You are on page 1of 16

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan- Modyul 2:
Katarungang Panlipunan
(Linggo: Ikalawa)

NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Katarungang Panlipunan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kathleen B. EMia
Editor: Anna Mae I. Tejada
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr.
Tagaguhit: Trisha Arella
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Katarungang Panlipunan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Katarungang Panlipunan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Katarungang Panlipunan

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Nakikilala ang:
A. Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na
Ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya. (EsP9KP-IIId-9.3)

B. Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa


mga angkop na pagkakataon. (EsP9KP-IIId-9.4)

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:

Kaalaman: Nakikilala ang mga palatandaan ang mga palatandaan ng


makatarungang tao.

Saykomotor: Nakaguguhit sa mga pagpapahalaga na paiiralin sa gawaing pagtugon sa


pangangailangan ng kapuwa o pamayanan.

Apektiv: Napapahalagahan nang buong puso ang batayang konsepto ng aralin.

1 NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa


sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
A. Kumakain nang sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
B. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
C. May “Feeding Program ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng
timbang.
D. May bimibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito
nang maaga.
2. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
A. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa
sistemang legal ng bansa.
B. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
C. Binisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at
ang kaniyang mga magulang na bumalik ito sa pag-aaral.
D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing
Sabado ng hapon upang maglaro ng basketball.
3. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
A. Palaging nakasasalamuha ang kapuwa
B. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
C. Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap
D. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao
4. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natutulong tumayo sa sarili at hindi ng umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng
iba.
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga
kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa
karapatan ng iba.
5. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinababatay sa moral na batas ang legal na
batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng
tao.
C. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod
sa moral na batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng
katarungang sa lipunan.

2
6. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng
pahayag na ito?
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay
nabubuhay. NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat nilang sundin
lahat ng mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya
ang mga itinakda na batas.
D. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi
upang diktahan nito ang kaniyang buhay.
7. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
a. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan.
b. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
c. Igalang ang karapatan ng kapuwa.
d. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan, at
simbahan.
8. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad
ng tao?
a. Binubuo ng tao ang lipunan.
b. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
c. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan.
d. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.
9. Ang sumusunod ay mabisang ay mabisang pagsasanay sa pagiging
makatarungan maliban sa
A. Pag-unawa sa kamag-anal na palaging natutulog sa klase.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw.
10. Bakit mahalagang mauunawan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng
katarungang panlipunan?
A. malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
B. makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo
para sa iyong sarili.
C. mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa
hamon ng pagiging makatarungan sa kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit

NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
Balikan

Panuto: Gumawa ng pagtatasa kung anong mga palatandaan ng pagiging makatarungang


tao ang taglay mo sa iyong sarili sa kasalukuyan.

Mga Palatandaan ng Pagiging Makatarungang tao Ako ito Hindi ako ito
Halimbawa: Handa kong tulungan ang aking /
kapwa
1.
2.
3
4.
5.

Tuklasin

Panuto:
1. Basahing mabuti ang parabolang pinamagatang Ang Mabuting Samaritano
Hango sa Lucas 10: 25-34: Juan 4:9; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Mga
Samaritano”

Isang lalaki ang naglalakbay pababang Jerusalem at Jerico. Nanatili pa rin


siyang nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Mataas pa rin ang araw kaya naniniwala
siya na makakarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang walang anu-ano isang
grupo ng kalalakihan ang nakita niya at ginulpi siya at inagaw lahat ang kanyang
mga dala. Iniwan siyang halos wala ng buhay. Isang pari ang napadaan at
nilampasan lamang siya, ganoon din ang ginawa ng isang Livete. At may isang
napadaan na Samaritano ang naawa sa kanya at tinitulungan siya. Binindahan ang
kanyang sugat at pinainom ng alak, dinala siya sa isang lugar. Ginamot niya ang sugat
at binalot niya ng kumot at binigyan siya ng gamut para bumaba ang kanyang lagnat.
Nang mabuti na ang kanyang pakiramdam ay nag-utos ang Samaritano sa
nagmamay-ari ng tahanan na kanyang tinutuluyan na tingnan mabuti ang istranghero
at muling nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay.

2. Suriin ang kuwento gamit ang sumusunod na gabay na tanog:


a. Sino sa tatlong tao ang sa palagay mo ang makatarungan ? Bakit?
Ipaliwanag
b. Naranasan mo na bang maging mabuting Samaritano?
c. Naranasan mo rin bang tumutulong na hindi naghahangad na kapalit?
d. Ano-ano ang iyong mga nararamdaman?
e. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng tulong, pagmamahal o pakikiisa sa
kapuwa?

4 NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
Suriin
n

Katarungang Panlipunan
Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao.
Bakit mo kailangang maging makatarungan sa iyong kapuwa? Ito ay hindi lamang
dahil ikaw ay tao kundi dahil ikaw rin ay namumuhay sa lipunan ng mga tao. Ang
pagiging makatarungan ay minimum na pagpapakita mo ng pagmamahal bilang tao
na namumuhay kasama ang iba. Halimbawa, ang paninira sa ibang tao ay isa ring
paglapastangan sa iyong sariling pagkatao. Kung isinasaalang-alang mo ang pagiging
patas sa lahat ng tao isa kang

Makatarungang Tao

Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi


hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba. Kung nilalabag ang karapatang ito,
mawawalan ng katarungan. Hindi nila ito magugustuhan at maaring magbunga ng
gulo sa buhay ng mga nasasangkot.

