You are on page 1of 2

Mga Basang Unan

ni Juan Miguel Severo

Noong iwan mo ako nang walang pasabi at pangako ng pagbabalik umiyak ako buong gabi. Umiyak
ako nang sobrang tindi, kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. Ang sarap pala sa
pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas
o alak ang sagot sa ganitong klaseng sakit. Luha ang pinaka-mabisang panglanggas sa sugat ng
puso.

Kaya inaraw-araw ko ito. Sinisimulan at tinatapos ko ang araw na ginagamot ang mga sugat na
iniwan mo. Binabalikan ko lahat ng alaala at hinahanap kung saan silang lahat bumaon sa puso ko.
Nakakatawa. Akala ko noon, kung dumating man ang panahon na ‘to, puro mga away at hindi natin
pagkakasunduan ang mga sugat na iintindihin ko. Na sila ang mahirap gamutin. Na sila ang, kahit
ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mata ko, magdurugo pa rin. 

Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas
nagdurugo ako sa mga yakap mo. Sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-
dahan mo akong hinahaplos at kung paanong ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag
niyayapos kita. Nadurog ako noong gabing umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na
pinili mong manatili. Nadurog ako noong gabing sinabi mong ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako
sa gabing tinanong mo ako kung puwede pa ba. Nadurog ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero
mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandoon ka pa. Nadurog ako noong sinabi mong hindi
mo na ako mahal, at nagdurugo ako, at nagdurugo ako, at nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa
rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang magsabi ng “Mahal kita.” 
Mahal. Kita. 

Kung titignan ko nang maigi ang mga salitang sinulat ng lahat ng mga sugat na naiwan mo, yang
dalawang yan ang mababasa ko. Mahal. Kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad-unan ko,
nagmamahid na sila. Mahal. Kita. At sa dami ng luha na pinanglanggas ko rito, naglalangib na sila.
Mahal. Kita. At sa tagal niyang kumikirot dito sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal. Kita. At
sa tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, sigurado magsasara na sila. Magsasara at magiging
pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay “Mahal kita.”

Mahal, kung magkita tayong muli at tanungin mo ako uli kung puwede pa ba, ang hihilingin ko lang
sa’yo ay mga bagong unan. Dahil lahat ng akin ay ‘kala mo naulanan dahil lahat sila ay akin nang
naiyakan ng mga kwento natin at nag-iwan ng marka sa kanila at ayaw ko na. Ayaw ko nang
matulog sa unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita. Mahal nga pala kita. Mahal
pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati, pero mahal, masakit pa.

Interpretasyon
Masakit maiwan, sino nga ba ang gustong maiwan? Lalo na kung iniwan kang nag-iisa sa
ere puno ng mga tanong at kaguluhan sa isip at puso mo, na ang taong akala mo siya na. Siya na
magiging kinabukasan mo, siya na kasama mo hanggang pagtanda mo pero at siya na kayakap
mo sa huling hininga mo pero dala ng mga rason, isyu, problema at mga dahilan ng pagbitaw
nawala siya. Bakit ang salitang mahal kita ay napilitan ng salitang paalam na? Siguro ito ang
tanong na naiwan sa may akda na si Juan Miguel Severo.

Kung ating susuriing mabuti ang obrang spoken word poetry na isinulat ni G. Juan
Miguel Severo siguro ito ay ginawa niya para sa taong nang iwan sa kanya at sa mga taaong
naiwan din, mga taong ang katulad ng pinagdadaanan niya. Totoong masakit, masakit ang
ginawang paglisan ng kanyang minamahal na tanging luha at sakit ang naiwan. Gaano man
pilitin alisin ang sakit, hinagpis at lungkot, nagdurugo pa rin ang pusong naiwan dahil sa mga
matatamis na alaala na naiwan sa kanya, mga alala na puro masaya, alaalang tila nasa alapaap ng
kayo ay magkasama, alaala ng salitang mahal kita at alaala noong sila pang dalawa. Ang mga
basang unan ang sumisimbolo ng sakit at pighating naramdaman na nabasa ng mga di mabilang
na luhang pumatak. Na tanging luha na lang ang lunas sa lahat ng sakit at walang kahit na anong
gamut ang makapagpaalis ng sakit. At hinihiling na sana sa pag-agos ng mga luha palabas ng
mga mata ay dala dala lahat ng alaalang masaya at masakit noong kasama pa niya ito at madala
palabas ng lahat ng sakit. “Bakit kailangang makilala natin ang isang tao na iiwan din naman
tayo? Bakit kaliangan makilala natin sila kung sasaktan din naman nila tayo”. Siguro ang ang
nararamdaman ng sumulat ay pagsisi, pagsisisng bakit ginusto pa niya na siya nakilala? Bakit pa
siya nanatili siya sa tabi niya kung iiwan din naman siya. Labis na sakit ang nakatatak na sa puso
ng may akda dahil sa salitang Mahal Kita. Mahal kita na hindi niyia alam ay mapapalitan din
pala ng salitang paalam na. At ang mas masakit kahit na gaano pa siya nasaktan mahal pa din
niya ito.

You might also like