You are on page 1of 8

Collection of Poems

Ang tao sa buwan

minsan pinangarap kong makapunta sa buwan,

gusto kong tanawin ang kalangitan

at aabangan ang mga babagsak na bulalakaw,

sisilayan habang nasa ibabaw.

pinangarap ko ding makasama ka,

hawak mga kamay mo at sisilayan.

mga ngiti at papakinggan ang tawa,

saksi natin ang kalawakan.

ngayon, abot kamay ko na ang buwan

tila bulaklak na kayang pitasin,

tanging ikaw lang ang aalayan,

at ikaw lang ang mamahalin.

man on the moon

I once dreamt on going to the moon

I wanted to see the cosmos

And wait for the falling meteors,

While me, being above them.

I once dreamt also, of being with you

Holding your hands and look

At your smile and listen to your laughter,

And the heavens are our witness.

Now, the moon was indeed reachable

Like a flower that is to be picked,

You, that I will sacrifice for

And you, that I will love.


2

kung hindi pwede, maiintindihan ko,

pakiusap sabihin mo kung ayaw mo na.

para hindi ako di kita pipigilan.

nagmumukhang tanga, maglakad papalayo maglakad

kakahintay. hanggang di na kita Makita

kung ayaw mo na, hanggang sa ang puso ko

sige naiintindihan ko ay tuluyang madurog na

hindi kita pipilitin at malanta ang dahon

palalayain kita ng unang rosas na,

kung hindi pwede inabot mo sakin noon.

at ayaw mo ayos lang din. nagpapahiwatig na, siguro.

pero masakit. pwede na nating tapusin to

mahina lang ang puso ko, kasi ayaw ko na rin.

pwede mo bang dahan dahanin? pagod na ako.

wag naman biglaan di na kita kaya ipaglaban,

kasi iba sa pakiramdam, di na kita kaya hintayin.

di ko maintindihan. masyado mo na akong sinasaktan.

sabihin mo na. sa puso.

sige ayos lang. kaya patawad,

sabihin mo na, sige malaya ka na.

kung di na pwede tayong dalawa.


3

I lang, maling mali na pinili mong pumasok at halughugin


ang pagkatao ko. Hindi ko alam kung sino satin ang
Sa pagdaan ng bawat araw mas lalo ng lumiliwanag ang unang masasaktan. Ako ba o ikaw? O sabay tayo?
sikat ng araw, napagtanto kong nasisinagan na ako dito Ayoko. Hindi ako papayag. Gusto kong walang masaktan
sa bakanteng kwarto. Kung saan, matagal kong sating dalawa. Pero syempre hindi pwede yon diba?
ikinulong ang sarili ko. Natatakot akong lumabas, baka Kaya sige, sisikapin kong hindi ka masaktan ng dahil
kasi mapahamak ako. Ayaw kong lumabas dahil hindi sakin.
ako sigurado doon. Ako lang mag-isa, wala akong
kasama. IV

II Ngayon na nabuksan ko na ang pinto, at kasama na kita


dito sa loob ng kwarto. Hayaan mong pasayahin kita sa
Ewan ko kung bakit may nagtangkang kumatok sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng mga kwento ko.
pintuan ko. Sarado iyon at nakakandado, wala akong Sa pamamagitan ng mga letra, salita, pangungusap. Sa
balak pagbuksan ang kahit na sino. Pero dumating ka, pamamagitan ng tula ko para sayo. Hayaan mong
marahan lang naman ang pagkatok mo. Hindi pasayahin kita sa pananatili mo sa tabi ko. Hindi ako
nakakairita, hindi ako naiinis o napipikon sa ingay. marunong mangako, at hindi ko rin sigurado ang mga
III susunod na pangyayari. Pero asahan mong nandito ako
sa tabi mo sa bawat pagdaan ng araw. Sa bawat bituin
Ano ba ang gagawin mo sa loob? Hindi ka masisiyahan na nagniningning sa langit, ikaw pa din ang
kasama ako. Hindi ka matutuwa habang kausap mo ko. pinakamakinang na nilalang para sakin.
Wala kang makikitang tama sa pagkatao ko. Una pa

