You are on page 1of 32

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 10
Ikatlong Markahan – Modyul 2
(Ikatlo at Ikaapat na Linggo)
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

MELC:
Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at
LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender)
AP10IKL-IIID-6

Inihanda nina:

MICHAEL ANGELO G. BALLENA JOANN A. GAPUZAN


Teacher I Teacher II

Davila National High School


Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Michael Angelo G. Ballena


Joann A. Gapuzan
Editor: Kruchev B. Paet
Erwin L. Ablao
Tagasuri: Angelita F. Gaoiran
Erwin L. Ablao
Tagalapat: John Nestlee A. Ravina
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Milagros Sandra G. Malvar
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Schools Division of Ilocos Norte
Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
(Ikatlo at Ikaapat na Linggo)
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sap ag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masuklat ang
nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

2
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong pagkatuto. Ito ay


naglalayong makapagbahagi ng mga kaalaman at mahahalagang kaisipan o ideya
tungkol sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Ang modyul na ito ay
maaaring magamit para sa iyong pagkatuto sa anumang paraan at sitwasyon. Ang
mga salitang nakapaloob at ginamit dito ay nakabatay sa lebel ng pang-unawa at
kaalaman ng mga mag-aaral. Ang bawat aralin na nakapaloob sa modyul na ito ay
naisaayos na angkop sa mga naitalang pamantayan ng asignaturang ito.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa paksang ito:


● Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae, at LGBT

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

● Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan kalalakihan


at LGBT (Lesbian, Gay, Bi – sexual , Transgender) (MELC #2)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang


sumusunod:
● Naibibigay ang pansariling pagpapakahulugan sa salitang diskriminasyon;
● Nasusuri ang iba’t-ibang salik ng diskriminasyon sa kasarian;
● Natutukoy ang mga diskriminasyong dinaranas ng mga kalalakihan,
kababaihan at kasapi ng LGBT;
● Nasusuri ang epekto ng suliranin sa diskriminasyon sa pamumuhay ng mga
kalalakihan, kababaihan, at mga miyembro ng LGBT;
● Natutukoy ang mga karapatan ng mga lalaki, babae at LGBT;
● Nakabubuo ng mahahalagang hakbang at desisyon tungo sa mas maayos na
pang-unawa sa bawat kasarian; at
● Nakapagbabahagi ng saloobin o pananaw tungkol sa diskriminasyon na
nararanasan ng mga kababihan, kalalakihan at mga LGBT.

1
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy


ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga diskriminasyong kinakaharap
ng mga lalaki, babae at miyembro ng LGBT. Handa ka na ba? Kung ganun,
simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin ng mabuti ang sumusunod na pahayag at katanungan.


Piliin ang pinakaangkop na sagot batay sa mga naibigay na pagpipilian. Isulat
ang iyong sagot sa malinis na papel.

1. Ano ang tawag sa restriksiyon o eksklusyon batay sa kasarian na


nagdudulot ng hindi paggalang o pagkilala ng lahat ng kasarian sa mga
karapatan o kalayaan nila?
A. Diskriminasyon B. Inklusyon
C. Karahasan D. Pananamantala

2. Saang bansa isinasagawa noon ang sistemang Sati, kung saan ang mga
kababaihan ay napipilitang magpakamatay kapag pumanaw ang
kanilang asawa?
A. England B. India
C. Pilipinas D. Tsina

3. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong tradisyon sa


bansang India at sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang magulang ng
babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki. Ang
ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noong pang 1961. Alin
sa mga sumusunod na batas ang nagwakas sa ganitong tradisyon?
A. India Penal Code
B. Anti-Dowry Law
C. Nine-point checklist
D. Violence – against Dowry Law

4. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t


ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang foot
binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng
hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal
o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga
Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang
maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan.
Ano ang tawag ditto?
A. Babaylan B. Dowry
C. Lotus feet D. Purdah

2
5. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

“LGBT rights are human rights”


-Ban Ki – Moon
A. Ang mga miyembro ng LGBT ay dapat tratuhing tao.
B. Ang mga miyembro ng LGBT ay may karapatang-pantao.
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.

6. Ang pag-amin ng mga miyembro ng LGBT sa kanilang sekswal na


oryentasyon sa lipunan ay isang malaking pagsubok sa kanilang sarili
at paninindigan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan sa
pagsubok na kanilang kinakaharap?
A. Hindi pagtanggap ng sariling pamilya at kaibigan.
B. Takot sa panghuhusga at salita ng iba.
C. Mapagkaitan ng karapatan at serbisyong panlipunan.
D. Lahat ng nabanggit.

7. Ang ating lipunan ay nasa post-gender era o panahon kung saan


nagiging pantay na ang pagtrato sa kababaihan at kalalakihan. Alin sa
mga sumusunod na sitwasyon ang pangunahing sumasalamin o
nagpapakita ng transisyon patungo sa panahong ito?
A. Si Angelica ay isang butihing asawa na pinagkakaitan ng
kalayaan na makapag-hanapbuhay para sa pamilya.
B. Si Andres ay kilalang siga at maskulado na asawa sa kanilang
baryo pero, ngayon ay may responsibilidad na maglinis sa bahay
at magbantay sa mga anak.
C. Si Christine ay pinagbawalang mag-aral, namulat sa mga
gawaing bahay at ipinagkasundong ipakasal na hindi ayon sa
edad. At dahil dito, sinikap niyang huwag matulad ang kanyang
anak na babae sa kasalukuyan.
D. Si Jenny ay kilala bilang isang mahinhin at magandang babae sa
kanilang lugar pero kilala rin siya bilang isang mahusay na
mekaniko.

8. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang
biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na
domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang mga
sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan MALIBAN
sa isa. Ano ito?
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang
kalaguyo.
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat
lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga
anak o alagang hayop.

3
9. Ang sosyo-kultural ay isang salik na dahilan ng diskriminasyon na
nakabatay sa kasarian ng isang tao sa isang partikular na lipunan na
may sariling kultura at paniniwala. Alin sa mga sumusunod na
kaugalian o gampanin sa lipunan ang HINDI kabilang sa salik na ito?
A. Sistema ng pagpapaliit ng paa ng mga babae hanggang tatlong
pulgada sa Tsina.
B. Hindi pagtanggap sa mga kababaihan sa ibat-ibang hanapbuhay
dahil sa kanilang lakas at abilidad.
C. Ang gawain sa bansang Cameron na tinawag na Breast Ironing
upang maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.
D. Ang pagkitil sa sariling buhay ng mga kababihan sa bansang
India kapag namatay ang kanilang mga asawa.

10. Suriin ang larawan at sagutin ang tanong. Ano ang


ipinapahiwatig o ipinapakita ng larawan?

A. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga


gawaing bahay.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga
lalaki ang naiiwan sa bahay

11. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ikwalidad o


pantay na katayuan ng mga kababaihan, kalalakihan at mga miyembro
ng LGBT?
A. Pagkakaroon ng mas mataas na posisyon ng mga kalalakihan
kaysa sa mga kababaihan.
B. Pagsali ng LGBT sa lakas paggawa.
C. Pagdepende ng mga kababaihan sa kalalakihan sa aspetong
pinansyal.
D. Wala sa nabanggit

12. Ang mga polisiyang panlipunan ay isang mahalagang


instrumento sa pagpapanatili ng kaayusan, ikwalidad at upang
matugunan ang mga problema ng bawat isa sa lipunan. Bakit
kinakailangang magkaroon ng polisiya na tumatalakay sa mga isyung
pangkasarian?
A. Mabigyang daan tungo sa pagkakasundo-sundo ng bawat
kasarian.

4
B. Maisaayos ang sistema ng lipunan tungo sa maunlad at
nagkakaisang mamamayan.
C. Mabigyang proteksyon ang bawat kasarian sa anumang
diskriminasyon, pang-aabuso at krimen tungo sa pantay-pantay
na karapatan.
D. Maituwid ang pagkakamali ng bawat kasarian sa lipunan

13. Ang diskriminasyon batay sa sekwal na oryentasyon ng isang tao


ay isang maling gawain na dapat maiwasto sa panahong ito. Alin sa
mga sumusunod ang masamang dulot sa kabuuang pagkatao ng isang
indibidwal na kumakaharap sa suliraning ito?
A. Maaring mawala ang tiwala sa sarili at sa kapwa.
B. Depresyon na maaring maging sanhi ng pagkitil sa sariling
buhay.
C. Pagbabawal sa sarili sa anumang sosyal na okasyon at
pagrerebelde.
D. Lahat ng nabanggit.

14. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng


diskriminasyon sa mga kalalakihan?
A. Ang mga lalaki ay hindi nababagay sa loob ng tahanan.
B. Ang mga lalaki ay may kakayahang katulad ng mga babae.
C. Ang mga kalalakihan ay hindi naaayon sa mga trabahong
ginagamitan ng isip at emosyon.
D. Sagot A at C

15. Alin sa sumusunod na pahayag ang kinakailangang isaalang-


alang upang maiwasan ang diskriminasyon batay sa kasarian?
A. Maging bukas sa mga oportunidad at trabaho para sa lahat ng
kasarian
B. Maging pantay-pantay sa lahat ng serbisyo at paggamit sa mga
pasilidad ng gobyerno
C. Mabigyan ng batas na tumutulong na protektahan ang
Karapatan at dignidad ng bawat kasarian
D. Lahat ng nabanggit

5
Diskriminasyon sa Kababaihan,
ARALIN
1
Kalalakihan at LGBT (Lesbian,
Gay, Bi – sexual, Transgender)

Ang usaping diskriminasyon sa mga kababaihan, kalalakihan at LGBT


ay isa sa mga napapanahong isyu sa daigdig. Alam mo ba ang kahulugan ng
diskriminasyon? Gaano ba kalalim ang iyong pag-unawa sa usaping
diskriminasyon? Ano ang mga pananaw at saloobin mo sa usaping ito? Ano-
ano ang mga salik na dahilan ng diskriminasyon sa kasarian? Nakaaapekto
ba ang diskriminasyon sa kanilang pamumuhay? Ito ay ilan lamang sa mga
katanungang iyong masasagot sa aralin na ito.

Handa ka na ba? Kung ganun ay simulan mo na ang pagbasa at


pagsagot sa mga susunod na gawain.

Balikan

Tinalakay sa unang aralin ang konsepto ng kasarian, ang


ginagampanan ng kasarian sa lipunan at ang gender roles sa buong mundo.
Mahalaga ito sa iyong pag-aaral sa diskriminasyong natatamasa ng mga
kalalakihan, kababaihan at LGBT sapagkat binibigyan ka nito ng sapat na
impormasyon para sa mas malawak na pag-unawa sa sulirang panlipunang
ito.
Sa iyong pagbabalik-aral, mag-isip ka ng mga pangyayari o naranasan
mo sa iyong buhay na pakiwari mo’y mayroong hindi tama sa pagtrato o di
makatarungan ang pagtingin sa iyo. Ano ang iyong naramdaman o saloobin
sa mga panahon na iyon? Paano mo hinarap ang ganoong sitwasyon?

Ang aking karanasan Ang aking saloobin sa Mga hakbang na


aking karanasan ginawa ko para
malampasan ang
problemang ito

Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng kanilang maling pagtrato batay
sa iyong karanasan?
2. Naging batayan ba nila ang iyong kasarian sa kanilang pagtrato? Ilahad
kung papaano.

