You are on page 1of 20

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7.a: Ang
Paggawa Bilang Paglilingkod at
Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
(Linggo: Ikalima)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7.a: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod
ng Dignidad ng Tao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Kevin V. Elmido
Editor: Anna Mae I. Tejada
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr.
Tagaguhit: Junelyn Q. Vailoces
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng _

Department of Education –

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul
7.a:
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod
at Pagtataguyod ng Dignidad ng
Tao
(Linggo: Ikalima)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Paggawa Bilang
Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa pagga

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng
Dignidad ng Tao!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng
Dignidad ng Tao

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng
tao at paglilingkod.(EsP9TTIIe-7.1)

Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o


barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at at paglilingkod.
(EsP9TTIIe-7.2)

Mga Layunin
Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang
modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

1. Nakikilala ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad


ng tao;;
2. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit
ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong
nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t-ibang karera o trabahong
teknikal bokasyonal;;
3. Natatamo ang kasiyahan sa pagsagot sa mga gawain.

1
Subukin

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot
sa iyong kwaderno.

1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa:


A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa
kaniyang kapwa.
C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan
ng kapwa.
D. Isang gawain ng tao na nangangailangan og orihinalidad,
pagkukusa, at pagkamalikhain.
2. Ang mga sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa:
A. maipagmalaki ang kakayahan at karunungan
B. kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangunahing
pangangailangan
C. makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham
at teknolohiya
D. maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
3. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag
ang tama?
A. Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kungwala siyang pera.
C. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
D. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago
ang sarili.
4. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa niya sa
pag- unlad ng agham at teknolohiya?
A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang
pagkamalikhain.
B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindiito nahawakan
ng tao.
C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming
produkto.
D. Nagbabago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
5. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural
ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
A. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at
nilalapatan ng modernong disenyo.
B. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa
nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
C. Si Romeo na nag-iexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.
D. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan
ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
6. Ano ang obheto ng paggawa?
A. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit
ng tao upang makalikha ng mga produkto.

2
B. Mga taong gagamit ng produktong nilikha.
C. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.
D. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
7. Paano nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.
B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.
C. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
D. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
8. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay
nangangahulugang:
A. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa
bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
B. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan
siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa
pagpapayaman ng paggawa.
C. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit
hindi dapat na iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong
nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa.
D. Kapwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga bunga ng paggawa kung kaya
ibinubuhos niya ang lahat na kaniyang pagod at pagkamalikhain upang
makagawa ng isang makabuluhang produkto.
9. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.
A. Subheto ng Paggawa
B. Obheto ng Paggawa
C. Paggawa
D. Moralidad
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nangangahulugan ng salitang paggawa?
A. Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa araw-araw
B. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at
pagkamalikhain
C. Isang pagkilos na hindi nababatay sa kaalaman
D. Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa nang may pananagutan

Balikan

Panuto: Sumulat ng mga mahahalagang konsepto na iyong natutuhan mula sa mga


gawain at sa babasahin. Isulat sa concept web ang isang malaking
konsepto mula sa mga maliliit na konsepto.

3
Tuklasin

Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na larawan sa ibaba.

Layunin ng langgam sa ginagawa nito Layunin ng kalabaw sa ginagawa nito

Layunin ng ibon sa ginagawa nito Layunin ng tao sa ginagawa nito

1. Ano ang pagkakaiba ng langgam, ibon, kalabaw, at tao sakanilang layunin sa


ginagawa? Ipaliwanag.
2. Bakit nagkakaiba-iba ng layuninsa knailang ginagawa ang mga may buhay
na nilikha ng Diyos?
3. Sa lahat ng mga nasa larawan, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng
paggawa?
4. Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga layunin ng tao sa paggawa nainyong
naitala? Bakit o bakit hindi?5. May kabuluhan ba ang paggawa sa lipunan?
Pangatwiranan.

