You are on page 1of 2

Kamusta ka na?

Ito ang liny ana kadalasang tinatanong naten sa iba na minamahal natin diba?

Pero sa pagkakataong to, pwede bang tanungin ko naman sarili ko kung kamusta ako?

Dadating din pala ako sa punto ng buhay ko na mapapaisip ako,

Bakit kaya sa pagdaan ng oras, ang tagal kong mahanap ang sagot para mahalin ko naman ako?

Ganun ba talaga katagal ang hihintayin para piliin ko naman kung ano ang gusto ko?

Naubos ako, oo sobrang naubos ako.

Inubos ng buhay nap uno ng pagsubok.

Pinanghahawakan ang walang humpay na pangangailangan para maramdaman na kailanganin din ako.

Hindi ako ang naging bida sa sarili kong kwento,

O naging bayan isa sarili kong mundo.

Pero kasing dami ng tubig sa karagatan ang iniluha ko,

Hinahangad ang presensya ng mga taong nasa paligid ko.

Asahan mong palagi akong nandito para sa ibang tao,

Hinihilom ang sugat at sakit na nararamdaman ng taong mahal ko.

Tulad nga ng sinasabi ng iba, “lagi kang magpasaya ng ibang tao lalo ang mahal mo.”

Pero sa pagdaan ng panahon, nakalimutan kong tao din ako.

Pagpasensyahan mo na ako sarili ko, patawarin mo ako.

Sa mga oras na pilit mong pinapasaya ang ibang tao at ibinibigay ang kanilang gusto.

Sa mga araw na naramdaman mong masakit din pala ang tumawa,

Dahil kailangan mong ipakita ang mga peke pong ngiti para lang masabing tunay kang masaya.

Sa mga pagkakataong mas inuuna kong alagaan ang iba kesa sa sarili ko.

Sa mga panahong hinahayaan mong saktan ka ng ibang tao dahil sa sobrang pagmamahal mo.
Pero sa kabila ng lahat ng pangyayari at naging karanasanan mo,

Wag mong kakalimutang andito pa rin ako.

Magbibigay pagibig sa bawat paglipat mo ng pahina ng iyong libro .

Tanging matatamis na salita ang iiwan sa bawat talata ng iyong kwento.

Sa bawat pagsulat na padaloy ang magsisilbing yakap sa puso mo.

At sa tuldok na inilagay mo sa pangungusap ng nobelang binuo mo ,

Ako ang magbibigay ng inspirasyon para ipagpatuloy ang sinimulan mo.

Sa pagbuo mo ng musikang konektado sa nararamdaman mo,

Bibigyan ng himig ng pagibig ang bawat lirikong nilikha mo.

ORAS NA PARA PILIIN KO NAMAN…. AKO!

You might also like