You are on page 1of 16

" Karanasan sa Pag-ibig "

(tekstong naratibo)

Minsan, may isang tao sa ating buhay na nagpapakita ng kakaibang klase ng pagmamahal.
Pagmamahal na ipaparamdam sayo na mahalaga ka sa buhay ng isang tao. Pagmamahal na
nagbibigay ng kakaibang pag-aalaga sayo. Pagmamahal na nagbibigay ng inspirasyon upang
magawa ang mga bagay na sa tingin mo ay imposible hanggang sa dumating ang pagkakataon na
ang taong nagpaparamdam sayo ng kakaibang pagmamahal, ay hindi mo na rin kayang bitawan.

Itago mo ako sa pangalang Angel. Ako po ay isang lalaki, nag-aaral bilang isang Animation at
Computer Progamming sa paaralan ng Brokenshire College Toril sa baitang 11. Ako'y labin-walong
gulang. Sa haba ng karanasan ko sa pagmamahal, minsan tumatakbo na sa isip na tumigil nalang
dahil sa paulit-ulit na sakit na aking nararamdaman. Dahil sa hindi mawala saking isipan ang
kasabihan na, " Feelings are not permanent ". Yung tipong mamahalin ka sa simula, at kapag lumaon
na'y iiwan ka sa hindi maipaliwanag na dahilan. Itago niyo siya pangalang Rouge. Ang babaeng
nagpabago sa buhay ko. Mula sa madilim na karanasan, binigyan niya ng liwanag ang aking daan.
Mula sa isang binatang walang plano at pamamaraan sa buhay, tinuruan niya ako kung paano
bigyan ng halaga ang pag-aaral. Mula sa isang binatang ayaw nang magmahal, ngayon, tinuruan niya
akong kung paano ulit mahal.
Vennie-cer
Madami na kaming pinagdaanan sa buhay. Naging lovers kami ngunit walang lebel sa sitwasyon ng
pagmamahalan. Ang alam lang namin ay merong ako, at merong ikaw, pero walang kami. Alam
namin saming sarili na mahal namin ang isa't - isa. Marami na kaming pinagdaan na mga pabsubok
sa buhay, lalong - lalo na sa aming pagmamahalan. Ngunit hindi namin ito nagawang sukoan.
Marami narin kaming naranasan na kasiyahan at kalungkutan sa buhay. Alam ko sa sarilo ko, na
mahal niya ako, kaya sa huling pagkakataong ito, mananatili akong tapat sa pagmamahalan naming
iyon. Tumatak na sa isipan ko na hindi ako susuko at maghihintay ako sa tamang panahon na
maririnig ko sa kanya harap - harapan ang salitang, " OO ". Niligawan ko siya sa pamamarang gusto
ko at gusto ng pamilya niya. Hindi ko aiya pinabayan na maging malungkot araw-araw. Hanggang sa
dumalas na ang pag-aaway, pagsisigawan at di pagkakaintindihan.
Vennie-cer
Dumating na ang panahon na kung saan madalas na kaming nag-aaway dahil sa selos, di
mapaliwanag na dahilan at dahil sa pride. Dito ko na naisip at naramdaman na unti-unti nang
nawawala ang pagmamahal niya na pinaramdam sakin. Takot akong mawala pa siya sa buhay ko,
pero hindi naman natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo. Ngunit handa ka ba kung sakaling
mangyari ito sa buhay mo na isang araw, yung taong nagturo sayo kung paano magmahal ulit, siya
pa yung mawawala nang hindi mo malaman-laman ang tunay na dahilan.

Oo di siya nawala sa pisikal na antas, pero yung pagmamahal niya na dati kong naramdaman sa
kanya, tila ba parang bula na sa isang idlap ay nawala.Palagi ko pa rin siya nakikita saming
eskwelahan, ngunit ang pagpapansinan na kadalasan naming ginawa ay naglaho naglaho nalang
bigla. Pakiramdam ko, nawala na talaga siyang nararamdaman para sakin. Kaya nagdisisyon ako na
itigil na rin ang nararamdaman ko para sa kanya at lumayo-layo para makalimut sa sakit na
nararamdaman. Ngunit ipinangako ko sa sarili ko, na siya ang kahuli-huling babae na mamahalin
ko.

Hanggang dito nalang at maraming salamat.


Di Pa Tapos

ni: COYNE, RENA JANE

Malakas ang pagbuhos ng ulan . Malamig ang at madilim ang lugar na aking
kinalalagyan. Niyakap ko ang sarili upang maibsan ang lamig na nararamdaman . di ko man
masyadong maaninag ay ramdam na ramdam ko ang mga sugat na nakalatay sa buo kong
katawan . Ngunit ang sakit na dulot ng mga sugat ay walang-wala kumpara sa sakit na
nararamdaman ko sa aking kalooban . Ipinikit ko ang aking mga mata upang balikan ang
nakaraan at alalahanin ang dahilan ng akin ngayo’y kinalalagyan.

