You are on page 1of 14

ST. JAMES SCHOOL OF SUBIC, INC.

Asinan Poblacion, Subic, Zambales


Tel. Fax (047) 232-3073
SY 2020-2021

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO/CHRISTIAN LIVING10


Modyul bilang: 3 Panahon na Nakalaan:
Pangalan ng mag-aaral
Baitang at Seksyon
Pangalan ng Guro Gng. Maria Leah Salamate

Tungkol sa Modyul
Ang modyul na ito ay maingat na ginawa para masiguro
ang paghahatid, pag-unawa, at paglipat sa mga tunay na
buhay na aplikasyon ng minimum na mahahalagang
kasanayan sa pag-aaral (MELCs) tulad ng hinihiling ng
Kagawaran ng Edukasyon . Ang mga aktibidad
at pagtatasa ay nakahanay sa mga kakayahan upang
matiyak na ang nakakamit ng mag-aaral ay mahusay na naabot. Ang magulang o
tagapag-alaga ay binigyan ng puwang upang makisali sa modyul (puna, mungkahi, at
pagmamasid.) Ang mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataong mapabuti ang sarili sa
pamamagitan ng pagmuni-muni, personal na panalangin at journal. Ang pag-uugnay ng
mga pagpapahalaga ay binibigyan ng isang napakahalagang bahagi sa modyul.

Sa yunit na ito, ang ating mga pamantayan ay ang mga sumusunod:

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagmamahal
sa bayan (Patriyotismo)

Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas
ang pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)

Pamantayan sa Paghubog
Ang mag-aaral ay magiging isang tapat na lingkod sa kanyang
bayan bilang pagpapamalas ng kanyang pagmamahal sa bayan.

Institutional Core Values: Social Responsibility, Integrity and


Honesty, Christcenteredness.

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 1


Para sa linggong ito, ang aming inaasahang matamo sa pag-aaral ay nakalista sa ibaba.
Subaybayan ang iyong pag-unlad sa modyul ng linggong ito gamit ang inaasahan sa
pagkatuto

Inaasahang pagkatuto

Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)

Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na umiiral sa lipunan,

Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan.


(“Hindi ka global citizen kundi ka mamamayan).

Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan


(Patriyotismo)

PANALANGIN NG MAG-AARAL

Bago ka pormal na magsimula sa modyul na ito, inaanyayahan kitang sumulat ng isang


maikling panalangin.

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 2


Magsimula na tayo
Awitin natin:

Ang bayan ko’y tanging ikaw


Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay

Tungkulin ko’y gagampanan


Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong hirang

Narinig mo na ba ang awiting ito? Sa pagkakaalala ko at sa pagkakatanda ko,


madalas nating inaawit ang awiting ito sa tuwing ibinababa ang ating watawat.
Napakaganda ng mensahe ng awiting ito. Punung-puno ng pagmamahal, pagtangkilik
at pagkalinga sa sariling bayan. At sa tuwing aawitin mo ang awiting ito, ramdam mo ang
pagmamalaki sapagkat ikaw ay Pilipino.
Matanong nga kita? Tunay nga bang ikaw ay nagmamahal sa iyong sariling bayan,
ang Pilipinas? Handa ka nga bang ialay ang iyong buhay alang-alang sa iyong bayan? Ibibigay
mo ba ang iyong sarili sa pagtatanggol dito? Babantayan mo nga ba ang iyong bayan sa mga
mapang-abuso at sa mga mananakop?
Marami na ang sumubok upang bantayan ang bayan. Marami na ang nagbigay ng
buhay upang ipakita ang pagmamahal sa bayan. Ngunit sa gitna ng mga halimbawang ito,
higit na marami ang tumatalikod para sa bayan. Higit na marami ang tumatanggi at ikinahihiya
ang kanilang pagka - Pilipino. Isa ka ba rito? Sa anong dahilan? Dahil ba sa mga nangyayari
sa ating kapaligiran: kawalan ng katarungan; hindi pantay na pagtingin sa bawat indibidwal at
sa kalalagayan sa buhay; mga banta sa dignidad ng tao; korupsiyon at marami pang iba.
Marami sa atin ang nakakaranas ng sobrang hirap sa buhay; ang iba sa atin sinisisi ang mga
namumuno sa ating pamahalaan, kaya sa sitwasyong ito nawawala na ang ating pagmamahal
sa bayan.
Ang kawalan ng pagmamahal sa bayan ay isa sa mga suliraning ating kinakaharap.
Hindi tayo hiwalay sa mga suliraning kinakaharap ng ating bayan. Kung hindi man tayo bahagi
sa mga solusyon, bahagi naman tayo sa mga suliraning ating kinahaharap.
Ang isang bansa ay umuunlad dahil sa mga mamamayang naninirahan dito. Anuman
ang nangyayari sa isang bansa ay nakasalalay sa uri ng mga taong naninirahan dito. Kung
nais nating umunlad at mapabuti ang bansa, kailangan nating kumilos at gumawa bilang
mamamayan ng bansang ito. Isa sa pinakamahalaga at pinakamagandang hakbang ay
pagpapaigting ng pagmamahal sa bayan.
Sa modyul na ito, muling bubuhayin at gigisingin ng ating aralin ang pagmamahal sa
ating bayan. Tutulungan tayong maunawaan ang kahalagan at tungkulin ng bawat isa sa atin
na mahalin at pahalagahan ang ating bayan. Sa patuloy na pagtuklas ng mga kaalaman at
kasanayan sasagutin mo ang mga tanong na: Bakit mahalaga ang pagmamahal sa bayan.?
Paano natin maipapamalas ang pagmamahal na ito sa ating bayan? Upang sa muli ay
maaawit mo ang awiting ang Bayan Ko nang may buong pagmamalaki at maramdamang ikaw
ay Pilipino.
Halika ka na, simulan na natin ang bagong pagtuklas. Sasamahan natin ang isa’t isa
upang manumbalik ang pagmamahal sa ating bayang tinubuan.

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 3


Subukan nga natin!

Panuto: Kung ikaw ay tapat sa iyong bayan, inaanyayahan kitang isulat sa kahon
ang
Panatang Makabayan.

Panatang Makabayan

Sagutin ang mga tanong:

1. Ayon sa panatang ito, ano-ano ang mga dahilan upang


Ibigin mo ang Pilipinas? Tugon ng Guro
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
2. Ayon dito, paano mo ipapamalas ang iyong pag-ibig sa
iyong bayang Pilipinas?
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Bahagi ng pagmamahal ay ang pagmamalaki sa iyong minamahal. Kung tunay mong


minamahal ang iyong bayang Pilipinas, ipagmamalaki mo na ikaw ay isang Pilipino. Bilang

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 4


Pilipino, ano-ano ang mga bagay na dapat mong ipagmalaki sa iyong bayan? Inaanyayahan
kitang iguhit ito sa speech ballon na nakatala sa ibaba.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang iyong naramdaman habang iginuguhit


mo ang mga bagay na dapat mong ipagmalaki
sa iyong bansang Pilipinas? Pangatwiranan ang
iyong sagot. Tugon ng Guro
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
2. Bakit ito kailangang ipagmalaki?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
3. Ano ang aral o mensahe ang nakuha mo sa ga-

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 5


waing ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Tunay nga ba na ikaw ay Pilipino na may pagmamahal sa iyong bayan? Suriin natin!

Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o gawain na


nakatala
sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na kolum ayon sa
mga katangian na iyong isinasabuhay.

