You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 10
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
(Ikalima at Ikaanim na Linggo)
Pagtugon sa mga Isyu ng
Karahasan at Diskriminasyon

MELC:
Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at
mamamayan ng Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon (AP10IKL-IIIg8-10)

Inihanda nina:

Noel H. Jacinto
Teacher III
Piddig National High School
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Noel H. Jacinto
Editor: Kruchev B. Paet
Erwin L. Ablao
Tagasuri: Angelita F. Gaoiran
Erwin L. Ablao
Tagalapat: John Nestlee A. Ravina
Tagapamahala: Joann A. Corpuz, EdD
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix A. Tumaneng
Milagros Sandra G. Malvar

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
(Ikalima at Ikaanim na Linggo)
Pagtugon sa mga Isyu ng
Karahasan at Diskriminasyon
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sap ag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masuklat ang
nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng CLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii
Alamin

Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang iba’t ibang isyu at hamon

tungkol sa Kasarian at Lipunan. Ito ay naglalaman ng mga gawain na hahamon sa
kaalaman at kasanayan ng mag-aaral na masuri at maunawaan ang mga usaping
may kinalaman sa Kasarian at Lipunan. Makatutulong ang pag-unawang ito na
malinang sa iyo ang pagpapahalaga, pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa
bilang kasapi ng isang pamayanan, bansa at daigdig.

Ang saklaw ng modyul na ito ay ang:

Ang paggawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang

sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan;

 Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas sa

mga isyu ng karahasan at diskriminasyon (AP10IKL-IIIg8-10)

Saklaw ng modyul na ito ang:

 Aralin 1 – Pagtugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng karahasan at
diskriminasyon

Pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. nasusuri ang tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at
Diskriminasyon;
2. napahahalagahan ang tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at
Diskriminasyon; at
3. napahahalagahan ang tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon;

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa bawat

bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.

1. Alin sa sumusunod na batas ang nagsasaad sa mga karahasan laban sa

kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito?

A. Women and Children Act

B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women and Children in Discrimination
D. Anti-Violence against Women and their Children Act
2. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna
Carta for Women. Sino sila?

A. Samahang Gabriela

B. Marginalized Women

C. Powerful Women of the Society

D. Women in Especially Difficult Circumstances

3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing

tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito. Sino ito?

A. paaralan B. pamahalaan C. senado D. simbahan

4. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan

tulad ng biktima ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng
prostitusyon at mga babaeng nakakulong. Sino sila?

A. Women of the Society

B. Able Women of the Society

C. Special Women in Difficult Circumstances

D. Women in Especially Difficult Circumstances

2
5. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang
karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao. Anong batas ito?

A. Magna Carta for Women

B. Women Discrimination Bill

C. Women for Magna Carta Act

D. Act Against Women Discrimination

6. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong

ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan
nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?

A. Marginalized Women

B. Women in Marginal Society

C. Focused Women of the Society

D. Women in Especially Difficult Circumstances

7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-

pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin
ng Estado bilang state party sa Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women (CEDAW) MALIBAN sa:

A. paggalang sa karapatan ng kababaihan

B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito

C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon.

D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan

8. Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa

pamamagitan ng:

A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan

B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anoman ang

layunin nito

C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang

biktima ng karahasan

D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga

kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon

3
9. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang-
tao. Bilang isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya
kapag nanganak na ang kanyang asawa?

A. Maternity Leave

B. Paternity Leave

C. Leave for Fathers

D. Paternity Leave of Absence

10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na

komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya. Ano ito?

A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination against War

B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against War

C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women

D. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination against Women

11. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at

lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas. Ano ito?

A. Magna Carta for Men

B. Magna Carta for Women

C. Gender and Equality Rights

D. Anti-Discrimination Act for Men and Women

12. Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado
at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa
loob ng pitong (7) araw at pagkalooban ng kaukulang pasahod. Ano ito?

A. Republic Act 1161 C. Republic Act 8187

B. Republic Act 8971 D. Batas Pambansa Bilang 1162

13. Bakit nararapat na ipagbigay-alam ng isang empleyadong lalaki sa kanyang

employer ang pagdadalang-tao at ang inaaasahang petsa ng panganganak ng
kanyang asawa?

