You are on page 1of 12

IMMACULATE CONCEPTION INSTITUTE, INC

Southern Poblacion, Tudela Cebu


Member •Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP)
Contact Number : +63917-683-6327

Teacher-Made Learner’s Home Task


Filipino 9
Kwarter 4 (Ikatlong Linggo)

Pangalan: ____________________________________________________ Petsa: ________________


Baitang at Seksiyon:____________________________________________ Durasyon: 5hrs_________

I. MELC: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at


pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling akdang Asyano upang
mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
II. Mga Layunin:
 mabigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag
 makapagbabahagi ng sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan

III. Paksang Aralin: Noli Me Tangere: Kabanata 11 Hanggang 20


IV: Mga Sanggunian:
 Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., at Lontoc, Nestor, S. Pinagyamang Pluma 9 (Aklat 2). Quezon
City: Phoenix Publishing House, Inc, 2015.
 de Guzman, Januario, Espinosa, Teodorica, at Laxamana, Lutgarda. Noli Me Tangere. Quezon City: Aklat Ani
Publishing, 2001. Miranda, Lourdes L. at Tulaylay, Mercedes D. Obra Maestra III: Noli Me Tangere.Rex Printing
Company, Inc., 2002.
 Ongoco, Tomas C. Mga Tulong sa Pag-aaral sa Noli Me Tangere. Quezon City: Manlapaz Publishing Co, Inc. 2006.
 2006.
V. Pamamaraan:
Pambungad Gawain:

Basahin Natin

Kabanata 11 Hanggang 20
Noli Me Tangere
Isinulat ni Rosalie B. Tangonan

Makikilala sa bayan ng San Diego ang iba’t ibang mamamayan, ngunit sino nga ba sa kanila ang makapangyarihan- ang
nasusunod sa pamamalakad sa bayan? Maaaring isipin na isa sa makapangyarihan si Don Rafael, ngunit hindi ito totoo
sapagkat kahit na mayaman siya ay wala naman siyang sapat na kapangyarihang pulitikal. Higit pang maituturing na
makapangyarihan si Kapitan Tiago, na pinasasalubungan ng banda sa tuwing dumarating sa bayan. Nakararanas siya ng
proteksyon at pabor dahil sa pagiging sunud-sunuran sa simbahan, ngunit pinagtatawanan naman dahil dito. Ang
kapitan sa bayan o ang alcalde namanay hindi nakapag-uutos, sa halip siya pa mismo ang inuutusan o pinagsasabihan.
Wala sa mga unang tinukoy ang totoong makapangyarihan sa San Diego.

Sa halip, isa sa mga itinuturing na makapangyarihan sa bayang iyon ay si Padre Salvi, dahil siya ang kura ng bayan. Kilala
siya sa pagpapamulta ng bawat pagkakamali ng kaniyang nasasakupan. Isa pa sa mga itinuturing na makapangyarihan ay
ang alperes. Napang-asawa niya ang isang Pilipina na maraming kolorete, si Donya Consolacion. Itinuturing siyang
makapangyarihan dahil nakakaya niyang magparusa sa mga tao gamit ang kanyang posisyon. Ang malupit at mapanakit
niyang ugali ay taglay rin ng kanyang asawa kaya sa tuwing nag-aaway sila, nagkakaroon ng umaatikabong hiyawan,
habulan, at sunggaban na ikinasisiya naman ng mga nakasasaksi. Sila ang itinuturing na makapangyarihan sa San Diego:
ang kura bilang puno ng Simbahang Katoliko, at ang alperes naman bilang puno ng estado.

Samantala, matatandaang pumunta si Crisostomo sa San Diego upang pagyamanin ang libingan ng kaniyang ama dahil
tuwing unang araw ng Nobyembre, nakagawiang ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng mga Patay. Maraming mga
tao ang nagpupunta sa sementeryo upang magbigay-galang at alalahanin ang mga yumaong mahal sa buhay. Sa isang
bahagi ng sementeryo, may dalawang sepulturero na nag-uusap tungkol sa bangkay na hinukay ng isa sa kanila kahit
iyon ay dalawampung araw pa lamang nalilibing. Ayon sa humukay nito, ginawa niya ito bilang pagsunod sa utos ng
isang “malaking tao” na nais mailipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik.

Tulad ng inaasahan, isa si Crisostomo sa nagtungo sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng kaniyang ama. Kasama
niya ang isang matandang utusan habang binabagtas ang lugar na pinaglibingan kay Don Rafael. Nang matunton nila ang
pinaglibingan sa kaniyang ama, nanghilakbot si Crisostomo nang malaman mula sa sepulturero na ipinahukay ang
katawan ng kaniyang ama ng isang “malaking tao”, isang makapangyarihan, ang kura na nga. Maliban pa roon, dahil sa
lakas ng ulan nang gabing hinukay ang bangkay at dahil na rin sa bigat nito at layo ng libingan ng mga Intsik, nagdesisyon
ang sepulturero na itapon ang bangkay ng kaniyang ama sa lawa. Galit na galit si Crisostomo nang umalis. Sa daan,
nakasalubong niya si Padre Salvi galit na sinalubong. Mabuti na lamang at naipaliwanag niya kaagad na si Padre Damaso,
ang kurang kaniyang pinalitan sa bayan ng San Diego, ang gumawa ng tinukoy na kalapastanganan. Doon lamang siya
binitiwan ng galit na galit na binata.

Mula sa libingan, may isang matandang naglakad nang walang tiyak na patutunguhan, siya si Pilosopo Tasyo. Sa gitna ng
nagbabantang unos, masaya ang matanda. Nakasalubong niya sa kaniyang paglalakad sa bayan ang kapitan na kaniyang
tinuya dahil sa magarbong pagdaraos ng mga pista sa halip na ilaan ang salapi ng bayan sa mas mabubuting proyekto
para sa kaligtasan ng nakararami. Maliban sa kapitan, nakita rin ni Pilosopo Tasyo ang magkapatid na sakristang Basilio
at Crispin sa simbahan. Tinanong niya ang mga bata kung sasabay sila sa kaniya pauwi ngunit ayon sa mga ito, ayaw
silang paalisin ng sakristan mayor hanggang mapatunog nila ang batingaw para sa ikawalo ng gabi. Napadaan din naman
ang matanda sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Donya Teodora Vina. Napag-usapan nila ang purgatoryo. Ayon kay
Pilosopo Tasyo, walang masama sa paniniwala sa purgatoryo, para sa kanya ang masama ay ang pananamantala ng
kinauukulan sa paniniwalang ito upang mangurakot sa pamamagitan ng mga abuloy at sunod-sunod na pagpapamisa ng
mga inosenteng mananampalataya.