Naaalala ko pa noong unang pasok ko dito. Maingay at magulo ngunit natural lamang
ang mga iyon sa ganitong uri ng lugar. Dinala nila ako sa isang seldang puno ng mga
kalalakihang malalaki ang katawan , na animo’y konting maling galaw mo lang ay pipilipitin
ang iyong leeg. Kung makatingin pa ay mistulang kakainin ka ng buhay. Kaya ako bilang
mahina at bagong salta ay sunodsunuran sa kanila. Ngunit di ko alamkung kaya kong
tumagal sa ganitong sitwasyon. At ang sakit lang isipin na sa dinami dami nang pinagdaan
at pinaghirapan ko ay mauuwi lang ako sa ganito.

Tama ang iniisip niyo. Isa nga akong bilanggo, sa anong kadahilanan? Ako’y isang
banido , rebelde. Sa madaling sabi , kalaban ako ng Gobyerno. Marahil iyon din ang dahilan
kung bakit iba ang trato nila sa akin sa loob . Iba di dahil pinapaburan ako kundi masahol
pa sa hayop kung ako ay saktan at mas masikip pa sa lata ng sardinas ang aming tulugan.
Maghapon kung ibilad sa initan .Pinagtatrabaho araw at gabi. Sadya nga bang malaki ang
naging aking kasalanan? Ganito ba talaga ang kahihinatnan nang pakikibaka para sa iyong
prinsipyo. Masama bang maghangad ng kalayaan at kapayapaan ? Yun lang naman
ang gusto ko , ang gusto namin.

Nabasag ang katahimikan at nabalik ako sa realidad nang biglang bumukas nang
malakas ang pintong bakal. Umaga na pala. Para akong nalagutan ng hininga nang bigla
akong hilain ng isang matabang parak. Habang hila –hila niya ako ay pinagmasdan ko siya ,
ang ganda ng kaniyang kasuotan napaka disente, kagalang-galang kung titignan. Ngunit
kung mismong kalooban niya ang iyong makikita , paniguradong sasakit ang iyong mata sa
kapangitan at kabulukan nito. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang matama sa
paningin ko ang aking paanan. Naroroon parin ang mga sugat at pasa na natanggap ko mula
sa kanila kahapon. Kaya sa bawat paghakbang ko ay nagdudulot ng sakit sa aking mga paa
ngunit ang isip ko ay lumulutang parin sa pag-iisip kung may pagasa pa. Marahil ay tama
na. Dapat na yata akong tumigil. Ayaw ko mang sumuko ay wala akong magagawa , dahil
ang totoo ay matatalo lang ako.

Malapit na ang paglubog ng araw. Kasabay nang bawat paglubog nito ay ang unti-
unting pagliit ng pag-asa ko na makalaya dito. Hanggang dito na lamang ba talaga ako?
Hindi ko naba talaga makakamit ang pangarap ko? Siguro nga’y ganun na nga.
Nakaramdam ako ng antok nang marinig ko ang malumanay na huni ng mga ibon. At
tuluyan na nga akong nakatulog, kung pwede lang kasing matulog ng di nagigising pa ay
gagawin ko. Para di ko na maranasan pa ang lahat ng ito. Ngunit alam naman nating
malabong manyari ang ganoong bagay. Lumipas ang ilang oras. Umaga na naming muli.
Inihanda ko ang aking sarili dahil mayroon akong dalaw.Nakakapagtaka man ay tumungo
na ako sa lugar kung saan siya naroroon. Kumaway siya sa akin, senyales na siya ang taong
aking hinahanap. Lumapit ako sa kanya. Di ko man siya kilala ay palagay ang loob ko sa
kanya.

Natapos naman ng matiwasay ang aming pag-uusap. Isa pala siyang abogado. Inalok
niya ako ng kaniyang serbisyo. Noong una , ay ayaw ko pa sana ngunit sa tinagal ng aming
paguusap ay napansin kong di siya gaya ng ibang nag alok sakin. Makikita mo sa kanyang
mata na may malinis siyang hangarin sa pagtulong sa kapwa. Binigyan rin niya ako ng
inspirasyon, dahil gaya ko siya rin ay bilanggo noon walang direksyon ang buhay ngunit di
sya sumuko at nalagpasan niya ang mga pag subok na iyon. Sabi nga niya “kung
magpapatalo ka ay talagang talo ka ”. Ang Katagang yan ay talaga namang tumatak sa aking
isipan upang mag patuloy at huwag sumuko.

