You are on page 1of 6

Learning Plan

Aralin 1-Si Pele,ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

A. PAGTUKLAS (EXPLORE)

GAWAIN I: PAYABUNGIN NATIN


 Sisimulan ang sesyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng impormal na
sarbey tungkol sa kanikanilang magkakapatid sa pamamagitan ng
estratehiyang Stand-up and Be Counted. Maaaring gamitin ang mga
sumusunod na pahayag:
 Ikaw ang panganay
 Ikaw ang bunso

 Wala kang kapatid at nag -iisa kang anak

 May kapatid o mga kapatid kang babae

 May kapatid o mga kapatid kang mga lalake

 Dalawa lang kayong mag kapatid

 Tatlo kayong magkapatid

 Apat,lima o higit pa kayong magkakapatid

 Hindi pa kayo nag-aaway kahit minsan ng iyong kapatid

 Nag-away na kayo ng iyong kapatid o mga kapatid

GAWAIN 2: SIMULAN NATIN

 Pagkakuha ng ilang sagot tungkol sa huling dalawang tanong ay ipatuon


ang pansin sa mga mag-aaral sa Simulan Natin,.Ipasusulat dito ang
pangalan ng kanikanilang mga kapatid at ipaguhit din ang emoticon na
maglalarawan sa nararamdaman nila para sa bawat pangalang isinulat
nila.

 Pagkatapos ay pasasagutan ang mga tanong sa ibaba ng kahon na


mababasa rin sa ibaba.
 Ano-anong magagandang katangian ang taglay ng iyong kapatid o mga
kapatid?
 Ano anong mga bagay naman ang madalas ninyong pag-awayan?
 Sa iyong palagay,ano kaya ang maaaring gawin ng bawat isa sa inyo para
maging maayos ang samahan ninyo? Maglahad ng tatalong paraan.

GAWAIN 3: PAGPAPAKILALA NG PAKSA .

.Sasabihing sa araling ito mababasa ang isang mitolohiya tungkol sa


magkakapatid na naging magkaaway at kung paano naka apekto ang kanilang hindi
magandang samahan, hindi lang sa kanila kundi sa kanilang buong pamilya.

Itatanong ang mahalagang tanong: Paano maaaring mapanatili ang


pagkakasundo at ang magandang samahan ng magkakapatid? Bakit mahalagang
maging maayos ang relasyon ng magkakapatid?
B.PAGLINANG

GAWAIN 4: Pagpapalawak ng Talasalitaan

 Pasagutan ang Payabungin Natin A


Hanapin at pagtambalin ang dalawang salitang magkaugnay mula sa
hanay A at B upang mabuo ang kahulugang nasa unang hanay.Isulat ang
dalawang salitang pinagsama sa ikalawang hanay.

Kahulugan Dalawang
salitang Hanay A Hanay B
pinagsama
bangkero lumambot ang bangka
hinahangaan mainam tirhan
nagsisi matinding atensyon
pamahayan nabibigyang selos
paninibugho tagagaod ng puso

 Pasasagutan ang Payabungin Natin B


Kilalanin ang kasingkahuluganng salitang nakasalungguhit mula sa iba
pang salita sa ikalawang pangungusap.Bilugan ang salitang ito.

1.Isang matinding alitan ang namagitan sa magkapatid na Pele at


Namaka.Ang kanilang awayan ay naging dahilan ng kawalang
kapayapaan sa kanilang tahanan.

2.Napilitang lumayo muna sina Pele sag alit ni Namaka hanggang sa


sumapit sila sa isang Isla.Dumating sila sa isang magandang islang
kakaunti pa lamang ang nakatira.

3..Napagtanto ni Pele na mali ang kangyang ginawa.Dahil sa kanyang


nalaman ay gumawa siya ng paraang makabawi sa kapatid.

4.Nanirahan na lang sa ibang isla ang magsing-irog.Nais ng


magkasintahang mapalayo sa galit ng diyosang Pele.

5.Ipinagdamdam ni Hi’iaka ang ginawa ni Pele sa kanyang


hardin.Ikinalungkot niya rin ang pagkamatay ng kaibigang si Hopoe.

Gawain 5:Pagbasa ng tahimik sa mitolohiyang “ Si PELE,Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan


SAGUTIN NATIN A
 Pagsagot ng maayos sa mga tanong :

1.Sa paanong paraan nawala ang kapayapaan at katahimikan sa


pamilya nina Pele at Namaka?

2.Ano ang nagawa ni Pele na labis na ikinagalit ni Namaka na


naging dahilan na rin upang lisanin ng buong pamilya ang kanilang
tahanan?
3.Saan napadpad ang pamilya nia Pele?Ano anu ang pinagdaanan
nila bago narating ang tirahan sa bundok ng Mauna LOA?

4. Paano nabuo ang kalupaan sa palibot ng Mauna Loa


kalaunay naging Isla ng Hawaii o tinatawag na “THE BIG ISLAND

5. Sa paanong paraan pa nakaapekto sa iba ang labis na


pagiging selosa at mainitin ng ulo ni Pele?

