You are on page 1of 13

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Banghay Aralin sa Pagtuturo sa Palabuuan ng mga salita

Ikapitong Baitang

I. Pamantayang Pangnilalaman
a. Naipapamalas ang kakayahang pagtukoy ng panlapi at salitang-ugat sa mga
pangungusap o parirala.
II. Layunin
a. Naipapaliwanag ang mga kaisipan at paksang natalakay
b. Natutukoy ang karaniwang panlapiat salitang-ugat sa mga salita.
c. Nakabubuo ng mga salita sa tulong ng panlapi.
d. Nakakahanap ng mga salitang may panpali sa mga pangungusap o parirala.

III. Paksang Aralin

Panitikan Wika

Paksa: Ang Alamat ng Bundok ng Pinatubo 2.1.1.2. Panlapi


Kagamitan: Aklat sa Literatura ng Iba’t-ibang Aklat sa Makabagong Gramar ng Filipino
Rehiyon ng Pilipinas
Sanggunian: Ikalawang Edisyon: Leticia D. Espina Binagong Edisyon: Dr. Lydia Gonzales- Garcia
Norly R. Plasencia
Victoria R. Ramos
Jeffrey B. Villena

IV. Pamaraan

Gawaing Guro Gawaing mag-aaral


I. Unang Araw

A. Panimulang gawain (10 minuto)


1. Panalangin
2. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral. Magandang umaga din po guro.
Maaari na kayong umupo. Maraming salamat po guro.

3. Pagtala ng Liban
B. Panlinang na Gawain( 5 minuto)
1. Pagganyak
2. Paghahawan ng mga balakid
Mga mag-aaral, magpapakita ako ng mga Yehey!!
flashcard. Bigkasin nyo ito sa karaniwang tunog
nito.
 Awitin
 Sagutan
 Kainan
 Sabayan
 Tulugan
3. Paglalahad ng Paksa (5 minuto)

Ano ba ang inyong mapapansin sa mga salitang


ito?

Ito ay mga salitang ugat na may panlapi.


4. Pagtatalakay (30 minuto)

Ano ba ang salitang ugat?


Ang salitang ugat ay payak na salitang walang
panlapi.

Ano nga ba ang salitang ugat ng mga salitang ito? Binibini ang mga salitang ugat ng mga salitang
pinakita mo ay :
 Awit
 Sagot
 Kain
 Sabay
 Tulog

Kaya ano ang mga patinig or letrang nabawas? Binibini ang mga nabawas sa mga salitang ugat
ay :
 in
 an
 an
 an
 an
Tama mga mag-aaral.

Ito ay tinatawag na panlapi. Ito ang mga


morpema o pantig na dinadagdag sa salita na
nagiging iba ang kahulugan ng mga salitang ugat o
payak na salita .

Ito ang mga panlaping dinagdag sa mga salitang


ugat at nagkakaroon ng ibang kahulugan.

Mga mag-aaral tukuyin nyo sa karaniwang panlapi


Binibini, ang mga panlapi sa mga salitang ito ay,
sa mga salita.
 an
 Aklatan
 an
 Lutuan
 an
 Halamanan
 an
 Suntukan
 an
 Damayan
 an
 Diligan

C. Takdang Aralin (10 minuto)

Mag-aaral bago matapos ang ating oras


Opo, binibini. Salamat po.
magbibigay ako ng takdang aralin sa inyo.
 Magbigay ng sampung salitang may
panlapi.

Iyan lamang para sa araw na ito. Paalam! Paalam din po, binibini.
II. Ikalawang Araw

A. Panimulang gawain (5 minuto)


1. Panalangin
2. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral. Magandang umaga din po guro.

Maaari na kayong umupo. Maraming salamat po guro.

4. Pagtala ng Liban

5. Pagbabalik Aral (10 minuto)


Ano nga ba mga mag-aaral ang ating
tinalakay noong nakaraan?
Tinalakay po natin binibini ang mga panlapi.
Ito ay mga morpema o pantig na ginagamit na
magkadugtong sa salitang ugat.

Magbigay ng mga salitang may panlapi.