Habang may tinta pa

katulad ng tubig na umaagos sa malawak na karagatan, kasing sigla ng mga ibong umaawit, ang mga salitang kong
napupuno na ng kasiyahan. ang tinta kong namatay, unti-unti na namang nagkakabuhay at ang mga letrang matagal na
ibinaon sa kailaliman ay muling hinukay upang ibahagi ng makata ang konsepto nang pagtanaw sa langit habang
nakangiti, at tinatanaw ang pinakamakinang na tala sa kanyang paningin. ang tulang ito ay alay para sa mga bayani ng
pagibig, sa mga makatang hindi mauubusan ng salita para sa isang obra, at para sa mga katulad kong binigyan ng
pagkakataong kumalma at maging payapa ang puso, habang kapiling ang ating sinisinta. pagmasdan ang kakaibang
sining na iginuhit ng nasa Kaitaas-taasan, ang mga tunog ng kuliglig sa gabi, ang malambing na paghele ng ina sa munting
sanggol, at ang panulat na ipinatong sa gabundok na mga talaarawan. Ganoon lamang ang ginugunita ko sa bawat oras
na iginugugol habang nagkukwento ang paru-paro sa bulaklak. Pinapalipas ang buong maghapon, na pinapatakbo ka sa
aking isipan, ng sa gayon ay parang kapiling ka. Mali ka ng itinuran mong nababagot akong pakinggan ang mga kwento
mo tuwing balak kong magsiyesta, dahil sabik akong pakinggan ang mga patawa mo na itinulad ko sa aking paboritong
lumang komiks. Na kahit paulit-ulit, natutuwa pa din akong buklatin ang bawat pahina na tila di ko ito kinabisado. Mali
ka ng ihalintulad mo ang pagtibok ng puso ko sa kidlat, dahil kalmado ang aking pinagmumulan ng buhay kapag nariyan
ka. Dahil mas gusto ko ang ganitong pakiramdam, humuhupa ang mga bagyong sumasalanta sa aking pagkatao.
Pinaparating ko na maging ang hangin ay pinapalibutan ako ng tamang temperatura. Mali ka ng akalain mong tinangay
mo ang aking puso, dahil noong nagtagpo ang ating mga mata kusa kong iniabot ang kasingkasing na bukal sa aking loob.
Na ang dumadaloy na kakaibang elektrisidad sa buo kong katauhan, ay patuloy na mananalaytay sa aking ugat.
Sinisimbolo na ang epekto ng iyong presensiya sa akin, ay sing lakas ng kulog at sing bilis ng nagkakarera sa disyerto.
Mali ka ng rinig sa aking mga pagluha, na itinuturing mong paghihinagpis ko. Luha iyon na nagpapahupa ng aking
kalungkutan. Luha iyon na nagpapatunay sa aking paglumbay. Luha iyon tuwing di kita kapiling. At luha tuwing kapiling
ka. Luha ng pagtanggap, luha ng kagalakan. Walang bakas ng pagtatangis. Katunayan lamang na ang mga naririnig mong
tunog mula sa akin, lahat iyon ay mula sa ginhawang nararamdaman kapag nariyan ka. At habang ang plumang
ginagamit ko'y may pinagmumulan pa ng tinta, nais kong ialay sayo ang bawat letrang nakaukit sa blangkong papel. Na
hindi ako nagsulat ng tula upang basahin mo lamang at ito na ay itatabi pagkatapos. Dahil nais kong iukit mo rin ito sa
iyong puso. Gamitin mo ang mga salita ko upang mas lalo ka pang maengganyo na salubungin ang bawat umaga na may
ngiti. Isama mo ang mga salita ko sa iyong panaginip, na parang nandoon ang aking kaluluwa. Di ko maipapangakong
hindi ako makakagawa ng ikasasakit ng iyong damdamin, ngunit hayaan mong damayan kita. Hayaan mong samahan kita
sa bawat pag-angat at paglubog ng araw. Sa bawat pagsibol at paglagas ng mga dahon sa paligid. Hayaan mong hawakan
ko ang iyong kamay sa gitna ng malakas na ipo-ipo. Ng mahigpit. Hayaan mo kong handugan ka ng mga makukulay at
matatalinhagang salita. Hindi ako naririto upang mangakong di ka sasaktan, bagkus nandito ako upang iabot ang aking
liham. Liham na nagsasabing, habang may tinta pa ang aking panulat, patuloy kong ibabahagi sayo ang sarili kong mahika
sa paglikha ng mga salita. Ang manunulang ito ay kawal ng literatura, lapis ang panangga at salita ang aking espada.