6
Mga Tala para sa Guro
Tandaan na sa huli, ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga
isyung tulad nito ay maghahatid at magbibigay sa iyo ng
kamalayan sa lahat upang makasabay sa mga nangyayari sa
ating lipunan at makatulong sa pagbibigay ng solusyon na
makakabuti para sa lahat.

Tuklasin

Gawain 1: Isip-Isip!
A. Panuto: Suriin ang sumusunod na mga larawan kaugnay ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kasarian at sekswalidad.
Bilugan ang OO kung ito ay nagpapakita ng diskriminasyon at HINDI
kung ito ay hindi. Pangatwiranan ang iyong sagot sa loob ng ikatlong
kolum.

Isyu Oo/Hindi Paliwanag

Oo
1. Hindi

2. Oo
Hindi

https://tl.mort-sure.com/note/boy-vs-girl-basketball/

3. Oo
Hindi

https://www.shutterstock.com/search/working+mates

7
4. Oo
Hindi

https://www.google.com/search?q=babae+nagtratrabaho+sa+construction+site+

5. Oo
Hindi

https://tnt.abante.com.ph/p400k-multa-para-sa-
christmas-costume-ng-mga-guwardiya/

B. Self-Survey
Panuto: Gamit ang self-survey sa ibaba, basahin at unawain ang
bawat pahayag. Lagyan ng TSEK (/) ang OO kung ang pahayag ay
naranasan at EKIS (X) ang HINDI kung hindi pa nararanasan. Sa
pangatlong kolum ibigay ang hinihingi nitong impormasyon.

SELF-SURVEY OO HINDI OO-Ilahad ang


pangyayari

HINDI- Ano
ang magiging
reaksyon mo?
1. Ikaw ay tinatawag ng mga
masasakit na pangalan.

2. Ikaw ay inilalantad sa mga


hindi nararapat na biro,
litrato, e-mails at social
media.

3. Tinanggihan kang bigyan ng


mga serbisyo dahil sa iyong
identidad ng kasarian o
pagpapahayag nito.

8
4. Ikaw ay tinanggal o hindi
isinali sa mga gawain o
paligsahan sa paaralan dahil
naging sanhi sa desisyon ay
ang iyong identidad ng
kasarian o pagpapahayag
nito.
5. Tinanggihan ka na maging
miyembro ng isang grupo at
maging ang iyong sinisinta
dahil sa iyong identidad ng
kasarian o pagpapahayag
nito.

Suriin

Depenisyon ng Diskriminasyon
Ang diskriminasyon ay ang anomang pag-uuri, eksklusyon, o
restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang
mga karapatan o kalayaan.
Samaktuwid, ang diskriminasyon sa kasarian at sekswalidad ay
itinuturing na gawi ng lipunan na nagpapakita ng hindi pantay-pantay
na pagtrato sa mga indibidwal at nagdudulot ng negatibong damdamin
o pananaw. Makikita ang diskriminasyon sa iba’t-ibang anyo tulad sa
mga paglabag sa karapatan sa buhay, trabaho, at sa privacy, at mga
uri ng pang-aabuso at hindi pantay na oportunidad sa mga
karapatang panlipunan, pangkabuhayan at kultural.
Mga Salik na Dahilan ng Diskriminasyon sa Kasarian
1. Sosyo-Kultural
Malaki ang impluwenisya ng sosyo-kultural na salik sa diskriminasyon sa
kasarian. Ang mga nalaman o natutunan sa lipunan at pagsunod sa
tradisyunal na gampanin ng mga kasarian ang higit na nakaaapekto sa
pagtingin sa pagkakaiba ng kasarian. Sa patriyarkal na lipunan ang mga
kalalakihan ang mayroong awtoridad at kapangyarihan samantalang ang
mga kababaihan naman ay taga-suporta nila. Ang mga kababaihan ay
pinaniniwalaan na may katangian ng pagiging mahinhin, matiisin,
matulungin, nagsasakripisyo, hindi nakikipagtalo at masunurin.

9
A. Sistemang Sati ng India

Sa kasaysayan ng India winakasan ang sistemang Sati, kung


saan ang kababaihan ay napipilitang kitilin ang buhay kapag namatay
ang kanyang asawa, subalit hindi pa rin katanggap-tanggap na muling
mag-asawa ang nabalong babae.

B. Foot binding sa China


Ang foot binding ay isinasagawa ng
mga sinaunang babae sa China. Ang mga
paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit
hanggang sa tatlong pulgada gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog
sa talampakan. Ang korte ng paa ay
pasusunurin sa bakal o bubog sa
talampakan. Ang korte ng paa ay
pasusunurin sa bakal o bubog sa
pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng
paa nang paunti-unti gamit ang telang
https://openendedsocialstudies.org/2016/06/25/f
oot-binding-and-the-standard-of-beauty/
mahigpit na ibinalot sa buong paa. Ang
tawag sa ganitong klase ng mga paa ay
lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito.
Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala
bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound
feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang
kanilang pakikisalamuha. Tinanggal ang ganitong sistema sa China
noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-
mabuting dulot ng tradisyong ito.

