You are on page 1of 18

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan- Modyul 5.a:
Karapatan at Tungkulin
(Linggo: Una)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5.a: Karapatan at Tungkulin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Kevin V. Elmido
Editor: Anna Mae I. Tejada
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr.
Tagaguhit: Junelyn Q. Vailoces
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan- Modyul
5.a:
Karapatan at Tungkulin
(Linggo: Una)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Karapatan at Tungkulin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa pagga

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Karapatan at Tungkulin!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahagingAlamin
ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng


modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
Subukin
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Balikan
Sa bahagingTuklasin
ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyongSuriin
ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito Pagyamanin


ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman Isaisip
ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Isagawa
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahagingTayahin
ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan
Susi sang modyul na ito, makikita mo rin ang:
Pagwawasto

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Karapatan at Tungkulin

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao.(EsP9TTIIa-5.1)

Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,


baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa. (EsP9TTIIa-5.2)

Mga Layunin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na nararapat ninyong ma
magagawa mo ang sumusunod:

Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan na ating kinalalagyan.


Nakikilala at naiisa-isa ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paarala
Nahihinuha at napahahalagahan ang pagkabatid at pagkaalam sa mga Karapatan at tungkulin
isang mabuting mamamayan ng bansa.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot
sa iyong kuwaderno.

1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?


A. Karapatan
B. Isip at kilos-loob
C. Kalayaan
D. Dignidad
2. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig
sabihin nito?
A. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay
sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa
buhay.
B. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang
kapwa na igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng
moral na kilos.
3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan)
ang isang Gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng
mga tungkulin.
4. Ano ang buod ng talata?

Ayon kay Scheler, kailangan hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang
matupad din ng pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang
tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang
paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan
ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.

A. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting


mamamayan.
B. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin
upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
C. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi
tumutupad ng tungkulin.
D. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan
bago mahubog ng indibidwal ang sarili.
5. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.
B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima
ng pang-aabuso.
C. Sumasali si danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga
batang kalye.
2
6. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin
na ipinakita ng tauhan?

Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninulbihan bilang porter sa isang


homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya ng simple gamit ang isang
jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matanggap niya ang kaniyang
pensiyon sa Social Security, naglalakad siya ng higit isang milya upang ibigay
niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan (tithing).
Kier Mich, 2012, ph. 145-146
A. Karapatan sa pribadong ari-arian
B. Karapatan sa buhay
C. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
D. Karapatang maghanpbuhay
7. Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa
Katotohanan” (Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan?

Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece
upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay
C. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
(migrasyon)
D. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
8. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?

Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng


karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay
labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa
buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa
lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may
mataas na antas na determinasyon. (Pacem in Terris)

A. Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.


B. Isang panloloko at paglabagsa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa
aborsyon.
C. Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga
batas at plano na nagtataguyod ng paglabag sa karapatan sa buhay.
D. Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.
9. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

 Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain


 Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
 Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
 Pag-iwas sa eskandalo
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
D. Karapatang maghanapbuhay

3
10. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang
umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian
C. Karapatang maghanap-buhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar

Balikan

Panuto: Sagutin ang tanong na:

1. Anu-anong pagpapahalaga ang isinusulong ng lipunang sibil upang makamit ang


kabutihang panlahat?

Tuklasin

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang anim na aytem na itinuturing mong karapatan.


Isulat ang mga ito ayon sa lumalabas iyong isip. Pagkatapos, iranggo mo
ito –1 ang pinakamahalaga sa iyo at 6 ang pinakahuli.

1. Anu-ano ang maituturing mong karapatan?


2. Ipaliwanag ang iyong batayan sa resulta ng pagraranggong iyong ginawa. Ano
ang sinasabi nito sa iyong pagkaunawa sa karapatan?

Suriin

Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinakikita


ito? Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may panagutan?
Ang karapatan ay isang kapangyarihang moral na gawi, hawakan,
pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanilang estado sa
buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na
igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng
pagsisisi.

4
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral

Moral ito dahil hindi maaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na
ibigay sa kaniya ng sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay. Bilang
kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao
lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang ito, may obligasyon
ang tao na akuin at tuparin ang kaniyang mga tungkulin.

Mga Uri ng Karapatang Hindi Maaalis (inalienable)


1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas na antas ng karapatan. Dapat
itong mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa
panganib.
2. Karapatan sa pribadong pagmamay-ari. Kailangan ng tao ang mga ari-arian
upang mabuhay ng maayos at maging produktubong mamamayan.
3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang tao na bumuo ng pamilya
sa pamamagitan ng kasal.