Dumadagundong ang malakas na kulog na sinusundan ng matatalim na kidlat. Malakas din ang buhos ng ulan at ang ihip
ng hangin sa kapaligiran. Ngunit kahit bumabagyo, kinakailangan pa ring puntahan nina Basilio at Crispin ang
kampanaryo. Iniisip nila ang kanilang ina at ang tanging gusto nila sa pagkakataong iyon ay makauwi na upang
makapiling siya. Pinag-usapan din nila ang nawawalang salapi ng kura na ibinibintang na kinuha ni Crispin. Dumating ang
sakristan mayor, sinabi niyang magmumulta si Basilio sa maling pagtugtog sa batingaw at hindi naman uuwi si Crispin
hanggang hindi niya nailalabas ang salaping kaniyang ninakaw. Sinabi rin nito na ikasampu pa nang gabi makauuwi si
Basilio, sinabi ng bata na hinihintay na sila ng kanilang ina at hindi na maaaring maglakad nang ikasiyam ng gabi. Dahil
dito, nagalit ang sakristan at sinaktan si Crispin. Tumakas naman si Basilio. Pagkaraan, narinig ang dalawang putok
ngunit walang sinuman ang nangahas na lumabas upang tingnan kung ano ito.

Sa tahanan naman ng dalawang bata, matiyagang naghihintay ang kanilang ina na si Sisa. Naghanda siya ng hapunan
para sa kaniyang mga anak ngunit sa kasamaang palad, dumating ang kaniyang asawang sugarol. Inubos ng nito ang
pagkaing inihanda para sa kaniyang mga anak at nang mabusog, umalis ito at nagbiling ipagtabi siya ng pansugal kapag
may uwing pera ang kaniyang mga anak. Naluha si Sisa sa inasal ng asawa subalit nang maalalang paparating ang
kaniyang mga anak, inayos niya ang sarili at muling nagsaing. Dumating naman si Basilio na humihingal at duguan.

Duguan ang noo ni Basilio pagdating sa kanilang bahay. Hindi alam ni Sisa ang gagawin lalo‟t hindi kasama ng anak ang
nakababata nitong kapatid. Sinabi ni Basilio na pinaiwan ng sakristan mayor si Crispin. Gayundin, sinabi niya na ang
kaniyang sugat ay bunga ng pamamaril ng guwardiya sibil nang hindi siya huminto nang tinawag siya nito. Pagkaraan,
isinalaysay din ng bata ang tungkol sa nawawalang pera sa kumbento. Hindi na nakakain si Basilio at si Sisa, sa halip
nagdasal at natulog na lamang ang mag-ina. Nagising sa isang masamang panaginip ang bata kung saan pinatay raw ng
sakristan mayor at kura ang kaniyang kapatid, si Crispin. Dito inilahad ni Basilio ang pagnanais na umalis bilang sakristan
at mamasukan bilang magsasaka o tagapagpastol ni Crisostomo. Mula rito, nangangarap siyang mapag-aral si Crispin.
Dahil sa labis na pag-aalala sa bunsong anak, maagang gumising si Sisa. Naghanda siya sa pagtungo sa kumbento, dala-
dala ang mga sariwang gulay para sa kura. Umaasa siyang makikita sa maayos na kalagayan si Crispin. Nang makarating
doon, lalo siyang nabagabag nang malamang wala roon ang kaniyang anak. Sinabi pa na umalis ito nang makapagnakaw
ng maraming bagay. Lalong napahagulgol ang nagdurusang ina, na pinagtulakan pa papalabas ng kumbento.

Sinamahan naman ng guro ng San Diego si Crisostomo sa pagpunta sa lawang tinutukoy na pinagtapunan ng bangkay ni
Don Rafael. Pinagkasya na lamang ng binata ang sarili sa paggunita sa yumaong ama sa lugar na iyon. Naisalaysay ng
guro ang kabutihang ipinakita sa kaniya ni Don Rafael noong nabubuhay pa ito. Sinabi niyang tumutulong ang yumaong
ama ng binata sa pag-aaral ng mga bata sa San Diego. Gayundin, nailahad niya ang malulungkot at mahihirap na
karanasan bilang guro. Naantig sa mga salaysay na ito si Crisostomo. Mula sa pag-uusap na iyon, nabuo ang pasya ng
binata na magpatayo ng isang paaralang pagtuturuan ng guro alang-alang sa alaala ng kaniyang yumaong ama.

Naimbitahan si Ibarra ng alkalde na dumalo sa pulong ng tribunal o pulungang-bayan. Mula sa lawa, nagtungo siya roon.
Layunin ng naturang pulong na pag-usapan ang gagawin sa darating na kapistahan ng San Diego. May dalawang pangkat
sa naturang pulong, ang mga Conservador na binubuo ng mga nakatatanda sa pamumuno ni Kapitan Basilio at ang mga
Liberal na binubuo naman ng mga nakababata sa pamumuno ni Don Filipo. Inilahad ni Don Filipo ang layuning
magkaroon ng magarbong pista na agad namang tinutulan ng mga Conservador dahil sa hindi nila nais manalo ang
kabilang pangkat. Kaya naman naghain si Kapitan Basilio ng mungkahi na magkaroon na lamang ng pagpapalabas ng mga
hindi karaniwang mapanonood araw-araw na inayunan ng marami mula sa parehong pangkat. Isa itong matino at
makabuluhang pista na siyang tunay na layunin ni Don Filipo. Nang magkaisa ang pangkat, sinabi ng kapitan ng bayan na
may nauna nang balak para sa pista ayon sa pagpapasya ni Padre Salvi. Masama ang loob at dismayado ang mga nasa
tribunal ngunit kinakailangan nilang sumunod sa nais ng kura.