Hindi niya ako hiningian ng kahit magkanong salapi ngunit kailangan naming
magtulungan. Upang maparusahan ang mga nang aapi at isiwalat sa lipunan ang
katotohanan sa likod ng mapagkunwaring katauhan. Ang paghahangad nila ng mataas ang
siya naming gagamitin upang sila ay pabagsakin. Di lang ako hanggang dito. May pag
babagong magaganap. Ang maliit na pag-asang aking natataw ay napalitan ng mas malaki.
Sapagkat di pa tapos ang laban .

Malapit na ang pagdating ng bukang liwayway , Kasabay nito ay ang pag-aasang aking
pinanghahawakan na ako ay matatagumpay. Gaya ko na isang bilanggo ang ating bansa ay
matagal nang naghahangad din ng kalayaan at kapayapaan . Sa pagdatingng pagbabago:
Pilipinas ang paglaya mo ay kasabay din nang paglayo ko .
Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria (tekstong naratibo)

Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon
ang nagbibigay ngtakot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa
naglalakihang hampas ng alon nito. SiMaria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa
gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simulanoon ay lagi na siyang pumupunta sa
dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tilatumatahimik ang
paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa
kanya.Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit
ang Haring Alon sa kaniyangpagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.Sa
katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sa
haloskalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang
Haring Alon muli ay naghampas siyang napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang
matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng buongmamamayan ng buong isla ang kanyang
makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa
hampas ng malalaking alon hindi niya ininda ang hampas ng alon nabumubugbog sa kaniyang
katawan, nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi namuling
humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot at
pangamba sakanilang puso.
BISYONG NAKAMAMATAY
(Tekstong Naratibo)
ni John Paul Vivit at Eden Marco Dela Cruz
Pagsusugal, paninigarilyo, pag-inom ng alak, paggamit ng droga at iba pang ipinagbabawal
na gamot. Ilan lamang ito sa mga masasamang bisyo na kinahuhumalingan ng ilan sa ating
mga kabataan ngayon. Bakit nga ba nahuhumaling ang karamihan sa mga bisyong ito?
Bilang isang estudyante at kabataan, ano ang magagawa natin upang sila ay mapigilan at
mailigtas sa hudyat na kapahamakan?
UNA, ang paninigarilyo. Ayon sa survey, paninigarilyo ang una sa mga bisyong
kinahuhumalingan ngayon ng maraming kabataan. Halos kalahating porsyente sa bilang ng
ating mga kabataan sa ngayon ang nakatikim o nakaranasan nang manigarilyo.
PANAGALAWA, ang pag-inom ng alak.Ano nga ba ang kahulugan ng pag-inom ng alak sa
ating mga kabataan? Ayon sa aking mga naririnig at sa aking mismong karanasan, ito ang
ginagawa ng maraming kabataan upang makalimot sa kanilang problema at upang
magkaroon ng lakas ng loob kung sila man ay may kaaway, o may gustong sabihin sa
nililigawan, kaibigan at maging sa kanilang pamilya.
PANGATLO, Droga.Ang pagkalulong sa bawal na gamot (drug addiction) o ang
pagkahumaling, pagkaadik, o adiksyon ng isang tao sa mga pinagbabawal na gamot. Isa
itong uri ng katayuan o karamdaman na mahirap tanggalin at iwasan ng isang taong nasa
ganito nang kalagayan, o ng taong nagumon na sa pagkasanay. Ang epekto ng labis na
paggamit ng droga sa mga kabataan ngayon, ay pagdami ng mga krimen, mga minor de
edad na ang mga gumagawa ng kaharasan ngayon, dumarami rin ang mga kabataan ang
nasisira ang kinabukasan dahil sa paggamit ng droga.
Maraming dahilan kung bakit nalululong ang mga kabataan sa masamang bisyo. At ang
pangunahing dahilan nito ay kahirapan. Dahil sa hirap ng buhay, walang trabaho, walang
pagkakakitaan, hindi makapag-aral at walang pagkakaabalahan matututo silang gumamit
ng droga para pansamantalang makalimutan ang kanilang mga problema. Maaari din nila
itong gamiting pampalakas ng loob para gumawa ng krimen o panandaliang pagkakakitaan
tulad ng panghoholdap at pagnanakaw.
Nandyan din ang kawalan ng suporta mula sa pamilya. Kulang sila sa atensyon, pag-aalaga
at pagmamahal mula sa magulang at sa lipunan. At hahanapin nila ito sa paggamit ng droga
para takasan ang sakit ng kalooban.
Isa ring dahilan ay ang pagsama sa maling barkada o itinuturing na mga kaibigan. Sila ang
naglulugmok sa mga walang muwang na mga kabataan. Kaya marapat lamang na kilalaning
mabuti at piliin ang mga taong sinasamahan at kinakaibigan. Paggabay ng magulang at
lipunan ay mahalagang kailangan ng bawat kabataan.
DROGA SA KABATAAN?
(Tekstong Argumentatibo)
ni Cristine Castillo
Isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa ay ang kasalukuyang hindi
maayos na gawain ng mga kabataan. Mga gawang pawing nakakasira sa harapan ng iba
katulad na lamang ng masasamang bisyo. Ang pagkalat at pagpapabaya sa mga naiwang
problema ay nagiging sanhi o mas lalo pang nagiging malaki itong problema na siyang
kakalat pa sa marami.
Marami na akong nalalaman tungkol sa masamang gawaing gawa ng mga kabataan. dahilan
na ng mga balitang naririnig ko sa telebisyon at radio. Isa na rito ang pagkalulong sa droga.
Ngunit masama ba talaga ito sa tao ?
Pagkalulong sa droga. Marami tayong nababalitaan na nangyayari na tumutukoy sa
masamang bisyong ito. Maraming namamatay araw-araw dahil sa pagpatay sa mga lulong
sa bisyong ito. Oo, at naniniwala na ako na sobrang masamang-masama na ang naidudulot
ng ilegal na droga sa kabataan ngayon ay nakakagawa tayo ng maling gawain. Hindi maayos
ang nagiging laman ng ating isip at lalong-lalo na hindi sumasang-ayon sa tama ang tibok
ng puso. Sa katunayan,ang droga, isa na itong kadahilanan kung kaya’t hindi
nakakapagtapos ng pag-aaral ang mga bata sa bansa. Ang ilan ay nalulong na rito at pawang
dito na lamang nakatuon ang kanilang mga isip at pansin. Ang droga ay masama dahil
ginagawa niya tayong pabaya sa mga baga-bagay na dapat nating gawin.
Ngunit mayroon nagsasabi na hindi delikado ang paggamit ng droga. Ang droga ay nakaka
adik lamang ngunit wala pang patunay na masama ito sa atin. Ang mga sumusulpot na
balitang katulad nito ay mga bagay-bagay lamang na sadyang nagpapatunay na ito ay
walang masamang epekto.
Oo, marahil isipin ng iba na magulo ang sitwasyon ngayon tungkol rito. May mga positibo at
negatibong ebidensya pero hindi pa ito maayos napapatunayan. Ang totoong dahilan lang
naman kung bakit ito ay mabuti ay nakakaadik at nagiging masama lamang ito dahil
sinasabing nakakasira ng buhay. Sabi nga nila, lahat ng masarap ay nakakaadik at kaya sila
gumagamit kasi gawi at nakasanayan na nila ito.
NANINIWALA KA BA SA FOREVER?”-(tekstong argumentatibo)

