You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 9

Karapatang Pantao
Hindi Dapat Labagin

Ikalawang Markahan Ikalawang Linggo Modyul 2

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung
gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin a t unawain, gamit ang
kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao.

Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang-pantao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa.

0
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang
modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang
layunin sa paggamit nito.
• Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
• Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling nalinang.
• Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
• Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
• Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas
ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat
ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
• Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

MGA BAHAGI NG MODYUL

• Inaasahan– ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
• Unang Pagsubok –ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
• Balik-Tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
• Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin
• Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
• Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin
• Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
• Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin

1
INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod bilang


katunayan ng iyong pagkatuto.
1. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa kapaligiran.
2. Natutukoy ang mga paglabag sa karapatan ng mahihirap ay paglabag sa
karapatang pantao na dapat ding ipagkaloob sa kanila.
3. Nakakabalangkas ng mga plano kung paano maitutuwid and mga paglabag sa
karapatang pantao.

UNANG PAGSUBOK
( Focus on MELC for week 2 only (1st and and box)
z

Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot sa bawat bilang.

1. Itinulad ni Paulo Freire ang diumano’y sistema ng edukasyon na naging sanhi upang
magtuloy ang pang-aapi sa mga mahihirap sa transakyon sa _______
A. bangko B. ospital C. paaralan D. simbahan

2. Tawag sa pagpatay sa mga diumano’y sangkot sa krimen tulad ng droga.


A. Extra Marital B. Extra Special C. Extra Judicial D. Extra Ordinary

3. Panukat na ginagamit ng United Nations (UN) upang sukatin ang ang kalagayan ng paglabag
sa karapatang pantao ng isang bansa.
A. Human Rights Quotient B. Human Rights Ratio
C.Human Rights Assessment D. Human Rights Index

4. Maituturing na paglabag sa karapatang pantao ang kawalan ng pamamaraan ng mga tao


upang sila ay makaranas ng serbisyong medikal, ito ay dahil _________
A. Sila ay may karapatan sa nasabing paglilingkod.
B. Sila man ay mamamayan rin ng bansa.
C. Sila man ay nagbabayad rin ng buwis.
D. Sila man ay maaari ring magkasakit.

5. Ayon sa Layunin ng Likas Kayang Pagpapaunlad (Sustainable Development Goals) ng


Nagkakaisang mga Bansa o United Nations (UN) ay nilikha upang mapaunlad
ang __________
A. Bansa B. Mamamayan C. Mundo D. Kalusugan

6. Ang mga Likas Kayang Pagpapaunlad ay nararapat ibatay sa karapatan ng mga mamamayan
ito ay dahil _________
A. Ang kagalingan nila ang dapat maging layunin ng pagpapagal ng lipunan.
B. Ang paglutas sa mga suliranin nila ay susi ng pag-unlad ng bansa.
C. Ang paglabag sa kanilang karapatan ay nakadaragdag sa problema ng lipunan.
D. Ang karapatan ng bawat isa ay batayan ng anumang layon ng lahat.

2
7. Paano higit na maitutuwid ang paglabag sa karapatang pantao?
A. sa marahas na pamamaraan. B. sa hindi na pag-ulit sa mga ito
C. sa pagsakdal sa mga nakagawa nito. D. sa pagpapaalala nito sa mga tao.

8. Ang diskriminasyon batay sa kulay, kasarian, relihiyon, at sa iba pang salik ay maituturing
na paglabag sa karapatang pantao. Ito ay dahil _________
A. Nararapat ang pantay at patas na pagtrato sa lahat ng tao.
B. Nararapat na itrato ang tao una sa lahat sa taglay niyang dignidad.
C. Nararapat na maghing makatao ang lahat sa kanyang kapwa.
D. Nararapat na hindi labagin ang karapatan ng bawat indibidwal.

9. Ang pagkuha ng mga terorista at iba pang lumalaban sa pamahalaan ng mga batang
mandirigma ay maituturing na paglabag sa kanilang karapatan, ito ay sapagkat __________
A. Hindi pa nila alam ang kanilang pinaglalaban
B. Wala pa sila sa tamang edad para magpasya sa mga ganitong mga bagay.
C. Maaari nilang ikamatay ang pagsabak sa armadong pakikibaka.
D. Malupit ang pagdaan sa anumang digmaan.