Sagutin Natin!

1. Batay sa iyong nabasa, ano-ano ang mga uri ng Pilipino sa panahon ng pagkakasulat ng nobela?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

2. Ipinaliwanag sa buod na ang alperes ang makapangyarihan sa Estado, habang ang kura naman ang makapangyarihan
sa simbahan. Sino kaya ang mas sinusunod ng mga Pilipino noon at bakit?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, dinamdam kaya ni Padre Salvi ang ginawa ni Crisostomo sa kanya, o pinatawad niya na kaagad ito?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Aralin 1 Buod ng Kabanata 11 Hanggang 20

Pag-aralan Natin

Nababalot ang San Diego ng samu‟t saring misteryo na gawa ng mga taong namamantala, na pinaiigting naman ng
panaghoy ng mga mamamayang nagdurusa. Iba‟t ibang mukha ng pang-aapi at pang-aabuso ang nailahad na ngunit
hindi pa tapos ang lahat. Marami pang tauhan ang makadarama ng pagpapakasakit bunga ng kasakiman ng mga
itinuturing na makapangyarihan. Mula sa buod na binasa sa itaas, matutukoy ang kapangyarihan at kaapihang
namamayani sa bayan ng San Diego, gayundin ang mga kaganapang magpapatunay sa mga ito mula sa iba‟t ibang
kabanata ng akda. Upang higit na matukoy ang mga tiyak na bahaging ito, narito ang pagkakahati ng mga pangyayari
para sa bawat kabanata:
KABANATA 11:
Ang mga Makapangyarihan Sa paningin ng ilan, inaakala nilang sina Don Rafael, Kapitan Tiago at ang alkalde ng bayan
ang mga makapangyarihan sa San Diego. Itinuturing na makapangyarihan si Don Rafael dahil siya ang may-ari ng
pinakamalaking lupain sa San Diego at pinasasalamatan siya ng mga mamamayan nito sa mga pabor na kaniyang ibinigay
para sa kanila.Gayunpaman, hindi niya ipinatanaw na utang na loob ang mga ito, kaya‟t hindi siya nagkarooon ng mga
kakampi. Samantala, kilala naman si Kapitan Tiago, na pinatutunayan ng pagsalubong ng banda sa kanya tuwing
dumarating siya bayan. Marami rin siyang mga pautang subalit pinagtatawanan naman ng nakararami sa pagiging
sunud-sunuran sa simbahan. Kapag nakatalikod, tinatawag siyang Sakristan Tiago ng maraming mamamayan ng San
Diego. Isa pa ay ang kapitan sa bayan o ang alkalde, ngunit madalas na hindi siya nakapag-uutos sa halip, siya pa mismo
ang inuutusan o pinagsasabihan. Tumatanggap lamang siya ng pananagutan mula sa Kapitan Heneral. Usap-usapan din
ang kaniyang ibinayad upang makuha ang naturang posisyon kasama ang ilang pangungutya, kapalit ang kakarampot na
sweldong kaniyang tinatanggap. Batay sa mga ito, masasabing wala sa mga unang tinukoy ang makapangyarihan sa San
Diego.

Isa sa mga itinuturing na makapangyarihan sa bayang iyon ay si Padre Salvi, dahil siya ang kura ng San Diego. Siya ang
humalili kay Padre Damaso kaya naman madalas siyang maikumpara rito. Kilala siya sa pagpapamulta ng bawat
pagkakamali ng kaniyang nasasakupan. Kalaban niya sa pagiging makapangyarihan ang alperes. Napang-asawa niya ang
isang Pilipina na kulang sa tamang asal at kalinisan sa katawan, ang dating labandera niyang si Donya Consolacion. Dahil
nga kapwa may kapangitan ang ugali, madalas mag-away ang dalawa at hindi nahihiyang maghiyawan at magsakitan sa
harap ng ibang tao.

Sa tuwing nakararating kay Padre Salvi ang pagaaway ng mag-asawa, napangingiti ito, nag-aantanda, at magdarasal.
Samantala, sa tuwing may dadalaw naman sa alperes, nagtatanong ito kung dadalaw ang kausap sa kura at binabalaan
niya ito kaugnay sa ihahaing tsokalate ng kura. May palatandaan daw kung mainam o hindi ang ihahandang tsokolate
kung ang sinabi ay “tsokolate, a” o “tsokolate, e”. isang Gayunpaman, ang babalang ito ay pinaniniwalaang gawa-gawa
lamang. Sa tuwing magsisimba ang alperes, ipinasasara ni Padre Salvi ang pasukan ng simbahan at magsisimula itong
magsermon nang tila walang hanggan. Kapag binuksanang pinto, magwawala ang alperes at kapag nakita niyang
palakad-lakad ang mga sakristan o katulong ng kura, kakaladkarin niya ito at ikukulong. Gayunpaman, kapag nagkikita
ang dalawa, wala silang sinasabing negatibo sa bawat isa at nagkakamay. Magkaibigang putik sa tunay na buhay. Sila ang
itinuturing na makapangyarihan sa San Diego ang kura bilang puno ng Simbahang Katoliko, at ang alperes naman bilang
puno ng estado.

KABANATA 12: Araw ng mga Patay

Itinaon ni Crisostomo ang pagpunta niya sa sementeryo sa Araw ng mga Patay. Maraming tao at kalunos-lunos ang
kalagayan ng sementeryo dahil mayroong mga puntod na hindi naaalagaan at may mga kalansay pang pakalat-kalat na
lamang. Habang nagmamasid si Crisostomo, may dalawang sepulturero ang nag-uusap sa isang bahagi ng sementeryo.

Ikinuwento ng isang sepulturero sa kasama na inutusan siya ng isang “malaking tao” na hukayin ang isang bangkay at
ilipat ito sa libingan ng mga Intsik. Nagtaka siya dahil wala pang dalawampung araw na naililibing ang bangkay, pero
sumunod pa rin siya. Gayunpaman, dahil umuulan at nabibigatan, sa halip na ilipat sa libingan ng mga Intsik ay inihulog
niya na lamang sa ilog ang bangkay. Sa mga Katoliko sa panahong iyon, ang mga inililibing sa libingan ng mga Intsik ay
pinaniniwalaang hindi napupunta sa langit. Kaya kung kura ang nag-utos, maaaring may dahilan siya para hindi hayaang
makapunta sa langit ang namatay.