4
Suriin

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at


Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Ano ba ang kahulugan ng paggawa? Bakit ito mahalaga para sa isang tao?
Karapat-dapat bang maunawaan ng lahat ang tunay na esensiya ng paggawa? Ang
araling ito ay makatutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang malalim na
kahulugan ng paggawa.
Bilang kabataan, nagsisimula na marahil mabuo sa iyo ang pananaw sa
paggawa bilang reyalidad ng buhay: isang bagay na hindi na matatakasan at
kailangang harapin sa bawat araw. Sa pagdaan ng panahon, matututunahan mo
kung bakit mahalagang kilalalnin ang paggawa bilang malaking bahagi ng iyong
pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang
may pananagutan (Esteban, S. J. 2009).
Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education,” ang paggawa ay
isang aktibidad o gawain ng tao. Maaari itong mano-mano, aktulad ng paggawa ng
bahay. Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng
patalastas o anunsiyo para sa mga produkto at komersiyal o pagsulat ng aklat. Ito ay
resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan g
kapuwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad
ng hayop o makina. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay
para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for Development Education,
1991).
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa, at pagkamalikhain;; at ang produkto nito, material man o hindi, ay
magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero
ay gumagawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na
kaniyang gibamit upang maging kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang mga
ito, ang kilos ay hindi matatawag na paggawa.
Ang paggawa ay anumang gawain – pangkaisipan man o manwal, anuman
ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng
Diyos. May mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya ay bukod-tanging
nilikha.
Sa simula pa lamang ng paglikha ng tao, inilaan na siya upang gumawa ng
mga katangi-tanging gawain. Ipinagkatiwala sa kaniya ang pangangalaga at
pamamahala sa lahat ng Kaniyang mga nilikha. Inilaan siya upang gumawa ng mga
katangi-tanging gawain. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay, tanging ang tao
lamang ang inatasan ng mga gawaing ginagamitan ng talino. Hindi katulad ng mga
hayop na gumagawa lamang kapag ginagabayan o inatasan ng tao o maaaring
gumagawa lamang sila sa dikta ng kanilang instinct upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Taliwas sa mga hayop, may malalim na layunin ang paggawa ng
tao. Patunay ito na ang kakayahan sa paggawa ang isa sa nagiging dahulan upang
magamit ng tao ang aniyang kalikasan.
Hindi maaaring ihatlintulad sa iba pang mga ulikha ng Diyos ang tao. Hindi
matatawag na paggawa ang ginagawa ng mga hayop upang matugunan ang
5
kanilang

6
mga pangangailangan. Samakatwid, tao lamang ang may kakayahan sa paggawa;;
sa kaniyang pag-iral, siya ay gumagawa. At sa pamaamgitan ng paggawa,
napatutunayan ang isa pang dahilan sa pag-iral ng tao – ang pagiging bahagi ng
isang komunidad, ang gumawa hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa
kaniyang kapuwa at pag-unlad nito.

Ang Mga Layunin sa Paggawa


1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang mga pangunahing panganhgailangan.

2. Upang makibahagi sa patuloy nan a pag-angat at pagbabago ng agham


at teknolohiya.

Mahalagang taglayin ng tao ang malalim na pagnanais na maibahagi


ang kanyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan. Mahalagang
pagyamanin ang agham at teknolohiya ngunit kailangang masiguro na hindi
gagamitin ang mga ito upang mawalan ng silbi ang tao. Ginawa sila bilang
katuwang at hindi kapalit ng tao.

3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.

Mahalagang maunawaan na ang paggawa ay mayroong panlipunang


aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan natin para sa pagangat
ng kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan.

Kailangang isaisip at isapuso na hindi tayo dapat magpaalipin sa


paggawa. Ang Diyos at hindi paggawa ang pinagmulan at ang patutunguhan
ng buhay.

4. Upang tulungan ang mga nangangailangan.


Ang paggawa ay isang moral na obligasyon. Kailangan ng tao na
gumawa upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na
panatilihin at pagyamanin o paunlarin ang sangkatauhan.