Malaki ang papel ng pagsasanay upang magiging makatarungan ka bilang tao.


Ang pagsasanay upang magiging makatarungan ka bilang tao. Ang pagsasanay na
ito ay una mong naranasan sa piling ng iyong pamilya. Kung hindi mo ito
nasisimulan at nagagawa sa pamilya, ang buong proseso ng pagiging
makatarungang tao ay maaaring maging mahirap para sa iyo.

May apat na aspekto na mahalagang pagtuunan mo ng pansin sa pagsasanay


sa loob ng iyong pamilya upang mahubog sa iyo ang katarungan.

1. Ipinaaalala palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangan mong gawin ang


mga
makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba at ginagabayan ka nila upang
maiwasan mo ang hindi makatarungang gawain.
1. Ipinauunawa nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapuwa.
kaugnay nito, tinutulungan ka nila na sanayin ang iyong sarili tulad ng paghiram
ng isang bagay na pagmamay-ari ng iyong kapatid kung gusto mong gawin ito.

5 NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
2. Nillinaw nila sa iyo ang pagkakaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t ibangn
tao lalo na ang mga nakapaligid sa iyo.
3. Tinuturuan ka nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at pagsasaayos
ng iyong mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan sa iba.
Pagyamanin

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. May naobserbahan o kinaharap ka bang sitwasyon sa iyong pamilya o paaralan


kung saan nagpasiya ang isang tao nang hindi kumunsulta o hindi isinaalang-alang
ang mga maaapektuhan ng kanyang pasya?

2. Suriin ang ugnayan ng iyong kapwa gamit ang sumusunod na gabay na tanong:
a. Ano sa palagay mo ang iyong gagawin?
b. Ano sa palagay mo ang maaaring naging sanhi nito?
c. Binigyan mo ba siya ng feedback?
d. Ano ang maaaring maging bunga nito?
e. Ano ang papel ng katarungan sa ganitong sitwasyon?

Isaisip

Panuto: Mula sa iyong pagkatuto sa basahin, sagutin ang mga katanungan.


Gawin sa kuwaderno.

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa Modyul
na ito?
mModyul na it11.1

Isagawa

Panuto: Sa bahaging ito ay bubuo ka ng isang collage na nagpapakita ng isang


sitwasyon ng isang Mabuting Samaritano sa ating lipunan ngayon.
Ilagay sa short bond paper, gawing kaaya-aya at pagkatapos
ay idikit sa iyong kuwaderno.

6 NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
Rubric para sa paggawa ng collage

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang larawan Walang
ang mga larawan ginamit na hindi kaugnayan at
ginamit sa pagbuo. angkop at wasto hindi wasto ang
mga larawan
ginamit.
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
larawan ng mabisa ang nilalaman ng
sanaysay. mensahe ng larawan.
larawan.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Tama kung sa
palagay mo ay makatotohanan ito at isulat naman ang salitang Mali kung hindi ito
nagsasabi ng katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay hindi kumilala sa


dignidad ng tao.
2. Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal.
3. Sa paghahanay mo sa katotohanan, kinakailangang tingnan ang kabuuhan ng isang
Sitwasyon.
4. Totoo na ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay hindi nakadepende sa
kanyang sitwasyon.
5. Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa
Kaniyang kapuwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan.
6. Magkaiba, ngunit hindi magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan.
7. Ang bawat tao ay may dignidad dahil sa kanyang pag-aari, posisyon sa lipunan o
mga nakamit sa buhay
8. Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.
Umiiral ito kung hinahayaan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo.
9. Ang tuon ng katarungan ay ang loob sa sarili. Nangangailangan ito ng labas na
kalayaan.
10. Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapuwa.

7 NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
Karagdagang
Gawain

Ngayong naunawaan mo na ang kalagayan ng pagpapairal ng Maatarungang


panlipunan at ang bahagi mo rito, panahon na upang harapin na makiisa rito.

Panuto: Gumuwa ng isang awitin na may kinalaman sa pagiging makatarungan sa


kapuwa. Gawin ito sa kuwaderno.

Rubric para sa larawan

Kraytirya Di- Kahanga- Katanggap- Pagtatangka


Pangkaraniwan hanga tanggap
4 2 1
3
Paksa Angkop na May May maliit na Walang
angkop at kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang paksa
kaugnayan sa
paksa
Pagkamalikhain Gumagamit ng Gumamit ng Makulay subalit Hindi makulay
maraming kulay kulay at iilang hindi tiyak ang
at kagamitan na kagamitan na kaugnayan
may kaugnayan may
sa paksa kaugnayan sa
paksa
Kalidad ng Makapukaw Makatawag Pansinin ngunit Di-pansinin, di-
ginawa interes at pansin di makapukaw makapukaw ng
tumitimo sa isipan interes at isipan
isipan
Kalinisan Maganda, Malinis Ginawa ng Inapura ang
malinis at apurahan paggawa at
kahanga-hanga ngunit di- marumi
ang pagkagawa marumi

8 NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
Susi sa
Pagwawasto

Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.


Karagdagang Gawain
Ang sagot ay maaring magkaiba-iba

Pagyamanin
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba
Tuklasin

10. Tama 5. Tama 10. D 5. A

9. Mali 4. Mali 9. A 4. D

8. Mali 3. Tama 8. C 3. B

7. Mali 2. Tama 7. D 2. C

6. Tama 1. Mali 6. D 1. C
Tayahin Subukin

Sanggunian

Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang,


Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

9 NegOr_Q3_EsP9_Modyul2_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like