You are on page 1of 2

Bakit sa gitna ng makabagong panahon/social media ay matutunan sa pag aaral ng

Elementarya ang ibat-ibang uri ng panitikan?

Malaki ang kahalagahan ng Internet o social media sa panahon ngayon


lalong-lalo na sa mga mag-aaral, dahil sa mga pangyayaring dumating sa buong
mundo. Talaga namang kahanga-hangang pagbabago at imbento na
pangangailangan ng dagdag na kaalaman. Ang Internet ay naging malaking bahagi
na ng ating buhay. Nakatulong ito sa mga estudyanteng kagaya ko sa paggawa ng
mga gawain natin sa paaralan o maging sa pananaliksik.

Sa kasalukuyang panahon na kung kailan talamak ang paggamit ng internet


ay siyang naging daan rin upang mas lalong maipalaganap ang mga panitikang
gawa ng Pinoy sa loob at labas ng bansa. Ang teknolohiya ay may mahalagang
bahagi sa paglinang ng literatura sa nagbabagong panahon. Sa kasalukuyan, ang
internet ay lumilikha sa mga manunulat na Pilipino na mabawasan ang pagiging
makaluma. Si Maxine Lat Calibuso o mas kilala bilang “Maxinejiji” ay isang Pilipinong
manunulat na may 3.81 million followers sa Wattpad at may sampung kwentong
isinulat. Isa na rito ang libro na pinamagatang He’s into Her, maraming mambabasa
ang nahumaling dito lalo na ang mga kabataan. Kamakailan lang ay ginawan ito ng
teleserye at talaga namang naging tampok sa mga manunuod.
Sa usaping literatura, naghahanap tayo ng bagong pamamaraan ng pagsulat.
Ang kabataang manunulat ay naeengganyo sa paglimbag gamit ang online, pagsulat
at pagbasa. Nakabubuo sila ng bagong komunidad na kung saan ay maaari silang
makapagbahagi ng kanilang nagawang mga kwento. Ngunit hinahamon ang mga
manunulat sa Wattpad na gawing mataas ang pamantayan sa paghuhulma ng
kinakabukasan ng panitikan sa bansa.
Ang mga makabagong anyo at pamamaraan ng pagkukuwento ang
nagpalapit sa bituka ng henerasiyon ngayon o tinatawag na mga “milenyal” sa
kultura ng pagbabasa. Sa mga milenyal ngayon, higit sa kilalang mga Filipinong
manunulat, tunay nilang binabasa at ninanamnam ang hiwaga ng kanilang mga
akda. Hindi masama ang pagbabasa ng mga banyagang akda ngunit mas mabuting
malaman at mabasa rin ang mga akdang isinulat ng mga Filipino sapagkat ang mga
akdang ito ang sumasalamin sa ating kultura at pagka-Filipino. Mababatid na
sumasabay ang panitikan sa modernisasiyon ng mundo—sa pabago-bagong
aspekto ng teknolohiya at internet. Ang modernisasiyon na ito ang nagluwal samga
makabagong anyo at pamamaraan ng pagtula/spoken poetry, pagkukuwento at iba
pang anyo ng panitikan

Ang kabataan ngayon ay malayang makapagsulat ng mga kwento nila at


naihahatid sa iba’t ibang uri ng site tulad na lang ng Wattpad. Nakapagbubukas ng
oportunidad upang maging kilala sa larangan ng pagsulat at maaaring makapirma ng
kontrata sa industriya upang gawing pelikula ang natapos na akda. Maraming mga
Pilipino na ginawang part-time job ang pagsusulat, kumikita at natututo.
Ano mang uri ng paraan sa pagsulat ng akdang pampanitikan ang mahalaga
ay hindi makalimutan ang kultura at kasaysayan nito. At patuloy na mapangalagaan
ang sining at kariktan ng mga nailimbag ng akda maging ang mga ililimbag pa. Sa
pamamagitan nito ay mananatili ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa malayang
paraan ng pagpapahayag ng damdamin. Tunay ngang nagsisimula ng namayagpag
ang mga literaturang nagmula sa mundo ng online dahil sa oportunidad na ibinigay
sa mga kabataang Pilipino. At magpapatuloy ang pagyabong nito sa mga susunod
pang henerasyon.

You might also like