C. Breast ironing o breast flattening sa Africa

Ang breast ironing o breast flattening


ay isang kaugalian sa bansang
Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito
ang pagbabayo o pagmamasahe ng
dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o
spatula na pinainit sa apoy. May
pananaliksik noong 2006 na
https://sites.psu.edu/cameroonbreastironing/2015/04/23/hello-
world/
nagsasabing 24% ng mga batang
babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa
anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan
nito ay upang maiwasan ang:
(1) maagang pagbubuntis ng anak;
(2) paghinto sa pag-aaral; at
(3) pagkagahasa

10
Ang mga dahilan na nabanggit ay mula sa paniniwala ng ina sa paglaki
ng dibdib ng anak. Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin
ang breast ironing o breast flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory
Coast, Guinea-Bissau, Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe. Bukod
sa pagiging mapanganib ng breast ironing, marami ring kritisismo ang
binabato sa pagsasagawa nito. Ang GIZ (German Development Agency) at
RENATA (Network of Aunties), ay ilan sa mga organisasyong sumusuporta sa
kampanya ng mga batang ina na labanan ang patuloy na pag-iral ng gawaing
ito. Ayon sa ulat ng GIZ, 39% ng mga kababaihan sa Cameroon ang di panig
sa pag-iral ng breast ironing, 41% ang nagpapakita ng pagsuporta at 26% ay
walang pakialam.
Sa konstitusyon ng India, nakasaad ang pantay na karapatan ng
kababaihan at kalalakihan. Subalit karamihan sa mga kababaihan sa
bansang ito ay hindi nakakatamasa ng karapatan at pagkakataon na para sa
kanila. Nakahahadlang dito ang kanilang mga tradisyunal na pagpapahalaga,
mababang antas ng kamalayan, kawalan ng oportunidad sa edukasyon,
kawalan ng paggabay at tiwala sa sarili at higit sa lahat kawalan ng suporta
mula sa pamilya. Isa pa sa kaisipang nagpapakita ng diskriminasyon sa
kasarian sa India ay ang pagdiriwang sa pagsilang ng mg mga sanggol na
lalake habang ang sanggol na babae ay nagdudulot ng kalungkutan sa
pamilya. Ang babaeng anak ay itinuturing na pabigat o alalahanin, dahil sa
umiiral na kondisyon sa lipunan gaya ng mababang partipasyon sa lakas-
paggawa, mga karahasan laban sa kababaihan, at ang pag-iral ng sistemang
dowry, o pagbibigay ng yaman sa pakakasalan. Kapag nag-asawa ang babae
kailangan niya na magbigay ang kanyang pamilya ng dowry sa pamilya ng
lalake. Kapag hindi naibigay ang dowry na hinihingi ng lalake ay may
pagkakataon na nagaganap ang dowry torture, dowry death, at pananakot sa
mga babaeng asawa. Ang kaugaliang ito ang nagiging dahilan ng di-pantay
na pagtingin sa pagitan ng mga kasarian sa bansa.

2. Biyolohikal at Pisikal
Nagkakaroon ng kaibahan ang mga kababaihan at kalalakihan sa
biyolohikal at pisikal na aspekto dahil ang kababaihan ay nakatali sa
gawaing domestiko at ang kalalakihan ay nabibigyan ng higit na oportunidad
sa paghahanap-buhay. Dahil sa pananaw na ito, naging makapangyarihan
ang mga kalalakihan sapagkat sila ang may pera at ang mga kababaihan
naman ay nakadepende lamang sa kanila. Samakatuwid, maraming
kababaihan ang hindi nagkakaroon ng pagkakataon sa trabaho dahil sa
kanilang mga responsibilidad sa tahanan. Sa aspektong pisikal,may pananaw
na ang kalalakihan ang higit na mas malakas sa larangan ng paggawa at
palakasan kaysa sa kababaihan.
Sa kasalukuyan, maraming kababaihan ang may matatag na trabaho at
nakakatulong nang malaki sa pinansiyal na pangangailangan ng kanilang

11
pamilya. Mayroon din kababaihan ang nakikibahagi sa iba’t-ibang uri ng
isports na dati ay iniisip na para lamang sa kalalakihan.

3. Kabuhayan
Ang kahirapan ay may tuwirang ugnayan sa kawalan ng pagkakataon at
awtonomiya para sa kababaihan. Ang kawalan ng oportunidad sa kabuhayan
at edukasyon ay nakaaapekto sa partisipasyon ng kababaihan sa
pagdedesisyon. Ang kahirapan ang isa sa mga ugat o dahilan ng
diskriminasyon ng kasarian sa mga patriyarkal na lipunan, at dahil dito, ang
mga babae ay umaaasa sa kalalakihan na nagiging sanhi ng hindi
pagkakapantay-pantay.
Ang diskriminasyon sa pinagtratrabahuhan ay makikita sa mga sitwasyon
kapag ang kalalakihan ay nakatatanggap ng mas mabuti o mainam na
pagtrato. Kabilang sa mga ito ang magandang oportunidad sa uri ng trabaho,
mas mainam na kondisyon sa paggawa, mas mataas na sahod, insentibo, at
marami pang iba. Ang hindi pagkakapantay-pantay na ito ang humahadlang
sa kababaihan na maging matatag sa aspektong pinansiyal. Kung ang
kababaihan ay magkakaroon ng magandang oportunidad sa trabaho
magagawa nilang suportahan ang kanilang pamilya at makatutulong na
mabawasan ang diskriminasyon sa kanilang kasarian.

4. Sikolohikal at Personal
Ayon sa pag-aaral, ang imahe ng mga kasarian sa lipunan ang nagbibigay
ng pamantayan sa pagkilos at pagtrato sa kababaihan na maaaring
magresulta sa diskriminasyon kung ito ay negatibo. Ayon sa Geena Davis
Institute on Gender Media, ang mga imahe na di kaaya-aya ng mga
kababaihan sa telebisyon, pelikula, at mga babasahin ang nanghihikayat sa
iba’t-ibang uri ng pang-aabuso. Sa pananaliksik na isinagawa ng nasabing
institusyon, kapag ipinapakita sa media ang mga tiyak na katangian ng
kababaihan, marami ang nagsisikap na makamit ito.