A. sapagkat ito ay kanyang karapatan

B. dahil siya ay magpa-file ng paternity leave

4
C. dahil nais niyang ipaalam na siya ay may-asawa

D. upang maiwasan niya ang pagliban sa trabaho ng walang dahilan.

14. Sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit sa

mga kababaihan at anak nito?

A. Live-in partners na lalaki

B. Kasalukuyan at dating asawang babae

C. Kasalukuyan at dating kasintahan babae

D. Mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae

15. Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang
empleyadong lalaki MALIBAN sa isa, alin dito?

A. pagkatapos ng kasal

B. habang nagbubuntis ang legal na asawa

C. pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa

D. bago,habang at pagkatapos manganak ng legal na asawa

5
Aralin
Pagtugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng
1 Karahasan at Diskriminasyon

Sa nakalipas na aralin, nasuri ninyo ang mga isyu at hamong may kaugnayan sa
kasarian at lipunan na nararanasan hindi lamang sa Pilipinas maging sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig. Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na ginagawa
ng pamahalaan upang matugunan ang mga isyu at hamon sa Kasarian at Lipunan.

Handa ka na ba?

Balikan

Panuto: Iguhit sa patlang ang tsek (/) kung ang pahayag ay nagpapakita ng pantay na
katayuan ng kababaihan at kalalakihan at ekis (X) naman kung nagpapakita ito ng
diskriminasyon.

_____ 1. Pagkakaroon ng kababaihan ng access sa edukasyon

_____ 2. Pagtulong ng kababaihan sa pangangailangang pinansiyal ng pamilya

_____ 3. Pagkakaroon ng kalalakihan ng mas mataas na sahod kaysa sa mga kababaihan

_____ 4. Pagsali ng mga kababaihan sa lakas paggawa

_____ 5. Pagtatalaga sa mga kalalakihan sa mga mas mataas na posisyon

_____ 6. Paggawa ng kalalakihan ng mga gawaing bahay

_____ 7. Pagdepende ng mga kababaihan sa kalalakihan sa aspektong pinansiyal

_____ 8. Paglahok ng kababaihan sa pulitika at pamamahala

_____ 9. Pag-aalaga ng kalalakihan sa mga anak

_____ 10. Paghahati ng kababaihan at kalalakihan sa mga responsibilidad sa bahay

6
Tuklasin

Gawain 1: Discussion Web

Basahin at suriin ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa

Prinsipyo ng Yogyakarta at ang pahayag ng UN Secretary General na si Ban Ki-
Moon tungkol sa mga miyembro ng LGBT. Sa kasunod na discussion web, isulat
kung ikaw ay sang-ayon o hindi sa kaniyang pahayag. Talakayin ang inyong
konklusyon tungkol sa isyu at isulat din ito sa web.

Paksa: Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta

Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy
ring lumalakas ang kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing
tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan. Nasa 27 eksperto sa
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation
at gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang
nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng
Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong
nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal
Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasyon.

http://www.un.org/sg/img/ba
n kimoon/ban_ki-
Ito ang katagang winika ni dating UN Secretary Gen Ban Ki-
moon_portrait.jpg Moon.

7
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang dahilan kung bakit ka sang-ayon o di sang-ayon sa pahayag ni
UN Sec Gen Ban Ki- Moon? Bakit?
_____________________________________________________________________________

2. 2. Naging madali ba sa iyo ang makabuo ng kongklusyon sa kabila ng

pagkakaiba ng ating pananaw tungkol sa isyu? Bakit?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____

8
Gawain 2: Ipaglaban Mo!
Sa gawaing ito, matutunghayan mo ang ilan sa mahahalagang
prinsipyo ng Yogyakarta. May ilang prinsipyong napili upang iyong
pagnilayan. Magkaroon ng pagsusuri sa mga ito. Maaring pagtuunan ng
pansin sa pagsusuring gagawin kung sumasang-ayon ka o hindi sa
prinsipyo at ipaliwanag ang dahilan kung bakit. Maayos na maisasagawa
ang gawaing ito sa tulong ng mga gabay na tanong.