Mga Katangian Ako ito Hindi ako ito


Halimbawa:
Inaawit ko nang maayos ang Lupang Hinirang at binibigkas na may
paggalang ang Panunumpa sa Watawat at Panatang Makabayan
1. Nakikipagtulungan ako sa mga organisasyong ang
adbokasiya ay protektahan ang buhay at kalusugan ng
mamamayang Pilipino.
2. Tumatanggi ako sa anumang bagay na di ayon sa
katotohanan kahit sa simpleng pagsisinungaling.
3. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga
nangangailangan.
4. Lagi akong nagpapasalamat at humihingi ng patnubay sa
Diyos.
5. Nagmamano at humahalik ako sa kamay ng mga
nakatatanda sa akin.
6. Sinisegurado na nakukuha ko kung ano ang dapat para sa
akin at naibibigay kung ano ang nararapat para sa iba.
7. Isinasaalang-alang ko ang karapatan ng iba bilang tanda ng
paggalang at pagkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan
ng loob.
8. Sinusunod ko ang mga panuntunan sa paaralan at
komunidad.
9. Sumasama ako sa pagbisita sa mga museo.
10. Tinatapos at ginagawa ko ang lahat ng makakaya upang
magawa ang gawain nang higt pa sa inaasahan.
11. Inihiwalay ko ang mga basura ayon sa uri nito.
12. Nakikiisa ako sa mga pagtitipong kailangan ang aking
pakikilahok upang ipaglaban ang aking karapatan bilang
mamamayan.
13. Nakikihalubilo ako sa mga kabataang nagpapalitan ng kuro-
kuro sa kung anong maaaring gawin upang makatulong sa
kapwa Pilipino.
14. Sinisikap kong gamitin ang aking kalayaan sa kabutihan sa
kabila ng mga masasamang impluwensiya sa kapaligiran.
15. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi ako nakikipag-
unahan o sumisingit sa pila.
16. Gumagawa ako ng paraan upang maisulong ang kapakanan
ng lahat hindi lamang ang aking sarili, pamilya, kaibigan, at
kabaranggay.

 Bilangin ang mga aytem na nilagyan ng tsek sa kolum na “Ako ito”

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 6


Paglalarawan/ Interpretasyon

0-4 Nangangailangan nang sapat na kaalaman at pag-unawa sa kahalagahan ng


pagmamahal sa bayan.
5-8 May kaalaman sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan na ngangailangan ng
pagpapaunlad.
9-12
13-16 May kasanayan sa pagsasabuhay ng kahalagahan sa pagmamahal sa bayan.
May sapat na kaalaman sa pagsasabuhay ng pagpapahalaga sa pagamamahal sa
bayan na kailangang ipagpatuloy.

 Ang layunin ng gawaing ito ay upang tayahin ang iyong gawi o pagpapahalaga na
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. May magagawa ka pa upang ito ay mapaunlad at
tuluyang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.
(Ang gawain ay hango sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Modyul para sa Mag-aaral. Kagawaran ng
Edukasyon Republika ng PIlipinas. 2016)

Petsa kung kailan natapos ang gawain


Oras
Lagda ng Guro:
(Signature over printed Name)

Ano ang pagmamahal sa bayan? Upang maunawaan ito ng lubusan,


inaanyayahan kitang basahin ang isang maikling pahayag na ito.

Si Aling Loleng ay isang volunteer sa kanilang Barangay. Tuwing Sabado at


Linggo,
tumutulong siya sa mga gawain ng kanilang Barangay. Tumutulong
siya sa mga paglilinis ng mga kalsada at mga kanal sa bawat purok
ng kanilang Barangay. Tumutulong din siya sa mga kawanggawa
para
sa mga mahihirap. Dahil siya ay isang guro, nagtuturo siya sa mga
batang hindi pumapasok sa paaralan dahil walang kakayahan ang
mga magulang. Siya rin ay kasapi sa isa sa mga organisasyon ng
kanilang simbahan. Isinasama ni Aling Loleng ang kanyang
dalawang anak sa mga gawaing pangsimbahan at sa mga gawain sa kanilang Barangay.
Nasa paaralan siya tuwing Lunes hanggang BIyernes. Kilala si Aling Loleng dahil sa kanyang
kasipagan, at nakakakitaan siya ng pagtitiyaga sa kanyang mga ginagawa. Dahil sa mga
halimbawang ipinapakita ni Aling Loleng, napili siya ng kanilang Punong Barangay na bigyan
ng karangalan sa araw ng kanilang kapistahan. Maraming mga kababayan niya ang natuwa
para sa kanya. Hindi nila mapigilang tanungin si Aling Loleng kung hindi ba siya napapagod at
nagsasawa sa kanyang ginagawa. Walang pag-aalinlangang sinagot ni Aling Loleng na ang
lahat ng kanyang ginagawa ay dahil sa pagmamahal. Ang tungkulin at pagmamahal ng
isang mamamayan ay hindi nagtatapos sa pamilya lamang bagkus ito
ay ibinabahagi sa kapwa at sa pamayanan. Kaya, batay sa pagsasaliksik
ng mga hurado, nakita nila na si Aling Loleng ay karapat-dapat na
tanghaling huwarang mamamayan.
Si Aling Loleng ba ay may pagmamahal sa bayan? Paano niya
ito ipinamalas?