6. Kung ikaw ang mga magulang nina Pele at Namaka,ano ang


magagawa mo upang hindi humantong sa ganito ang kalagayan
ng inyong pamilya?

GAWAIN 6; Pagsulat ng Journal


 Upang higit na mapagtibay ang pang-unawa ng mga mag-aaral ay
ipasusulat sa Learning Journal ang sagot sa mahalangang tanong na ito.
o Paano maaring mapanatili ang pagkakasundo at magandang
samahan ng magkakapatid?Bakit mahalagang maging maayos ang
samahan ng magkakapatid?

C. PAGPAPALALIM (DEEPEN)

GAWAIN 7: BUOIN NATIN

 Papuntahin ang mga mag-aaral sa kani-kanilang pangkat. Magpagawa ng


“Paint Me a Picture” (Ito’y isang istratehiya kung saan ipapakita ng
pangkat ang isang eksenang sasabihin ng guro. Kapag narinig nila ang
salitang “Freeze” ay titigil sila upang maipakita ang kuwadro o larawang
binubuo tungkol sa iba’t ibang tagpo o eksena mula sa binasang
mitolohiya. Maaaring ipagawa ang mga sumusunod na tagpo:
o Ang dating tahimik na pamumuhay ng pamilya nina Pele na unti-
unting nasira dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ng kapatid na si
Namaka.
o Ang pagtakas nina Pele sakay ng bangka kasama ang kanyang
mga magulang at iba pang kapatid habang hinahabol sila ng galit ni
Namaka.
o Ang naging buhay nina Pele sa islang kanilang kinahantungan
partikular ang pagpapaulan ng niyebe sa tatlong diwata sa kanilang
tahanan.
o Ang pagsabog ng galit ni Pele sa akalang inagaw ng kapatid na si
Hi!iaka ang kasintahan niyang si Lohiau.
o Ang pagsisisi ni Pele at pagbibigay ng masaganang ani sa lupain
ng naging mag asawang sina Hi iaka at Lohiau.
 Mula sa nabuong “Paint Me a Picture” ng bawat pangkat ay ipabuod sa
mga mag-aaral ang mahahalagang pangayyari sa binasang mitolohiya
 Pagkatapos ng gawain ay bigyan sila ng pagkakataong maibahagi ang
mga sagot nila sa kapareha o sa pangkat.
 Tukuyin ang mga dapat nilang ipayo sa mga magkakapatid na laging nag
aaway,at sabihing hindi maganda sa isang pamilya ang hindi
magkakasundo
GAWAIN 8: MAGAGAWA NATIN
 Isusulat ang pangalang PELE at NAMAKA sa pisara.Pag uusapan ang
relasyong mayroon ang magkakapatid na ito.Sasabihing kahit sa totoong
buhay ay nagkakaganito rin ang relasyon ng magkakapatid.
o Ipababasa ang tatlong pares ng magkapatid na nakalahad sa
Magagawa Natin sa pahina 164-165.Sabihing tulad nina PELE at
NAMAKA ay nagkaroon din ng lamat ang relasyon ng
magkakapatid na sina CAIN at ABEL,mula sa Genesis 4:1-8,sina
ADOLF at RUDOLF ng PUMA at ADIDAS,at ang magkakapatid na
LEE ng SAMSUNG GROUP of COMPANIES.


Ipabasa ang mga sitwasyong nakalahad sa Magagawa Natin (Naiuugnay
ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa: sarili, pamilya,
kaibigan, pamayanan, daigdig.
o Pasasagutan ang mga tanong kaugnay ng binasa:
o Bagamat nangyari sa magkakaibang panahon,ano ang
pagkakapare pareho sa mga pangyayari sa buhay ng
magkakapatid sa tatlong tekstong binasa mo? Ano- ano ang mga
nagin dahilan sa kanikanilang alitan?
o Nagkakaroon din ba ng alitan sa pagitan ninyong magkakapatid?
Ano ang karaniwang dahilan ng inyong pag-aaway-away? Ano ang
nararamdaman mo kapag kayoy may alitang magkakapatid?
o Base sa mga nabasa mong tatlong teksto at sa sarili mo na ring karanasan ,ano-
ano ba ang maaaring gawin upang maiwasan ang pag aaway ng magkakapatid?

GAWAIN 9; ALAMIN NATIN

 Isulat sa pisara ang salitang MITOLOHIYA


 Ano-anong bagay ang nalalaman mo kaugnay ng salitang ito?
 Anu-anong mitolohiya na ang nabasa mo?
 Sino-sinong tauhan ng mitolohiya ang nakilala mo sa iyong
pagbabasa?
 Pagkuha ng ilang sagot at pagbuo ng bubble map ay ituon ang pansin ng
mga mag-aaral at ipababasa ang Alamin Natin tungkol sa mitolohiya
 Pasasagutan ang mga tanong sa Gawin Natin A
 Sa anong salita nagmula ang mito at ano ang kahulugan ng salitang ito?