10. Ang mga naaapi ayon kay Freire ay nararapat na________


A. Lumaban sa nang aapi B. Kwestiyonin ang kanilang kalagayan
C. Iahon ang sarili sa hirap D. Paunlarin ang kalagayan.

BALIK TANAW

Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot sa bawat bilang.

1 Bilang tao ang bawat isa ay may angking______________


A. Karapatan B. Buhay C. Halaga D. Pag-asa

2. Ang bawat karapatan ay may karampatang______________


A. Kinabukasan B. Kaalaman C. Pangarap D. Tungkulin

3. Bakit maituturing na tungkulin ng tao na igalang ang tungkulin ng kapwa?


A. Sapagkat magkakatulad silang may dignidad.
B. Sapagkat may pananagutan siya sa kanyang kapwa.
C. Sapagkat ito ang nakasaad sa batas.
D. Sapagkat ito ang nararapat

4. Ang lahat ay maituturing na karapatan maliban sa isa.


A. Mag-aral B. Makaboto C. Mangutang D. Mabuhay

5. Ang lahat ay maituturing na tungkulin maliban sa isa:


A. Makaboto B. Matrabaho C. Maglingkod D. Mangibang-bayan

3
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Natutuhan mo sa unang aralin ang kalikasan at katuturan ng karapatan at tungkulin


bilang isang indbidwal at bilang kasapi ng pamilya, lipunan, bansa, at maging sa
pandaigdigang komunidad. Ito ay sapagkat mayroong dignidad na taglay ang bawat isa
atin. Ito ay nararapat na pangalagaan at tiyakin kung paano ito maipararanas sa lahat lalo’t
higit sa mga nasa laylayan ng lipunan katulad ng mga mahihirap, mga minorya sa lipunan,
at mga mayroong kapansanan.
Sa araling ito ay matutuhan mo kung paano nilalabag ang mga nasabing karapatan.
Ito ay isinasagawa ng kapwa tao, mga institusyon na nararapat na unang mangalaga sa
kanilang karapatan, at mga sistemang baluktot at hindi batay sa tamang katwiran. Ang
mga ito ay masasalamin ng mga kasalukuyang pangyayari at maging sa nakaraang bahagi
ng ating kasaysayan.

ARALIN 1- Dignidad na Taglay ng Bawat Tao Pantay-Pantay


Mga Layunin
1. Matutukoy ang mga paglabag sa karapatang pantao ang siyang sumisira sa dignidad
ng tao.
2. Maipapakita ang pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkuling taglay.
3. Makasulat ng mga pamamaraan kung paano maisasabuhay ang pagkakapantay pantay
ng dignidad ng tao.
4. Maiuugnay ang paniniwala ni Freire sa katotohanan na pantay-pantay ang dignidad ng
bawat tao anuman ang estado sa buhay.

NILALAMAN NG ARALIN
Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay maaaring uriin sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
A. Pisikal na paglabag-ito ay tumutukoy sa pananakit bilang paraan ng pang-aapi. Ito ay
maituturing din na hindi pagkilala sa taglay na dignidad ng tao at maging sa
kasagraduhan ng kanyang katawan.
B. Sikolohikal at Emosyonal na paglabag-ito ay tumutukoy sa pagsasalita nang masasakit
patungkol sa isang tao na makakapagdulot sa kanya na magkaroon ng trauma dahil sa
pangyayari. Ito ay maaaring magbunga rin ng kawalan ng tao ng tiwala sa kanyang sarili
(self-efficacy)
C. Istruktural na paglabag-ito ay tumutukoy sa paniniil ng mga nasa kapangyarihan sa
kanyang mga mamamayan o nasasakupan na dahilan upang mawalan sila ng boses na
ipaglaban ang kanilang mga paniniwala at maging ang kanilang pamamaraan ng
pagpapaunlad ng sarili ay hindi rin pinagkaloob sa kanila.