Prinsipyo 1: ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA

NG MGA KARAPATANG PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga
karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng
lahat ng karapatang pantao.

Prinsipyo 2: ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY

AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao
nang walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-
pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao.
Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa
lahat.

Prinsipyo 4: ANG KARAPATAN SA BUHAY

Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta
na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may
kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa
consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

9
Prinsipyo 12: ANG KARAPATAN SA TRABAHO

Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong

trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon
sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at
diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.

Prinsipyo 16: ANG KARAPATAN SA EDUKASYON

Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang

diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal
at pagkakakilanlang pangkasarian.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang layunin ng mga nagtaguyod ng Prinsipyo ng Yogyakarta?

Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. May pagkakaiba ba ang mga karapatang nilalayon ng mga
miyembro ng LGBT sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang
Pantao? Ipaliwanag ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, mahalaga bang magkaroon ng seryosong
aplikasyon ang mga bansa ng Prinsipyo ng Yogyakarta? Oo o Hindi.
Pangatwiranan ito.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

10
Gawain 3: Think and Pair!
Pagtuunan ng pansin ang mga kasunod na babasahin tungkol sa
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women. Basahin at suriin ang teksto. Pagkatapos sagutan ang
pamprosesong tanong.

Ano ang CEDAW?

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of

Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International
Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s Convention o ang United
Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging
internasyonal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan
ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin
sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong
Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa
CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika.
Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong
Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o
25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang
nakakaalam nito.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa

kababaihan?

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa

kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resulta sa buhay ng kababaihan.

2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may

mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaring bawiin.

3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa

kababaihan, anumang layunin ng mga ito.

4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag
11
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo.

5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng

karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang
mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin

ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at
may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State
parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ang mga State parties ay inaasahang:

1. pawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at
maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring
humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
4. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang
hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon; at
3. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.

Pamprosesong Tanong :

1. Sang-ayon ka ba sa paglagda ng Pilipinas sa mga probisyon ng

CEDAW? Pangatwiranan ito.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng CEDAW sa kalagayan ng kababaihan sa
mundo lalo na sa ating bansang Pilipinas?
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

12
Suriin

Paksa: Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga Isyu ng

Karahasan at Diskriminasiyon

Sa Pilipinas, may batas na nagbibigay proteksiyon sa mga

kababaihan tulad ng Anti-Violence Against Women and their Children
Act at Magna Carta for Women. Basahin ang susunod na teksto
tungkol sa batas laban sa Karahasan sa Kababaihan.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay

isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima
nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?

Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan

at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay
tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon
ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa
mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18)
taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-
walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o
ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng
isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at

pananakit at maaring kasuhan ng batas na ito?

Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot

sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang
lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki,
mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng
“sexual or dating relationship” sa babae.
http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

13
Pamprosesong Tanong :

1. Tungkol saan ang Anti-Violence Against Women Act?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Sino-sino ang binibigyang proteksiyon ng batas na ito? Sa iyong
palagay bakit binalangkas ang ganitong uri ng batas?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Paksa: Magna Carta for Women

Bukod sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for

Women ay isa ring batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan.
Basahin ang teksto upang malaman mo kung patungkol saan ang batas
na ito.

Ano ang Magna Carta for Women?

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong ika-8 ng

Hulyo, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban
sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng
mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention
on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women o CEDAW.

Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae

at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa
pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang
mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.

14
RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN

Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan

bilang pangunahing tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng
komprehensibong batas na ito. Ginawa na tuwirang
responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan
sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang
mga karapatan.

Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang

pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan upang
maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga
paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas,
patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga
pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at
kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang
marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at
polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa kababaihan.

Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang

basagin ang mga stereotype at tanggalin ang mga istrukturang
panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at
gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at
lalaki.

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?

Lahat ng babaeng Pilipino, anoman ang edad, pinag-

aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng
batas na ito nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga
batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t
ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially
Difficult Circumstances.