Ang pagmamahal sa bayan ay pagkilala sa papel o tungkulin ng isang mamamayan na


dapat niyang gampanan sa komunidad o lipunang kanyang kinabibilangan. Ito rin ay tinatawag
na Patriyotismo. Ang Patriyotismo ay mula sa salitang pater na ang kahulugan ay ama na
karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan. Ang literal na kahulugan ay pagmamahal sa
bayang sinilangan. Ang pagmamahal na ito ay ipinamamalas sa pamamagitan ng marubdob
na paggawa ng gawaing ibinigay o pinili, aktibong pakikilahok sa mga gawain para sa

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 7


kabutihang panlahat, pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral. Madalas
iniuugnay ang salitang nasyonalismo sa patriyotismo. Subalit may pagkakaiba ang mga
kahulugan ng mga salitang ito. Ang nasyonalismo ay pagmamahal sa bayan: isang kamalayan
sa lahi na nag-uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon, wika, kultura, kasaysayan at
pagpapahalaga. (slideshare). Ito rin ay isang sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng
pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may
pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang
pambansang pagsulong. https://philippineculturaleducation.com.ph/nasyonalismo

Bakit mahalaga ang pagmamahal sa bayan?

Mahalaga ang pagmamahal sa bayan sapagkat:

 Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang makamit ang layunin.


Ang pamilya ang unang paaralan ng pagmamahal. Pinalalawak ito sa paaralan at
pinauunlad sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa kapwa, sa lipunan o
sambayanang kinabibilangan o ginagalawan. Kung ang pagmamahal ay nadarama
sa bawat kasapi ng pamilya, walang dahilan upang magkahiwa-hiwalay o
magkasira
ito. Sila ay magiging masaya at makakayanan ang lahat ng pagsubok, paghihirap
at
mga hamon sa buhay na nararanasan. Dahil dito, sila ay nagiging buo at isa sa
mga layunin at hangarin. Ang pagmamahal na ito ang magiging daan upang makamit ang layunin
na nais isakatuparan.

 Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan.


Ang pagsasabuhay ng tapat na pagmamahal sa bayan ay
magdudulot na katahimikan at kapayapaan sa lipunan. Walang
patayang magaganap, walang manloloob o magnanakaw
at magmamalabis sa kapwa, walang negosyanteng magtatago ng
kanyang mga paninda at itataas ang presyo sa panahong kailangang
kailangan, walang isyu ng korupsiyon, walang kalamidad na mangya-
yari na gawa ng tao dahil sa walang habas na pagsira ng kalikasan.
Ang mga problemang socio – economic ay maiiwasan at kung hindi
man ay mapipigilan dahil bawat isa ay may pagmamahal sa bayan. Ang pagmamahal na
ito
ang siyang magbubuklod sa mga tao sa lipunan.

 Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang karapatan at dignidad ng


tao.
Ang pagsasabuhay ng pagkamamamayan ay naipamamalas sa
pagmamahal sa bayan. Ito ay ang pagbabahagi ng talino sa iba,
pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao, pinahahalagahan ang
karangalan ng pamilya, nagmamalasakitan para sa kabutihan ng lahat.
Ang pagmamahal na ito ay nakaugat sa pagkakakilanlan bilang
indibidwal na may pagmamahal sa bayan na iniiingatan ang karapatan at dignidad.

 Napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan.


Ang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may
pagpapahalaga sa kultura, tradisyon at pagkakailanlan ng kanyang
bayan. Tinatangkilik ang sariling produkto ng kanyang bayan,
may pagmamahal at paggalang sa wikang kinagisnan, may kamalayan
sa mga sagisag ng kanyang bayan, may paggalang sa pambansang awit
ng kanyang bayan, may pagkalinga at pagmamahal sa kalikasan. Mahal
mo ba ang iyong bayan? Dahil ang pagmamahal na ito ay paraan upang
pahalagahan ang kultura, paniniwala at pagkakakinlan.