May FOREVER, at maniniwala akong may forever hangga’t may nagmamahal at


minamahal. Ang Forever kase hindi lang naman yan nakatuon sa pag-ibig lang sa kapareha
mo na dapat mo lang paglaanan, bagkus ito ay nakabase sa lawak at kakayahan mong
magmahal sa mga nakapalibot sayo. Para sa akin maituturing mong forever ang
pagmamahal kahit isa ka lang na nagmamahal, ibig sabihin mananatiling mahal mo siya
kahit walang tugon ng pagmamahal mula sa iyong sinta. Hangga’t may kakayahan kang
magmahal at may nagmamahal naniniwala ako at maniniwala parin ako sa forever.
Sapagkat ang tao’y nabubuhay sa pagmamahal at pagmamahal lamang. Para sa akin isang
kahibangan ang pagiging bitter, sila kase yung mga hindi naniniwala sa forever dahil
nasaktan sila, pero ganoon naman sadya kapag nagmamahal, masasaktan at masasaktan ka
dahil kaakibat nito ang sakit at kabiguan. “Hindi ka pa kase nagmahal at nasaktan kaya
hindi mo alam ang pakiramdam ng isang bitter?”, alam ko ang pakiramdam na yan dahil
lahat naman tayo nasasaktan kapag nagmamahal, pero hindi yun dahilan para itaga sa sarili
mo na walang forever. Huwag mong ikulong ang galit at sakit na nararamdaman mo dahil
lang sa nasaktan ka. Huwag mong ituon ang sarili mo o pagmamahal mo sa iisang tao
lamanng dahil hindi mo namamalayan mahal ka ng mga taong nakapalibot sa iyo, yung mga
taong hindi mo napapansin, yung mga taong nasa likod mo lang.
Huwag nating ibase ang forever sa litiral na paraan, dahil Oo lahat may katapusan, lahat ay
mamamatay, lahat ng bagay binibigyan ng life span. Pero hindi ito ang basehan na wala
talagang forever. Ang pagmamahal ng Diyos sa atin, di ba forever yun?, ang pagmamahal
natin sa pamilya natin, sa mga kaibigan natin, sa lahat ng taong mahalaga sa atin di ba
forever yun? Hangga’t naniniwala ka at may pagmamahal kang nadadama, may FOREVER,
maniwala ka.
Droga, Masama nga ba? (tekstong argumentatib)

Naniniwala ako na sobrang sama ng naidudulot ng ilegal na droga sa kabataan ngayon. Sa


katunayan nalilimitahan nito ang lahat ng posibleng aksyon at ganun din ang pagiging
malikhain ng mga tao. Kawalan ng magawa ang malimit na nagiging dahilan nito at
napakasama nito.