5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao.


Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang
paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito. Ang pagbibigay ng iyong lahat ng
panahon at pagod sa paggawa ay hinid dapat nawawaglit sa pag-aalay nito
para sa kapurihan ng Diyos.

Ang Subheto at Obheto ng Paggawa


Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources,
instrument, at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Ang nakagisnan ng tao na uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at
pawis

7
ay unti-unti ng nagbabago dahil sa pagtulong ng mga makabagong makinarya, na
tao rin ang nagdisenyo at gumawa. Hindi maipagkaakit na ito ang nagdulot ng
malaking pagbabago sa sibilisasyon. Napakalaki ng tulong na naibibigay ng
teknolohiya: napadadali ito ang trabaho ng tao at naitataas ang kaniyang
produksiyon.
Nilikha ang teknolohiya upang maapunlad ang gawain ng tao. Ito ang dahilan
kung bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga makinarya na makatutulong upang
mas maging madali ang paggawa para sa tao. Ang teknolohiya ay katulong ng tao.
Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito, unti-unti ng nagiging “kaaway” ng tao ang
teknolohiya, nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang tao sa paggawa, hindi
na niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging
malikhain. Dahil inaako ng ng makina ang bahaging dapat gampanan ng tao, hindi
na nakikilala ang kaniyang pagkamalikhain at malalim na pananagutan. Mahalaga ito
upang patuloy namaramdaman ng tao ang kaniyang halaga sa proseso ng paggawa.
Ang pagdami ng mga teknolohiya sa paggawa ang siyang umaagaw sa tao sa
kaniyang trabaho. Lumalabas na ang tao na ang nagiging alipin ng teknolohiya.
Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan ng pag-unlad ng
ekonomiya ng isang bansa, ngunit unti-unti nailalayo sa tao ang kaniyang tunay na
esensya sa mundo – ang paggawa na daan tungi sa (1) pagbuo ng tao ng kaniyang
pagkakakilanlan sa kakayahan, (2) pagkamit ng kaganapang pansarili, at (3)
pagtulong sa kapuwa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
Dahil sa taglay na kakayahan ng tao, siya ay binigyan ng Diyos ng karapatan
at tungkulin na mamahala sa mundo at sa iba pang nilikha. Ang tao lamang ang may
kakayahan na kumilos bunga ng proseso ng kaniyang pag-iisip, magpasiya ng para
sa kaniyan g sarili, at kilalalanin ng lubusan ang kaniyang sarili. Nasa kaniya ang
kakayahan na gumawa at gumanap ng iba’t-ibang kilos na kailangan sa proseso ng
paggawa. Samakatwid, maituturing na ang subheto ng paggawa ang tao.
Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa
produktong bunga ito kundi sa katotohanang ang gumagawa nito ay tao. Ang
produkto ng paggawa ay indikasyon ng dedikasyon at pagmamahal ng taong
gumawa nito. Ang dignidad na dumadaloy sa paggawa ay nakikita sa taong
gumagawa nito. Mas kailangang manaig ang subheto kasya obheto ng paggawa.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba na hango sa internet at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
http://gk1world.com/NewOurFounder

Antonio Meloto or “Tito Tony” to the countless Gawad Kalinga volunteers and
community partners was born on January 17, 1950 to a low middle class family
in Bacolod City, Negros Occidental. At a young age, he was already exposed to