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 8


Ayon kay San Juan Pablo XXlll, “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa
kaniyang karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-
ambag sa kabutihang panlahat.”
Bilang lipunan, ang Pilipinas ay nanghihikayat sa mga mamamayan na isabuhay ang
mga birtud na nakatutulong upang gumawa ng makataong pagpapasiya at kilos tungo sa
makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, kapwa at sa kapaligiran.Ito ang
kahulugan ng birtud ng kabanalan na iniuugnay ni Santo Tomas de Aquino sa patriyotismo. Ito
ay ang mga sumusunod:
 Pagpapahalaga sa buhay. Tulad ng isinasaad sa ating ikalawang modyul sa ikatlong
markahan, ipinahahayag na ang buhay ang pinakamahalagang regalong nakamit ng tao
mula sa Diyos. Ito ay banal at sagrado. Dahil ito ay mula sa Diyos, walang sinumang may
karapatang ito’y bawiin o kunin sa kahit sinuman. Dapat itong igalang at pagyamanin.
 Katotohanan. Hindi kailanman matatawaran ang integridad at hindi pagkukunwari,
tumanggi sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan, walang kapaguran at matiyagang
paghahanap ng lahat ng uri ng kaalaman. Ang integridad ay pinahahalagahan sa lahat ng
oras at pagkakataon
 Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa. Ito ay pagmamalasakit sa kapwa na hindi
kailanman na nangangailangan ng anumang kapalit. Kasama sa responsibilidad ng isang
indibidwal ang tulungan at ipadama sa iba na sila ay bahagi ng ating pagkatao bilang
kapwa tao.
 Pananampalataya. Makakayanan ang lahat dahil sa ating pagmamahal at pagtitiwala sa
Diyos.
 Paggalang. Elemento na bumubuo sa kabutihang panlahat. Naipapakita ito sa
pamamagitan ng pagpapahalaga sa karapatan at dignidad ng isang tao.
 Katarungan. Pagbibigay sa isang tao kung ano ang nararapat para sa kanya at para sa
iba, hindi nagmamalabis o nandayara ng kapwa.
 Kapayapaan. Pagkakaroon ng katahimikan, katiwasayan, kapanatagan at kawalan ng
kaguluhan. Kapag iginagalang ang karapatan ng iba at umiiral ang katarungan, mayroong
kapayapaan.
 Kaayusan. Ang pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang
ugnayan sa kapwa. May disiplina sa lahat ng pagkakataon.
 Pagkalinga sa pamilya at salinlahi. Ang pagkilala ng pamilya sa kanyang tungkulin
bilang pangunahing institusyon ng lipunan. Pangangalaga ng pisikal, moral, ispiritwal at
panlipunang pag-unlad ng bawat kasapi lalo na ang mga bata, pagtuturo sa mga bata ng
kultural, paniniwalang kinagisnan at ang paggalang sa pagkakakilanlan ng bansa.
 Pagngangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang pagsasabuhay ng responsibilidad
bilang tapat na tagapangasiwa ng lahat ng nilikha ng Diyos.
 Kasipagan. Ang pagiging matiyaga na tapusin ang mga gawain nang buong husay at may
pagmamahal. Ginagamit ang talento at kahusayan sa pamamaraang makatulong sa
kapwa.
 Pagkakaisa. Ang pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-isa ang naisin at
saloobin para sa iisang layunin.
 Kabayanihan. Ang magagawa sa bayan at sa kapwa.
 Kalayaan. Ang pagiging malaya na gumawa ng mabuti, mga katanggap-tanggap na kilos
ayon sa batas na ipinatutupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may
dignidad.
 Pagsunod sa batas. Ang pagkilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng
mga ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan ng bawat mamamayan. Isa ito sa
mga pangunahing susi sa pag-unlad ng bansa bilang pagsasabuhay ng makataong
lipunan.
 Pagsusulong ng kabutihang panlahat. Ang sama-samang pagkilos upang mahikayat
ang lahat na lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti hindi lamang
ng sarili, pamilya kundi ng lahat.