Ang droga ay isa sa mga bagay na nagiging dahilan ng pag-usbong ng napakaraming


musika, iba’t ibang “genre”, tono, at iba pa. Maraming awit ang nagawa dahil sa mga
manunulat at awtor na nakatira ng droga. Kung di dahil sa droga, malamang wala ang ilan
sa mga awiting ito.

Maraming paraan, ang mga tao na sumulat ng mga kanta na iyon ay may katangiang
pagkamalikhain para magawa yun. Ang mga awit na ito ay nasa kanilang isipan. Hindi
droga ang gumawa ng kanta. Ito ay dahil sa malikhaing mga tao, at ang mga awiting ito ay
umusbong parito at pariyan.

Dinadala ng illegal na droga ang isang tao sa mundo kung saan nagagawa nila ang mga
bagay na sa tingin nila ay imposible kung hindi sila nasa ilalim ng pinagbabawal na drogang
ito. Bakit hindi nalang limitahan? Mayroon tayong literal na bilyong bagay na maaaring
gawin sa mundong ito, at mayroon lang tayong humigit kumulang 35 na taon na maranasan
yung mga bagay na yun sa ating pagtanda. Sa sobrang daming pagpipilian sa mga dapat
gawin, bakit hindi nalang piliin yung mga bagay na hindi makakasira ng kalusugan at
makakapagpahamak sa tao.

Hindi delikado ang droga. Bawat report tungkol sa droga tulad ng marijuana na nagsasabi
na ito ay hindi nagtatagal at hindi ito nakakaadik. Mga bagay na sadyang nagpapatunay na
ito ay walang masamang epekto.

Sa bawat patunay na ito ay hindi delikado, mas madami ang sumusulpot na nagsasabing ito
ay delikado.

Ang mga pag-aaral na lumalabas ay sapat na para patunayang delikado nga ito. Pero
gagamitin mo ba ang illegal na dorga para ma”high” ka habangbuhay? Bakit hindi mo
paniwalaan na ang droga ay wala naman sadyan masamang epekto. Oo, marahil magulo at
may mga positibo at negatibong ebidensya pero ang totoong dahilan lang naman kung
bakit ito nakakaadik at nakakasira ng buhay ay ang sarap na naidudulot nito sa gumagamit.
Lahat ng masarap ay nakakaadik at kaya sila gumagamit kasi kailangan nila ito.

Gawing legal ang droga at mawawalan ng krimen. Marami ang nakukulong dahil sa mga
bagay na kaugnay ang pinagbabawal na droga. Kahit yung mga taong nakulong dahil sa
pagnanakaw at iba pa ay kaugnay pa din sa paggamit ng droga. Gawing legal ito at
mawawala ang krimen.

Hindi kaya sugpuin ng apoy ang kapwa apoy. Gumawa ng ibang paraan.

Ang lohika sa kabila ng legalisasyon nito ay terible at mahirap isagawa itong ‘reverse
psychology’ na ito. Maikli lang ang buhay ng tao at nais nala abutin ang estado kung saan di
nila alam ang buhay. Bilyun-bilyong bagay ang maaaring gawin, wala naman sigurong
gustong mabuhay na hindi ito nagagawa. Hayaang malaman ng tao ang sarili nilang
pagkakamali.
Death Penalty (tekstong Argumento)

Sa kasalukuyan, may ilang mga mambabatas ang nagnanais ibalik ang isang batas na sa
tingin nila ay makatutulong sa pagpapababa ng antas ng krimen dito sa ating lipunan, ito ay
ang death penalty. Subalit sa kabila ng magagandang epekto na maaaring maidulot ng
batas na ito, marami pa rin ating mga kababayan ang hindi pabor sa pagbabalik ng
naturang batas. Ayon sa kanila, hindi na raw kailangan na ibalik ang death penalty dahil
may iba pa naming paraan para mapababa ang antas ng krimen.

May mga nagsasabi na hindi na dapat ibalik ang death penalty dahil sa ito ay labag sa
karapatang pantao ng isang indibidwal. Ayon naman sa simbahang katolika, hindi ito dapat
ibalik sapagkat labag ito a kautusan ng Diyos o walang ibang maaaring bumawi sa buhay ng
isang tao maliban sa Diyos. May iba naman na mga mambabatas at karaniwang
mamamayan na nagsasabing pataasin nalang ang mga parusa sa bawat krimen sa halip na
ibalik ang death penalty.

