You are on page 1of 5

“Bakit Babae ang naghuhugas ng pinggan?


“Bakit Babae ang naghuhugas ng pinggan?”

I.Direksyon
1.Sino ang direktor ng dulang pangtanghalan?
Ang director ay si Filomena Colendrino.

2.Nagawa ba niyang maipakita ang kaisahan ng mga eksena sa


sistemang audio visual?Paano?
Sa aking palagay, Oo nagawa naman na maipakita ang kaisahan ng mga eksena, Sapagkat
naiintidihan naman ang istorya na kanilang ipinahahatid sa atin.

3.Nakatugon ba ang director sa hamon ng sining na naipakita sa


mahusay na pag-arte ng mga artisting nagsiganap?Ipaliwanag.
Base sa aking nabasa, Magaling ang kanilang director,Sapagkat naipakita ng lubos ang
emosyon ng mga gumaganap sa kanilang dayalog palamang.

II.Istoryang Pangtangahalan
1.Malinaw ba ang diyalogo?Anong antas ng wika ang namayani sa
usapan?Akma ba ang mga ito sa tema ng tanghalan?
Base sa aking pag-kakabasa, malinaw naman ang diyalogo at ito’y aking naintidihan.Ang
antas nanamayani sa usapan ay wikangFilipino.Akma naman ang tema ng tanghalan.

2.Makatotohanan ba ang istoryang ginamit o ito’y gasgas na istoryang


malimit mo ng maririnig o mapanood?Patunayan?
Para sa akin, ito ay gasgas na sapagkat ito rin ay nangyayari sa amin ng aking
nakakatandang kapatid.Ang paghuhugas din ng plato ang dahilan ng aming pag aaway.

3.Makabuluhan ba ang pagtatanghal?Ipaliwanag.


Sa aking palagay, hindi na ito makabuhulan dahil ang ganitong sitwayson ay nagaganap o
nangyayari na sa totoong buhay.

III.Pagganap
1.Sino ang mga artistang nagsiganap at ilarawan ang karakter na
kanilang ginampanan
Ka Ugong–ang bungangerong mister.

Ka Maldang– ang bungangerang misis.


Albularyo-ginawa niya lahat ng alam niya upang bumalik sa dati at mapagsalita ang
magasawa.
Mga kapitbahay-tumulong kasama ang albularyo upang ibalik sa dati at mapagsalita ang
magasawa.
“Bakit Babae ang naghuhugas ng pinggan?”
2.Nabigyang buhay ba ng artista ang karakter na kanilang
ginampanan o naging pilit lamang ang kanilang naging parte kung
kaya’t hindi nabiyang katarungan ang istorya?Patunayan.
Ayon sa aking palagay nagampanan naman nila ang karakter nila sa istroyang iyon dahil
na ipakita ng lubos ang bawat emosyon ng gumanap doon.

3.Sino ang PROTAGONIST? ANTAGONIST? BILOG? LAPAD na


artista?Patunayan.
Ang protagonist –Ka Ugong at Ka Maldang.

Ang antagonist-Mga kapitbahay at albularyo.

Ang bilog ay si –Ka Ugong at si Ka Maldang dahil wala naman nag bago sa kanila nag
karoon lang sila ng isang pustahan.

Ang lapad ay si – wala namang karakter na nag bago.

IV.Disenyong Pamproduksiyon
1.May kakayahan bang likhain muli ang mga tagpo kapaligiran ng
tanghalang napanood?
Oo pero para sa akin dapat ipinakita pa nila kung ano talaga ang bawat ginagawa ng
lalaki at ang ginawa ng babae kung bakit ayaw nilang dalawa mag hugas ng pinggan .

2.Inihatid ka ba ng tanghalan sa mundo ng imahinasyon?Patunayan.


Sa aking palagay,hindi na ako inihatid sa mundo ng imahinasyon dahil karaniwan na ito
ang dahilan ng pag-aaway naming mag-kapatid.

V.Editing
1.Tukuyin ang mga tagpo na hindi na kailangan isama sa eksena.
Para sa akin wala naman na dapat pang alisin sapagkat para sakin kulang pa.

2.May mga tagpo ba na sa tingin mo ay nawala na dapat isama?isa


isahin.
Sa aking palagay, Dapat ang kanilang isinama ay kanilang ginagawa sa umaga ng sa
ganon matingbang natin kung sino talaga ang mukhang nahihirapan.

3.Mabilis ba ang naging takbo ng mga istorya na nakatulong upang


hindi ito naging kainip-inip?
Para sa akin naging mabilis dahil nag focus lang sila sa nilalaman ng topic.
“Bakit Babae ang naghuhugas ng pinggan?”
4.Tama ba ang naging pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?
Patunayan.
Sa aking palagay tama naman ang pag kasunod sunod ng pangyayari dahil naipakita
muna ang dahilan kung bakit ayaw din ng lalaki maghugas ng pinggan.

VI.Musikal Iskoring
1.Angkop ba ang musika at tunog na ginamit sa bawat eksena?
Ipaliwang.
Ayon sa aking palagay sakto naman ang mga musika na ginamit,Nakuntento na din
naman ako doon.
2.Nakatulong ba ang musika upang maantig ang damdamin ng
manood?
Sobrang nakakatulong ito sapagkat mas nararamdaman naman ang bawat dayalog na
sinabi sa bawat musika na aming napapakinggan.

VII.Buod
(Story Board Approach)

Simula- Sa bayan ng Sta. Rosa ay may isang simpleng mag asawang na nagngangalang
Hugo at Imelda. Kada araw hindi sila mag kasundo sa pag-huhugas ng pinggan kaya ito
ang nagiging dahilan ng ingay pag katapos nilang kumain.

Gitna- Pag katapos nilang kumain, agad na nag salita ang babae at tinuro ang lalaki

na dapat siya ang mag hugas ng pinggan at doon na nag simula ang mga kani kanilang
dahilan kung bakit ayaw nila mag hugas ng pinggan. Ang dahilan ng lalaki ay pagod siya
dahil sa kakahanap buhay tulad ng pag sisibak ng kahoy at ang babae naman pagod din
siya dahil halos lahat ng gawaing bahay kaniyang ginagawa araw araw tulad ng pag
wawalis,pag lalaba at iba pa.

Wakas- Nang napagod na sila sa kanilang pag aaway si Imelda ay nag karoon ng

isang kasunduan o tinatawag itong pakikipustahan sa kanyang asawa na si hugo.


nakipagpustahan si Imelda sa kanyang asawa na si Hugo na kung sino man ang unang
mag sasalita o gumalaw satin siya ang mag huhugas ng plato simula sa araw na ito,at
doon nag tapos ang kwentong bakit ang babae ang naghuhugas ng pinggan.

You might also like