagaan ang kaniyang kalooban.

2.Teoryang Pampanitikan

Ang maikling kuwentong ito ay kabilang sa teoryang pampanitikan na Eksistensiyalismo. Ayon


sa teoryang ito ang tao ay may kakayahang pumili. Sa kuwento pinili ng Pangunahing tauhan
na si Yokyok na tapusin ang mga buhay ng kaniyang kasama paraang paglason nito s
pamamagitan ng pagkain.

3.Tagpuan

Ang tagpuan ng kuwentong ito ay umiikot lamang sa tahanan ni Yokyok sa tabi ng sakahan.

4.Tauhan

Yokyok- Isang masipag at mabait na magsasaka. Nagsusumikap upang may maihain sa


kaniyang kasama sa bahay.

Boki- Asawa nI Yokyok na walang kwenta at sarili lamang ang iniisip.

Piko- Bayaw ni Yokyok ,kapatid ni Boki na tamad at patay gutom.

5.Banghay

Simula

Isang mabait at masipag na magsasaka si Yokyok, maaga pa lamang nagbabanat na siya


ng buto upang mairaos ang pamumuhay sa araw-araw. Maliit lamang ang kita niya sa
pagsasaka dahil hindi maganda ang panahon at laganap ang mga mapaminsalang peste. Lalo
pang pinapahirap ang kaniyang buhay ng kaniyang asawang hindi napapakinabangan at
dumagdag pa ang kapatid nitong hindi mo mautusan.

Saglit Na Kasiglahan

Natuwa si Yokyok na nabalitaan niyang may ipamamahaging Libreng buto ng mga


halaman at may kalakip itong pataba at pangkontra sa mga mapaminsalang insekto.

Suliranin
Hindi nila tinutulungan si Yokyok sa pagsasaka na kung saan sila kumukuha ng
panustos nila sa pang araw-araw na pamumuhay. Buktot ang trato nil aka Yokyok at tanging
ang mga sarili lamang nila ang kanilang iniintindi,Inaabuso nila ang kabaitan ng magsasaka.

Kasukdulan

Sa subrang galit ni Yokyok sa kaniyang asawa at sa kapatid nito nagtira siya ng pesticide
at iniuwi ito sa kanila . Sa halip na tubig at toyo ang ihahalo sa sinaing at sa ulam pinalitan
niya ito ng kemikal upang malison ang kaniyang mga kasama sa bahay na siyang nagpapahirap
sa kaniyang pamumuhay.

Kakalasan
Makalipas ang ilang oras umuwi si Yokyok at nagtagumpay siya sa kaniyang plano, dinatnan ang
mga malamig na bangkay ng kaniyang bayaw na patay gutom at tamad maging ang kaniyang asawang
walang kwenta at makasarili.

Wakas
Labis ang tuwa ang nadama ni Yokyok gumaan ang kaniyang pakiramdam at sumaya siya.
Hinisa niya ang kaniyang itak at pinagpira-piraso ang mga katawan nila at ipinaanod sa rumaragasang
baha.Nang matapos na ang ulan ay bumalik siya sa sakahan at ipinagpatuloy ang kaniyang gawain na tila
walang nangyari.

Tunggalian

Ang Tunggalian ng kuwentong ito ay Tao laban sa Tao, dahil sa kuwento ang naging dahilan ng
pagkitil ng buhay ay sariling kapwa tao lamang. Napuno ang pasensya ng magsasaka at siyang
naging motibasyon sa kaniya upang patayin ang mga peste sa kaniyang buhay na siyang: ang
kaniyang Asawang walang silbi at ang tamad nitong kapatid.

Bisa Ng Kwento Sa Damdamin

Lubos kong naunawaan na sa kabila ng kabaitan ng mga tao mreon pa rin silang
kasamaan na nakatago ang tanging kulang lamang ay pukuawin nila ang kanialang
kasamaan.Kapag nasgad mo ang pasensya ng isang tao ay tiyak malilintikan ka sa kaniya dahil
hindi tayo Santo Kung ang anghel ay maaring maging Demonyo gayun din tayong mga tao .

Bisa Ng Kwento Sa Asal

Sa halip na isalig ang lahat ng gawain sa iisang tao lamang mas mainam na pagtulungan
ito upang mas mapabilis at kahit papaano ay maibsan ang bigat ng trabaho. Hindi tayo maging
tamad sapagkat kailangan nating hasain ang mga katangiang kaloob sa atin ng Diyos na
Makapangyariahan sa lahat upang mapaunlad ang ating sarili.

Bisa Ng Kwento Sa Isip

Kailangan nating isipin ang kapakanan ng ibang hindi yung pero lamang sa atin
marunong din tayong tumingin sa ibang tao upang mas maunawaan natin ang kanilang
pinagdadaanan at maging ang kanilang nararamdaman, Huwag nating tularan ang manok na
lahat kahig ay papunta sa kanila o pabor sa kanila bagkus dapat din tayong maging
mapagbigay sa ating kapwa dahil hindi sa lahat ng oras ay pumapabor sa atin ang panahon.

Buod

Isang masipag at mabait na magsasaka si Yokyok kasama niyang namumuhay ay kaniyang


makasariling asawa at patay gutom at tamad na bayaw. Laking tuwa niya ng Bigyan siya ng
libreng mga buto ng halaman ,pataba at pangkontra sa mapaminsalang insekto mula sa
Kagawaran ng Agrikultura.Maaga pa lang pumupunta na si Yokyok sa sakahan ,isang Araw
humingi siya ng pabor sa kaniyang bayaw na magpatulong ito sa pagbubungkal ng lupa subalit
hindi siya sinipot. Nilalapastangan nila si Yokyok at inabuso, dahil ditto napuno ng galit si yokyok
at nabalot ang puso ng poot sa siyang nagtulak sa magsasaka upang lasunin ang mga peste
sa kaniyang buhay. Matapos niyang malison ang dalawa ay pinagpira-piraso niya ang mga
katawan nito at ipinaanod sa rumaragasang baha.

You might also like