4
Ang mga nasabing paglabag ay maaaring magkakahalo. Halimbawa ang
mapang-abusong ama ng tahanan ay nagdudulot ng pisikal at sikolohikal na paglabag sa
kanyang pamilya.ang diskrimiasyon batay sa kulay, relihiyon, aty kasarian ay maaaring
kombinasyon din ng pisikal na paglabag (pananakit sa isang miyembro ng LGBTQ halimbawa),
sikolohikal at emosyonal na paglabag (halimbawa ay pamamahiya sa isang katutubo o iyong
nabibilang sa Indigenous People).
Maging ng hindi pagtanggap sa trabaho ng isang Muslim (istraktural na paglabag). Ang
pambubulas (bullying) ay isa ring halimbawa na maaaring maghatid ng dalawang uri ng
paglabag. Kung ang batang binulas ay nagreklamo sa kanyang paaralan at hindi ito dininig ng
nga opisyales ng paaralan ay sila ay naghatid ng istraktural na paglabag. Ang hindi pagkilala sa
karapatang pantao ay nagtulak sa pamahalaan na isabatas ang mga sumusunod na batas:

A. RA 9262-laban sa pang-aapi at pang aabuso sa kabataan at kababaihan


B. RA 8358-laban sa pangggahasa at pagkilala sa rape bilang krimen laban sa tao at hindi
lang krimen laban sa kalinisan (chastity).
C. RA 9208-laban sa pagluluwas (trafficking) ng mga tao lalo na ang mga kababaihan at
kabataan.

Bukod sa deklarasyon ng pangangalaga sa karapatang pantao ng United Nations.


Pinagtibay rin ang pagkilala sa karapatang pantao sa pamamagitan ng International Covenant
on Civil and Political Rights (ICCPR) at Convention Against Torture (CAT). Kayat ang
pagpapatay ng mga suspek sa krimen na humahantong sa Extra Judicial Killings (EJK) at
maging ng pagkuha ng mga batang mandirigma ng mga rebelde ay matuturing na paglabag sa
karapatang pantao.

Ang mga nasabing prinsipyo ay sasalamin sa katotohanan pantay-pantay ang dignidad ng


bawat tao anuman ang estado sa buhay. Sa nasabing aspeto, dapat na ituro sa mga bata ang
reyalidad ng mga sitwasyon ng bawat tao, partikular sa mga mahihirap lalo na sa mga taong
ang pamilya ay mahirap na sa ilang henerasyon. Upang masolusyunan ang kahirapan ay
nararapat na kuwestiyunin ng mga mismong api ang sarili, ang mga salik na maaaring
nakaka-apekto rito. Sa nasabing pamamaraan ay malayang nakapagbibigay opinyon ang mga
mag-aaral sa kanilang guro, ang kanilang pananaw ay pinapahalagahan. Ang katawagan ni
Freire rito ay problem posing model.

Inilarawan sa aklat na ito ang iba’t-ibang uri ng pang-aapi. Ayon dito ang mga may
kapangyarihan at mga kumokontrol ng komersiyo na walang ginawa upang umangat ang
kalagayan ng mga mahihirap ay siyang tunay na mapang-api. Paliwanag pa ni Freire kadalasan
ang ginagawa ng mga makapangyarihan any huwad na pagbibigay (false generosity).
Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng pamimigay ng regalo mula sa pamahalaan upang
magkaroon ang mga mamamayan ng utang na loob sa nakaupong opisyal (upang hindi isipin
ng mga pangkaraniwang mamamayan na ang perang ginugol ay galing din sa buwis na kanilang
binabayaran at hindi sa bulsa ng nasabing opisyal). Isa pang halimbawa nito ay donasyon na
ibinibigay ng malaking korporasyon ngunit hindi nagbibigay ng tamang benepisyo sa kanilang
mga manggawa.

5
MGA GAWAIN

Gawain 1: Basahin ang sanaysay sa ibaba.

