You are on page 1of 15

KABANATA 4:

LAYUNIN :
 Malaman kung ano ang nangyari pag kaalis
niya sa pagtitipon.
 Malaman kung ano ang tunay na nangyari
sa kanyang ama na si Don Rafael.
 Malaman ang kahalagahan ng isang ama.
TALASALITAAN:
• Kwartel- bahay pahingahan nng mga sundalo o
Tinyente.
• Artilyero- taga singil ng buwis
• Tampulan- tuksuhin
• Dunung-dunungan- nagmamarunong
• Erehe- taong hindi sumasang-ayon
• Pilibustero- suwail
• Huwad- sinungaling
Buod:
Lumabas si Ibarra upang makalanghap
ng sariwang hangin. Binaybay niya ang
daan papuntang plasa ng Binondo.
Napansin niya na ganun parin ang itsura ng
lugar. Pitong taon siya nawala pero parang
nawala lang siya ng napakaikling gabi dahil wala
man lang nagbago.

Nandoon parin ang ang mga tindera ng prutas at


gulay bago siya umalis papuntang Europa. Sa
paningin ni Ibarra ay wala man lang pag-unlad
ang siyudad na iyon.
Habang pinagmamasdan ang paligid may naramdaman
siyang tumapik sa kaniyang balikat. Naroon si Tinyente
Guevarra. Nagtanong si Ibarra sa tinyente kung alam niya
ba ang dahilan ng pagkabilanggo ng ama.

Isinalaysay ni Tinyente Guevarra ang dahilan habang sila ay


pabalik sa kwartel. Ayon sa kwento ng tinyente, si Don
Rafael ang pinakamayan sa kanyang lalawigan. Marami ang
gumagalang at nagmamahal sa kaniya, meron din namang
mga galit at naiinggit.
Ilang buwan matapos ang pag-alis ni Ibarra, naging
mainit sa isa’t-isa sina Don Rafael at Padre Damaso.
Inakusahan si Don Rafael na hindi nangungumpisal.

Nung mga panahon na iyon ay mayroong isang


Kastilang artilyero na naging tampulan ng tukso dahil
sa kamang-mangan. Isang araw ay binigyan ng isang
dokumento ang artilyero, nagdunung-dunungan ito sa
pagbasa.
Pinagtatawanan siya ng isang grupo ng mga bata. Sa
galit ng kastila ay hinabol nito ang mga paslit. Nang
hindi niya mahabol ang mga nang-aasar na bata ay
binato niya ito ng baston.

Tumama naman ang baston sa ulo ng isang bata


dahilan kung bakit ito natumba sa kalsada. Kinuha
naman ng artilyero ang pagkakataon para pagsisipain
ito. Nagkataong dumaan doon si Don Rafael.
Hinawakan agad niya ang artilyero sa bisig at inawat
ito. Dahil sa malaking pangangatawang ni Don
Rafael, inakala nilang sinasaktan nito ang artilyero.

Sa pag-alma ng artilyero, umitsa ito ilang talampakan


mula sa kinatatayuan ni Don Rafael. Tumama ang ulo
ng artilyero sa malaking bato dahilan kung bakit
sumuka ito ng dugo at namatay makalipas ang ilang
sandali.
Nag-imbestiga ang pulisya, nakulong si Don Rafael at
naglabasan ang mga lihim na kaaway nito. Inakusahan
si Don Rafael na erehe at pilibustero.

Humingi ng tulong ang tinyente upang mapawalang


sala si Don Rafael nung mga panahong iyon. Subalit
walang naglakas ng loob na tumulong sa
pangangamba na baka magkakaso rin sila.
Nagsulputan ang mga kaaway ni Don Rafael at
dumami ang huwad na testigo laban sa kanya.
Namatay si Don Rafael sa likod ng mga rehas na
bakal ng walang mahal sa buhay na nakiramay.

Nakakapanghinayang dahil kung kailan nalagutan ng


hiniga si Don Rafael ay saka palang napatunayan na
siya ay walang sala.
Mga katanungan:
*Ano ang kanyang mga napansin sa paligid habang
siya ay naglalakad?
*Ano ang kinuwento ni Tinyente Guevarra?
*Ano ang nangyari kay Don Rafael at sa tingin mo
ba ay tama ang kanyang ginawa? Bakit?
*Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Don Rafael
gagawin mo rin ba ang ginawa niya ?
*Paano mo maihahalintulad ang pangyayari na
naganap kay Don Rafael sa kasalukuyan?
*Bilang isang anak, ano ang mararamdaman mo
kung malaman mong namatay ang iyong ama sa
pagiging mabuting tao?ano ang iyong gagawin
matapos mo itong malaman?
Mga Kawikaan 20:7
Ang ganap na tao na
lumalakad sa kanyang
pagtatapat, mapapalad ang
kanyang mga anak sa susunod
sa kanya
Thank You and may
GOD bless us all!

You might also like