Binibini,
 Alisin
 Buhatin
 Sulatan
Saan dito ang salitang ugat at panlapi?
Binibini ang salitang ugat at panlapi ay ,
 Alis- in
 Buhat-in
 Sulat-an

Tama mga mag-aaral.

Sa uulitin ang panlapi ay mga salitang


ginagamit na magkadugtong sa salitang
ugat Opo, binibini.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad ng Paksa( 5 minuto)

Bago tayo dumako sa ating tatalakayin ay


magbabasa tayo ng isang alamat .
“Ang Alamat ng Bundok ng Pinatubo”

2. Pagtatalakay (20 minuto)

Ang alamat na ito ay isang literatura ng Rehiyon


tatlo.

Ano nga ba ang literatura o panitikan sa mga Binibini ang literatura o panitikan ay nasusulaat
nakaraan nating pagtatalakay? sa anyong patula o tuluyan sa isang particular na
panahon na sumasalamin n gating buhay-buhay ,
lipunan at kalinangan.
Tama mga mag-aaral. At nakapaloob dito ang
Alamat ngunit sa anyong tuluyan. Bakit kaya?
Binibini! Dahil po ang alamat ay walang sukat,
tugma at taludtod.hindi tulad ng patula.
Maraming salamat mga mag-aaral. Tama ang mga
sagot nyo.

Ngayon ay buksan niyo ang inyong libro sa pahina


103 hanggang 104.
Opo,binibini. Nabuksan opo.
Basahin ito ng tahimik. (5 minuto)

Opo,binibini.

ANG ALAMAT NG BUNDOK NG PINATUBO


(Zambales)

May isang bundok sa Zambales na ang


pangalan ay Pinatubo. Siyang lalong mataas sa
mga bundok doon.

Ang dakong yaon ay isang nayon daw


noong araw, arang pangalan ay Pina. Ang mga tao
sa pook ng Pina ay parang magkakapatid. Sila’y
mababait. Ang mga tagaroon mga taong tahimik
at nananahang tiwasay.

Sumapit ang panahon na napunta roon


ang isang nangangalang Tulyok. Ang tikas ni
Tulyok ay mandirigma, at isang araw ay itinapon
niya ang lahat niyang kampon at kanilang
sasalakayin at saakupin ang mga kalapit nayon.
Sinunod siya ng kanyang mga kampon at mula
noon ay sinimulan nila ang pananalakay.
Sinalakay nila ang mga liping tahimik na nanunog
nga mga bahay at nang agaw ng mga babae. Mula
ng mamuno si Tulyok ang mga taga Pina ay
nagging mababagsik, manggagahasa at mga
mapanganib.

Si Tulyok ay may isang anak na lalaki na


nangangalang Pinatubo. Sila’y makisig, matapang
at mandirigma.

Dinayo niya isang araw ang isang liping


pinamumunuan ni Panday upang salakayin. Nang
sumapit sila sa isang dakong malapit sa pook ni
Panday ay may nasalubong silang isang
magandang dalaga. Sinabi ni Pinatibo sa kanyang
mga kampo na magpatuloy sila sa paglalakad at
siya’y susunod na lamang.

Samantala’y nakipagkilala siya sa


magandang dalaga, sapagka’t naibigan niya ito.
Nabalitaan ni Tulyok na ang anak niya ay
sasalakay sa pook nina Panday, at kanyang
inihanda ang mga kampon upang suklolo. Hindi
nga nagluwat at ang dalawang huykbo ay
nasugapa. Kaginsa-ginsa ay may nakita si Tulyok
na nakabulagta sa gitna ng labanan. Nang
kanyang lapitan ay nakilala niyang yaon ang
bangkay ni Pinatubo na kanyang anak. Si Tulyok
ay nagulumihan at napasigaw, tuloy napatigil ang
labanan. Sa gayon ang dalawang liping yaon na
magkalaban ay kapwa nag – isip ng mabuti pa’y
sila magkasundo at mag – ibigan kaysa
maglabanan at magpatayan.