Pumasok si Pilospo Tasyo sa sementeryo. Pinagtatawanan siya ng ilang naroroon. Hinahanap naman ng matanda ang
bungo ng kaniyang asawa sa mga sepulturerong nag-uusap, ngunit ininguso lamang sa kaniya ang mga umbok ng lupa.
Hindi na nakuhang magalit ng matanda dahil batid niyang mangmang ang mga kausap.

KABANATA 13: Ang Babala ng Unos

Sinubukan ni Crisostomo na hanapin ang puntod ng ama. Sinabi ng kasama niyang matandang utusan na ito ay
kinatitirikan ng isang Cruz Bizantino, kaya iyon ang hinahanap nila. Sa pagtagal ay naisipan na lamang nilang magtanong
sa mga sepulturero na siya namang nagkwento na ipinalipat nga ang bangkay. Nagmamakaawa ang manlilibing dahil sa
kasalanang ginawa. Sinabinitong malakas ang ulan nang gabing ipinahukay ang bangkay, at dahil sa mabigat ang bangkay
at malayo ang libingan ng mga Intsik, nagdesisyon ang sepulturerong itapon na lamang ito sa lawa. Sinabi pa ng
sepulturero na mas mabuti ang kaniyang ginawa kaysa sa ilibing ang bangkay kasama ng mga hindi binyagang Intsik.
Galit na galit na umalis si Crisostomo sa sementeryo.

Napakabilis maglakad ng binata at natanawan niya si Padre Salvi. Huminto siya nang makasalubong ang kura at tinitigan
ito habang iniiwas naman ng huli ang tingin sa binata.

Sinugod niya si Padre Salvi sa pag-aakalang ito ang paring may kagagawan ng kalapastanganan sa kaniyang ama.
Napamulagat sa takot ang kura. Mabuti na lamang at naipaliwanag ni Padre Salvi na si Padre Damaso ang gumawa ng
tinukoy na kalapastanganan sa ama ng binata. Doon lamang siya binitiwan ni Crisostomong nag-aapoy pa rin sa galit.
Nilapitan ng utusan ang kura at tinulungan itong tumayo.

KABANATA 14: Baliw o Pilosopo?

Mula sa libingan, may isang matandang naglakad nang walang tiyak na patutunguhan, siya si Pilosopo Tasyo. Dati siyang
estudyante sa kolehiyo na pinatigil ng kaniyang may edad na ina dahil sa pananakot ng mga prayle sa mayayamang
magulang noon. Sinabi ng mga prayle na nakalilimot sa Diyos ang mga kabataang tumatalino. Magkasunod na namatay
ang kaniyang ina at asawa kaya pagbabasa ng libro ang kaniyang inatupag upang makalimutan ang lungkot at
pangungulila.Dahil dito napabayaan na niya ang kayamanang namana.

Sa gitna ng nagbabantang unos, masaya ang matanda dahil para sa kanya, maaaring tamaan na ng kidlat ang
masasamang tao. Nakasalubong niya sa kaniyang paglalakad sa bayan ang kapitan na kaniyang tinuya dahil sa
magarbong pagdaraos ng mga pista sa halip na ilaan ang salapi ng bayan sa mas mabubuting proyekto para sa kaligtasan
at kabutihan ng nakararami. Inilahad ni Pilosopo Tasyo na iminungkahi na niya sa bawat alkaldeng naluluklok sa bayan
noon pa man na bumili ng pangrarayos o panghuli ng kidlat upang maprotektahan ang nasasakupan ngunit
pinagtawanan lamang siya ng mga ito.

Maliban sa kapitan, nakita rin ni Pilosopo Tasyo ang magkapatid na sakristang Basilio at Crispin sa simbahan. Tinanong
niya ang mga bata kung sasabay sila sa kaniya pauwi ngunit ayon sa mga ito, ayaw silang paalisin ng sakristan mayor
hanggang hindi nila napapatunog ang batingaw para sa ikawalo ng gabi. Pinayuhan niya ang mga ito na lumayo sa
batingaw kapag kumikidlat dahil baka sila tamaan. Naisip tuloy ng matanda na binabawi na niya ang naisip niya kanina
na sana nga ay lumakas ang kidlat.

Napadaan din naman ang matanda sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Donya Teodora Vina. Naikuwento ni Don
Filipo ang pagdating ng anak ng yumaong Don Rafael. Nagpahayag ng pagkaawa ang bise-alkalde sa paghahanap ng
binata sa libing ng kaniyang ama na ipinagkibit-balikat lamang ng matanda. Nasabi pa niya, “Alam po ninyong aanim
lamang ang nakipaglibing kay Don Rafael, at isa po ako roon… Hindi ko po matiis ang bangkay bagaman inugali kong
papurihan ang taong mabuti samantalang buhay at hindi kung patay na.”

Dahil Araw ng mga Patay, natanong siya ng maybahay ni Don Filipo kung nakapagpamisa na ba ang matanda para sa
yumaong asawa. Napag-usapan nila ang purgatoryo. Ayon kay Pilosopo Tasyo walang masama sa paniniwala sa
purgatory. Gayunpaman, inaabuso ito ng mga prayle para ipanakot sa mga mamamayan.

KABANATA 15: Ang mga Sakristan

Dumadagundong ang malakas na kulog na sinusundan ng matatalim na kidlat. Malakas din ang buhos ng ulan at ang ihip
ng hangin sa kapaligiran. Ngunit kahit bumabagyo, kinakailangan pa ring puntahan nina Basilio at Crispin ang
kampanaryo. Iniisip nila ang kanilang ina at ang tanging gusto nila sa pagkakataong iyon ay makauwi na upang
makapiling siya. Pinag-usapan din nila ang nawawalang salapi ng kura na nagkakahalaga ng dalawang onza na
ibinibintang na kinuha ni Crispin.