Sa sariling opinion ko naman, pabor ako sa pagbabalik ng death penalty dito sa bansa
sapagkat masyado ng mataas ang antas ng krimen ngayon kumpara noong mga panahon na
mayroon pang death penalty sa Pilipinas, Ito ay sa kadahilanan na nagsisilbing “deterrent”
and death penalty upang hindi gumawa ng krimen ang mga tao, iiwas silang gumawa ng
mga bagay na maaaring magdala sa kanila sa sitwasyon na matulad sa mga taong
napatawan ng death penalty sa pamamagitan ng silya elektrika o lethal injection. At dahil
nga dito, mas mapayapa ang pamumuhay at mababa ang antas ng kriminalidad sa
panahong ito. Subalit noong napatalsik sa pamahalaan si Ferdinand Marcos ay na abolish
ang death penalty sa utos na rin ng pumalit sa kanya na si Cory Aquino. At simula noon unti
unti na ring tumaas ang antas ng krimen sa Pilipinas.

Isa pa sa mga dahilan ay dahil sa talamak na droga sa bansa, na dahil na nga sa maluwag na
parusa, napipili ng mga dayuhan na gawing bagsakan o bentahan ng illegal na droga ang
Pilipinas. At kahit pa makulong sila ay naipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang negosyo sa
loob ng bilangguan, kaya parang walang pagbabago na nangyayari.

Maraming bagay ang kailangang isaalang-alang kung sakali kaya nasa kamay na ng mga
taong manunungkulan sa hinaharap kung maibabalik ito o hindi. Ang magagawa nalang
natin ay ang maghintay at ipanalangin na hindi na lalong lumala ang kasalukuyang
problema ng bansa sa dami ng krimen.
ANG LARONG DOTA
(Tekstong Prosidyural)
nina: Rinel Alviar at Eric Santiago
Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nagsimula ang Elektronikong mga kagamitan.Habang lumalago
ang industriyang ito, patuloy ang pagdami at pagdiskubre ng mgamakabagong kagamitan.
Isa na rito ang pagkilala ng kompyuter. Isa itong aparato na gumagawanang trabaho ng tao
nang mas mabilis. At hindi maikakaila ng nakararami ang paggamit nito.
Kabilang na ang mga bata, matatanda, indibidwal man o grupo ay masyang ginagamit ang
kagamitang ito. Ngunit pangunahing ginagawa parin ay ang labis na konsentrasyon sa
paglalaro ng online games.
Ang patok ngayon ay ang larong DOTA. Ang Dota ay isang libangan na kinaaadikan ng mga
kabataan ngayon. Ang dota ay walang pinipiling edad sa paglalaro, basta't marunong kang
dumiskarte,pwede kang mag dota.
SANGKAP o KAKAILANGANIN SA PAGLALARO
2 grupo ng tao (kahit ilang miyembro)
Kompyuter( isang miyembro bawat isa)
PROSIDYUR
• Una, maghanap ka ng makakalaro. Pwedeng makalaro ang mga kaibigan o kakilala.
• Pagkatapos mong makahanap ng makakalaro, pumili ka ng isang hero sa larong DOTA. Ito
ang gagamitin mo sa laro. Marami at iba-iba ang mga hero na pwede piliin.
a. May mga tinatawag na tank. Sila yung mga kayang sumalo ng mga malalaking atake ng
kalaban. Maisip mo sanang kaya kong saluhin ang mga pasakit na darating kung binigyan
mo lang ako nang pagkakataon.
b. Meron ding mga tinatawag na carry. Kapag sila ay lumakas nang husto, kaya nilang
dalhin at buhatin sa tagumpay ang grupo. Maisip mo rin sanang papasanin kita sa mga
dagok at pagsubok na darating kung pinahintulutan mo lang ako.
c. Meron ding mga hero na tinatawag na support. Sila ang mga nagbabantay sa iba para
hindi sila mapatay nang kalaban o kaya naman mas madaling makapatay nang kalaban. Sila
din ang mga nagpapaubaya para mas mapabilis ang paglakas nang iba.
• Pumili ka ng hero na angkop sa yo at makakatulong sa iyong koponan. Hindi tulad nang
pagpili mo sa taong sasaktan ka lang at iiwan kang luhaan.
• Pagkatapos mamili nang lahat ng kalahok ay magsisimula na ang laro. Ang layunin nang
laro ay ang masira ang gusali ng kabilang grupo na tinatawag na Ancient. Makakamit ito sa
pagpapalakas ng inyong mga hero at pagtalo sa mga katunggali sa mga labanan.
Mga Kailangan

10 strips ng balsa wood (or


bamboo or matte board),
1/4 inch wide at 10 inches
ng haba
4 strips ng balsa wood, 1/4
inches wide at 3 1/2
inches ang haba
Tissue paper
Glue
String
Pangalawang Hakbang
Markahan ang mga gilid para makita ang mga gilid ng bawat sulok

Pangatlong Hakbang
Talian lahat ng "joints" at "points". Sundan ang larawan sa kanan. Gawin ang pagtatali sa
pangalawang star. Balutan ang dalawang dulo ng malilit na kahoy hanggang maging
matibay ito.Talian ang mga dulo pero magiwan ng mga 3 inches ng "string" . (2 strings
should now
be hanging from each end of
strip.)