Si Paulo Freire ay isa sa kilalang pangalan sa larangan ng edukasyon at


pilosopiya sa bansang Brazil ay pinanganak sa Recife, isang bayan sa nasabing bansa
mula sa Timog Amerika. Siya ay nakilala sa kanyang mga paniniwala at teorya ukol sa
pagkakaroon ng diumano’y sistematikong pang-aapi ng nasa mga naghaharing uri
(mga lider ng pamahalaan at mga oligarkiya). Pinalaki ng kanyang ina at negosyanteng
ama. Ang kanilang buhay bagamat maituturing na middle class o nasa gitnang
bahagdan ng pang pinansyal na kalagayan subalit nakaranas sila ng labis na kahirapan
lalo nung kabataan ni Freire. Sa kalaunan ay nagkaroon ng pag angat sa kanilang
kabuhayan ay naipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Nakapagtapos siya ng
pag-aaral sa Unibersidad ng Recife, isa sa mga prominenteng pamantasan sa
nasabing bansa.
Nakilala si Freire nang pangunahan niya ang pagtuturo sa pagbabasa ng mga
mga matatandang hindi pa marunong bumasa at sumulat sa Recife. Nasa tatlong daan
(300) ang kanyang mga maging estudyante ang kanyang nagabayan upang matutong
bumasa at sumulat sa loob lamang ng apatnapu’t lmang (45) araw. Matapos ang isang
taon ay itinalaga siya ng Pangulo ng kanilang bansa upang isagawa ito sa buong
bansa. Ngunit kinalaunan ay naglunsad ng kudeta ang kalaban ng pamahalaan.
Sinasabing isa sa mitsa ng nasabing pag-aalsa ay ang programang pinangunahan ni
Freire. Ito ay sapagkat hindi pinaboboto sa ilalim ng kanilang Saligang Batas ang mga
hindi marunong bumasa at sumulat. Sa tingin ng mga tutol sa mga adbokasiya ni Freire
ay nagkakaroon ng dagdag na kapangyarihan ang mga nasabing mamamayan. Siya
ay pinatapon sa Bolivia at Chile, mga karatig bansa ng Brazil. Sa Chile, ay isinagawa
niya rin ang paraan ng pagtuturo na ginawa niya sa kanyang sinilangang bayan.
Dito niya nabuo ang aklat na Pedagogy of the Oppressed. Sinasabing ito ang
nagpabantog sa kanyang pangalan sa kabila ng kanyang pagpanaw noon pang 1997.
Sinasabi ng aklat na ito ang mga dahilan ng kawalan ng hustisya sa daigdig at patuloy
na paglabag sa karapatang pantao lalo ng mga taong nasa laylayan ng lipunan. Ang
mga api, ayon sa kanya ay may takot sa kalayaan at sa mga salik na maaring
humantong dito. Ayon kay Freire ang paraan ng pagtuturo ay nagtutulak sa mga api at
mga mahihirap na makulong sa nasabing prinsipyo. Ang banking model of teaching na
kung saan ang pagtuturo ng guro ay maihahalintulad sa pagdedeposito ng pera sa
bangko at ang pag withdraw ng nasabing salapi ang patunay na pagkakatuto ng mga
mag-aaral. Inihalimbawa niya rito kung saan ang mga konsepto sa loob ng sild-aralan
ay ipinipasaulo lamang sa mga mag-aaral kahit hindi nila ito nauunawaan. Para kay
Freire ang guro o ang pagtuturo ay dapat na magtulak sa mag-aaral na magkaroon ng
kritikal na pag-iisip kung paano masosolusyunan ang mga panlipunang suliranin.

6
Life story Freire and pedagogy of the oppressed
Gawain 2: Collage of the Oppressed

Panuto: Gumawa ng photo collage ukol sa mga paniniwala ni Freire gamit ang organizer sa
ibaba.

PAGSUSURI

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


1.Anong damdamin ang umiral sa iyo habang binabasa ang sanaysay sumasagot sa mga
gawaing ito? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2.Bigyang kahulugan ang salitang kaapihan
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano ang pagkakaiba ng banking model sa problem posing na paraan ng pagtuturo?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

7
4. Ilarawan ang huwad na pagbibigay.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Paano maiangat ng taong api ang kanyang kalagayan ayon kay Freire?
________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Isa-isahin ang mga uri ng paglabag sa karapatang pantao.


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Bakit maaaring magdulot ng maraming paglabag sa karapatan ang isang uri ng pang
aabuso?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Ano pa ang batas na ipinatutupad sa bansa ang hindi pa nabanggit sa itaas? Para
saan ito? Ipaliwanag
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4.Ipaliwanag ang mga prinsipyo ng karapatang pantao ayon sa UN.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

8
ARALIN 2: Paano Maitutuwid ang mga Paglabag?
Mga Layunin
1. Matukoy ang pagtuwid paglabag sa karapatan pantao.
2. Maipakita ang pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkuling taglay.
3. Makasulat ng mga pamamaraan upang maituwid ang paglabag sa karapatang
pantao ng paglabag lalo sa mga nasa laylayan ng lipunan.
4. Nakasusulat ng Banghay ng Plano (Action Plan) kung paano maitutuwid ang mga
nakagawiang paglabag sa karapatang pantao.