Dumating ang sakristan mayor, sinabi niyang magmumulta si Basilio sa maling pagtugtog sa batingaw at hindi naman
uuwi si Crispin hanggang hindi niya nailalabas ang salaping kaniyang ninakaw. Sinabi rin nito na ikasampu pa nang gabi
makauuwi si Basilio, ngunit sinabi ng bata na hinihintay na sila ng kanilang ina at hindi na ipinahihintulot ang paglalakad
sa kabayanan nang ikasiyam ng gabi.

Nagmakaawa ang magkapatid ngunit lalong nagalit ang sakristan. Tinampal nito ang kamay ni Basilio na may hawak sa
kapatid at isinalya si Crispin sa semento. Sumigaw na nagmamakaawa ang nakababatang kapatid ni Basilio. Narinig niya
ang sampal, sigaw, at pagmamakaawa ni Crispin hanggang sa nauwi ito sa katahimikan. Tumakas naman si Basilio.
Pagkaraan, narinig ang dalawang putok ngunit walang sinuman ang nangahas na lumabas upang tingnan kung ano ito.

KABANATA 16: Si Sisa


Sa tahanan naman ng dalawang bata, matiyagang naghihintay ang kanilang inang si Sisa. Naghanda siya ng hapunan para
sa kaniyang mga anak ngunit sa kasamaang palad, dumating ang kaniyang asawang sugarol na may pangalang Pedro.
Inubos nito ang pagkaing inihanda niya para sa kaniyang mga anak at nang mabusog, umalis ito. Nagbilin din itong
ipagtabi siya ng pansugal kapag may uwing pera ang kaniyang mga anak.

Naluha si Sisa sa ginawa ng asawa subalit nang maalalang paparating ang kaniyang mga anak, inayos niya ang sarili at
muling nagsaing para sa kaniyang mga anak. Ihahain niya ang tatlong tawilis upang paghatian ng kaniyang mga anak.
Tiyak niyang hindi patatawarin ng mga ito ang pagkain sapagkat gutom na gutom na sila mula sa paglalakad pauwi.

Habang nagsasaing, tila isang ilusyon ang nakita ni Sisa sa harapan ng kalan. Kukuyakuyakoy si Crispin, walang imik,
nakatitig sa kaniya nang may kalungkutan sa mata ngunit nakangiti. Nangalisag ang mga balahibo ni Sisa. Biglang niyang
narinig si Basilio. Kumakatok ito at nang pinagbuksan ng ina, humihingal at duguan ang bata.

KABANATA 17: Si Basilio

Duguan ang noo ni Basilio pagdating sa kanilang bahay. Hindi alam ni Sisa ang gagawin lalo‟t hindi kasama ng anak ang
nakababata nitong kapatid. Matapos gamutin ng kaniyang ina ang kaniyang sugat, sinabi ni Basilio na pinaiwan ng
sakristan mayor si Crispin. Ayon sa bata, ang kaniyang sugat ay bunga ng pamamaril ng guwardiya sibil nang hindi siya
huminto nang tinawag siya nito.

Pagkaraan, isinalaysay din ng bata ang tungkol sa nawawalang pera sa kumbento ngunit hindi nito binanggit sa ina ang
paparusa sa kanila ng sakristan mayor. Nabanggit naman ni Sisa sa bata na dumating ang kaniyang ama kaya wala nang
natirang iba pang pagkain para sa kanila. Nang sabihin iyon ng ina, sinipat ni Basilio ang mukha at braso ni Sisa.

Hindi na nakakain si Basilio dahil sa pag-aalala sa kapatid, gayundin si Sisa, sa halip nagdasal at natulog na lamang ang
mag-ina. Nagising sa isang masamang panaginip ang bata kung saan pinatay raw ng sakristan mayor at kura ang
kaniyang kapatid na si Crispin. Dito inilahad ni Basilio ang plano niyang umalis bilang sakristan at mamasukan bilang
magsasaka o tagapagpastol ni Crisostomo. Mula rito, nangangarap siyang mapag-aral si Crispin.

Mahigpit na niyakap ni Sisa ang anak kahit pa napansin niyang hindi kasama sa mga pangarap ni Basilio ang kaniyang
ama. Inulit-ulit ni Basilio sa ina ang pangarap na iyon hanggang sa makatulog siya.

KABANATA 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa

Usap-usapan ang pagkakasakit di umano ni Padre Salvi, kinabukasan. Inakala nilang ito ay dahil sa madalas nitong pag-
aayuno at pagdarasal nang matagal. Naging paksa rin ng usapan ng mga manong at manang ang mga indulhensiya at iba
pang paniniwala ukol sa pananampalataya na binabayaran din lahat sa simbahan.

Dahil sa labis na pag-aalala sa bunsong anak, maagang gumising si Sisa. Naghanda siya sa pagtungo sa kumbento, dala-
dala ang mga sariwang gulay para sa kura. Umaasa siyang makikita sa maayos na kalagayan si Crispin. Nang makarating
doon, lalo siyang nabagabag nang malamang wala roon ang kaniyang anak. Sinabi pa na umalis ito nang makapagnakaw
ng maraming bagay. Lalong napahagulgol ang nagdurusang ina, na pinagtulakan pa papalabas ng kumbento. Mula roon,
mabilis na lumakad papalayo si Sisa.

KABANATA 19: Mga Suliranin ng Guro

Sinamahan naman ng guro ng San Diego si Crisostomo sa pagpunta sa lawang tinutukoy na pinagtapunan ng bangkay ni
Don Rafael. Pinagkasya na lamang ng binata ang sarili sa paggunita sa yumaong ama sa lugar na iyon.

Naisalaysay ng guro ang kabutihang ipinakita sa kaniya ni Don Rafael noong nabubuhay pa ito. Sinabi niyang tumutulong
ang yumaong ama ng binata sa pag-aaral ng mga bata sa San Diego. Nailahad din niya ang mga kahirapang dinaranas ng
mga mag-aaral sa pag-aaral dahil na rin sa pakikialam ni Padre Damaso. Isa sa mga ito ang paraan ng kaniyang pagtuturo
kung saan sinabi ng dating kura ng San Diego na kinakailangang gumamit ng pamalo sa pagtuturo, ayon sa kaniya, “Sa
tulong ng dugo‟y pumapasok ang titik.” Kaya naman kahit labag sa kalooban ng guro ay kinakailangan niyang sundin
iyon. Ayon din sa guro, tinutuya, minumura, at pinagtatawanan siya ni Padre Damaso sa harap ng ibang tao tulad ng
sakristan mayor kaya nawawalan ng paggalang sa kaniya ang mga bata.