Pang-apat na hakbang
Pagdikitan ang dalawang star at talian ang bawat dulo ng mga ito para hindi kumalas.

Panlimang Hakbang:
Ilagay ang mga maliliit na kahoy sa pagitan ng dalawang star.
Talian ang dulo ng maliit na strip hanggang sa "joints sa pamamagitan ng paggamit sa 3
inches na string (mula sa pangatlong hakbang)

Pang-anim na Hakbang
Tapusin ang pagkagawa ng hugis ng star. Kailangang dikit ang dalawang star na may
namamagitan na naliliit na kahor sa gitna ng mga ito. Gumamit ng mga "string" kung
kinakailangan.

Pampitong Hakbang
Dikitan ng mga papel ang hugis ng star. Gamitin ang inyong imahinasyon at "creativity
para matapos mabalot ang hugis nito.Lagyan ng pabitin sa ibaba ng hugis. Ibitin ito sa
bintana o sa anumang lugar na puwedeng mapaglagyan nito.
Paano makalimot ?
Sa lahat ng ginagawa natin sa pang araw araw ay parang isang lutong ulam, ihahanda mo
ang mga rekado, mga kagamitang na gagamitin, mga proseso o mga hakbang upang
matapos mo ang isang producto. Katulad sa buhay ng isang tao may proseso kung paano
tayo ginawa ng ama, paano tayo pinanganak, paano tayo pumasok sa paaralan, paano tayo
maligo, paano tayo kumain, paano tayo magpamahal, paano tayo masaktan at higit sa lahat
paano tayo magmove on? Lahat ng mga yan may proseso, may mga sangkap, may
kagamitan upang patuloy mo siyang makalimutan. Patuloy mawala ang mga alala niyong
magkasama. O sa madaling salita mawala na siya sa buhay mo.

Ang pinakamahirap gawing sa buhay ng isang tao ay kalimutan ang taong minahal mo,
pinahalagahan mo, pinagkatiwalaan mo, binigay mo ang lahat makunteto lang sya siyo.
Kasama sa ilang taon at gumagawa kayo ng masasayang bagay, bumubuo ng bagong
memorya, nangakong walang iwanan at habang buhay magsasama. Paano bang mabuhay
ng wala siya? Paano bang maging independe sa pagmamahal mo sakanya, kung gaano ko
sya kamahal, ganun din kahirap kung paano ko sya makakalimutan. Sa bawat lungkot na
dati’y saya na hinawi na kasabay ng hanggin. Sinubukan ko na ang lahat ng paraan para
makalimutan sya. Ang hirap pala talaga kapag wala na siya siyo. Yung may kulang sa bawat
araw mo. Yung may hinanap hanap ka. Ano ba ang kailangan kong gawin makalimutan lang
sya.

Kaytagal na pala, anim na buwan na ang nakakaraan, di ko parin sya makalimutan, ginawa
ko na ang lahat, di pa ba sapat mga yun.

Linibot ko na ang lahat. Naghanap ako sa internet, magazine at iba pa. Ngunit wala talaga!
Pero sa isang telebisyon ko lang pala makikita ang sagot sa kalahating buwan na sakit sa
puso ko, yung kirot sa pakiramdam ko, at yung lito sa isip ko. Ang apat na mga hakbang
para makalimutan sya. Ang dalawang sangkap na kaylangan, ang puso at isip ko. Ang
kagamitan na namumukud tanging sarili ko lang pala. Ako lang pala kamamasagot sa mga
tanong kung paano ko makakalimutan ang taong nagpahirap sakin ng sobra, makalimutan
lang siya.

Tatawagin natin itong oplan makalimutan sya. Una, ihanda mo ang puso at isip mo bilang
mga sangkap. Ang sarili mo bilang kagamitan. Ingatan mo ang mga ito upang maging
maayos ang ating plano. Isipin mo para sa iyo rin ang mga ito. Pangalawa, alamin mo ang
mga hakbang upang makalimutan sya. Pangatlo, gawin nyo na nga mga ito.