Ang kwento ng mga tumatawid

Ang tulang ito ay para sa mga hindi marunong sumunod sa traffic lights.
Charot lang.
So pagusapan natin tong mga nakita ko sa tawiran kanina. Alam niyo yon, seconds lang naman yung hinihingi.
Maghihintay ka lang naman para makatawid ka na. Nagmamadali ka pa. Kaya nga may traffic light diba? Bakit kasi ganon
yung mga tao? Para naman sa kaligtasan natin yon, gustong gusto na binubuwis yung buhay.
Eto na nga, sisimulan ko na.
Alam naman siguro nating lahat yung function ng mga kulay sa traffic light, diba?
Magsimula tayo sa kulay kahel.
Yung kulay na sumisimbolo ng paghahanda. Paghahanda sa pagsabak natin sa mahabang daan na tatahakin natin.
Paghahanda sa mga posibleng mangyaring aksidente, mga taong maaaring dumating sa buhay natin at pilit na
magkukrus ang mga landas. Na di tayo sigurado kung, bigla ba itong tatawid at masaktan natin ng aksidente.
Katulad nong aksidente din akong dumating sa buhay mo. Hindi ka masyadong nakapaghanda sa pagdating ko kaya heto
ako. Nasasaktan sa pagsagasa mo sa puso ko. Inakala ko na kapag pinapasok kita sa mga harang na itinayo ko, gagawin
mo itong matatag. Pero mali ako, giniba mo yung pundasyon ko. Ano ng gagawin ko? Hindi mo kayang hawakan ang mga
kamay ko. Dahil ba hindi mo ko kayang iangat para makabangon, binitawan mo na lang ako?
Hinayaan mo na lang akong nakahiga sa gitna ng malawak na kalsadang to, habang pinapalibutan ng maraming tao.
Naglakad ka palayo e. Para akong nahit and run. Sinaktan mo ko tapos tinakbuhan. Ayaw mong makulong ng konsensya
mo? Ayaw mong husgahan ka ng mga luha ko? Sana di mo din ako sinalubong! Sana nong nakita mong tumawid ako,
tumigil ka o lumiko sa kabilang daan! Mabuti ng magu-turn ka kesa sagasaan mo ko. Sana sumunod na lang ako sa kulay
kahel e. Naghintay din sana ako, at di nagmadali. Edi sana, wala ako sa pagamutan. Pagamutan na magsasara na dahil di
na nila kayang pahilumin ang mga sugat ko. Sugat na iniwan mo.
At ngayon , naabutan na ako ng kulay pula. Dinidiktahan na tumigil muna. Tigil muna. Pahinga muna. Ayoko ng sumugal.
Durog na durog na tong nakatira sa kaliwang dibdib ko. Teka muna, awat lang. Di muna ako tatawid, ayoko ng
mapahamak. Ayoko ng maaksidente. Ayoko ng mahagip ng mapaglarong tadhana. Ayoko na, delikado na ako. Delikado
na to, kamay sa puso
Hinihilom ko pa lang ang mga sugat na iniwan mo. Hinihilom ko pa ang mga tawa at ngiti mong nakakulong sa mga alaala
ko. Hinihilom ko pa ang mga pagtatalo nating dalawa, noong nalaman ko na hinihintay mo pa rin siya.
Hinihilom ko pa ang mga matatamis na salitang paulit-ulit sa panaginip ko'y binabanggit.
Hinihilom ko pa.. Hinihilom ko pa silang lahat. Kaya dito muna ako, Dito muna ako malayo sayo.
Malayo sa lugar kung saan tayo nagtagpo.
Malayo sa mga mata mong baka titigan ko.
At sa wakas, kulay berde na.
Pagkalipas ng mahaba kong paghihintay, eto na. Puno ng pag-asa. Makikisabay na ako sa maraming tao. Makikisabay na
ako sa mga taong matyagang naghintay. Matyagang naghintay kahit matagal. Mapanatili lang ang kaligtasan ng bawat
isa. Pinanatili ko na ding ligtas ang puso ko. Na ang mga natumba kong harang ay unti-unti ng tinatayo.
At ngayon, sisiguraduhin kong matatag na ito. Magtatayo na ako ng cctv sa labas ng harang na to. Para makikita ko ang
bawat taong mangangahas na kumatok. Na lahat ng kakatok, kayang makipagsapalaran sa mga hinanda kong pagsubok.
Na kayang makipagkasundo sa bumabalot sa aking kalungkutan. Ngayong nagpakita na ang signal na "go". Sasalubungin
ko na siya.
Yung hinihintay ko'y dumating na. Nakangiti niya na akong sasalubungin. Nakangiti na akong sasalubungin ng
panibagong ako. Dahil sa wakas handa na akong tumawid.
Handa na ako para sa panibagong daan.