Naantig sa mga salaysay na ito si Crisostomo. Mula sa pag-uusap na iyon, nabuo ang pasya ng binata na magpatayo ng
isang paaralang pagtuturuan ng guro alang-alang sa alaala ng kaniyang yumaong ama.
KABANATA 20: Ang Pulong ng Bayan
Naimbitahan si Ibarra ng alkalde na dumalo sa pulong ng tribunal o pulungang-bayan. Mula sa lawa, nagtungo siya roon.
Layunin ng naturang pulong na pag-usapan ang gagawin sa darating na kapistahan ng San Diego.

May dalawang pangkat sa naturang pulong, ang mga Conservador na binubuo ng mga nakatatanda sa pamumuno ni
Kapitan Basilio at ang mga Liberal na binubuo naman ng mga nakababata sa pamumuno ni Don Filipo. Isang maringal na
pagdiriwang ang binabalak ng mga nakatatanda at tutol naman dito ang mga nakababata. Ayon kay Pilosopo Tasyo mas
galit ang mga nakatatanda sa mga nasa Liberal kaysa sa kanilang mga mungkahi kaya naman anuman ang kanilang
sasabihin, tiyak tututulan iyon ng mga Conservador. Doon nagkaroon ng ideya si Don Filipo na nakahandang
magpakasakit sang-ayon na rin sa payo ng pantas.

Inilahad ni Don Filipo ang layuning magkaroon ng magarbong pista na tulad ng inaasahan, agad namang tinutulan ng
mga Conservador dahil sa hindi nila nais manalo ang kabilang pangkat. Kaya naman naghain si Kapitan Basilio ng
mungkahi na magkaroon na lamang ng pagpapalabas ng mga hindi karaniwang mapanonood araw-araw na inayunan ng
marami mula sa parehong pangkat. Isa itong matino at makabuluhang pista na siyang tunay na layunin ni Don Filipo.

Nang magkaisa ang pangkat, sinabi ng kapitan ng bayan na may nauna nang balak para sa pista ayon sa pagpapasya ni
Padre Salvi. Masama ang loob at dismayado ang mga nasa tribunal ngunit kinakailangan nilang sumunod sa nais ng kura.

Mula sa mga kaganapan sa akda, nalaman natin ang pamumuhay ng mga kapwa natin Pilipino sa ilalim ng pamamalakad
ng mga Kastila. Totoong maituturing na makapangyarihan noon ang mga Kastila, ngunit wala kahit isa man sa mga
Pilipino ang nangahas ding ipaglaban ang kaniyang karapatan. Gayundin, nalalaman man o nasasaksihan ng mga Pilipino
ang pang-aabuso at pangaaping nararanasan ng kanilang kapwa, wala ring kahit isa na sumubok na ipagtanggol ang
kanilang kababayan. Marahil natatakot ang mga Pilipino noon. Ngunit hanggang kailan? Kung nagkaisa lamang sana sila,
tiyak na may magagawa upang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.

Sa pagpapatuloy ng pagtunghay sa mga kaganapan sa Noli Me Tangere, susubaybayan natin ang buhay ni Sisa, tatarukin
ang karunungang taglay ni Pilosopo Tasyo, at kikilalanin ang tauhang si Elias. Tutunghayan din natin ang tradisyon ng
pagdiriwang ng pista sa Pilipinas sa pamamagitan ng pistang ipagdiriwang sa San Diego. Inaasahang matatamo natin ang
mas malalim na pag-unawa sa konteksto ng nobela at ang pagdama sa mga pinagdaraan ng mga tauhan sa mga susunod
pang kabanata.

Sagutin Natin

1. Paano ipinaliwanag ni Dr. Rizal ang hindi pagkakasundo ng kura at alperes?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

2. Ano ang estado ng pamumuhay nina Sisa? Ano ang mga pangunahing dahilan ng kanilang paghihirap?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga suliraning ipinaliwanag ng guro kay Crisostomo?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Subukan Natin
1. Paghambingin ang dalawang babaeng tampok sa mga kabanata, Sina Sisa at Donya Consolacion. Ano ang malaking
pinag-kaiba sa kanilang mga ugali?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

2. Bakit nagkasakit si Padre Salvi?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

3. Ano ang tunay na sinapit ng batang si Crispin? Bakit hindi na siya mahanap?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Isaisip Natin
Ang lipunan sa panahon ni Dr. Rizal ay pinaghahatian ng mga makapangyarihan sa pagitan ng simbahan at estado. Sa
iyong palagay, ganito pa rin ba ang sitwasyon sa Pilipinas ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pag-isipan Natin
A. Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy kung sinong tauhan ang tinutukoy sa bilang.

SERPELA _____________________1. Pinuno ng mga gwardya sibil sa San Diego at laging nagpaparusa sa mga sibilyan.
OLISAIB _____________________ 2. Panganay na anak ni Sisa at nadaplisan ng bala ng gwardya sibil.
SNIPRIC______________________3. Bunsong anak ni Sisa na pinarusahan ng sakristan mayor.
VILAS _______________________ 4. Prayleng napagkamalang nagpatapon sa bangkay ni Don Rafael.
SAMODA ____________________ 5. Prayleng totoong nagpatapon sa bangkay ni Don Rafael.
TOSAY_______________________6. Matandang maraming nalalaman tungkol sa kidlat.

Pag-aralan Natin

Kilala ang tauhang si Pilosopo Tasyo mula sa nobelang Noli Me Tangere dahil may magkataliwas na pagkilala sa kaniya ng
mga mamamayan ng San Diego. May mga nagpapalagay na siya ay baliw dahil hindi nila maunawaan ang mga
ipinahahayag ng matanda, at ang ilan nama‟y itinuturing siyang pilosopo at tagapayo dahil sa angkin niyang talino.
Nangyayari ito dahil madalas na ipinahahayag ni Pilosopo Tasyo ang kaniyang mga kaisipan sa matalinghagang
pamamaraan o sa pamamagitan ng matatalinghagang pahayag.