Gawin mo ang unang hakbang, Acceptance lang pala. Ibaon mo sa puso’t isipan ang
pagtanggap na wala na sya. Tanggapin mo na tapos na ang lahat. Isipin mo na dahil sa
kanya di ka totoong naging masaya. Di ka bitter kapag ganun ginawa mo, kundi inisip mo
lang ang ikabubuti mo. Mahal mo sya pero kaylangang mong tanggapin na hanggang dun
lang yun. Mahal mo sya pero wala na. Pangalawa, Forget. Kalimutan mo na sya, katulad ng
paglimot niya siyo. Isipin mo ang lahat ng bagay sa positibong paraan tulad ng: iniwan ka
nga kasi may taong mas karapat dapat para saiyo. May nagmamahal pa sayo na di nya
katulad. Dapat mo syang kalimutan kasi ang pangit nya. Lahat ng bagay na nagpapaalala sa
kaniya, simula sa mga litratong magkasama kayo, sa mga konbersasyong nabuo niyo nung
masaya pa kayo, at higit sa lahat yung numero nya, kahit pa ito’y kabisdo mo pa.Pangatlo,
Change. Magbago ka para sa sarili mo, magbago ka hindi para sa kanila. Tandaan mo, sa huli
ang taong mapapagkatiwalaan mo ay ang sarili mo lang, wala nang iba. Magbago ka kasi
mahal mo yung sarili mo at mahal mo ang mga taong nakapaligid sayo at nagaalala na bakit
malungkot ka. Magbago ka para makalimutan sya. Magbago ka kasi mahal mo sarili mo.
Magbago ka kasi wala ng pakakataon mabalik sya sayo. Pang-apat, Walk Away. Magsimula
kang muli, maging masaya, ienjoy mo ang bawat araw mo. Bumuo ka ng panibagong
journey, mag isa ka? Ok lang yun, subalit mas masaya kapag kasama mo ang mga taong
sumusuporta sayo. Maglakad ka patungo sa kasiyahan mo. Maglakad ka hanggang sa
walang hanggan.

Ang mga hakbang na ito ay tungo sa paglimot mo sa kanya at para sa ikakabuti mo. Sige
lang, ipagpatuloy mo tungo sa ikakaganda ng buhay mo. Hindi lang sya ang nagmamahal
siyo. Madami sila. Huwag mong ipagsiksikan yung sarili mo. Sa taong di mo deserve.
Maging masaya ka, okay na yun. Susuportahan kita.

Ihandanda mo ng maigi ang sarili, puso at isipan mo. Gawin mo ang lahat lahat para maging
success at maayos ang plano natin. Ayos lang masugatan ang puso mo dahil tama ang
desisyon ng isip mo. Subukan mo lang, hindi masamang subukan, wala namang mawawala
sayo eh.
Paano Simulan ang Negosyo sa Maliit na Puhunan

Lahat tayo ay nangangarap na yumaman o kaya naman ay guminhawa man lang ang buhay.

Huwag mawalan ng pag-asa kung sa ngayon ay mahirap ka lang. Madaming mayayaman

ngayon na mahirap lamang noon.

Sa mga paraan na ito, maari mo nang simulan ang iyong negosyo sa maliit lamang na

puhunan.

1. Tantiyahin kung magkano ba ang puede mong gamitin sa negosyo, gaano man ito kaliit.

2. Maghanap ng posibleng negosyo na magkakasya yung pera pang-negosyo. Kung wala

kang ideya, maari ka magresearch sa internet. Madaming puede maging negosyo kahit

maliit lang ang pera mo. Halimbawa, ang pagtitinda ng load ay maari mo nang simulan

kung meron kang P1000.

3. Maghanap ka ng pwesto kung saan mo maaaring buksan ang iyong negosyo. Kung

prepaid loading station, kahit sa bahay niyo, puede na, basta humingi ka lang ng mga

posters dun sa pagbibilhan mo ng loader SIM card. Syempre, ang pwesto ay depende sa

napili mong negosyo. Kapag food carts naman, mas mainam kung malapit sa paaralan o
mga opisina o kahit saang lugar na madaming tao. Puede din naman na sa internet ka

magbenta.

4. Hangga’t maaari,pagulungin mo ang iyong puhunan at benta/kita. Huwag mo gamitin sa

ibang bagay para may puhunan ka palagi para sa susunod mo pa na puedeng ibenta.

5. Huwag hintayin na maubos ang iyong paninda (pwera na lang sa mga pagkain) bago ka

bumili ng panibagong paninda. Sa paraan na yan, palagi kang may ma-ihahandog sa iyong

mga mamimili.

6. Siguraduhin na maayos ang iyong paninda upang maiwasan ang mga reklamo. Tandaan

mo na kasama sa layunin ng pagbukas mo ng negosyo ay ang palaguin ang iyong mga

mamimili. Ang masayang mamimili ay siguradong babalik at babalik para bumili ulit.

7. Syempre, sa pagdami ng iyong benta, dadami na din ang iyong na-ipong kita. Upang

lumago ang iyong negosyo, unti-unti mong damihan ang iyong paninda. Pumili ka ng ibang

mga puede mo pang itinda ng sa gayon ay lumaki ang iyong negosyo.

You might also like