You are on page 1of 12

PANGALAN:_________________________________

BAITANG/SEKSYON:________________________
___
10
FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 3
El Filibusterismo: Si Kabesang
Tales

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino – Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV– Linggo 3: El Filibusterismo: Si Kabesang Tales
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Jinky M. Bolasoc
Pangnilalamang Patnugot: Eva R. Zumaraga
Editor ng Wika: Lodevics E. Taladtad at Ligaya A. Miraflor
Tagawasto: Luis R. Mationg
Tagasuri: Luis R. Mationg, Lodevics E. Taladtad, Mary Jane Altes, at
Ligaya A. Miraflor
Tagalapat: Lodevics E. Taladtad

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes Enrile O. Abrigo Jr.
Mary Jane J. Parcon Ernesto P. Socrates Jr.
Ronald N. Fragata Maja Jorey B. Dongor
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 6
El Filibusterismo: Si Kabesang Tales

MELCs: Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng


mga kaisipang namayani sa akda. (F10PN-IVd-e-85)

Naiuugnay ang kaisipang namayani sa binasang kabanata na bahagi ng


akdang binasa. (F10PD-IVd-e-83)

Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop


na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin.
(F10WG-IVd-e-80)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng
mga kaisipang namayani sa akda.
2. Natutukoy ang kaisipang namayani sa binasang kabanata na bahagi ng
akdang binasa.
3. Nakapagbibigay ng sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang
angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin.

Ating Subukin
Panuto: Basahin at unawain mo ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot na
tinutukoy sa bawat aytem at isulat sa patlang bago ang bilang.

_____1. Si Tales ay may _________________.


A. isang anak C. tatlong anak
B. dalawang anak D. apat na anak

_____2. Ang mga kaaway ni Tales batay kay Tata Selo ay maikukumpara sa mga ________.
A. buwitre B. buwaya C. leon D. pugita

_____3. Ipinakita ni Huli ang pagmamahal sa ama nang siya ay magdesisyong _______.
A. magpa-alila B. mag-asawa C. magtinda D. lumayas

_____4. Sa masigasig na pagbabantay sa lupang pinaganda, nabihag si Tales ng mga ____.


A. militar B. kura C. tulisan D. kamag-anak

_____5. Bakit mahalaga na magkaroon ng sariling prinsipyo sa buhay?


A. Para alam mo na ang iyong tamang gagawin at hindi
B. Para maiba sa lahat
C. Para mas dumami ang kaibigan
D. Para magawa mo ang iyong nais

______6. May kasabihang “ Kung walang magpapaapi, walang mang-aapi “ ang taong may
ganitong pananaw sa buhay ay _________.
A. takot ipaglaban ang karapatan
B. handang ipaglaban ang kanyang karapatan
C. matapat sa bayan
D. matulungin sa kapwa
1
______7. Si Huli ay naglagay ng 250 pesos sa ilalim ng mahal na birhen dahil naniniwala
ito na madadagdagan. Ano ang maaaring saloobin ukol rito?
A. Matiisin si Huli
B. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
C. Maghihimala ang birhen
D. Madasalin si Huli

______8. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan?


A. Maging masipag na mamamayan
B. Maging mapagkawanggawa
C. Pagsunod sa ipinatutupad na batas
D. Paghihimagsik

Para sa bilang 9-10


Panuto: Piliin ang wastong kahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
______9. Namalas niya ang kanyang kaawa-awang sarili na nag-aararo sa gitna ng bukirin
at nagkukutkot ng mga ugat ng kahoy.
A. nagtatabas B. naghuhukay
C. nagtatanim D. naglilinis
______ 10. Ang hukom pamayapa ng bayan at kabisera man ay hindi makapangahas na
bigyan siya ng katuwiran dahil sa pangambang maalis sa katungkulan.
A. Tanod B. Prayle
C. Kabesa D. Punong- bayan

Ating Alamin at Tuklasin


Paghawan ng Balakid Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of
Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat
ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong
Cabesa de Barangay - ng
pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y
pinuno ng baryo noong
Realonda). Isinulat niya ang nobelang ito upang imulat ang
panahon ng Español na mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay
humalili sa mga na kalayaan noong panahong Kastila.
pinunòng datu at Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin
katumbas ngayon ng ngayon ang ikaapat na kabanata na tumtalakay sa mga
posisyong kapitan ng pangyayari sa kasalukuyan gaya ng pagtatagumpay dahil
barangay. sa kasipagan, pagmamalabis sa katungkulan at
Buwis - tax sa wikang kapangyarihan, at iba pa.
Ingles ay ang pera o
Para sa iyo ano ba Para sa akin ang isang mabuting
salapi na galing sa ng katangian ng isang lider ay taong nakakaunawa sa kanyang
mamamayan upang mabuting lider? nasasakupan at nagpapatupad ng
ibayad sa pamahalaan pantay na batas sa bawat isa.
bilang kontribusyon nito.
Agnos - kahitang
nakakabit sa kwentas
o Locket sa wikang Ingles

Ang karapatan at kalayaan ay kayamanang maituturing kung ito ay nararanasan.