Paanong nagbago ang kahulugan ng mito sa pagdaraan ng panahon?Ano


na ang ibig sabihin nito sa ating kasalukuyang panahon?

Bakit sinasabing hindi lang ang Griyego ang may mitolohiya?Ano-ano ang
magpapatunay na maging ibat ibang bansa sa mundo at maging ang ating
bansa ay mayroon ding mitolohiya.

Sinu-sino ang mga kilalang diyos at diyosa sa ating sariling mitolohiya?


Sino-sino o ano-ano pa ang mga mitikal at mahiwagang tauhang taglay ng
ating mitolohiya?.
GAWAIN 10;PAGHAHAMBING AT PAGHAHALAW -Pagsasanib sa Gramatika/Retorika
 Tatalakayin ng mabilisan ang binasang lunsaran.Bibigyang diin ang
pagkakapareho ng ilang mga paniniwalang nag-uugat sa Diyosang
Pele sa mga paniniwala rin sa mga tauhan ng ating mga sariling
mitolohiya.
 Pagkatapos ay ipatutuon ang pansin nila sa mga salitang nakasulat
nang madiin gayundin ang mga salitang nakahilig sa mga
pangunguap na hango o binasa na makikita sa pahina 169.Ipababasa
ng malakas ang mga salitang ito.
 Kunin ang kanilang nalalaman kaugnay ng mga pokus ng pandiwa.
 Paglalahat
 Ipabasa, talakayin at ipaliwanag ang Isaisip Natin tungkol sa Pokus
ng pandiwa na Tagaganap at Layon
 Pagbibigay ng Sariling Halimbawa
 Pagbigayin sila ng mga pangungusap na may pokus tagaagnap at
layon .Bigyang diin ang paksa ng mga pangungusap na ang ibibigay
nila ay dapat kaugnay ng mabuting samahan o relasyon ng
magkakapatid o magkakapamilya.
 Ipahihimay sa mga mag-aaral ang mga halimbawang pangungusap at
ipatutukoy kung ang mga pandiwa ay sadyang nasa pokus tagaganap
at layon nga.

 Pagsagot sa mga Pagsasanay


 Madali Lang Yan (Natutukoy ang mga pandiwa gayundin ang uri,
aspeto, at pokus ng mga ito.), mga pahina 169-170

 Subukin Pa Natin (Nagagamit ang angkop na pandiwa sa paglalahad


ng sariling karanasan) (F10WG-Ia-b-57), pahina 170
 Tiyakin Na NAtin (Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon,
pangyayari, at karanasan) (F10WG-Ia-b-57), mga pahina 170

Ipawasto ang pagsasanay: Ang mga ito ay magsisilbing patuloy o


pagtataya o formative assessment upang matiyak na nauunawaan ng
mga mag-aaral ang paksa ukol sa mga pandiwa at sa mga pokus
tagaganap at layon.

D. PAGLALAPAT (TRANSFER)

GAWAIN 11: PALAWAKIN PA


 Sabihing sila naman ngayon ang susulat o bubuo ng sarili nilang mitolohiya
bilang pagsasakatuparan sa kasanayang ito: Naisusulat ang sariling
mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa ,.
 Ipabasa ang rubric na nasa pahina 172 upang magabayan sila sa
mitolohiyang susuriin.

 Sabihing gagamitin nila ang sinaliksik na mga detalye sa Gawin Natin ng


araling ito para higit na magkalaman ang kanilang susulating mitolohiya.
 Bigyan sila ng sapat na panahon upang mabuo ang kanilang mitolohiya

 Pagkatapos ay papuntahin ang mag-aaral sa kanilang pangkat at ipabasa


nang madula sa bawat kasapi ang binuong mitolohiya. Magbibigay ng puna
at papuri ang ibang miyembro batay sa mga pamantayang nasa rubric.
 I-proseso ang gawain.Bigyang diin ang aral na taglay ng mitolohiya .sabihing
sa kabila ng masasamang bagay na kumawala mula sa kahon ni Pandora
ay naroon naman ang pag-asa kaya anuman ang bigat na dala ng mga
suliranin ,pagsubok ,at kawalang nararanasan natin ay hindi nawawala ang
pag-asang mataatpos o lilipas din ang mga ito.

Paglalahat
 Bilang paglalahat, muling itanong ang mahahalagang tanong (EQ).
a. Bakit mahalagang basahin at pag-aralan ang mga panitikang
Kanluranin?
b. Paano maaaring mapanatili ang pagkakasundo at magandang
samahan ng magkakapatid? Bakit mahalagang maayos ang relasyon
ng magkakapatid?

Ang mga sagot sa tanong ay mahpapatibay sa Transfer Goal at


Kakailanganing Pag-unawa (EU) kaya kailangang bigyang-diin ng guro.

You might also like