15
*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap
o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong
kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda,
migrante, at kababaihang Moro at katutubo.

**Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult

Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o
masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at
armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”,
“human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

Gawain 3. Mga Tanong Ko, Sagutin Mo!

Ngayong tapos mo nang basahin ang teksto, subukin mo
namang sagutin ang mga tanong sa loob ng sun map batay sa
naunawaan mula sa binasa.

16
Sammmm
iyong palagay, ano ang pinakamahalagang nagagawa ng Magna Carta
sa mga kababaihan?
_________________________________________________________________________

17
Pagyamanin

Gawain 4. Tapat-Tapat
Natutunan mo sa mga nakaraang paksa na may batas na nagpoprotekta sa
kababaihan at LGBT. Magsaliksik tungkol sa mga batas para sa kalalakihan. Itala
sa talahanayan ang mga batas na kukumpleto sa hanay. Pagkatapos, humanap
ka ng mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng kalalakihan.

Batas para sa kababaihan Batas para sa LGBT Batas para sa kalalakihan

Batay sa itinala mo sa talahanayan, gumawa ng buod tungkol sa mga

batas na nagbibigay ng karapatan sa kalalakihan, kababaihan at LGBT.

_______________________________________________________________________________

18
Pamprosesong mga Tanong

1. Anong mga batas ang para sa m g a kababaihan, kalalakihan at miyembro ng

LGBT?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.

2. Bakit walang partikular na batas para sa lalaki? Paano ito nakaapekto sa mga
babae at miyembro ng LGBT? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

3. May pantay bang karapatan ang lalaki, babae at miyembro ng LGBT?

Pangatwiranan
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

4. Makatutulong ba ang mga batas na ito upang matugunan ang mga isyung
may kinalaman sa karahasan at pang-aabuso sa babae, lalaki at miyembro ng
LGBT? Pangatwiranan ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

Gawain 5. Ano Kaya?

Matapos malaman ang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng lalaki,
babae at LGBT sa daigdig at bansa, sa pagkakataong ito ikaw ay magsaliksik
tungkol sa mga batas/ordinansa, programa o samahan na nagtataguyod sa
karapatan ng lalaki, babae at miyembro LGBT sa iyong sariling pamayanan. Alamin
ang layunin at kabutihang dulot nito sa pamayanan. Ibahagi sa klase ang
nasaliksik sa iba’t ibang malikhaing paraan gaya ng powerpoint presentation, video
clips, panel discussion at iba pa. Pagkatapos ng presentasyon ay magsagawa ng
malayang talakayan gamit ang kasunod na mga pamprosesong tanong.

19
Pamprosesong mga Tanong
1.Ano ang mga batas/ordinansa, programa o samahan na nagtataguyod sa
karapatan ng lalaki, babae, at LGBT sa inyong pamayanan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
2.May kabutihan ba itong naidudulot? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
3.Natutugunan ba nito ang mga isyung kinakaharap ng lalaki, babae at LGBT sa
inyong pamayanan? Sa paanong paraan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

4.Sa inyong paaralan may mga programa ba o alintuntunin na nangangalaga sa

karapatan ng mga mag-aaral na babae, lalaki o kabilang sa LGBT?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

20
Isaisip

Gawain 6. You Complete Me

Bilang pagtatapos ng araling ito, kompletuhin ang mga kasunod na pahayag

o pangungusap upang mas maunawaan mo ang aralin.

Ang aralin ay tungkol sa ____________________________________________________.