na ang mga memorya kong kasama ka, ay tuluyan ko ng ibabaon sa kailaliman ng dagat. kasama ng mga sakit at
pighati na dinulot mo magmula noong iwan mo ako. na ang lahat ng iyon, ay dahilan kung bakit tinatahi kong muli ang
mga sugat na iniwan mo. mahal, kung sakaling magkrus muli ang landas nating dalawa sisiguraduhin ko na, ngiti na ang
makikita mo saking mga mata. sisiguraduhin ko na, ang puso kong nakatali sayo ay puputulin ko na. sisiguraduhin kong
sa mga oras na yon, malaya ka na. dahil mahal, papalayain ko na din ang sarili ko sa lahat ng pinagsaluhan nating
dalawa. at sa wakas, maglalakad na din ako palayo, palayo sa mga masasayang alaalang kasama kita.

Magkikita tayong muli

Ang langit. Maaliwalas at ang hangin ay malamig. Tahimik ang paligid. Nandito tayo sa ating tagpuan. Sa lugar kung saan,
ang lahat ay sinimulan. Nasaksihan ang mga ngiti at tawanan. Ang mga pagsubok na pinagdaanan. Naalala ko noong
unang beses na hinawakan mo ang mga kamay ko, kasing lamig ng hangin ang pagdampi nang balat ko sa iyo. At oo,
paborito ko iyon. Oo, ikaw lang ang nakapagparamdam sakin non. Noong unang beses na lumabas tayong dalawa, na
gaya ng iba ay magsasaya habang magkasama. Na ang palagi ko lang maaalala ay ang mga pagkakataon na, nakatuon
ang mga mata mo sa pagkatao ko. Na kahit hindi ako perpekto, tinanggap mo ko. Na kahit hindi sangayon ang mundo,
nanatili ka sa tabi ko. At niyakap mo ko ng mahigpit, alam kong importante ako. Naalala ko noong may pinanood tayong
palabas, nararamdaman kong dahan dahang humahaplos ang kamay mo sa kamay ko. Natatawa pa ako non, kasi may
mga taong nakapaligid satin, baka makita tayo. Pero hindi ka naman nila mapipigilan. Aaminin ko na umaapaw ang
tuwang nararamdaman ko, ikaw lang ang tanging lalaking nakapagpaligaya sakin ng ganito. Ang mga larawan natin, na
may kasamang masasayang alaala. Dinikit ko iyon sa pader ng kwarto ko. Para kapag matutulog na ako, ikaw ang huli
kong makikita. At kapag dumilat nama'y, alam kong ikaw din ang unang sisilayan. Tinititigan ko din iyon, tuwing
nagaaway tayo. Para ang mga maaalala ko ay mga nakakakilig na tula mo. Para hindi masagi sa isip kong, ikaw ang
dahilan ng pagluha ko. Sa tuwing hindi tayo nagkakaintindihan, pinapawi mo din ang pagaalinlangan. Na kahit hindi
maayos ang takbo ng araw nating dalawa, alam mo pa din kung paano bibigyang kulay ang dumidilim kong mundo. At
kahit paulit-ulit na umaapaw ang tubig na galing sa mga mata ko, Ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko. Kahit ayaw mo na sa
sarili mo, nandito ako. Na sa tuwing nagagalit ang mundo sayo, tandaan mong nasasaktan ako kapag naiisip mong
nagiisa ka lang. Na kahit tumutol ang ulan, ang kulog at kidlat. Ang buwan at mga bituin ay nariyan. At ang araw pati ang