NILALAMAN NG ARALIN

Sa layuning magabayan ang mga pamahalaan sa buong mundo ang batayan ng


pangangalaga ng karapatang pantao ng kanilang mga mamamayan, ay gumawa ang mga
Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) ng pagtatasa sa bahagdan ng pagpapatupad nito,
ito ay tinatawag na Human Rights Index (HRI). Ito ay sinusuma sa pamamagitan ng pagtupad
ng mga bansa sa mga tratado na kanilanmg pinirmahan, mga paglabag o pangangalaga ng
pulis at military sa karapatan ng kanilang tinutugis, pagkakaroon ng malayang pamamahayag.
Sinusuma rin ang paggampan ng bansa sa Deklarasyon ng Layon ng Likas Kayang Pag-Unlad
(Sustainable Development Goals) ng mga bansang kasapi ng UN na ang layon ay
mapangalagaan ang kagalingan ng mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap at inaapi. Ito
binuo noong 2015, ang mga ito ay ang mga sumusunod; Ang mga indikasyon ng nasabing
panukat ay ang mga sumusunod (bawat isa ay may isang puntos na nangangahulugan na ang
taas ng puntos ay taas ng antas ng paggalang ng nasabing bansa sa karapatang pantao ng
kanilang mga mamamayan.

Ang itinakdang mga Layon ng Likas Kayang Pag-Unlad ay ang mga sumusunod:
A. Pagsugpo sa kahirapan
B. Pagsugpo sa kagutuman
C. Pagpapaunlad sa serbisyong medikal
D. Pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon
E. Pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa lahat ng kasarian
F. Pagniniguro sa kalinisan ng tubig na iniinom.
G. Pagkakaroon ng abot kaya at malinis na enerhiya.
H. Paniniguro ng disenteng hanapbuhay at pag-unlad ng ekonomiya na dama ng lahat.
I. Pag-unlad ng industriya ng imprastraktura.
J. Pag-alis sa hindi pagkakapantay pantay ng tao.
K. Pagkakaroon ng likas kayang mga siyudad at komunidad.
L. Paniniguro ng responsableng produksyon agt pagkonsumo.
M. Pag-aksyon sa mga suliranin hinggil sa klima.
N. Pangangalaga sa karagatan.
O. Pangangalaga sa kalupaan

9
Ang mga nasabing layunin ay natukoy ng mga bansang kabilang sa mga Nagkakaisang
Bansa noong 2015 upang hindi lang pangalagaan kundi pagtibayin ang karapatang taglay ng
mga mamamayan lalo ang mga nangangilangan ng tulong ng kani-kanilang mga pamahalaan.
Tinukoy ng mga eksperto na ang hindi paniniguro ng pag-abot ng mga nasabing layunin ay
mag-aalis sa mga mamamayan ng mga karapatan na dapat nilang natatamasa.
Sa kabilang banda ay natutukoy ng panukat ng UN ang bahagdan pangangalaga ng
karapatan ng bawat bansa sa kanilang mga mamamayan, ito ay ang panukat sa pangangalaga
sa karapatan ng mamamayan o Human Rights Index HRI). Ito ay sinusuma sa pamamagitan
ng pagtupad ng mga bansa sa mga tratado na kanilanmg pinirmahan, mga paglabag o
pangangalaga ng pulis at military sa karapatan ng kanilang tinutugis, pagkakaroon ng malayang
pamamahayag
Ayon sa datos ng UN (2019), ang mga sampung bansa na nangunguna sa pangangalaga
ng karapatan ng kanilang mga mamamayan ay; Iceland, Finland, Sweden, Austria, Norway,
Ireland, Denmark, Netherland, at Slovenia. Ang mga nasabing bansa ay modelo kung paano
mapagtitibay ang karapatan ng mga mamamayan gamit ang panukat na mismong mga eksperto
ang may akda.

