You are on page 1of 2

Oct.

27 Filipino

"Anak, sandali na lamang ang itatagal ng buhay ko, ang nais ko sana kapag ako ay pumanaw na ay
ilibing mo ang aking labi sa gilid ng batis. Huwag mo akong ilibing sa burol."

1. Ano ang nadama ng ina sa mga oras na iyon?

Pag-aalala at pangamba.

2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon ano ang sasabihin mo sa inagn palaka upang maibsan ang kanyang
nararamdaman?

"Inay, huwag po kayong mag-alala at susundin ko po ang nais ninyo. Huwag din po kayo mag-isip ng
kahit ano kundi ang gumaling kayo sa inyong sakit".

"Inay, huwag po kayong mag-salita ng ganyan, gagaling po kayo"

3. Ano ang nadarama ng anak na palaka nangmga oras na iyon?

Pagkatakot at pag-aalala

4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng anak, ano ang sasabihin mo sa ina?

"Inay, huwag po kayo mag-alala at gagaling po kayo. Huwag po kayong mag-isip ng masama. Hindi ko
pa po kaya ang mawala kayo sa akin."

5. kung isa ka sa mga kaibigan ng anak na palaka, ano ang madarama mo para sa kanya gayong alam mo
naman ang naging pagtrato niya sa kanyang ina dati? ipaliwanag ang iyong kasagutan?

Pagkalungkot at pagkaawa. Pagkalungkot dahil alam ko na mahal niya ang kanyang ina kahit di
maganda ang pagtrato nya dito. Pagkaawa dahil alam ko na mahihirapan siya kung wala ang kanyang
ina.

"Dahil sa sama ng loob niya sa akin ay nagkasakit si Inay at tuluyan nang namatay. Hu-hu-hu. Kahit
kailan ay hindi ako nakinig sa mga utos niya."

6. Ano ang nadarama ng anak na palaka nang panahong iyon?

Pagsisisi.

7. Ano sa tingin mo ang binabalak niya matapos ilibing ang inang palaka? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Babaguhin niya ang kanyang sarili at sisikapin niyang matupad ang mga pangaral at pangarap ng
kanyang ina para sa kanya.

8. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang sasabihin mo sa anak na palak?

"Huwag ka mag-alala, alam ko na kakayanin mo ang pagsubok na ito. Alam ko na gagabayan ka ng


iyong ina kahit nasa kabilang buhay na sya. Maging positibo ka lang sa iyong buhay."

You might also like