Natutunan ko na ____________________________________________________________
______________________________________________________________________________.
______________________________________________________________________________
Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat _____________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

Isagawa

Gawain 7. Mga Hakbang Tungo sa Pagkakapantay-Pantay

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na
nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang
maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Sa puntong ito, ikaw ay gagawa ng malikhaing hakbang na magsusulong

sa pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Maari itong gawin
sa pamamagitan ng social media-advocacy, o documentary presentation at
iba pa. Ito ay tatayain ayon sa nilalaman, pagkamalikhain, dating/hikayat,
organisasyon at kapakinabangan.
21
Pamantayan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Sisimulan Pa
Lamang ang
Paglinang
Nilalaman Ang hakbanging Ang hakbanging Ang hakbanging Ang
ginawa ay ginawa ay ginawa ay hakbanging
naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng ginawa ay may
sapat ,tumpak tumpak at may impormasyon na kakulangan sa
at may kalidad kalidad na magsusulong ng impormasyon
na impormasyon impormasyon na pagtanggap at na
na magsusulong magsusulong ng paggalang sa iba’t magsusulong
ng pagtanggap pagtanggap at ibang kasarian ng pagtanggap
at paggalang sa upang maitaguyod at paggalang
paggalang sa iba’t ibang ang pagkakapanta- sa iba’t ibang
iba’t ibang kasarian upang pantayng tao sa kasarian
kasarian upang maitaguyod ang lipunan. upang
maitaguyod ang pagkakapantay- maitaguyod
pagkakapantay- pantayng tao sa ang
pantay ng tao sa lipunan. pagkakapanta-
lipunan. pantayng tao
sa lipunan.
Organisasyon Maayos May wastong May lohikal na Hindi maayos
detalyado at daloy ng organisasyon ang
madaling kaisipan ngunit hindi sapat organisasyon
maunawaan ang atmadaling upang makahikayat at hindi
daloy ng mga maunawaan ang ng mga maunawaan
kaisipan at impormasyong Pilipino/mag-aaral ang mga
impormasyon inilahad upang na tumugon. impormasyong
inilahad makahikayat ng nailahad.
upang mgaPilipino/
Mahikayat ang mag-aaral na
Mga Pilipino/
tumugon.
mag-aaral na

22
tumugon.

Kapakinabangan Madaling gawin Madaling gawin Maaaring gawin Mahirap

at naaayon ang ang mga ang mga hakbang. maunawaan at
mga hakbang at hakbang at gawin ang mga
magsusulong ng magsusulong ng Hakbang.
pagtanggap at pagtanggap at .
paggalang sa paggalang sa
iba’t ibang iba’t ibang
kasarian upang kasarian.
maitaguyod ang
pagkakapantay-
pantay ng tao sa
lipunan.
Pagkamalikhain Malinaw at Malinaw ang May kakulangan Hindi angkop
naaayon ang
mga disenyo at ang mga disenyong ang mga
mga disenyo at
masining ang ginamit sa mga disenyong
masining ang
pamamaraang hakbang na ginamit sa
pamamaraang
ginamit sa mga ginawa. hakbang
ginamit sa mga
hakbang na na
hakbang na
ginawa. ginawa.
ginawa.
Dating/Hikayat Ang dating sa Ang dating sa Mahina ang dating Walang dating
manonood/ manonood/ sa manonood/ sa mga
mambabasa ay mambabasa ay mambabasa upang manonood/
lubos na nakahikayat makahikayat. mambabasa.
nakahikayat at
nakatawag ng
pansin

23
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa bawat

bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.

1. Alin sa sumusunod na batas ang nagsasaad sa mga karahasan laban sa

kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito?

A. Women and Children Act

B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women and Children in Discrimination
D. Anti-Violence against Women and their Children Act
2. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna
Carta for Women. Sino sila?

A. Samahang Gabriela

B. Marginalized Women

C. Powerful Women of the Society

D. Women in Especially Difficult Circumstances

3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing

tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito. Sino ito?

A. paaralan B. pamahalaan C. senado D. simbahan

4. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan

tulad ng biktima ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng
prostitusyon at mga babaeng nakakulong. Sino sila?

A. Women of the Society

B. Able Women of the Society

C. Especial Women in Difficult Circumstances

D. Women in Especially Difficult Circumstances

24
5. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang
karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao. Anong batas ito?

A. Magna Carta for Women

B. Women Discrimination Bill

C. Women for Magna Carta Act

D. Act against Women Discrimination

6. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong

ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan
nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?

A. Marginalized Women

B. Women in Marginal Society

C. Focused Women of the Society

D. Women in Especially Difficult Circumstances

7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-

pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin
ng Estado bilang state party sa Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women (CEDAW) MALIBAN sa:

A. paggalang sa karapatan ng kababaihan

B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito

C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon.