Mga pag-aaral tungkol sa mga nararanasang diskriminasyon at karahasan


sa mga kababaihan, kalalakihan at mga miyembro ng LGBT.
I. Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development
Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The
Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting
oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at
maging sa edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may mga
panggagahasa laban sa mga lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa
mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan sa pagkakapantay- pantay
at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa
ulat ng Transgender Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima
ng pagpatay mula 2008- 2012.

12
II. Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon
ng ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at
karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng
batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-
sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.

III. Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang
biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag
na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ayon pa
sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling
makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang
uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso.

IV. ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN Isa sa bawat limang


babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal
simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na
pisikal.
▪ 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
seksuwal.
▪ Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang
nakaranas ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal
mula sa kanilang mga asawa.
▪ Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng
pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang
sarbey, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
(Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng National
Statistics Office)
Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms,
Integrity, Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa
Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang
nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly
Sins Against Women. Ang mga ito ay ang:
(1) pambubugbog/pananakit,
(2) panggagahasa,
(3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
(4) sexual harassment,
(5) sexual discrimination at exploitation,
(6) limitadong access sa reproductive health,
(7) sex trafficking at prostitusyon.

13
Pagyamanin

Gawain 2. Data Retrieval Chart

Panuto: Pagtugmain ang salik, paglalarawan, at halimbawa kaugnay ng


diskriminasyon sa kasarian. Isulat ang sagot sa ibaba ng talahanayan.

Salik Paglalarawan Halimbawa


1. Biyolohikal a. Pagsunod sa a. Ang kalalakihan ang
at Pisikal tradisyonal na higit na may malakas
gampanin ng mga na pangangatawan
kasarian kaysa sa kababaihan
2. Kabuhayan b. Kawalan ng access b. Mas mahusay ang
sa edukasyon at kalalakihan sa
trabaho para sa pamumuno at
3. Sikolohikal kababaihan pagdedesisyon sa
at Personal c. Nagkakaiba ang likas trabaho kaysa sa
ng pangangatawan at kababaihan
anatomiya ng mga c. Ang mga pisikal na
4. Sosyo- kasarian katangian ng
Kultural d. Pagsunod sa imahe kababaihan sa
na ipinapakita sa telebisyon ay
media bilang pamantayan ng
pamantayan ng kagandahan.
kababaihan
Salik Paglalarawan Halimbawa
1.

2.

3.

4.

14
Gawain 3: Balansehin Mo Ako!
Panuto: Iguhit sa patlang ang tsek (/) kung ang pahayag ay nagpapakita ng
pantay na katayuan ng kababaihan at kalalakihan at ekis (x) naman kung
nagpapakita ito ng diskriminasyon.

1. Pagkaroon ng kababaihan ng access sa edukasyon


2. Pagkakaroon ng mataas na posisyon ng mga kalalakihan
kaysa sa mga kababaihan
3. Mataas na sahod ng mga kalalakihan kaysa sa mga
kababaihan at mga LGBT.
4. Paggawa ng mga gawaing bahay ng mga kalalakihan
5. Pagdepende ng kababaihan sa kalalakihan sa aspektong
pinansiyal.
6. pagtulong ng asawang babae sa kanyang asawa sa
pangangailangang pinansiyal.
7. Pag-aalaga ng mga kalalakihan ng mga anak
8. Pakikibahagi ng mg kababaihan at LGBT sa politika at
pamamahala
9. Pagsali ng mga miyembro ng LGBT sa lakas-paggawa
10. Paghahati ng kababaihan at kalalakihan sa
responsibilidad sa tahanan

Gawain 4: Ulat-Suri
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang ulat tungkol sa isang insidente ng
diskriminasyon sa isang miyembro ng LGBT sa bansa. Pagkatapos, sagutin
ang mga pamprosesong tanong ukol sa ulat.

‘BINANTAAN, HINILA'
ABS-CBN News
Posted at Aug 14 2019 04:11 PM | Updated as of Aug 14 2019 09:53 PM

Sa isang panayam, sinabi ni Diez (isang transgender woman) na nakapila


siya para magbanyo sa women’s CR nang sitahin ng janitress at palipatin sa
banyo ng lalaki.
Tila ikinagalit pa ng staff ang pag-video ni Diez, na umano'y tinabig pa
ang cellphone at sinubukang ipatigil ang pag-Facebook live ng insidente.
"Tinapik po niya 'yung cellphone ko, 3 beses, sabi po niya sa 'kin, An'sarap
tampalin ng mukha mo, bakla ka kase,” ani Diez.
Maya-maya, dinala raw siya sa security office ng mall kung saan kinutya
pa umano siya.
Inilipat si Diez sa Cubao Police Station kung saan binantaan siyang

15
kasuhan ng paglabag sa anti-cybercrime law, at kalauna'y kinasuhan ng
unjust vexation ng pamunuan ng mall pagdating sa Camp Karingal.
Matapos ang imbestigasyon, humingi ng tawad ang janitress kay Diez sa
isang sulat.
"Tao lang po ako, hindi ko po sinasadya na ma-offend siya. Wiling po akong
pag-aralan ang mga karapatan ng LGBT," aniya sa liham.
Hinimatay ang janitress paglabas ng presinto at kalauna'y sinabi na
walang malinaw na patakaran ang mall sa paggamit ng mga transgender sa
mga banyo.
Tinanggap ni Diez ang paghingi ng tawad ng janitress pero sinabi niya na
itutuloy niya ang kaso laban sa pamunuan ng mall sa umano'y paglabag nito
sa ordinansa sa Quezon City.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, malinaw na may naging paglabag ang
mall sa gender fair ordinance ng lungsod.
Sa ordinansa, pinagbabawalan ang mga establisimyento na mag-
discriminate sa mga tao base sa kanilang sexual orientation, gender identity,
and expression.
"I will still fight for what is right. 'Yung violation against sa city ordinance
sa Quezon City. Papatunayan natin sa lahat na may pangil ang batas, na may
karapatan po tayo na gamitin at magkaroon ng access sa pampublikong lugar,"
ani Belmonte sa pahayag.
-Kinuha sa pahayagan ng www. Abs-cbn.news.ph