ulap ay ngingiti, pagsapit ng panibagong bukas. At heto na nga tayo, nakatayo sa harap ng isa't isa. Kabisado ko na ang
bawat ukit ng iyong mukha. Ang mapupungay at kulay tsokolate mong mata na nakatitig sakin. Hanggang sa mga braso
at kamay mong ginagamit tuwing ako'y nilalamig. Magkalapit lang tayo ngunit pakiramdam ko'y ang layo natin ay milya
milya. At kahit na ganoon, amoy na amoy ko pa rin ang paborito mong pabango na galing sakin. Naluluha na naman ako.
"Huli na ba nating pagkikita ito?" Malambing ngunit batid ko ang lungkot sa boses mo. Ito ang araw na tatahakin na natin
ang landas. Na ikaw at ako ay hindi muna pahihintulutang maglakbay ng magkasama. Ikaw ay dadaan sa kaliwa at ako
nama'y sa kanan. "Hinding-hindi ito ang magiging huli." Inilagay ko ang kamay ko malapit sa puso. "Gusto kong malaman
mo na, tayo man ay magkakalayo. Ang puso ko ay tangay mo. Pinahihintulutan kong dalhin mo ito, ikaw at ikaw lang ang
magmamay-ari nito." Sunod sunod na pumapatak ang luha ko, kasabay noon ay ang mga paghikbi ko. Napansin kong
nais mong lapitan ako. Pero pinunasan ko kaagad ang kristal na butil galing dito. Ayaw kong makita mo na mahina ako.
"Nais ko ding malaman mo na, tangay ko ang bawat alaala nating dalawa. Pero nasasaktan ako sa mga ngiti at tawa
mong naaaninag ko. Nasasaktan ako sa mga masasayang mukha mo na nakatatak at nananahanan na sa isip at puso ko.
At hindi ko matanggap na tayo'y magkakalayo. Hindi ko ninais iyon." Kahit nahihirapan kang tumingin sa mata ko,
marahil ay ayaw mo ding malaman kong umiiyak ka. Alam ko, hindi ko din ninais na ganito ang kahahantungan ng lahat
lahat ng byahe nating dalawa. Ngumiti ako at lumapit sayo, pumikit ako at pilit na dinampian ng halik ang pisngi mo.
Gamit ang dalawang kamay ko, hinaplos ko ang mukha mo. Hinawakan mo din ang kamay ko at hinalikan ito. "Hinding
hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo. Sumumpa akong ikaw lang ang iibigin ko. Sumumpa ako sa buwan,
sa bituin, sa ulan, sa kulog at kidlat, sa araw, sa bahaghari, sa hangin. At sa Diyos. Ikaw at ikaw lang ang magiging dahilan
ng pagtibok ng puso ko." Marahan kong pinunasan ang mga luha mo. Gusto kong sigawan ang mundo. Gusto kong
sabihin na bakit, bakit kailangan naming magkalayo? Bakit kailangan kong magkaroon ng dinaramdam na ganito gayong
naging mabuti naman ako? Bakit kailangan kong malayo sakanya, para siguraduhing pag maglalaho na ako ay unti unti
niya na akong di maalala? "Saksi ang bawat elemento ng mundo na ikaw ay para sakin lamang. At ako ay nakalaan kundi
sayo lang. Na tayo ay maghihiwalay man, alam kong ang mga lubid, sinulid at kadena na nagdudugtong sa puso ko
papunta sayo ay matibay at mahigpit. Nabuhay ako para sayo. Mabubuhay ako para sayo."