May mga karapatang naipaglalaban natin upang maitayo ang sariling paninindigan, may
mga karapatang patuloy naming ipinagkakait sa atin. Kung ang sariling karapatan ay
ipagkait, paano mo ito ipakikipaglaban?
2
Buhay ni Kabesang Tales (Buod)

Si Kabesang Tales, Telesporo ay anak ni Tandang Selo, na siyang nag-aruga kay


Basilio. Dahil sa matanda na si Tandang Selo, ang anak na si Tales na ang gumagawa
ng trabahong pagsasaka. Kasama ang kanyang asawa ay nagtiis sila ng hirap, subalit
sa kanilang unang pag-aani ay inaangkin ng isang korposayon ng mga pari ang lupang
kanilang sinsaka. Ang lupang hinawan ni Tales diumano ay pag-aari ng mga pari.
Gayunman, ang lupa ay patuloy niyang masasaka kung siya ay magbabayad ng buwis
na may halagang 20 hanggang 30 piso taon-taon.

Ayaw ni Tales ng maraming usapan kaya’t pumayag na lamang siyang ibigay sa


korporasyon ang hinihingi ng mga ito. Ngunit, napapansin niya na habang tumataas
ang kanyang ani ay tinataasan din isya ng taripa ng mga pari. Sa unang pagkakataon
ay pinayuhan siya ni Tandang Selo na ipagpalagay niyang lumaki ang buwaya, kaya
nagtiis na naman si Tales.

Ang anak na dalaga ni Tales na si Juliana o Huli ay binabalak pag-aralin ng mag-


ama. Hindi ito natupad sapagkat si Tales ay ginawang “Cabesa de Barangay” ng kanyang
mga kanayon dahil sa pag-unlad ng kaniyang pamumuhay. Binabayaran niya ang buwis
ng mga nakatalang pangalan na ang iba ay lumipat na ng tirahan at namatay na.

Ang kagustuhang papag-aralin ang anak na si Huli ay hanggang pangako na


lamang sapagkat habnag tumatagal ay daig pa ng mga buwitre ang pari sa paglaklak sa
laman ng tao. Ang sinisngil nila kay Tales ay umabot na ng P200.00 na lubhang
napakabigat na sa kaniya. At kung hindi raw siya makababayad pa ng ganitong halaga
ay ibang tao na ang gagawa sa lupang kaniyang sinasaka. Dahil ditto, ipinaglaban na ni
Tales sa hukuman ang kanyang kaso. Gumawa siya ng lahat ng paraan at inubos ang
kahuli-hulihang sentimo sa pagtatanggol sa kaso. Subalit, nangangamba itong
matanggal sa tungkulin.

Sa pangyayaring ito, kapag nagpupunta si Tales sa bukid ay nagdadala na siya


ng baril. Ang kaniya namang anak na si Tano ay pinabayaan niyang maging sundalo.
Kinabahan ang mga prayle sa pagdadala niya ng baril. Sinamsam ang kaniyang baril
nang nagpalabas ang kapitan heneral na bawal ang pagdadala ng sandata.

Ang sumusunod niyang dinala ay gulok ni Tandang Selo. Nasamsam din ng ito
kaya’t palakol naman ang kaniyang dinala. Sa kasamaang palad, si Tales ay binihag ng
mga tulisan at pinapatubos sa halagang P500.00. Ang ginawa ni Huli ay ipinagbili niya
ang kaniyang mga alahas sa halagang P300.00 maliban sa agnos na bigay sa kaniya ni
Basilio. Kulang ng P200.00 ang kaniyang pantubos kaya pumasok siyang alila kay
Hermana Penchang. Nang mabatid ni Tandang Selo ang nangyari, siya ay nag-iiyak na
parang bata, hindi kumain at natulog ng gabing iyon, inisip niyang magbigti o
magpakamatay sa gutom. Malungkot silang maglolo sapagkat kinabukasan ay Pasko
na at si Huli ay magsisimula ng magpapaalila.

(Pinagkunan: Glady E. Gimena at Leslie S. Navarro, Ang Pinaikling Bersiyon


El Filibusterismo ni Jose Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009)

3
Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng


matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)
Halimbawa:
• Naku po!, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
• Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!