10
MGA GAWAIN

GAWAIN 1: Basahin at unawain ang tula:

Paglabag Ituwid….
Ni: Geoffrey S. Ogale

Natukoy mo na ang iba’t-ibang uri ng paglabag sa karapatan,


Mga hindi pagkilala sa dignidad at mga gawing puro kamalian,
Sapagkat pakikisalamuha sa kapwa ay dapat angkop sa katwiran,
Dahil sa karapatan ng bawat isa na dapat nating paninidigan,

Kaya sa loob ng bahay ikaw ba ay nang-aabuso o saksi rito,


Mangyari itigil at sa awtoridad ay isumbong upang ito ay mahinto,
Sapagkat pamilya ay hindi dapat sa ganitong pamamaraan maigupo,
Dahil sa pagmamahalan ang dapat mamayani rito,

Pambubulas sa kamag-aral ay dapat ding huwag nang gawin,


Sapagkat hindi karapat dapat sa sinuman ang gawing hindi butihin,
Wala siyang ginawa sa iyo upang siya ay masamain,
Bagkus biktima lang siya ng mgha gawi mong dapat nang kalusin,

Maging diskriminasyon sa kapwa ay hindi nararapat,


Anumang kalagayan sa buhay ay gawaran ng kung ano ang dapat,
Sapagkat anumang dahilan na gawin ito ay hindi sapat,
Sapagkat pagkatao nila ay may dignidad nating sangkap,

Kaya’t pamahalaan ay dapat kumilos at magplano,


Na lahat ay igagalang ang karapatang pantao,
Upang pagkakaisa sa lipunan ay mabuo,
Dahil isa itong daan ng pagkakasundo

Gawain : Karapatan at Tungkulin, Paano Nilalabag?


Panuto: Bumuo ng banghay ng plano (Action Plan) sa pagtutuwid ng paglabag sa karapatang
pantao sa pamamagitan ng pagkupleto sa tsart. Sumulat ng maikling repleksyon ukol dito.

Paglabag sa karapatang Paano ito isasagawa Sino kasama ko upang


pantao na nasaksihan ko maisakatuparan ito

Hal.pagbubulas sa social Hal. Pagpapaalala ukol Hal. Aking FB friends


media. dito sa aking mga posts
sa social media.

1.

2.

3.

11
Repleksyon:

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSUSURI

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan


1.Anong damdamin ang umiral sa iyo habang sumasagot sa mga gawaing ito? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit nararapat na ituwid ng tao ang paglabag sa karapatan ng kanyang kapwa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Bakit nararapat na matukoy ng tao ang kanyang gagawin ukol sa pagtutuwid sa paglabag
sa karapatang pantao?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Ilarawan kung paano itutuwid ng mga lider sa pamahalaan ang paglabag sa


karapatang pantao.

2. Bakit mga lider sa pamahalaan ang dapat manguna rito?

3. Paano mapapangangalagaan ng bawat isa ang kanilang mga karapatan?

12
TANDAAN

Ang paglabag sa karapatang pantao ay nangangahulugan na sistematiko ang


hindi pagkilala sa dignidad ng bawat indibidwal lalo’t higit sa mga mahihirap at nasa
laylayan ng lipunan.
Ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng
tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang
pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot.


1. Ayon sa Layunin ng Likas Kayang Pagpapaunlad (Sustainable Development Goals) ng
Nagkakaisang mga Bansa o United Nations (UN) ay nilikha upang mapaunlad ang
_________
A. bansa B. mamamayan C. mundo D. kalusugan

2. Ang mga Likas Kayang Pagpapaunlad ay nararapat ibatay sa karapatan ng mga


mamamayan. Ito ay dahil ______________.
A. Ang kagalingan nila ang dapat maging layunin ng pagpapagal ng lipunan.
B. Ang paglutas sa mga suliranin nila ay susi ng pag-unlad ng bansa.
C. Ang paglabag sa kanilang karapatan ay nakadaragdag sa problema ng lipunan.
D.Ang karapatan ng bawat isa ay batayan ng anumang layon ng lahat.

3. Paano higit na maitutuwid ang paglabag sa karapatang pantao?


A. sa marahas na pamamaraan. B. sa hindi na pag-ulit sa mga ito
C. sa pagsakdal sa mga nakagawa nito. D.sa pagpapaalala nito sa mga tao.

4. Itinulad ni Paulo Freire ang diumano’y sistema ng edukasyon na naging sanhi upang
magtuloy ang pang-aapi sa mga mahihirap sa transakyon sa_______
A.bangko B. ospital C. paaralan D. simbahan

5. Tawag sa pagpatay sa mga diumano’y sangkot sa krimen tulad ng droga.


A. Extra Marital B. Extra Special C. Extra Judicial D. Extra Ordinary

6. Ang diskriminasyon batay sa kulay, kasarian, relihiyon, at sa iba pang salik ay maituturing
na paglabag sa karapatang pantao. Ito ay dahil __________
A. Nararapat ang pantay at patas na pagtrato sa lahat ng tao.
B. Nararapat na itrato ang tao una sa lahat sa taglay niyang dignidad.
C. Nararapat na maghing makatao ang lahat sa kanyang kapwa.
D. Nararapat na hindi labagin ang karapatan ng bawat indibidwal.