Ang bawat katagang binibitawan at sinasambit natin sa isa't isa ay patunay na ang pagmamahal natin ay di maglalayo. Na
tayo ay mananatiling isa. At para sa huling sasabihin ko, nais kong tumitig ka sa mga mata ko. Kabisaduhin mo ang bawat
salitang babanggitin ko. Tandaan mo ang lahat ng sasambitin ko ay para sayo. "Ang lahat ng salita na binanggit,
binabanggit at babanggitin ko ay para sayo. Ikaw ang paksa ng mga tula ko. Ikaw ang iniisip ko sa bawat kantang inaawit
at napapakinggan ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ang mga panulat ko ay nananatiling may tinta para lang malaman ang
saloobin ko. At ikaw lang ang kulay na makakapagpabuhay sa mundo ko.

Hindi tayo maghihiwalay ng landas dahil hindi na natin mahal ang isa't isa. Ito ay pagsubok na ibinigay ng langit. At alam
kong sinusukat nito ang pagmamahal nating dalawa. Hindi tayo tatahak ng magkaibang daan dahil ayaw na nating
magsabay sa paglalakbay. Bagkus ay mas lalo nating makikilala ang sarili habang hindi tayo magkasama. Hindi ako
nagsulat ng tula para sabihing ang huling pangungusap ay ang katapusan. Kundi ito ang palaging panibagong simula. At
oo, ang tatahakin natin ay pagiisahing muli. At kapag dumating na iyon, hinihiling ko na ako pa din ang itinitibok ng iyong
dibdib. Dahil hindi tayo nagkalayo para makatagpo ng ibang mamahalin. Nagkalayo tayo dahil alam nating tama at
sinunod iyon. Mahal, ikaw lang ang paulit-ulit na patatakbuhin sa isip ko.

At ikaw lang ang magmamay-ari ng puso ko." Kasabay ng pagiyak at pagbugso ng luha, lungkot at hinanakit ko. Ay siya
ding pagtalikod ko. Kasabay ng muling pagingay ng paligid, ay siyang pagtahimik ng mundo ko. Kasabay ng sunod sunod
na taong dumadaan sa paligid natin ay siyang labis na pagsakit ng damdamin ko. Hinihiling na sana.. sana sa pagbalik ko
ay ang katulad pa din na sabik na mukha ang maabutan ko sayo. Dahil hindi ako magtatagal, ilalaban ko ang pangakong
tutuparin ko. Pangakong ang pagibig ko'y mananatiling para sayo. Sa bawat hiling at dasal ko, pinapanalanging iligtas ka
sa kapahamakan. Ang karamdaman ko'y isang pagsubok lamang, dahil alam kong ililigtas ako ng Maykapal. Dahil alam
niyang hihintayin ako ng lalaking pinangakuan ko ng muling pagdating. Lilipas man ang segundo, minuto, araw, linggo,
buwan at taon ng hindi kita kasama. Alam ko. Sigurado ako. Naniniwala ako. Na ikaw at ako, ay magkikitang muli. Itaga
sa lahat ng bato, tayo'y muling magtatagpo.