Pagkatapos ng labanan ay tumaas nang


tumaas ang dakong yaong kinasumpungan sa
bangkay ni Pinatubo. Ang dakong yaon na tumaas
ay nagging bundok, at upang alalahanin si
Pinatubo ay siyang ipinangalan sa nabanggit na
bundok na kilala ngayon sa pamagat na “Bundok
Pinatubo.”
Tapos na bang basahin? Ngayon ay suriin natin
ang alamat na binasa natin.
Opo binibini.
Sino- sino ang mga tauhan sa alamat?
Ang mga tauhan ay nagbibigay buhay sa kwento.
Sila ang gumagalaw sa kwento. Binibini ang mga tauhan sa alamat ay sina Pina,
Tulyok, Pinatubo, at Panday.
Saan ang tagpuan ng alamat na ito?
Ang tagpuan ay kung saan nagaganap ang
kwento. Binibini ang tagpuan ay sa isang bundok sa
Zambales.

Ngayon , ano naman ang nangyari sa mga tuhan


sa kwento? Binibini, ang alamat ay tungkol sa isang isang
pook ng Pina. May isang mandirigma na
nangangalang Tulyok. Isang araw ay pinadala niya
ang kanyang mga tauhan at winasak ang bawat
pook na kanilang sinsakop.Si Tulyok ay may nag-
iisang anak na nagngangalang Pinatubo. Dinayo
niya isang araw ang isang liping pinamumunuan
ni Panday upang salakayin. Ngunit nasalubong
nila ang dalagang napakagandang. Hanggang
nabalitaan ni Tulyok na sasalakay si P{inatubo sa
pook nila Panday. Ngunit sumalubong ang
bangkay ni Pinatubo at nahinto ang labanan.
Natapos ang pag-aaway ng dalawang kampo.
Tumaas ng tu maas ang bundok. Para sa pag-
alalala kay Pinatubo, pinangalanan ito na Bundok
ng Pinatubo.
Salamat sa pagbuod ng ating alamat.

C. Pagtataya (15 minuto)


Ngayon ay kumuha ng isang buong papel at
sagutin ang mga tanong sa kabilang pahina.
Ipasa ito matapos sagutan.

Pag unawa sa Paksa:


1. Anong katangian ng mga Pilipino ang
masisinag sa alamat?
2. Bakit namatay si Pinatubo? Sino kaya ang
babaeng kanyang nakilala.
3. Sino ang sinasagisag na “ mga
mababagsik, manggagahasa at mga
mapanganib?”. Iugnay ang pangyayaring
ito sa ating panahon.
4. Iguhit ang Bundok Pinatubo ayon sa
pagkakalarawan sa alamat.

D. Takdang Aralin

Ngayon naman ay magkakaroon kayo ng takdang


aralin.

Suriin ang mga salita sa alamat.


Hanapin ang mga pangungusap o parirala na may
panlapi.

Yan lamang sa araw nato. Paalam mga mga-aaral. Paalam din po binibini.

III. Ikatatlong Araw


A. Panimulang gawain (10 minuto)
1. Panalangin
2. Pagbati

Magandang umaga mga mag-aaral. Magandang umaga din po binibini.

Maaari na kayong umupo. Salamat po.


3. Pagtala ng Liban
4. Pagbabalik Tanaw (10 minuto)
Ano nga ba mga mag-aaral ang ating
tinalakay noong nakaraan? Tinalakay po natin ang salitang ugat at panlapi.

Balikan natin ang Alamat ng Bundok ng Pinatubo.

Hanapin sa alamat ang mg pangungusap o Binibini ang pangungusap o parirala na may


parirala na may salitang may panlapi. salitang may panlapi ay ,
1. Dinayo niya isang araw ang isang liping
pinamumunuan ni Panday upang
salakayin.
2. Kaginsa-ginsa ay may nakita si Tulyok na
nakabulagta sa gitna ng labanan.
3. Pagkatapos ng labanan ay tumaas nang
tumaas ang dakong yaong
kinasumpungan sa bangkay ni Pinatubo.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad ng Paksa( 5 minuto)

Ang mga halimbawa ito ng mga salitang maylapi.


Ang pagdagdag ng mga panlapi sa payak na salita
ay tinatawag na Paglalapi.

2. Pagtatalakay (30 minuto)

Basahin ang kahulugan ng paglalapi sa libro.