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 9


Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay
nauunawaan
ang pangangailangang maglingkod sa bayan at sa kapwa. Alam niya
kung kailan siya kikilos dahil sa angking karunungan. Ibibigay ang
nararapat para sa iba, kokontrolin ang sarili lalo na sa mga
sitwasyong
siya lamang ang makikinabang at hindi ang lahat. Paggawa ng
paghuhusga ay dumaraan sa isang prosesong magdidikta upang
gawin ang mabuti para sa kabutihang panlahat. Tulad ng nasasaad
sa
Roma 13:8-10
“Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y magmahalan sa isa't
isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan. Ang mga utos gaya
ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag
mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay
nauuwing lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong
sarili.” Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang
katuparan ng Kautusan.”

Sa gitna ng mga pagpapahalagang dulot ng pagmamahal sa bayan mayroon pa ring mga


paglabag na nangyayari sa pagmamahal na ito.
Paglabag sa Konsepto ng Patriyotismo o pagmamahal sa bayan
Marami pa ring paglabag sa pamantayan at konsepto ng pagkamakabayan ang
makikita natin sa ating paligid.
 Makikita natin ang mga paglabag na ito sa mga Pilipino na pinipilit dayain ang pamahalaan
sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagbabayad ng tamang buwis,
 Sa mga motorista at pasahero na lumalabag sa batas trapiko upang mapabilis ang
kanilang paglalakbay,
 Sa mga ordinaryong tao na pipiliing magbigay ng padulas, lagay o regalo upang makuha
ang kanilang nais,
 Sa mga manggagawang pribado o pampublikong sector na dinaraya ang kanilang oras o
trabaho upang kumita nang mas malaki.
Makikita rin natin ang paglabag sa konsepto ng pagmamahal sa bayan sa mga taong
pinipilit ibagsak ang kapwa nila na nagtagumpay, maging sa mga pulitiko na ibinubuhos ang
kanilang lakas at oras sa paninira, pagganti, at pakikipag-away sa kanilang mga kalaban sa
halip na harapin ang mga proyekto o batas na magpapabuti sa kalagayan ng mga taong
kanilang pinaglilingkuran.
Maraming halimbawa ng mga kaso ng paglabag sa konsepto ng patriyotismo ang
makikita sa ating paligid ngunit hindi kayang maituwid ang mga bagay na ito. Nakikitang may
kakulangan sa pagkakabuo ng konsepto ng patriyotismo o pagmamahal sa bayan. Ito ay
nauugat sa pagkabigo natin na linangin ang mentalidad na tayo ay iisa bilang mamamayan ng
iisang bansa. Hindi natin maiugnay ang ating sarili at ang ating interes sa kapwa Pilipino at sa
interes ng bayan. Mayroon pa tayong makakayang gawin upang patunayan at linangin ang
ating patriyotismo.
Paano Maipakikita ang Pagmamahal sa Bayan o Patriyotismo?
Ang isang bansa ay umuunlad at lumalago sa pamamagitan
ng kanyang mamamayan. Ang kahihinatnan niya ay nakasalalay sa
klase ng mga taong kanyang kinukopkop. Isa sa magagawa natin
ay ipakita ang ating pagmamahal dito. Ilan dito ay ang mga sumu-
sunod:
 Gawin ang tungkulin bilang isang mabuting mamamayan. Isabu-
hay ang mga bagay na natutunan natin mula pa sa ating pagka-
bata tulad ng paggalang sa ating mga magulang, sa mga taong

