You are on page 1of 5

Learning Activity Worksheets 2

Araling Panlipunan 10
Pangalan: ______________________ Petsa: ______________ Iskor:________________

KALAGAYAN NG PAGGAWA SA BANSA SA KONTEKSTO NG


GLOBALISASYON
GAWAIN 1Labor Status Fishbone Analysis
Suriin ang sumusunod na pangungusap sa ibaba at ilapat ito sa fishbone diagram kung ito
ba ay sanhi o bunga ng globalisasyon sa kalagayan ng sektor ng paggawa sa ating bansa.

KALAGAYAN NG SEKTOR NG PAGGAWA SA


ILALIM NG GLOBALISASYON

S A N H I

B U N G A

1. Pagpasok ng dayuhang produkto sa ating bansa.


2. Labis na pagtangkilik sa mga produktong banyaga.
3. Pagkakaroon ng ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa.
4. Mahigpit na kumpetisyon sa industriya at agrikultura.
5. Shortage ng mga lokal na produkto.
6. Pagtatakda ng global standards.
7. Globally competitive ang mga mamamayan.
8. Pagtiyak sa sapat na kaalaman ng mga manggagawa
9. Paglaki ng kita ng mga negosyante.
10. Pagbubukas ng mga bansa sa kontekstong global.

Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga sanhi at bunga, ang sa tingin mo ay positibo at negatibo? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
2. Paano mo ilalarawan ang kalagayan ng sektor ng paggawa sa ilalim ng globalisasyon?
3. Bilang mag-aaral, paano mo ihahanda sa ang iyong sarili bilang magiging kabahagi ng
sektor ng paggawa sa hinaharap?

GAWAIN 2: Donut Diagram: Labor Holes

Sa pamamagitan ng donut diagram suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang at


tukuyin kung anong isyu ng paggawa ito. Pagkatapos nito ay sagutin ang mga pamprosesong
tanong.

1. Ang mga mangggawa ay hindi nagkaroon ng pagkakataong magamit ang kanilang


kaalaman o kasanayan dahil hindi angkop ang kanilang trabaho sa tinapos na kurso.
2. Ang mga kapitalista o namumuhunan ay naglalayong mapataas ang kanilang kita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mababang pasahod at paglilimita ng oras ng pagtatabaho
ng mga mangagagawa.
3. Ang isang kompanya ay kumukuha ng isang ahensya o isang partikular na tao upang
magserbisyo sa loob ng isang itinakdang panahon ng paggawa.
4. Ang subcontractor ay magpapasok ng isang bihasang mangagawa sa isang kompanya at
siya ay walang sapat na puhunan upang gawin ang isang serbisyo.
5. Ang subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain
ng mga manggagawang kaniyang pinasok.
6. Ang iskema o patakarang ipinatutupad ng mga kompanya kung saan pansamantala lamang
ang posisyong itinakda sa isang manggagawa na karaniwan ay hindi umaabot ng anim na
buwan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang itinuturong pangunahing salik bakit nagaganap ang ganitong mga uri ng isyu o
suliranin sa paggawa?
2. Bakit itinuturing ang mga konsepto o sitwasyong ito bilang mga isyu o suliranin sa
paggawa?
3. Sa iyong palagay, alin sa mga isyu ang higit na nilalabanan ng mga manggagawa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

GAWAIN 3: SHOUT OUT! Saloobin Mo! Ipahayag Mo!

Basahin ang sumusunod na sitwasyon at ipahayag ang iyong saloobin sa SHOUT OUT BOX
gamit ang isang malinis na papel. Pagkatapos nito ay sagutin mo ang mga pamprosesong
tanong.

S
O
H
U
O

Si Ben ay isang clerk sa isang kilalang kompanya. Tuwing bago mag-ikaanim na buwan lagi
siyang pinapipirma ng “renewal of contract”. Subalit, sa hindi inaasahang pagkakaroon ng
pandemyang Covid-19 isa siya sa agad na tinanggal sa trabaho at walang nakuhang ano mang
benepisyo mula sa kanyang pinagtrabahuhang kompanya.

Nagtapos si Annie ng kurso bilang isang nurse. Ngunit dahil may malubhang sakit ang
kanyang nanay ay kailangan niya itong ipagamot. Maliit lamang ang sweldo ng isang nurse kung
kaya’t nag apply siya bilang isang call center agent at agad namang natanggap.

gamit ang isang malinis na papel. Pagkatapos nito ay sagutin mo ang mga pamprosesong
tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang mga isyu o sitwasyon ipinakita sa bawat kahon?
2. Sa iyong palagay, ano ang dapat na gawin ng pamahalaan sa ganitong mga uri ng
sitwasyon?
3. Kung ikaw, ay malalagay sa ganitong uri ng sitwasyon sa hinaharap bilang
mangggawa ano ang iyong maaring gawin?