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kinakaharap na isyu ni Diez na isang transgender woman?
2. Mayroon bang paglabag sa karapatan ni Diez na makikita sa ulat?
Ilahad isa-isa ang mga ito.
3. Tama o wasto ba ang ginawa ng janitress kay Diez? Pangatwiranan
ito.
4. Ano ang batas na ipinatupad ng pamahalaang local ng siyudad ng
Quezon?
5. Ano-ano sa palagay mo ang kinakailangang gawin ng pamunuan ng
mall para masigurado ang pantay-pantay na pagtrato sa lahat?

16
Isaisip

Ang diskriminasyon sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan ay


nagsimula sa kategorya ng kanilang gawain sa pamilya at lipunan ayon sa
kanilang kakayahang pisikal. Bunga nito ay naging tradisyon na ang mga
kalalakihan ang gumagawa ng gawaing nangangailangan ng lakas at mga
gawaing panlipunan samantalang ang mga kababaihan ay nasa tahanan
upang pangalagaan ang kanilang pamilya. Pinalayo ng batas, relihiyon,
kultura, tradisyon at papel sa pamahalaan ng mga kalalakihan ang pagitan
ng papel sa lipunan ng mga kalalakihan at kababaihan.
Subalit sa panahon ng Enlightenment ay nagsimulang maging aktibo
ang mga kababaihan sa mga usaping panlipunan at ang ilan sa mga ito ay
ang paghingi ng mga karapatan para sa mga kababaihan lalo na sa
edukasyon. Sa panahon naman ng industriyalisasyon nagbukas ito ng
oportunidad upang makapagtrabaho ang mga kababaihan subalit maliit
lamang ang kanilang sahod dahil sa kakulangan sa edukasyon.
Sa kabilang banda, ang kalagayan naman ng mga binabae, lesbiyana,
bisexual, at transgender ay hindi pa lubusang natatanggap ng maraming
lipunan. Sila ay karaniwang biktima ng diskriminasyon sa pamilya, paaralan,
at trabaho bunga ng kanilang kasarian na kaiba sa nakagisnang kasarian ng
lipunan.

Tandaaan:
Ang kawalan ng edukasyon ang nagiging sanhi ng diskriminasyon sa
kasarian lalo na sa kababaihan at mga miyembro ng LGBT. Ang edukasyon
ang nagbibigay kapangyarihan at nagbibigay kaalaman. Mahalaga ang
edukasyon sa pagbibigay ng mas magandang oportunidad sa
kababaihan/LGBT na maiangat ang kanilang katayuan sa lipunan para
mapabuti ng kababaihan/LGBT ang kanilang politikal na kalagayan,
pinansiyal na posisyon, trabaho at legal na kamalayan. Sumakatuwid, ang
pagrespeto sa kahit anomang kasarian mayroon ang isang tao ay dapat
mangibabaw upang magkaroon ng malayang pagkilos at pag-unlad ang bawat
isa para sa minimithing pangarap.

17
Isagawa

Gawain 5: AHA! Alam Ko!


Panuto: Maghanap ng pangyayari o mga sitwasyon sa ating lipunan na
natunghayan o nabalitaan mula sa telebisyon, radyo, artikulo o balita na
nagpapakita ng diskriminasyon sa kasarian o sekswalidad. Ibuod ito sa
talahanayan. Kumuha ng larawang akma rito at idikit sa ibaba. Tukuyin ang
salik at ipaliwanag ang iyong dahilan kung bakit ito ang iyong napili.

1. Buod 2. Larawan

3. Salik

4. Paliwanag

Kraytirya Iskala 1 2 3 4 5

Sapat ang 1-5


paliwanag

Makabuluhan 1-5
ang sagot sa
tanong

18
Akma at wasto 1-5
ang sagot mula
sa pangyayari
o sitwasyon
patungkol sa
diskriminasyon

Maayos ang 1-5


daloy ng ideya

Kabuuan 20

Gawain 6: Sagutan Mo!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Sagutin ito ng
may laman at kabuluhan.
1. Bakit umiiral ang diskriminasyon batay sa kasarian?
2. Mahalaga bang maging batayan ang sekswal na oryentasyon at gender
identity upang makatanggap at makakuha ng serbisyo, trabaho o
oportunidad sa lipunan? Pangatwiranan ang sagot.
3. Ano sa iyong palagay ang maling pagkakaunawa o misconceptions sa
mga miyembro ng LGBT?
4. Sa iyong palagay, paano at kailan mawawakasan ang umiiral na
diskriminasyon sa mga kababaihan, kalalakihan at LGBT?

Gawain 7: Appreciation Post!


Panuto: Pumili ng isang kasarian; maaaring lalaki, babae o miyembro ng
LGBT. Pagkatapos ay magsaliksik ng isang personalidad na iniidolo mo
(artista o kakilala) at alamin ang mga hamon na naranasan at tagumpay sa
buhay. Gamitin ang template sa ibaba.
Larawan at pangalan
ng iniidolo

Ilista ang mga hamon na Ilista ang mga


pinagdaanan ng iniidolo mong pinagtagumpayan ng iniidolo
personalidad mong personalidad

19
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga pinagdaanan niyang hamon sa buhay?
2. Ano-ano ang nagtulak sa kanya upang magtagumpay?
3. Naging batayan ba ang kanyang kasarian sa mga hamon at
tagumpay sa kanyang buhay? Ipaliwanag ito.
4. Bilang isang mag-aaral, anong aral o riyalisasyon ang iyong
napulot sa kanyang buhay? Ipaliwanag ito.