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 10


may katungkulan, pagsunod sa batas at mga alituntunin na ipinatutapad sa ating mga
tahanan, paaralan at pamayanan, pangangalaga sa kalikasan at paggalang sa mga
simbolo ng ating bansa ay kailangan nating isagawa. Kasama rito ang pagpapabuti sa
ating sarili sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at pag-abot sa ating mga pangarap.
Ang anumang magandang kahahantungan natin bilang isang indibidwal ay magiging
malaking kontribusyon sa pagsasaayos ng ating bansa at ng lipunang ating kinabibilangan.
 Kilalanin ang bansa at ang mga mamamayan nito. Ang pag-unawa kung sino tayo bilang
isang lahi at kung ano mayroon ang ating bansa ay magpapalalim sa ating ugnayan sa
ating bansa, sa kanyang kasaysayan at mamamayan. Mapatitibay nito ang ating
pagmamalaki sa ating pagkakakilanlan at sa ating bayan.
 Ariin ang tagumpay at kabiguan, kalakasan at kahinaan ng bayan bilang kasangkapan sa
sariling tagumpay. Ang tanging paraan upang maiugnay ang sarili sa bansa ay isipin na ito
ay karugtong ng sarili gaya ng turing natin sa ating pamilya.
 Maging aktibo na kasapi ng lipunan. Hindi lamang dapat tayong naghihintay kung ano ang
sasabihin o ipagagawa sa atin. Humanap tayo ng mga paraan kung paano tayo
makakatulong sa ating bayan sapagkat hindi lahat ay kakayanin ng mga pamunuan.
Kailangang magtulungan ang bawat isa para sa ikabubuti at ikauunlad ng bayan. Sa
pamamagitan ng aktibong pakikibahagi, magiging maayos hindi lamang ang pamamalakad
ng mga pinuno kundi maging ang ugnayan sa kanila.
 Ipanalangin ang mga namumuno at ang kapwa mamamayan. Ang kapangyarihan ng Diyos
ay hindi matatawaran kailanman, ang pagtawag sa Kanya, paghingi ng patnubay ay
mahalaga sa pagsasakatuparan ng mithiin sa buhay. Malaking bagay
para
sa bansa at kapwa mamamayan kung lagi silang isasama sa panalangin.
Pakikinggan at hindi pababayaan ng Diyos ang pamayanang nagkakaisa
sa pananampalataya at paggawa para sa kabutihang panlahat.

Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya, hindi ito aksidente,


nakaplano ito ayon sa kagustuhan ng Diyos bilang isang indibidwal
na sumasakatawang diwa. Maisasakatuparan ito at magiging
bahagi ng kasaysayan kung magkakaisa tayo bilang mamamayang
may pagmamahal sa bayan.
Sa mga kaisaipang nabanggit, tiyak akong naintindihan mo
na kung paano ipamamalas ang pagmamahal sa bayan, Napakisimple
lang di ba? Dahil ikaw at ako ay Pilipinong nagmamahal sa
bayan at may mga pagpapahalagang nag-aambag sa pag-angat ng
kulturang Pilipino para sa kaunlaran ng bansa. Handa ka na bang
isabuhay ito?

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Tayahin natin ang iyong pag-unawa.

Panuto: Ano-anong mga konsepto ang iyong nakuha at naunawaan sa ating aralin? Gamit ang
concept map na nakatala sa ibaba, isulat ang iyong tugon.

Pagmamahal sa Bayan

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 11


Petsa na natapos ang gawain:
Oras:
Lagda ng Magulang
(Signature over printed name)
Lagda ng Guro
(Signature over printed name)

Ang pagiging mulat sa kaalaman at kahalagahan ng pagmamahal sa bayan ay simula


upang maibahagi natin ang ating sarili para sa ikauunlad ng atin bayan. Ang pagkakaroon ng
katiwasayan at kapayapaan sa lipunan ay nagsisimula sa ating mga sarili. Kung
isinasakatuparan natin at isinasabuhay nang buong tapat ang pagmamahal sa bayan,
susulong at uunlad ang ating bayan. Huwag tayong matakot na sumubok sapagkat kasama
natin ang ating Panginoon sa lahat ng laban ng ating buhay tulad ng kanyang pangako na
“Ako’y kasama ninyo sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng panahon.” (Mateo 28:20b).
Sa pagsasabuhay ng iyong pagkatuto, magiging daan ka upang gisingin ang puso at
isipan ng iyong kapwa kabataan sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan. Gagawa ka ng
isang flyer na maglalaman ng mga kaalaman at kahalagahan ng pagmamahal sa bayan. Sa
pamamagitan ng flyer na ito, mahihikayat ang mga kabataang tulad mo na mamuhay sa
lipunan nang may buo at tapat na pagmamahal. Kasama sa lalamanin ng iyong flyer ang mga
hakbang upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan. Ito ay gagawin sa isang malinis na
papel ( long size bond paper na itutupi sa dalawa).
Rubirc para sa pagsasabuhay ng pagkatuto
3 2 1
Nilalaman Malinaw at buong husay Hindi malinaw ang Hindi nakapagpahayag
na naipahayag ang mga pagpapahayag ng mga ng mga kaalaman at
kaalaman at kahalagahan kaalaman at pagpapahalaga sa
ng pagmamahal sa pagpapahalaga sa pagmamahal sa bayan at
bayan. pagmamahal sa bayan. hindi nakapagtala ng mga
Nakapagtala ng mga Nakapagtala ng mga kongretong hakbang
kongretong hakbang hakbang na maipamalas upang maisabuhay ito
upang maipamalas at ang pagamamahal sa
maisabuhay ang bayan subalit kulang sa
pagmamahal sa bayan. panghihikayat upang
Ang mga hakbang ay maisabuhay ang
sumasalungat sa mga pagmamahal sa bayan.
paglabag sa
pagsasabuhay sa
pagmamahal sa bayan.

