ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula MGA URI NG TAYUTAY 1. Pagtutulad o simile – isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa. 2. Pagwawangis o metapora – naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing 3. Pagmamalabis o hyperbole – pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag 4. Pagtatao o Personipikasyon- paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga bagay na walang buhay Basahin ang sumusunod na paglalarawan. Isulat sa sagutang papel ang tayutay na ginamit. • Pagtutulad (Simile) • Pagwawangis (Metaphor) • Pagmamalabis (Hyperbole) 1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nangniningning sa tuwa. 2. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah. 3. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan. 4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw. 5. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. 6. Diyos ko! Patawarin mo sila. 7. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip. 8. O buhay! Kay hirap mong unawain. 9. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. 10. Naku! Kalungkutan mo ay di na matapos-tapos. SABAYANG PAGBIGKAS
Ang Sabayang Pagbigkas (Readers Theater)
ay isang masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa o pagbigkas ng isang koro o pangkat. Isang matimbang at maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang masining at madamdamin. At isang pandulang pagtatanghal ng isang akdang pampanitikan na ginagamitan ng maraming tinig na pinag-isa sa pagbigkas URI NG SABAYANG PAGBIGKAS
a. Payak – sa uring ito, maaaring ipabasa
lamang ang bibigkasing tula. Maaaring gumamit ng ingay, tunog at/o musika, payak lamang ang mga kilos at galaw ng mga nagsisiganap b. Walang kilos – bukod sa wastong bigkas, ang wastong ekspresyon ng mukha ang maaaring pagbatayan. Dahil walang kilos, pagtango lamang ang maaaring maipakita ng mga mambibigkas c. Madula – bukod sa nagtataglay ng koryograpi ang pagtatanghal, inaaasahang makagagalaw o makakikilos ang mga tauhang nagsisiganap nang buong laya. Bukod dito, may angkop silang kasuotan batay sa katauhang kanilang inilalarawan. Taglay rin ng tula ang isang makabuluhang iskrip, musika at tunog, pag- iilaw, kagamitian/props, diyalogo, at iba pa SA PAGSASAGAWA NG SABAYANG PAGBIGKAS, NARARAPAT LAMANG NA ISAALANG-ALANG BILANG PAGHAHANDA ANG SUMUSUNOD: 1. Pagpili ng piyesa – Ang piyesang dapat piliin sa sabayang pagbigkas ay may paksang napapanahon, makabuluhan at angkop sa okasyon o pagdiriwang. Dapat isaalang-alang ang uri ng mga manonood. Higit sa lahat ang piyesa ay dapat may uring pagkamatanghal 2. Pagbuo ng iskrip – Mahalagang isa-iskrip ang piyesa upang mabigyang-diin ang bigkas, kumpas at ang paglalapat ng wastong musika at tunog. Dapat isaalang-alang ng susulat ng iskrip ang mga pananda at simbolong kanyang gagamitin. Sa puntong ito, madaling mauri ang mga salitang dapat bigkasin nang mabagal, mabilis, mataas, mababa, karaniwan, mahina, at malakas 3. Pagpili ng mambibigkas – Ang tagapagsanay ng sabayang pagbigkas ay dapat makapili ng mga mambibigkas na bubuo ng isang koro. Karaniwan na ang pamimili ng mga mambibigkas ay nakasalalay sa tatlong uri ng tinig: mataas/matinis, karaniwang at mababa. Mahalagang maipangkat-pangkat ang mga uring ito bago bumuo ng koro 4. Wastong pagbigkas at pagkumpas – Hindi lahat ng salitang bibigkasin nang sabayan ay dapat lapatan ng angkop na kumpas. Kailangang magkaugnay ang bigkas sa kumpas. Mahalagang malaman kung aling mga salita ang dapat kumpasan ng isa o dalawang kamay, paibaba o pataas, at iba pa.