8
squalid living conditions of the poor, his home being near a shoreline squatter
community where poverty was already very pronounced.
Tito Tony’s natural acumen provided him the opportunity to be an
American Field Service scholar, where he took his senior high school year in De
Anza High School in Richmond, California. But his big break came when he
qualified as a Full Academic Scholar of the Ateneo de Manila University. His
college years were dedicated to preparing for a career that would take him and
his family out of the poverty of his past. After he graduated in 1971 with a
Bachelor of Arts degree in Economics, he was offered a position as the
Purchasing Manager of Procter and Gamble. Eventually, he built his own name
as an entrepreneur.
It was in 1985 that Tito Tony’s life took a different path that eventually led him to
the inspiring work of Gawad Kalinga. He became an active member of Couples
for Christ (CFC) and quickly rose in leadership, becoming instrumental in the
setting up of the CFC Family Ministries in 1993. This expanded the reach of the
mission beyond couples, to include children, youth and young professionals. It
was in 1985 that Tito Tony’s life took a different path that eventually led him to
the inspiring work ofGawadKalinga. He became an active member of Couples for
Christ (CFC) and quickly rose in leadership, becoming instrumental in the setting
u of the CFC Family Ministries in 1993. This expanded the reach of the mission
beyond couples, to include children, youth and young professionals.
It was during his assignment as the Country Coordinator for Australia that
he felt the powerful call to start the work with the poor through a youth
development program for gang members and juvenile delinquents in Bagong
Silang, Caloocan City. Since it began in 1995, the program has now evolved to
become Gawad Kalinga, a global movement that builds integrated, holistic and
sustainable communities in slum areas.
Gawad Kalinga is now being implemented in almost 2,000 communities in the
Philippines and in other developing countries such as Indonesia, Cambodia and
Papua New Guinea. It has become a concrete manifestation of the healing of
relationships in the Philippines, bridging the gap between the rich and the poor,
government and the private sector by simply bringing back what is uniquely
Filipino – the spirit of ”bayanihan,” the willing
sharing of any heavy load for the good of his fellowmen. Driven by a strong
commitment to faith, GK is able to bring out the hero in every person by giving
him concrete opportunities to serve.
Gawad Kalinga sparks hope in the dream for a poverty free world – one family,
one community and one country at a time. This is Tito Tony’s passion. A true
manfor others, he has inspired notjust his family but hundreds and thousands of
volunteers throughout the country and the world to work towards building model
communities where the poor can thrive and attain to their fullest potential so that
together, we can all look forward to a better future for our children and the
generations to come.

Matapos basahin ang kuwento, sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang nagtulak sa kaniya upang simulan ang Gawad Kalinga at iwan ang
kaniyang trabaho?

9
2. Paano niya sinimulan ang Gawad Kalinga?

3. Ano ang nagpapatatag sa kaniya upang ipagpatuloy ang kaniyang gawain?

4. Bakit niya isinagawa ang ganitong mga proyekto?

5. Ano ang maituturing mong pinakamagandang impluwensiya sa


iyo ng iyong nabasang kuwento?

Isaisip

Napag alaman ko na .

Napagtanto ko na

Ang aking gagawin ay

10
Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang malaking konsepto mula sa mga maliliit na konsepto na


naisulat. Makatutulong sa iyo na masagot ang
Mahalagang Tanong na:
1. Bakit mahalaga ang paggawa?
2. Ano ang maitutulong nito tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao?

Tayahin

I. TAMA o MALI
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng
wastong diwa.
1. Ang paggawa ay isang bagay na matatakasan sa bawat araw.
2. Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning
makatugon sa sariling pangangailangan.
3. Ang tao ay para sa paggawa at HINDI ang paggawa ay para sa tao.
4. Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ay hindi tataya sa paggawa.
5. Ang pangunahing layuni ng paggawa ay pagkita ng salapi.
6. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa.
7. Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng
orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.
8. Ang likas na batas moral ay itinuturing na isang tungkuling kailangang
isagawa nang may pananagutan.
9. Ang paggawa ay isang tungkuling kailangang isagawa ng may
pananagutan.
10. Obligasyon at tungkulin ng tao ang paggawa.

11
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang tanong na may puso.


1. Bakit mas kailangang manaig ang subheto na aspeto ng paggawa sa obhetong
aspeto ng paggawa?
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Mekaniks 2
KABUUAN 10

Sanggunian
Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang,
Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600

You might also like