Tumutukoy ang matatalinghagang pahayag sa mga pahayag na may natatagong mga kahulugan. Sinasalamin nito ang
ilang katangiang Pilipino katulad ng: 1) pagiging konserbatibo na tumutukoy sa hindi tuwirang paglalahad ng nais
sabihin; 2) pagiging malikhain sa pamamagitan ng paggamit ng mga karanasan at bagay upang makapagpahayag; at 3)
katalihuhan sa paglalahad ng ugnayan ng mga bagay-bagay na hindi kaagad mauunawaan kung walang sapat na
kakayahan sa paglilimi ng mga ito. Kaya naman maituturing na marunong ang sinumang makagagamit nang wasto sa
matatalinhagang pahayag na sa angkop na konteksto nito.
Mahalaga ang lubos na kaalaman sa kalikasan ng wika upang matanto nang lubusan ang kahulugan ng matatalinghagang
pahayag. Sa pagbibigay-kahulugan sa mga ito, mahalagang isaisip ang konteksto ng pagpapahayag. Magiging malaking
tulong ang pag-alam sa mga aspektong may kaugnayan sa wika katulad ng gawi, paniniwala, tradisyon, kultura at
maging ang ugnayan ng naguusap upang maging madali ang pagtukoy sa kahulugan nito. Kaangkop din ng mga ito ang
mga kasanayan sa pagmamasid, paghihinuha, at pananaliksik upang matukoy ang kahulugan ng mga matatalinhagang
pahayag sapagkat maaaring hango ang pagpapakahulugan nito sa mga tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari na hindi
gaanong pansin sa pangkaraniwang pagpapahayag.

Ilang halimbawa ng matatalinghagang pahayag mula sa Kabanata 11 hanggang 20 ng nobelang Noli Me Tangere ay:

 Sinasalubong siya ng banda, tinatawag naman siyang sakristan sa talikuran.

Halimbawa: Hindi maituturing na makapangyarihan sa san Diego si Kapitan Tiago dahil kahit sinasalubong siya ng banda,
tinatawag naman siyang Sakristan Tiago sa talikuran.

Ipinakikita ng matalinhagang pahayag na ito ang kabalintunaan sa pakikitungo ng mga San Diego kay Kapitan Tiago.
Kapag nakaharap siya, pinupuri siya ng mga ito na sinisimbolo ng bandang sumasalubong sa kaniya sa tuwing
dumarating siya sa bayan ngunit ang ipinahahayag ng palayaw na „Sakristan Tiago‟ ang kaalaman ng lahat ng tao sa
bayang ito na sunod-sunuran ang kapitan sa kagustuhan ng simbahan o ng kurang namamahala rito.

 Ang babala ng unos

Halimbawa: Matuturing na babala ng unos ang galit na ipinakita ni Crisostomo sa sepulturero at kay Padre Salvi.

Pahiwatig ito ng damdamin ni Crisostomo at ng kaniyang mga maaari pa niyang maranasan. Naipakita ng binata ang
kaniyang katimpian sa naging handaan ni Kapitan Tiago noong mga naunang kabanata, ngunit sa kabanatang ito
ipinakita ng binata ang simbuyo ng kaniyang galit na maituturing bilang babala ng unos. Sa kabilang banda, ang
kaganapan sa sementeryo, ang kaniyang muntikan nang pagbuhos ng kaniyang galit kay Padre Salvi ang nagpakilala sa
kura ng kakayahang lumaban ni Crisostomo na maaaring magpasiklab sa kalooban ng iba pang nasa simbahan na
maaaring magdulot sa kaniya ng unos sa hinaharap.

 Masaya sa unos

Halimbawa: Masaya si Pilosopo Tasyo sa nagbabantang unos sa bayan ng San Diego.

Kadalasang ipinahihiwatig ng isang unos ang pagkasira o pagkawasak. Masaya ang matanda sa pagdating nito dahil ito
ang hinihintay ni Pilosopo Tasyo upang mawala ang kabulukang naghahari sa lipunan. Ninanais niyang malupil ang lahat
ng nasa bayan ng San Diego upang mawakasan din ang pang-aapi at pang-aabuso sa mga Pilipino.

 Nakatitisod ng basura

Halimbawa: Ayon sa matanda, nakatisod siya ng basura nang makasalubong niya ang kapitan.

Si Kapitan Basilio ang ipinahihiwatig na „basura‟ ni Pilosopo Tasyo. Ang „pagkakatisod‟ ay nangangahulugang
pagkasalubong dito sa daan. Para sa kaniya, napakababa ng kapitan dahil sa pagiging utusan nito ng kura at kawalang
kapangyarihan kahit pa maituturing na may may posisyon sa lipunan.

 Bulag na pananampalataya

Halimbawa: Maituturing na may bulag na pananampalataya ang maraming tao sa San Diego.

Itinuturing na taglay ng mga manong at manang sa San Diego ang bulag na pananampalataya dahil sunud-sunuran sila
sa kura nang hindi nag-iisip kung tama ba ito o mali. Minsan, kung mag-isip man sila, kahit may pagdududa sa hakbangin
ng simbahan o kahit alam nilang mali, susunod pa rin sila sapagkat ayaw nilang maging kaaway ng mga prayle at nais
nilang makaakyat sa langit ang kani-kanilang kaluluwa.

 Hindi patatawarin ang pagkain Halimbawa:

Pagod na ang mga bata sa paglalakad kaya tiyak na hindi nila patatawarin ang pagkain sa kanilang pag-uwi.
Isa itong matalinhagang pahayag kaugnay sa pagiging gutom. Nangangahulugan ang hindi patatawarin ang pagkain na
walang ititira ang kakain dito kahit isang butil ng bigas upang matugunan ang pangangailangang pisikal. Ito ang iniisip ni
Sisa na kalagayan ng mga anak pagdating sa bahay mula sa mahabang paglalakad mula sa kumbento pauwi.

 Kaluluwang naghihirap
Halimbawa: Tila nagpapahiwatig ang kaluluwang naghihirap sa pangitain ni Sisa.