Organisasyon Maayos ang daloy ng Maayos ang daloy ng Hindi maayos ang daloy
kaisapang ipinapahayag kaisipan subalit may mga ng kaisipan na
sa ginawang flyer. bahagi na hindi ipinahahayag
maunawaan.

. Binabati kita! Natapos mo na ang iyong na modyul! Maaari mo na ngayong isulat ang
mga bagay na natutunan at natagpuang kawili-wili.

Batay sa ating aralin, ano ang iyong bagong natutunan at maisasakatuparan


bilang isang taong may pagmamahal sa bayan. Sa puwang sa ibaba, isulat ang
iyong IKATLONG
ESP/CL mga natutunan sa MODYUL
MARKAHAN modyul3 na ito. LEAH Q. SALAMATE
– MARIA 12

SANGGUNIAN

Bartolome, C. Cabato, C. Pulvinar, S. Ribo, l. Suratos, S. 1998. The Church and the
Sacraments. 2nd ed. Metrlo Manila: Vibal Publishing House, inc.

Caberio, S. Nicolas, M. Punsalan, T. Reyes, W. 2019. Paano Magpakatao. Manila, Philippines:


Rex Book Store

Edited by: Arguelles, J. Jr & Ching, Desiderio. n.d. Bibliya ng Sambayanang Pilipino.
Katolikong Edisyong Pastoral. Makaty City: Claret Publishing Group.

Kagawaran ng Edukasyon sa Republika ng Pilipinas. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao


Modyul para sa Mag-aaral. Meralco Avenue, Pasig City: FEP Printing Corporation

Mula sa Internet

Freepik. Teacher teaching cute children. Retrieved: December 27, 2020 from
https://image.freepik.com/free-vector/teacher-teaching-cute-childrens-reading-books_38747-
503.jpg

@jumargachomiano. Watawat ng Pilipinas. Retrieved: December 25, 2020


https://www.google.com/search?
q=watawat+ng+pilipinas&sxsrf=ALeKk02cs59bb2RX9XJpFKs8TJYRC8SCSw:1608898503183
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiY1Yv-
jentAhWkGqYKHUM3AZUQ_AUoAXoECAQQAw&biw=1600&bih=757#imgrc=ohU9fMeOOVp
gvM

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 13


Lovepik. Png. Maligayang ikalawang larawan ng bata. Retrieved: December 27, 2020 from
https://img.lovepik.com/element/40126/8700.png_860.png

Pilipino Ako. Retrieved: December 26, 2020 from


https://pbs.twimg.com/profile_images/2477817256/2d0d899cbg0888d4nnhs.jpeg

https://neonlibrarian.files.wordpress.com/2011/07/thinker.jpg. Retrieved: December 26, 2020.

https://organicmattersblog.com/wp-content/uploads/2013/12/the-world-in-our-hands.jpg?
w=300. Retrieved: December 27, 2020.

Royal Consumer Scroll Design Printer Paper. Retrieved: December 24, 2020
fromhttps://target.scene7.com/is/image/Target/GUEST_d9d4e7b9-6e90-4b31-a86e-
d57b727ee0f5?wid=488&hei=488&fmt=pjpeg

ESP/CL IKATLONG MARKAHAN MODYUL 3 – MARIA LEAH Q. SALAMATE 14

You might also like