Mga elemento sa himpapawid

May iba't ibang bagay tayong nakikita sa langit tuwing gabi kapag tayo'y tumingala. Naroon ang kumikinang na mga
bituin, ang tila dagat na kulay ng ulap at syempre ang nagiisa at maaliwalas na buwan. Napapangiti ako tuwing makikita
kong sinusundan ako ng bilog na nilalang na ito. Pakiramdam ko'y importante ako at dapat pagtuunan ng pansin. Tulad
ng buwan. Pero minsan, naiinggit ako sa atensyong naiibigay ng mga tao sa buwan. Kaya pinangarap kong maging isang
elemento na titingalain sa langit at bibigyan ng halaga. Narito naman ang asul at malumanay na ulap, kalmado at
matiwasay ang pamamalagi sa ibabaw. May iba't ibang tawag at anyo, ngunit iisa lang ang pagkakakilanlan. Ninais ko
ding maging ulap, kahit na hindi ko ito abot kamay. At hanggang tanaw lang ang maibibigay. Inahahlintulad ko ang ulap
sa pagibig, may mga pagkakataon na nawawalan ito ng kulay dahil may paparating na bagyo o kaya naman ay may
nagbabadyang ulang babagsak sa lupa. Sa pagibig, kahit na may mga paparating na problema at haharaping mahirap na
sitwasyon, alam mong haharapin mo ito at lalabanan. Poprotektahan at di ilalagay sa kapahamakan. Ang ulan ay
sumisimbolo sa mga suliranin, inilalaglag ng kalangitan at tila tayo ay sinusubok kung makakaya ba natin itong iwasan sa
pamamagitan ng payong. At ang payong ay ang mga nakalatag mong resolba o dahilan para labanan ito at malampasan.

At ang panghuli, ay ang mga nagkikinangang bituin sa kaitaas-taasan. Ang mga ito ay masisilayan sa pagangat ng ating
ulo at nais na makasilip sa panandaliang kasiyahan. Ang pagtanaw sa mga bituin ay parang ikaw. Nakakangalay tumitig
pero kakayanin, mapaglaanan ka lamang ng atensyon kahit di mo nalalaman. Ang bawat kinang ng mga nilalang na ito ay
tila mga mata ko. Kapag natatanaw ko ang iyong anyo, buo na ang araw ko. Masaya sa pakiramdam. Madali kong
nakakaligtaan ang mga pinagdadaanang takot.

Mga hinanakit sa buhay at sa sarili. Pinunan mo ito. Ah, pinunan ito ng mga bituin. Paumanhin at nagkamali ako,
maaaring hindi mo naintindihan ang binanggit kong iyon. Ngunit hindi ko na kailangan pang magpaliwanag, ipapaalala
kong ang pagibig ay di nagmamadali. Handa ang kamahalan para ako'y bigyan ng pagsubok at gayon din ako. Kung ang
ibigin ka'y iatas ng haring puso sa akin. Ito ay susundin, ipapahiwatig kong wag mo sanang sasadyain ang aking
kalungkutan at kasawian. Hindi ko kailangan ng pangako katulad ng pagbagsak ng mga bulalakaw at sa mga matutupad
na hiling. Nais ko ay tulad ng ulap, nagbabago man araw araw, ayos lang dahil iisa lang ang tingin ng mga mata, ito pa rin
ay kulay bughaw.

9
Unang yapak ng paglimot

Sa paglipas ng panahon, ang mga alaalang binuo nating dalawa ay pinapakawalan ko na.

Nagsisimula na akong burahin ang mga araw at gabi na kasama kita.

Tinatabi ko na ang mga litratong tinago ko noong ika’y iniibig ko pa.

Ang mga liham at rosa na inalay mo sa akin noong sinasambit mo pa ang, “mahal kita”.

At habang pinupunit ng iyong salita ang naghihingalo kong puso,

Marahan parin kitang tinitigan mula ulo hanggang paa,

Tila kinakabisado ko pa rin ang huling sandaling abot kamay pa kita.

Kahit maraming tanong at pagtataka kung bakit tuluyan na tayong tumigil sa paglalakbay sinta.

Hindi ko alam kung hihilingin ko bang manatili ka o piliing pagmasdan na lamang ang iyong mga mata.

Nandito na tayo sa lugar kung saan tatapusin natin ang lahat ng naguugnay sating dalawa.

Tumatangis at patuloy lamang na pagbugso ng mga traydor na luha.

Hayaan mo at ito na ang unang yapak sa paglimot ko sa mga bituing nilikha natin ng magkasama.

You might also like