Maaaring maging literal ito sa pagtukoy kay Crispin bilang isang kaluluwang naghihirap na ipinahihiwatig ng pagpapakita
nito sa ina. Ngunit sa kabilang banda, maituturing din bilang isang kaluluwang naghihirap si Sisa dahil sa mga pagsubok
na kaniyang pinagdaraanan bilang asawa at ina na nadaragdagan pa ng pagkakawala ni Crispin at panghahamak ng taong
bayan.

 Mayayaman lamang ang makapapasok sa langit

Halimbawa: Para kay Sisa, sa pagbibigay ng abuloy para sa mga indulhensiya, tiyak na mayayaman lamang ang
makapapasok sa langit.

Lubhang napakaraming hinihingi ng simbahan mula sa mga nabubuhay katulad ng pagaabuloy at pagpamisa upang
mailigtas mula sa purgatoryo ang mga kaluluwa ng mga yumaong minamahal sa buhay. Kaya naman, kung walang sapat
na salaping panggugol sa mga ito, at kung totoo man ang sinasabi ng mga prayle, hindi makaaakyat sa langit ang
mahihirap. Tanging ang mayayaman lamang ang makapapasok sa langit sapagkat lubhang napakamahal nito para sa
nga isang kahig at isang tukang katulad ni Sisa.

 Sa tulong ng dugo’y pumapasok ang titik

Halimbawa: Tutol man ang guro, kailangan niyang sundin ang paniniwala ng dating kura na sa tulong ng dugo’y papasok
ang titik.

Isa itong matalinghagang pahayag kaugnay sa paggamit ng dahas upang matuto ang mga bata. Sa konteksto ng guro at
ng kura ang pagpapadugo ay pananakit sa mga bata sa pamamagitan ng pamamalo at ang pagpasok naman ng titik ay
ang pagkatuto.

 Mabulaklak magsalita

Halimbawa: Humaba ang pulong sa tribunal dahil sa mabulaklak na pagsasalita ni Kapitan Basilio.

Tumutukoy ito sa pagiging masyadong mabulaklak sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay na wala
namang direktang kinalaman sa usapan. Ito rin ang pagiging maligoy sa pagpapahayag. Sa pangyayari sa pulong ng
tribunal, dahil sa pagiging maligoy ni Kapitan Basilio sa pagpapahayag nasayang ang panahon ng mga dumalo sa
pakikinig sa kaniyang mapagkumbaba ngunit mayabang na paraan ng pagpapahayag.

Malaki ang ginagampanan ng konteksto sa pagbibigay-kahulugan sa matatalinhagang pahayag. Sa pamamagitan ng


konteksto, nasusuri ang mga tiyak na konsepto o kulturang kaangkop ng mga ganitong uri ng pahayag.

Samantala, masasabing malaki ang papel na ginagampanan ng matatalinhagang pahayag upang bigyang-kulay ang
sinasabi at upang pag-isipin ang nakikinig o nagbabasa sa mas malalim ang kahulugan ng ipinahayag, isang paraang
maaaring sinadya ni Jose Rizal upang ikubli ang panlilibak sa sistema ng pamamahala ng mga Kastila noon sa simbahan at
maging sa estado. Pinatutunayan ng pamamaraang ito ng may-akda na totoong mas matalim ang salita kaysa sa espada
lalo na sa mga taong higit na nakauunawa sa mga ito.

Sagutin Natin

1. Paano nakatutulong ang mga matatalinghagang pahayag para matukoy ang tiyak na nais sabihin sa tao?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

2. Ano-anong mga kasanayan ang kailangan upang maunawaan ang mga matatalinghagang pahayag?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

3. Paano pinatunayan ni Dr. Rizal na mas matalim ang salita kaysa sa espada?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Subukan Natin
1. Sino ang mga kaluluwang naghihirap sa kasalukuyan? Bakit?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

2. May mga nagsasabi na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin ay isang babala ng unos. Anong unos ang maaaring
idulot nito?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

3. Kung may talinghagang nakatisod ng basura, maaari kaya namang makatisod ng ginto? Magbigay ng posibleng
sitwasyon kung saan mangyayari ito.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Isaisip Natin
Ano ang ambag ng mga matatalinghagang pahayag sa pagpapayaman sa ating wika?

Pag-isipan Natin

Panuto: Pagtugmain ang sitwasyon sa kaliwa sa angkop na talinghaga sa kanan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

Sitwasyon Matalinghagang Pahayag


___________1. Maraming lumipat sa evacuation center dahil sa bagyo. a. masaya sa unos
___________2. Ilang araw nang hindi sumasagot sa text ang nobyo ni Anita. b. nakatisod ng basura
___________3. Nakasalubong ni Gng. Abad ang kanyang kumare at c. sinalubong ng banda
nangungutang ito sa kanya.
___________4. Kapag nagkakamali ng pindot sa tiklado si Sandro, pinapalo d. nagbababalang unos
siya ng patpat ng kanyang tatay.
____________5. Gusto sanang bumili ni Aling Trining ng millenial rosary, pero e. mabulaklak magsalita
limang libong piso daw ang presyo nito.
____________6. Nanggaling sa maghapong pag-akyat ng bundok si Rodel, f. kaluluwang naghihirap
kaya naubos niya kaagad ang baon niyang tinapay.
____________7. Matagal hindi umuwi si G. David sa Pilipinas kaya matindi ang g. bulag na pananampalataya
preperasyong ginawa ng mga kamaganak niya.
____________8. Maraming nauuto si Danny na sumali sa kanyang network h. Hindi patatawarin ang
business dahil sa magaling siyang mangumbinsi. pagkain

____________9. Kahit marami ang nagsasabi sa kanya na masama ang ugali i. sa tulong ng dugo‟y
ng idolo niyang artista, hindi ito pinaniniwalaan ni Diego. pumapasok ang titik
___________10. Dahil sa pumutok na eskandalo tungkol sa pangungupit ng j. mayayaman lamang ang
pera tungkol sa opisina kung saan hindi siya kasali, tumaas nakakapasok sa langit
ang posisyon ni G. Cruz.

Inihanda ni:
CHRISTENE O. BAGASLAO
Guro

Sinuri ni:
SR. MA. SELVIA O. DIONALDO, DST
Punong-guro

You might also like