You are on page 1of 1

KARANASAN SA PAG-IBIG

MARK ALGY V. GUMBA

Minsan may isang tao sa ating buhay na nagpapakita ng kakaibang


pagmamahal. Pagmamahal na ipaparamdam sayo na mahalaga ka sa buhay
ng isang tao. Pagmamahal na nagbibigay ng inspirasyon upang magawa ang
mga bagay na sa tingin mo ay imposibleng dumating ang pagkakataon na
ang taong nagpaparamdam sayo ng kakaibang pagmamahal ay hindi mo rin
kayang bitawan.
Ako po ay isang lalake, labing-anim na taong gulang. Sa haba ng
karanasan ko sa pagmamahal, minsan tumatakbo sa isip ko na tumigil
nalang dahil sa pauli-ulit na sakit na aking nararamdaman. Dahil hindi
mawala sa aking isipan ang kasabihan na “FEELINGS ARE NOT
PERMANENT” yung tipong mamahalin ka sa simula at kapag lumaon ay
iiwan ka sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang babaeng nagbigay ng
liwanag sa madilim kong daan mula sa isang binatang ayaw nang
magmahal tinuruan niya ako kung paano ulit magmahal.
Madami na kaming pinagdaanan sa buhay. Naging lovers kami ngunit
walang lebel sa sitwasyon ng pagmamahalan. Ang alam lang namin, merong
ako at merong siya, pero walang kami. Palaging magkasama sa kasiyahan
man o sa kalungkutan sa buhay ngunit di magawang sukuan. Alam ko sa
sarili ko na mahal niya ako, kaya sa pagkakataong yun nanatili akong
tapat. Hindi ko siya pinapabayaan sa tuwing siya’y nalulungkot sa araw-
araw. Hanggang dumating kami sa punto na dumadalas ang aming pag-
aaway, pagsisigawan, at di pagkakaintindihan. Dumating na ang panahon
na kung saan madalas na kaming nag-aaway dahil sa selos, di
maipaliwanag na dahilan, at dahil sa pride. Dito ko naisip at naramdaman
na unti-unti nang nawawala ang pagmamahal niya na pinaparamdam sa
akin. Takot akong mawala pa siya sa buhay ko pero hindi naman natin
mapipilit ang tao na mahalin tayo.
Ngunit handa ka ba kung sakaling mangyari ito sayo balang-araw?
Yung taong nagturo sayo kung paano magmahal ulit ay siya pa yung
mawawala nang hindi mo malaman ang tunay na dahilan. Oo di siya nawala
sa pisikal na antas pero yung pagmamahal niya na dati kong naramdaman
sa kanya tila ba parang bula na sa isang iglap bigla nalang nawala. Palagi
ko pa rin siyang nakikita sa aming eskwelahan noong panahong yun ngunit
ang pagpapansinan na lagi naming ginagawa ay naglaho nalang bigla.
Pakiramdam ko wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin. Kaya
nagdesisyon ako na itigil na rin ang nararamdaman ko para sa kanya at
lumayo-layo para makalimutan ang sakit na nararamdaman.

You might also like