GAWAIN 4: Editorial Cartoonalysis: Kalagayan ng Manggagawa

Suriin at ipaliwanag ang sumusunod na editorial cartoons sa pamamagitan ng pagsagot


sa mga pamprosesong tanong.

_________________________________________________________________________________________________
2
Markahan: 2 Linggo Blg.: 3 - 4
MELCs: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa

Tala para sa Guro:


(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang mga isyu o sitwasyon ipinakita sa bawat kahon?
2. Sa iyong palagay, ano ang dapat na gawin ng pamahalaan sa ganitong mga uri ng
sitwasyon?
3. Kung ikaw, ay malalagay sa ganitong uri ng sitwasyon sa hinaharap bilang mangggawa
ano ang iyong maaring gawin?

Mga Isyu sa Paggawa


GAWAIN 1: Pic-to-Concept!

Suriin ang mga sumusunod na larawan at isulat sa patlang kung anong karapatan ito ng
manggagawa at sagutin ang pamprosesong tanong.

1. 2.

https://tinyurl.com/yxgu38tq https://tinyurl.com/y6468b tq

3. 4.

https://tinyurl.com/y3scrbp6 https://tinyurl.com/yy9xfovx

5.

Pamprosesong Tanong:

1. Dapat bang https://tinyurl.com/y2hhayan malaman ng mga


mangagawa ang kanilang mga karapatan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Bakit mahalagang pangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa?
3. Masasabi mo bang aangat ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawa kapag
ang mga karapatang ito ay maayos na naipatupad? Pangatwiranan ang iyong sagot.

GAWAIN 2: Quadruple Diagram

Gamit ang isang malinis na papel o short bond paper, punan ng mahahalagang impormasyon
ang dayagram na nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba sa gampanin ng mga
nakapaloob na mga institusyon o batas sa sektor ng paggawa..

_________________________________________________________________________________________________
3
Markahan: 2 Linggo Blg.: 3 - 4
MELCs: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa

Tala para sa Guro:


(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong palagay bakit mahalaga ang mga naturang institusyon at batas para sa isang
mangagawa?
2. Batay sa nabuong dayagram, ano ang iyong naging konklusyon tungkol sa mga karapatan na
nararapat na matamasa ng mga manggagawa?
3. Bilang isang magiging manggawa sa hinaharap, paano makatutulong sa iyo ang pagkakaroon
ng kaalaman sa mga karapatan sa paggawa?

GAWAIN 3:Picture&Text Paints a Thousand Words!

Suriin ang sumusunod na larawan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pamprosesong tanong.

LARAWAN A Social LARAWAN B


Ameliorati
on
Program
(SAP)…S

https://tinyurl.c

LARAWAN C LARAWAN D

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mensaheng na nais iparating ng bawat larawan?


A: __________________________________
B: __________________________________
C: __________________________________
D: __________________________________
2. Bakit naging mahirap pa rin para sa mga manggagawa ang nararanasang pandemya sa
kabila ng pagtulong ng ating pamahalaan? Ipaliwanag ang sagot
3. Bilang isang mag-aaral, paano hinarap ng iyong kapatid, magulang o kamag-anak na
manggagawa ang pandemya na nakaapekto sa kanilang hanapbuhay?

GAWAIN 4 : Comic Strip: Usapang Manggagawa!

Sa pamamagitan ng isang papel o short bond paper, ikaw ay bubuo ng isang comic
strip gamit ang template sa ibaba na nagpapakita ng usapan ng dalawang manggagawa
_________________________________________________________________________________________________
4
Markahan: 2 Linggo Blg.: 3 - 4
MELCs: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa

Tala para sa Guro:


(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
tungkol sa unyon. Marapat na mailahad mo sa dialogue ng mga tauhan ang layunin at
kahalagahan ng unyon sa mga manggagawa at lipunan. Mas mabuting magsaliksik ng
karagdagang babasahin tungkol sa unyon upang mas maayos mo itong maisagawa.

Pamprosesong Tanong:
1. Isa-isahin ang ibig sabihin ng mga simbolismo sa bawat larawan.
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng bawat larawan?
3. Bakit nahaharap sa mga ganitong sitwasyon ang mga manggagawa?

_________________________________________________________________________________________________
5
Markahan: 2 Linggo Blg.: 3 - 4
MELCs: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa

Tala para sa Guro:


(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)

You might also like