13
7. Ang pagkuha ng mga terorista at iba pang lumalaban sa pamahalaan ng mga batang
mandirgma ay maituturing na paglabag sa kanilang karapatan, ito ay sapagkat
_________________.
A. Hindi pa nila alam ang kanilang pinaglalaban
B. Wala pa sila sa tamang edad para magpasya sa mga ganitong mga bagay.
C. Maaari nilang ikamatay ang pagsabak sa armadong pakikibaka.
D. Malupit ang pagdaan sa anumang digmaan.

8. Ang mga naapi ayon kay Freire ay nararapat na ________


A. Lumaban sa nang aapi B. Kwestiyonin ang kanilang kalagayan
C. Iahon ang sarili sa hirap D. Paunlarin ang kalagayan.

9. Panukat na ginagamit ng United Nation (UN) upang itasa ang ang kalagayan ng paglabag
sa karapatang pantao ng isang bansa. Ito ay __________________.
A. Human Rights Quotient B. Human Rights Ratio
C.Human Rights Assessment D. Human Rights Index

10. Maituturing na paglabag sa karapatang pantao ang kawalan ng pamamaraan ng mga tao
upang sila ay makaranas ng serbisyong medikal, ito ay dahil____________
A. Sila ay may karapatan sa nasabing paglilingkod.
B. Sila man ay mamamayan rin ng bansa.
C. Sila man ay nagbabayad din ng buwis.
D. Sila man ay maaari ring magkasakit.

PAGNINILAY

Natutuhan ko na …
______________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

14
SANGGUNIAN

Department of Education. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao . Ikasiyam na


Baitang.Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City.

EASE Araling Panlipunan. Department of Education

Ogale, G. & Ogale, M. (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao 9. Batay sa K-12


Kurrikulum. Student Digest Publishing House. Manila.

Punzalan, T. (2007). Kaganapan ng Pagkatao. Rex Bookstore, Manila

Collins,D.(n.d.).Paulo Freire Facts. Hinango mula


https://biography.yourdictionary.com/paulo-freire

Friere, P. (n.d.) Pedagogy of the Oppressed. Retrieved from


https://www.litcharts.com/lit/pedagogy-of-the-oppressed/summary

Ibat iba ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao, (n.d.) Hinango mula
https://www.coursehero.com/file/p2dlpgl/Ibat-iba-ang-anyo-ng-paglabag-sa-
karapatang-pantao-tulad-ng-pisikal-sikolohikal/

Universal Human Rights Index (n.d.) Hinango mula


https://uhri.ohchr.org/enfile:///D:/CERTI%20WEBINARS%20ATBP/humanrightsi
ndex2019.pdf

Sustainable Development Goals (n.d.) Hinango mula


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.hiltonfoundation.o
rg%2Fsdgs&psig=AOvVaw1s37_rm8bDZHMic85s7aLd&ust=160385628239500
0&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMjfm7Ps0-
wCFQAAAAAdAAAAABAD

Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Lucita A. Gener
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Validators: Lucita A. Gener


Paulo T. Adorio

Writer/s: Marishyrl M. Ogale


Master Teacher I, Pres. Sergio Osmena Sr. High School

15
Susi sa Pagwawasto

I. Rubrics sa Pag-iiskor sa mga gawain

Iskor Krayterya

5 Naisagawa nang buong husay ang isinasaad


sa panuto
4 Naisagawa nang mahusay ang isinasaad sa
panuto
3 Naisagawa ang isinasaad sa panuto

2 Hindi gaanong mahusay ang pagkakasunod


sa panuto
1 Hindi naisagawa ang isinasaad sa panuto

10. A
9. D
8. B
7. B
6. B
5. C
4. A
3. B
2. A
1. A
II. Susi sa Pagwawasto ng Pangwakas na Pagtataya
10.B
9. B
8. B
7. B
6. A
5. B
4. A
3. D
2. C
1. A
II. Susi sa Pagwawasto ng Paunang Pagtataya
5. D
4. C
3. D
2. D
1. A
I. Susi sa Pagwawasto ng Balik Tanaw

16

You might also like