2. Maiikling Sambitla – Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
• Aray! Nasugatan ako ng patalim.
• Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.

3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao


– Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding
damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa:
Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng isang magulang ang isang
walang kamalay-malay na sanggol.
Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa isang pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang bata.
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol.

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwinrang Paraan


– Ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na
tuwirang paraan.
Halimbawa:
• Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang
mga anak.
(Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na galit.)

(Pinagkunan: Vilma C. Ambat et al, Panitikang Pandaigdig Filipino 10, Pasig City:
Department of Education, Vibal Group Inc., 2015.)

Tayo’y Magsanay

GAWAIN
1
Panuto: Sa iyong binasang kabanata tungkol kay Kabesang Tales, anong magandang pag-
uugali ang kanyang ipinakita. Ayusin ang mga salita sa ibaba upang makabuo ng isang
kasabihan.
Ang prinsipyo ay hindi nakikita subali’t
at hindi nalalasahan, ito’y maaaring panghawakan at
dapat maging gabay sa ating pagkatao.

Sagot: ________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
4
GAWAIN
2

Panuto: Ayon sa binasang kabanata tungkol kay Kabesang Tales, tukuyin ang kaisipang
namayani sa binasang kabanata. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang
titik sa bawat bilang.

1.

2.

KABESANG TALES 3.

4.

5.

A. Mga kasamaang umiiral noong panahon ng Kastila.


B. Talamak na pagsusugal.
C. Handang ipakipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang Karapatan.
D. Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga kabataan.
E. May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa Pilipino.
F. Pagiging maimpluwensya ng mga prayle.
G. Panggigipit sa mga Pilipino noong panahon ng kastila.

Replektibong Tanong:
Mula sa ginawang gawain, ano ang pagkakatulad ng iyong binasang bahagi ng akda
sa mga pangyayari sa kasalukuyan?

5
Ating Pagyamanin

GAWAIN
1
Panuto: Naghirap si Kabesang Tales dahil sa hindi pantay o di-makatarungang
pagpapatupad ng batas ang mga prayle, sa panahon natin ngayon kung sakaling magiging
isa ka sa lider ng inyong pamayanan, paano mo pagtutuunan ng pansin ang mga taong
higit na nangangailangan? Pumili sa ibaba ng gawain na iyong ipapatupad kung ikaw ay
maging isang lider isulat sa bilog na nasa ng iyong representasyon. Isulat lamang ang titik
ng iyong sagot.

3.

2.
4.

1. 5.

A. Pagiging pantay sa pagtrato sa lahat


B. Pagsunod sa batas
C. Pagbibigay ng agarang tulong sa mga
naapektuhan ng pandemya
D. Pagpataw ng kaukulang parusa kung
napatunayan
E. Paniningil ng labis-labis
F. Pag-alam sa kalagayan ng aking nasasakupan
G. Pag-una sa mga taong kilala sa lipunan

GAWAIN
2
Panuto: Tukuyin ang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin ang ipinapakita
sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Wow! Napakagaling niyang Presidente.
A. Pagkainis B. Pagkatuwa C. Paghanga D. Pagka-inggit
2. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan niyang magsinungaling sa atin.
A. Pagkalungkot B. Pagtataka C. Paghanga D. Pagsang-ayon
6
3. Napakakitid talaga ng ibang namamahala sa ating bayan kaya nagagalit ang mga tao sa
kanila.
A. Hindi makaunawa C. Matiyaga
B. Matapat D. Mapagmalabis
4. Kumukulo ang dugo ng mga Pilipino dahil nasaktan sa nangyayari sa kanilang bayan.
A. Tuwang – tuwa C. Galit na galit
B. Pagkainis D. Pagkatakot
5. Tama ang desisyon ni Duterte na tumakbo bilang president.
A. Pag-aalinlangan C. Pagsang- ayon
B. Pagtataka D. Paghanga

Replektibong Tanong:
Anong mga katangian ni Kabesang Tales ang sa palagay mo ay magandang taglaying ng
bawat tao? Bakit?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata.

Natutuhan ko sa buong modyul na …

Matapos kung mabasa ang mga kabanata, nalaman ko na Anak ni Tandang Selo si
1.______________. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at 2.______.
Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.
Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at
umasenso sa kaniyang tubuhan. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang
sa inangkin ng mga 3.__________. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa
kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 4._______. Upang may pantubos sa ama,
isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay 5.____________noong
bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na
nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.

7
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain mo ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot na
tinutukoy sa bawat aytem at isulat sa patlang bago ang bilang.