Tinatawag na stem ang salitang nilalagyan ng
panlapi. Maari itong ilagay sa unahan, sa gitna, sa
huli, sa magkabila ang panlapi.

Salamat.
Salamat din po.
Meron itong mga Uri.

1. Unlapi- ginagamit sa unahan ng salitang ugat.


Halimbawa: mag, ma, pag, atbp.

Panlapi Maylapi
 Mag + linis= maglinis
 Ma + rinig= marinig

Mga mag-aaral magbigay ng mga salitang gamit


ang unlapi.

Binibini!
 Pag + aalipusta= pagaalipusta
Tama mga mag-aaral. Dumako naman tayo sa isa
pang uri ng panlapi

2. Gitlapi – panlaping sa gitna ng salitang ugat.


Madalas ginagamit na mga gitlapi.
Halimbawa: um at in.
Panlapi Maylapi
 B + in + iro = Biniro

Mga mag-aaral magbigay ng mga salitang gamit


ang gitlapi. Binibini ang mga halimbawa ng salitang may
gitlapi ay:
 P+ um + unta= Pumunta

3. Hulapi – ito ay panlaping nasa huli ng salitang


ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi.
Halimabawa: an,-han, -in, -hin

Panlapi Maylapi
 Dami + han= Damihan

Mga mag-aaral magbigay ng mga salitang gamit Binibini ang mga halimbawa ng salitang may g
ang hulapi. hulapi ay:
 Sipon+ in= Sipunin.
Tama mga mag-aaral.
Sunod na uri ay,
3. Kabilaan- tawag sa mga panlaping nasa
unahan at hulihan ng salitang ugat.

Panlapi Maylapi
 ka – an ka+laya+ an = kalayaan

Mga mag-aaral magbigay ng mga salitang gamit Binibini ang mga halimbawa ng salitang may
ang kabilaan paglalapi. kabilaang maylapi ay:
 mag- an mag+mahal+an= magmamahalan

4. Laguhan – tawag sa mga panlaping nasa


unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa: mag-in- un,mag-in-an,pag-um-an

Panlapi Maylapi
 pag-um-an pag+s-um+ikap+an= pagsumikapan

Mga mag-aaral magbigay ng mga salitang gamit Binibini ang mga halimbawa ng salitang may
ang kabilaan paglalapi. kabilaang maylapi ay:
Panlapi Maylapi
 pag-um-an pag+s-um+ikap+an= pagsumikapan
 mag-in-an mag+d –in +ugu+an=magdinuguan

C. Takdang Aralin ( 5 minuto)


Mag-aaral bago matapos ang ating oras
magbibigay ako ng takdang aralin sa inyo.

Magtala ng limang halimbawa sa bawat uri ng


panlapi. Isulat ito sa kwaderno.

Iyan lamang para sa araw na ito. Paalam! Salamat din po, binibini.

IV. Ikaapat na Araw


A. Panimulang gawain (5 minuto)
1. Panalangin
2. Pagbati

Magandang umaga mga mag-aaral. Magandang umaga din po binbini.

Maaari na kayong umupo. Salamat din po binibini.

3. Pagtala ng Liban
4. Pagbabalik Tanaw (5 minuto)
Ano nga ba mga mag-aaral ating
tinalakay noong nakaraan?
Binibini, ang mga tinalakay natin noong
nakaraan ay ang mga uri ng panlapi.
 Unlapi
 Gitlapi
 Hulapi
 Kabilaan
 Laguhan
Magbigay ng halimbawa sa bawat uri ng Binbini,
panlapi.  Unlapi
-masaya
 Gitlapi
-bumalik
 Hulapi
-halikan
 Kabilaan
-paasahin
 Laguhan
-pagsumikapan

B. Panlinang na Gawain (30 minuto)


1. Paglalahad ng Paksa

Ngayon mag-aaral, tayo ay dumako naman sa


mga paaran. Maaring tingnan sa ganitong paraan
ang pagbabago ng bahagi ng pananalita kapag
may palapi.