Tayahin

Panuto: Basahin ng mabuti ang sumusunod na pahayag at katanungan.


Piliin ang pinakaangkop na sagot batay sa mga naibigay na pagpipilian. Isulat
ang iyong sagot sa malinis na papel.

1. Ano ang tawag sa restriksiyon o eksklusyon batay sa kasarian na


nagdudulot ng hindi paggalang o pagkilala ng lahat ng kasarian sa mga
karapatan o kalayaan nila?
A. Diskriminasyon B. Inklusyon
C. Karahasan D. Pananamantala

2. Saang bansa isinasagawa noon ang sistemang Sati, kung saan ang mga
kababaihan ay napipilitang magpakamatay kapag pumanaw ang
kanilang asawa?
A. England B. India
C. Pilipinas D. Tsina

3. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong tradisyon sa


bansang India at sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang magulang ng
babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki. Ang
ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noong pang 1961. Alin
sa mga sumusunod na batas ang nagwakas sa ganitong tradisyon?
A. India Penal Code
B. Anti-Dowry Law
C. Nine-point checklist
D. Violence – against Dowry Law

4. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t


ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang foot
binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng
hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal
o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga
Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang

20
maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan.
Ano ang tawag ditto?
A. Babaylan B. Dowry
C. Lotus feet D. Purdah
5. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

“LGBT rights are human rights”


-Ban Ki – Moon
A. Ang mga miyembro ng LGBT ay dapat tratuhing tao.
B. Ang mga miyembro ng LGBT ay may karapatang-pantao.
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.

6. Ang pag-amin ng mga miyembro ng LGBT sa kanilang sekswal na


oryentasyon sa lipunan ay isang malaking pagsubok sa kanilang sarili
at paninindigan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan sa
pagsubok na kanilang kinakaharap?
A. Hindi pagtanggap ng sariling pamilya at kaibigan.
B. Takot sa panghuhusga at salita ng iba.
C. Mapagkaitan ng karapatan at serbisyong panlipunan.
D. Lahat ng nabanggit

7. Ang ating lipunan ay nasa post-gender era o panahon kung saan


nagiging pantay na ang pagtrato sa kababaihan at kalalakihan. Alin sa
mga sumusunod na sitwasyon ang pangunahing sumasalamin o
nagpapakita ng transisyon patungo sa panahong ito?
A. Si Angelica ay isang butihing asawa na pinagkakaitan ng
kalayaan na makapag-hanapbuhay para sa pamilya.
B. Si Andres ay kilalang siga at maskulado na asawa sa kanilang
baryo pero, ngayon ay may responsibilidad na maglinis sa bahay
at magbantay sa mga anak.
C. Si Christine ay pinagbawalang makapag-aral, namulat sa mga
gawaing bahay at ipinagkasundong ipakasal na hindi ayon sa
edad. At dahil dito, sinikap niyang huwag matulad ang kanyang
anak na babae sa kasalukuyan.
D. Si Jenny ay kilala bilang isang mahinhin at maganda na babae
sa kanilang lugar pero kilala din bilang isang mahusay na
mekaniko.

8. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang
biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na
domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang mga
sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan MALIBAN
sa isa. Ano ito?
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang
kalaguyo.

21
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat
lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga
anak o alagang hayop.

9. Ang sosyo-kultural ay isang salik na dahilan ng diskriminasyon na


nakabatay sa kasarian ng isang tao sa isang partikular na lipunan na
may sailing kultura at paniniwala. Alin sa mga sumusunod na
kaugalian o gampanin sa lipunan ang HINDI kabilang sa salik na ito?
A. Sistema ng pagpapaliit ng paa ng mga babae hanggang tatlong
pulgada sa tsina
B. Hindi pagtanggap sa mga kababaihan sa ibat-ibang hanapbuhay
dahil sa kanilang lakas at abilidad
C. Ang gawain sa bansang Cameron na tinawag na Breast Ironing
upang maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga kababaihan
D. Ang pagkitil sa sariling buhay ng mga kababihan sa bansang
India kapag namatay ang kanilang mga asawa

10. Suriin ang larawan at sagutin ang tanong. Ano ang


ipinapahiwatig o ipinapakita ng larawan?

A. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga


gawaing bahay.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga
lalaki ang naiiwan sa bahay

11. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ikwalidad o


pantay na katayuan ng mga kababaihan, kalalakihan at mga miyembro
ng LGBT?
A. Pagkakaroon ng mas mataas na posisyon ng mga kalalakihan
kaysa sa mga kababaihan.
B. Pagsali ng LGBT sa lakas paggawa.
C. Pagdepende ng mga kababaihan sa kalalakihan sa aspetong
pinansyal.
D. Wala sa nabanggit

12. Ang mga polisiyang panlipunan ay isang mahalagang


instrumento sa pagpapanatili ng kaayusan, ikwalidad at upang

22
matugunan ang mga problema ng bawat isa sa lipunan. Bakit
kinakailangang magkaroon ng polisiya na tumatalakay sa mga isyung
pangkasarian?
A. Mabigyang daan tungo sa pagkakasundo-sundo ng bawat
kasarian.
B. Maisaayos ang sistema ng lipunan tungo sa maunlad at
nagkakaisang mamamayan.
C. Mabigyang proteksyon ang bawat kasarian sa anumang
diskriminasyon, pang-aabuso at krimen tungo sa pantay-pantay
na karapatan.
D. Maituwid ang pagkakamali ng bawat kasarian sa lipunan