Mga Uri ng Karapatang Hindi Maaalis (inalienable)


4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang lumipat sa
ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o kaligtasan sa panganib.
5. Karapatan sa pananampalataya. Bawat tao ay malayang pumili ng relihiyon na
makakatulong sa kanya upang mapaunlad ang kanyang pagkatao.
6. Karapatang maghanapbuhay. Ang tao ay may karapatan sadisenteng
hanapbuhay upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.

10 Karapatan ng Bawat Batang Pilipino


1. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
2. Magkaroon ng tahanan at pamilyang magaaruga sa akin.
3. Manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
4. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan.
5. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
6. Mapaunlad ang aking kakayahan.
7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.
8. Mabigyan ng proteksyon laban sa pangaabuso, panganib at karahasan.
9. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
10. Makapagpahayag ng sariling pananaw.

Ano ang tungkulin?

Ito ang obligasyong moral na gawin o hindi gawin ang isang gawain.
Kailangang gawin ang mga tungkulin sapagkat ito ay nararapat o nakabubuti.
Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad sa tungkulin. Moral na gawain ito
dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan. Samakatuwid
ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-
pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

5
Tungkulin sa Bawat Karapatan
Karapatan Tungkulin
1. Karapatan sa buhay Pangalagaan ang kanyang kalusugan at
sarili laban sa panganib.
2. Karapatan sa pribadong Pangalagaan at palaguin ang kanyang mga
pagmamay-ari. ari-arian at gamitin ito sa tama.
3. Karapatang magpakasal Suportahan at gabayan ang pamilya upang
maging mabuting tao.
4. Karapatang pumunta sa Kilalanin ang limitasyon ng sariling
ibang lugar. kalayaan. Pagsunod sa batas ng linipatang
lugar.
5. Karapatan sa Igalang ang relihiyon at paraan ng
Pananampalataya pagsamba ng ilan.
6. Karapatang Magpunyagi sa trabaho at magpakita ng
maghanapbuhay kahusayan sa gawain

Pagyamanin

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang karapatan? Bakit ito tinawag na kapangyarihang moral?


2. Saan nakabatay ang karapatan? Ipaliwanag.
3. Ano ang tungkulin? Bakit ito obligasyong moral?
4. Anu-ano ang dulot ng hindi pagtupad ng tungkulin?

6
Isaisip

Napag alaman ko na .

Napagtanto ko na

Ang aking gagawin ay

Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga
mahalagang konsepto ng karapatan at tungkulin.

1. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga paglabag sakarapatang pantao


na nagaganap sa kasalukuyan.
1. 4.
2. 5.
3.

2. Bakit napakahalaga na maunawaan ang kaugnayan ng


karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan sa pagkatao ng
tao?

7
Tayahin

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung sa tingin mo ay tama ang nilalaman ng
pangungusap at MALI kung sa tingin mo ay mali ang nilalaman ng
pangungusap.

1. Ang isang kompanya ng konstruksiyon ay hindi dapat tumanggap ng


kababaihan.
2. Ang isang babaeng “nagger” o laging naghahanap ng kamalian ng
kanyang asawa ay karapat-dapat lamang na saktan.
3. Laging mababa ang ranggo ng mga babae sahukbo ng sandatahan
at pulisya kaysa mga lalaking sundalo o pulis katulad nila.
4. Ang kababaihan ay nababagay lamang satahanan.
5. Ang kababaihang nagtatrabaho ay dapat mabigyan
ng ligtas at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.
6.Mas nakabababa ang uri ng kababaihan kaysa kalalakihan.
7. Ang kababaihan ay maaaring kumandidato sa mga eleksiyon.
8. Ngayon, maraming Pilipina ang nangunguna salarangan ng isports,
siyensiya, pulitika at pelikula.
9. Ang totoong Pilipina ay dapat laging sumunod sa utos ng kanyang
asawa o kasintahan.
10. Ang kababaihan, tulad ng kalalakihan, ay may karapatang
magpahayag ng kanilang damdamin at gumawa ng mga bagay na
gusto nilang gawin.

Karagdagang
Gawain

Panuto: Tunghayan ang larawan sa ibaba at sagutin ang katanungan.

8
May magagawa ka ba sa mga malawakang paglabag sa mga karapatang
pantao na ipinakita sa docufilm? Paano ka makatutugon sa mga paglabag na ito,
kasama ng iba pang kabataan?
Sanggunian

Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang,


Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600

You might also like