2. Pagtatalakay
Buhat sa pandiwang nilagyan ng panlapi ang
pangngalan.

Ngayon magbigay naman kayo ng mga salitang Binibini, halimbawa po ay ang salitang
buhat sa pandiwang nilagyan ng panlapi ang  Sakay + an =sakayan
pangngalan.  Bilyar + an= bilyaran
 Bili + han= bilihan

Ngayon naman ay sa buhat sa pang-uring nilagyan


ng panlapi ang pandiwa.

Magbigay kayo ng halimbawa na buhat sa pang- Binibini, halimbawa po ay ang salitang


uring nilagyan ng panlapi ang pandiwa.  Pa + ikli+ in= paiklihin
 Pa + haba+ in= pahabain

Buhat sa pangngalang nilagyan ng panlapi ang


pang-uri.
Magbigay naman kayo ng mga salitang buhat sa Binibini, halimbawa po ay ang salitang
pangngalang nilagyan ng panlapi ang pang-uri.  Ma + lamok= malamok
 Ma + gulo= magulo

C. Paglalahat (5 minuto)

Ngayon ay natapos natin ang ating buong aralin.


Para sa pangkalahatan.

Mag-aaral ano nga ulit ang salitang-ugat? Binibini ay ang salitang ugat ay payak na salitang
walang panlapi.

Ano naman ang panlapi? Nagiging iba ang kahulugan ng mga salitang ugat
o payak na salita pagdinagdagan ng in at an sa
unahan o hulihan.

Ano naman ang paraan kung saan nilalapian ang Binibini ito ay tinatawag na Paglalapi.
salitang-ugat?

Ano naman ang iba’t-ibang uri ng panlapi?


Binibini, ang mga tinalakay natin noong
nakaraan ay ang mga uri ng panlapi.
 Unlapi
 Gitlapi
 Hulapi
 Kabilaan
 Laguhan

D. Pagtataya (15 minuto)

Bago, matapos an ating oras


magkakaroon muna tayo ng pagtataya sa
buong aralin natin.

Panuto: Kumuha ng isang kapat na papel


at ibigay ang hinihinging sagot sa bawat Nakakuha napo ng isang kapat na papel po
katanungan. Binibini.

1. Ano ang payak na salitang walang


panlapi?
2. Ito ay ang mga morpema o pantig na
dinadagdag sa salitang ugat na
nagkakaroon ng ibang kahulugan.
3. Ito ya nasusulat sa anyong patula o
tuluyan sa isang particular na panahon
na sumasalamin n gating buhay-buhay ,
lipunan at kalinangan.
4. Ano ang dalawang anyo ng panitikan?
5. Nasa anong anyo ang panitikang alamat?
6. Anong panlapi ang ginagamit sa unahan
ng salitang ugat.
7. Anong panlaping ginagamit sa gitna ng
salitang ugat.
8. Anong panlaping ginagamit sa huli ng
salitang ugat.
9. Anong panlapi ginagamit sa unahan,
gitna at hulihan ng salitang-ugat.
10. Anong panlapi ginagamit sa
unahan at hulihan ng salitang ugat?
11-12. Magbigay ng dalawang halimbawa
ng paglalapi na nasa uring unlapi.
13-14. .Magbigay ng dalawang halimbawa
ng paglalapi na nasa uring gitlapi.
15-16. Magbigay ng dalawang halimbawa
ng paglalapi na nasa uring hulapi.
17-18. Magbigay ng dalawang halimbawa
ng paglalapi na nasa uring kabilaan.
19-20. Magbigay ng dalawang halimbawa
ng paglalapi na nasa uring laguhan.

Tapos na ba? At magwawasto na tayo ng inyong Tapos na po binibini.


mga papel. Magpalitan ng mga papel sa katabi
at lagyan ng iniwasto ni.

Handa na ba? Opo, binibini.


1. Salitang-ugat
2. Panlapi
3. Panitikan
4. Tuluyan at patula
5. Tuluyan
6. Unlapi
7. Gitlapi
8. Hulapi
9. Laguhan
10. Kabilaan
11. -20, Magbigay ng mga salitang may
unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at
laguhan.

Iyan lamang para sa araw na ito. Paalam Paalam din po binibini.

You might also like