_____1. Paano nakapagsarili si Tales na dating kasama?


A. Binigyan siya ng puhunan ng dating among pinaglilingkuran.
B. Tinulungan siya ng amang si Tata Selo na magkaroon ng salapi.
C. Nagkaroon siya ng dalawang kalabaw at nakapag-impok ng salapi.
D. Nakadampot siya ng malaking halaga ng salapi

_____2. Bakit kaya nagkasakit at binawian ng buhay ang asawa at anak ni Tales nang sila
ay naghahawan ng madawag na lupain sa malayong lugar?
A. Dahil sa matinding hirap at pagod ng mag-anak sa paghahawan ng sukal at
pagbubungkal ng lupang pagtatanim.
B. Dahil nagambala ng mag-anak ang mga espiritu sa kagubatan at nagalit sa
kanila
C. Dahil isinumpa ang mag-anak ng mga espiritu ng kagubatan.
D. Dahil sa pagpatay ng mga tulisan

_____3. Ano ang nangyari nang gagapasin na ni Tales ang unang ani?
A. Inaangkin ng mga ng tulisan ang lupang hinawan at pinagyaman ni Tales.
B. Inaangkin ng mga prayle ang lupang hinawan at ,pinagyaman ni Tales.
C. Bibilhin ng mga prayle ang mga unang ani ni Tales
D. Wala sa pagpipilian

_____4. Bakit kaya taon-taon ay tumataas at lumalaki ang ani nina Tales?
A. Mahusay na magsasaka sina Tales
B. Ipinagdarasal ng mga prayle ang ani ni Tales.
C. Upang may pambabayad sa pataas na buwis na sinisingit ng mga prayle.
D. Sinuswerte si Tales sa kanyang ani

_____5. Bakit si Telesforo ang napiling maging kabesa de barangay ng Tiani?


A. Gusto ng mga prayle na siya ang maging kabesa dahil napakasipag niya
B. Pinili siya ng mga kabaryo dahil unang guanda ang kanyang buhay.
C. Nais niyang gampanan ang paniningil ng buwis sa kababaryo upang
makatulong sa barangay
D. Dahil kilala siya sa kanilang bayan

Para sa bilang 6-10


Panuto:Matapos mong makilala si Kabesang Tales ay suriin mo ang mga pangungusap
kung ito ay wasto ayon sa mga pangyayari sa akda o hindi. Isulat ang TAMA kung wasto
ito at kung mali, salungguhitan ang salitang nagpamali sa pangungusap at isulat sa linya
ang magpapawasto rito.

_____6. Si Kabesang Tales, Telesporo ay anak ni Tandang Selo, na siyang nag-aruga kay
Basilio.
_____7. Si Tales ay ginawang “Mayor” ng kanyang mga kanayon dahil sa
pag-unlad ng kaniyang pamumuhay.
_____8. Ang anak na dalaga ni Tales na si Juliana o Huli ay binabalak pag-aralin ng
mag-ama.
_____9. ipinaglaban na ni Tales sa hukuman ang kanyang kaso. Gumawa siya ng lahat ng
paraan at inubos ang kahuli-hulihang sentimo sa pagtatanggol sa kaso.
_____10. Si Tales ay binihag ng mga tulisan at pinapatubos sa halagang P200.00.

8
Susi sa Pagwawasto

Ang Aking Natutuhan

1. Kabesang Tales
Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin 2. Huli
Ating Subukin 3. Prayle
Gawain 1 Gawain 1 4. 500
Ang prinsipyo ay hindi 1. A 5. Hermana Penchang
1. C nakikita at hindi 2. B
2. B nalalasahan, subalit ito’y 3. C
3. A maaring panghawakan at 4. D
4. C Ating Tayahin
dapat maging gabay sa 5. F
5. A ating pagkatao.
6. B 1. C
Gawain 2 2. A
7. C Gawain 2 1. C
8. C 3. B
2. B 4. C
9. C 1. A 3. A
10. D 5. B
2. C 4. B 6. TAMA
3. E 5. B 7. Mayor – Cabesa de
4. F Brangay
5. G 8. TAMA
9. TAMA
10. 200 - 500
11. 2
12. 4
13. 1
14. 3
15. 5

Sanggunian
Aklat

Ambat, Vilma C., Teresa B. Eric O. Carino, Mary Ane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela C.
Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T. Salum, Joselyn C. Sayso, Mary Grace A. Tabora
at Roderic P. Urgelles. Panitikang Pandaigdig, Patnubay ng Guro, Pasig City: DepEd-
Vibal Group, 2015.

Gimena, Glady E. at Leslie S. Navarro. Ang Pinaikling Bersiyon El Filibusterismo ni Jose


Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like