D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan

8. Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa

pamamagitan ng:

A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan

B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anoman ang

layunin nito

C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang

biktima ng karahasan

D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga

kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon

25
9. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang-
tao. Bilang isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya
kapag nanganak na ang kanyang asawa?

A. Maternity Leave

B. Paternity Leave

C. Leave for Fathers

D. Paternity Leave of Absence

10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na

komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya. Ano ito?

A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination against War

B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against War

C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women

D. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination against Women

11. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at

lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas. Ano ito?

A. Magna Carta for Men

B. Magna Carta for Women

C. Gender and Equality Rights

D. Anti-Discrimination Act for Men and Women

12. Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado
at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa
loob ng pitong (7) araw at pagkalooban ng kaukulang pasahod. Ano ito?

A. Republic Act 1161 C. Republic Act 8187

B. Republic Act 8971 D. Batas Pambansa Bilang 1162

13. Bakit nararapat na ipagbigay-alam ng isang empleyadong lalaki sa kanyang

employer ang pagdadalang-tao at ang inaaasahang petsa ng panganganak ng
kanyang asawa?

A. sapagkat ito ay kanyang karapatan

B. dahil siya ay magpa-file ng paternity leave

26
C. dahil nais niyang ipaalam na siya ay may-asawa

D. upang maiwasan niya ang pagliban sa trabaho ng walang dahilan.

14. Sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit sa

mga kababaihan at anak nito?

A. Live-in partners na lalaki

B. Kasalukuyan at dating asawang babae

C. Kasalukuyan at dating kasintahan babae

D. Mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae

15. Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang
empleyadong lalaki MALIBAN sa isa, alin dito?

A. pagkatapos ng kasal

B. habang nagbubuntis ang legal na asawa

C. pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa

D. bago, habang at pagkatapos manganak ng legal na asawa

27
Karagdagang Gawain

Gawain 8: i-TULA

Bilang mag-aaral, dapat lamang na aktibo kang makibahagi sa paglinang ng

ganap na kalayaan ng lahat ng Pilipino, maging anoman ang kasarian nito. Sa
pagkakataong ito, ikaw ay gagawa ng spoken poetry/pasalitang tula na may
kinalaman sa diskriminasyon at pagkakapantay-pantay. Magbibigay ang guro ng
rubric para sa iyong gawain.

28
29
Subukin Balikan Tayahin
16. D 1. / 1. D
17. B 2. / 2. B
18. B 3. x 3. B
19. D 4. / 4. D
20. A 5. X 5. A
21. D 6. / 6. D
22. D 7. X 7. D
23. D 8. / 8. D
24. B 9. / 9. B
25. C 10./ 10. C
26. B 11. B
27. C 12. C
28. B 13. B
29. A 14. A
30. A 15. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Driscoll, Emelda T. Class and Gender in the Phillippines: Ethnographic Interviews
with Female Employer-Female Domestic Dyads. Syracuse University. 2011.

Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies.

HarperCollins Publishers, 1963.

UNDP, USAID (2014), Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report.

K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Mayo 2016

K to 12 Curriculum Implementation and Learning Management Matrix
Bustamante, Eliza D. et.al. Araling Panlipunan: Mga Kontemporaryong Isyu.
Quezon City: St. Bernadette Publishing House Corporation

https://www.facebook.com/notes/ang-pahayagang-plaridel/civil-partnership-act-
hakbang-tungo-sa-pagkakapantay-pantay/2249082318461059/

https://outragemag.com/sama-samang-lumaban-at-ipagwagi-ang-pagkakapantay-
pantay-true-colors-coalition/

http://www.wegoverninstitute.org/wp-content/uploads/2012/07/Magna- Carta-
Primer.pdf

http://ypinaction.org/files/03/49/GALANGYogyakarta_Filipino.pdf

http://taw.acas.org./contents/index.php?option+comcontent&view+articl
e&id=54:trans-101-pilipino&catid+477:tagalog

http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

30
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division

Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like