You are on page 1of 2

Pagitan

Sa ating buhay, may isang tao na hindi natin inaasahan na darating. Minsan, ang pagibig na
ating hinahanap mula sa ating pamilya na hindi natin mahanap at madama sa kanila ay sa
ibang tao pala natin matatamasa. May isang tao na mag paparamdam sa’yo kung ano nga ba
ang kahulugan ng isang tunay na pagmamahal. Ang pagmamahal na ito ay siyang
nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang magawa ko ang mga bagay na sa aking palagay ay
imposibleng mangyari at imposible kong magawa. Ang pagmamahal na ito ay kailan ma’y
hindi ko na hanap sa aking pamilya subalit, na hanap ko ito sa isang lalaking kilometro ang
aming distansya.
Nagsimula ang lahat sa isang dating app na kung tawagin ng karamihan ay “litmatch”.
Habang ako’y nag mamasid masid kung paano nga ba gamitin ang app na ito, may isang
larawan ng lalaki na talaga namang pumukaw sa aking paningin at agad ko naman itong
kinausap. Nagsimula ang lahat sa simpleng pagbati ng “Hi!”. Sa aking pagkakatanda, noong
ika-28 ng Hunyo taong 2021 ay ito ang aming unang pag uusap at pagkakakilala. Noong
unang pagtingin ko sa kanyang larawan ay agad namang pumasok sa aking isipan ang
salitang “mukhang torpe”.
Sa mga sumunod pa na araw, ay araw-araw na kaming mag kausap. Itago na lang natin siya
sa pangalang Jeromy. Siya ay isang kolehiyo at siya’y na katira sa bayan ng Labo, Camarines
Norte. Yes po, opo, taga Bicol siya. Ang isa sa mga katangian na gusto ko sa kanya ay ang
pagiging maginoo. Ngayong araw, ika-28 ng Pebrero ay isang taon at walong buwan na
kaming nag uusap subalit, wala pa rin kaming sapat na pagmamayari na kung tawagin ay
“walang label”.
Sa haba ng karanasan ko sa pagmamahal, minsan tumatakbo na lamang sa aking isipan na
itigil na lamang kung ano mang mayroon sa amin dahil sa paulit-ulit na lamang na aking
nararamdaman. Hindi mawala wala sa aking isipan ang katagang “tulad ng buwan, aalis ka
rin pagdating ng araw”. Ito yung mga tipo na mamahalin ka sa simula, at ka pag lumaon
na’y iiwan ka sa mga hindi maipaliwanag na dahilan subalit nag kakamali pala ako, hindi
mo pala ka tulad ang mga nakaraan ko.
Madami na kaming pinagdaanan sa bawat yugto ng aming buhay. Dumating pa nga ang mga
araw na hindi kami nag usap sa loob ng tatlong buwan subalit, na bigyan naman namin ito
ng solusyon. Noong una ay kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya subalit, sa bawat
araw na dumaragdag ay parang iba na ang aking nararamdaman sa kanya. Maraming beses
na rin akong nag tangkang iwan siya ngunit hindi ko kaya dahil, sa kanya ko lang naranasan
ang pagmamahal na matagal ko nang hinihiling sa aking pamilya.
Lover’s kami, walang label kung tawagin ng karamihan. Ang alam naming dalawa ay
mayroong ako at siya na palaging andiyan sa kasiyahan at kalungkutan. Maraming beses na
namin sinubukang sukuan kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa sa
kadahilanang malayo kami sa isa’t-isa ngunit, sa araw-araw ay na iintindihan naming na
hindi naman iyon ang sukatan o basehan para kaming dalawa’y mawalan ng pag-asa.
Sa araw-araw na ipinagkakaloob ng diyos, ang pinaka tumatak sa aking isipan ay kung
hindi pala natin mahanap sa ating pamilya ang pagkalinga at pagmamahal na ating
hinahanap, may darating at darating pala na isang tao na magpaparamdam sa’yo nang higit
pa sa inaakala mo.
Ang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap sa aking pamilya, ay sa ibang tao ko pala
matatamasa.

You might also like