13. Ang diskriminasyon batay sa sekwal na oryentasyon ng isang tao


ay isang maling gawain na dapat maiwasto sa panahong ito. Alin sa
mga sumusunod ang masamang dulot sa kabuuang pagkatao ng isang
indibidwal na kumakaharap sa suliraning ito?
A. Maaring mawala ang tiwala sa sarili at sa kapwa.
B. Depresyon na maaring maging sanhi ng pagkitil sa sariling
buhay.
C. Pagbabawal sa sarili sa anumang sosyal na okasyon at
pagrerebelde.
D. Lahat ng nabanggit

14. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng


diskriminasyon sa mga kalalakihan?
A. Ang mga lalaki ay hindi nababagay sa loob ng tahanan.
B. Ang mga lalaki ay may kakayahang katulad ng mga babae.
C. Ang mga kalalakihan ay hindi naaayon sa mga trabahong
ginagamitan ng isip at emosyon.
D. Sagot A at C

15. Alin sa sumusunod na pahayag ang kinakailangang isaalang-


alang upang maiwasan ang diskriminasyon batay sa kasarian?
A. Maging bukas sa mga oportunidad at trabaho para sa lahat ng
kasarian
B. Maging pantay-pantay sa lahat ng serbisyo at paggamit sa mga
pasilidad ng gobyerno
C. Mabigyan ng batas na tumutulong na protektahan ang
Karapatan at dignidad ng bawat kasarian
D. Lahat ng nabanggit

23
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang poster advertisement na tumatalakay o


nagpapakita ng iba’t-ibang diskriminasyong nararanasan ng kababaihan o ng
mga miyembro ng LGBT. Layunin nito na tuldukan o labanan ang mga
diskriminasyong ito.

Rubric sa pagmamarka ng Poster Ad


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang 10
mga impormasyon. Nakatulong
upang maging handa ang mga
mamamayan sa panahon ng
kalamidad
Kaangkupan Madaling maunawaan ang 10
ginamit na salita, mga larawan,
at simbolo sa ginawang poster
ad. Madali ring maunawaan ang
ginamit na lenggwahe.
Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensyon ang 10
ginawang poster ad dahil sa
ginamit na mga larawan at salita
na nakahikayat sa mamamayan
upang ito ay bigyan ng pansin
Kabuuan 30

24
Pangkalahatang Rubriks ng pagpupuntos para sa mga gawaing humihingi ng
pasya, opinyon, saloobin, repleksyon at kaalaman (“Non –objective” type)

RUBRIK PARA SA SITWASYON AT APLIKASYON

KRITERIA 4 3 2 1

Kaalaman sa Malawak at Isa o dalawang Tatlo o apat Isa o dalawang


Paksa naisama lahat pangunahing na pangunahing
ang mga konsepto ay di pangunahing konsepto
pangunahing nailahad konsepto ay di lamang ang
konseptong nailahad nailahad
inaasahang
ilalahad

Pagpapamalas Mga pananaw May 1 punto May 2 punto May higit sa 3


ng at desisyon ay na kalituhan ng kalituhan punto ng
Pagpapahalag nagpapahiwati sa sa kalituhan sa
a g ng malinaw kakayahang kakayahang kakayahang
na kakayahan pagpapahalag pagpapahalag pagpapahalag
sa a a a
pagpapahalag
a

Makabuluhan Lubhang Makabuluhan Hindi gaanong Hindi


makabuluhan at wasto ang makabuluhan makabuluhan
at wasto ang mensaheng at wasto ang ang
mensaheng binigyang ng mensaheng mensaheng
binigyan ng interpretasyon binigyang binigyan ng
interpretasyon interpretasyon interpretasyon

Makatotohana Lubhang Makatotohana Hindi gaanong Hindi


n at kapani- makatotohana n at kapani- makatotohana makatotohana
paniwala n at kapani- paniwala ang n at kapani- n at kapani-
paniwala ang mga paniwala ang paniwala ang
mga impormasyon mga mga
impormasyon impormasyon impormasyon

25
Susi sa Pagwawasto

d d
d d
d d
c / c
b / b
a / a
b / b
a / a
c x c
d / d
b x b
c x c
a / a
b b
a Gawain 2 a

Tayahin Pagyamanin Subukin

Pagyamanin Gawain 1
Salik Paglalarawan Halimbawa
1.Biyolohikal at c. Nagkakaiba ang a. Ang kalalakihan ang higit
Pisikal likas ng pangangatawan na may malakas na
at anatomiya ng mga pangangatawan kaysa sa
kasarian kababaihan
2.Kabuhayan b. Kawalan ng access b. Mas mahusay ang
na edukasyon at trabaho kalalakihan sa pamumuno at
para sa kababaihan pagdedesisyon sa trabaho
kaysa sa kababaihan
3. Sikolohikal at a. Pagsunod sa a. Ang kalalakihan ang higit
Personal tradisyonal na gampanin na may malakas na
ng mga kasarian pangangatawan kaysa sa
kababaihan
4. Sosyo- Pagsunod sa imahe na Ang mga pisikal na katangian
Kultural ipinapakita sa media ng kababaihan sa telebisyon ay
bilang pamantayan ng pamantayan ng kagandahan.
kababaihan

26
Sanggunian
LM AP 10
R. G.Zafra, Ph.D Suri-Sipat Batayang Kaalaman sa Iba’t-ibang isyung Panlipunan
J.M.Lopez et.al Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: Mga Kontemporaryong Isyu 10
E.D.Bustamante et.al Araling Panlipunan Mga Kontemporaryong Isyu Batay sa K to 12 BEC
1

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City,


Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-
feedbacksystem

You might also like