You are on page 1of 5

GAWAIN 9: KITA AT GASTOS NG AMING PAMILYA

Panuto: Matapos basahin ang teksto, punan ng tamang datos ang Venn Diagram na nasa ibaba.
Itala ang pagkakaiba ng GNI at GDP. Pagkatapos ay isulat sa gitnang bahagi ang
pagkakahalintulad ng dalawa.

Alamin ang buwanang kita ng iyong pamilya. Kapanayamin ang iyong mga magulang
kung papaano ginagastos ang kita ng pamilya sa loob ng isang buwan. Gamitin ang talahanayan
sa ibaba bilang gabay. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong sa susunod na
pahina.

PINAGMUMULAN NG KITA HALAGA


BAWAT BUWAN
1. Suweldo
2. Iba pang kita
KABUUANG KITA
GASTOS BAWAT BUWAN HALAGA:

1. Pagkain
2. Kuryente
3. Tubig
4. Matrikula/Baon sa paaralan
5. Upa sa bahay
6. Iba pang gastusin
KABUUANG GASTOS:
KABUUANG KITA – GASTOS
BAWAT BUWAN

GAWAIN 10: MAGBALIK-TANAW


Tanungin sina lolo at lola, tatay at nanay, ang mga kuya at ate mo tungkol sa presyo ng
sumusunod na produkto. Isulat sa patlang ang natipong impormasyon.
PRESYO NG PRODUKTO (noong 3rd year high school sila)
PRODUKTO Panahon Panahon nina Panahon nina Kasalukuyang
nina lolo at tatay at nanay kuya at ate taon
lola

1 kilong bigas

1 latang sardinas

25 gramong
kape

1 kilong asukal

1 kilong
galunggong

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa ginawa mong talahanayan, mas malaki ba ang kita ng iyong pamilya kompara
sa gastusin?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___________________________________
2. Kung mas malaki ang gastusin kaysa kita ng pamilya, paano ninyo ito natutugunan?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___________________________________
3. Ano ang nararapat ninyong gawin upang hindi humantong sa mas malaking gastos
kompara sa kita?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___________________________________

4. Kung mas malaki naman ang kita kompara sa gastusin, may bahagi ba ng natirang
salapi na napupunta sa pag-iimpok? sa pamumuhunan? Idetalye ang sagot.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___________________________________

DAHILAN O BUNGA
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano sa mga ito ang dahilan ng
implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat ang DI o BI sa bago ang bilang.

1. Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad-utang.

2. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura.

3. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan.

4. Maraming mag-aaral ang hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang.

5. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa.

6. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksiyon.

7. Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.

ARTICLE READING
Basahin ang artikulo sa ibaba na pinamagatang “Masaganang Buhay sa Kabila ng Pagtaas ng
Presyo”. Pagkatapos basahin, tukuyin ang maaaring maibigay na solusyon sa suliranin o problem
ana ibinanggit.

Masaganang Buhay sa Kabila ng Pagtaas ng Presyo


Francisco J. Colayco

Pinakamalapit na usapin sa bawat isa sa atin ang patuloy pagtaas ng presyo lalo na ng
mga pangunahing bilihin —-ito ang tinatawag na implasyon (inflation) sa ekonomiks.
Maituturing na direkta ang atake nito sa ating pang-araw-araw na buhay lalo na kung hindi
naman kasabay na tumataas ang ating kita. Paano nga ba natin maaalpasan ang epekto nito at
masisiguro na maging masagana ang ating buhay?
 
Bakit Malaking Usapin ang Implasyon?
Sa bawat pagtaas ng presyo, nababawasan ang kakayahan ng ating salapi na bilhin ang dati
nitong kayang bilhin. Halimbawa, kung ang iyong P 100 ay nakakabili ng 5 kilo ng bigas sa
presyong P20 kada kilo ay hindi ka na makabili ng kaparehas na dami  ng ito ay maging P 25
kada kilo. Apat na kilo na lamang ang kakayaning bilhin ng iyong hawak-hawak na isandaang
piso. Ito dahilan kung bakit  bantay na bantay ng bawat isa sa atin ang bawat paggalaw ng
presyo.
 
Sinu-sino ang mga apektado ?
Kung isa kang fixed income earner na walang kasiguruhan kung kailan tataas ang sweldo ay
siguradong apektado ka! Walang pagbabago sa iyong kita samantalang kumukonti ang iyong
nabibili ng dahil sa implasyon. Kaya talung-talo ka kung di rin tataas ang iyong sweldo.

Gayundin sa mga nag-iipon, tabi ka ng tabi  ng salapi  na ang  akala mo sa pagdaan ng panahon


ay lumalaki. Subalit ng magkaroon ng 10% na implasyon ay nabawasan  ang kakayahan nitong
makabili ng 10%. Ang dapat lumaking ipon ay lumiliit ang “tunay na halaga” ng dahil sa
implasyon.

Apektado din ang mga nagpapautang! Ang babalik kasi sa kaniya ay mas mababa sa tunay
nitong halaga kung ikukumpara dati nitong kayang mabili! Higit na problema kung ang inflation
rate ay mas mataas kaysa itinakda nilang interest rate. Talo ang negosyo!

Paano tatalunin ang Implasyon?


Sa librong PISOBILITIES ni Francisco J. Colayco, ang annual average inflation rate sa ating
bansa ay nasa 5.5%. Ibig sabihin ay 5.5% din ang nabawas sa kakayahang bumili (purchasing
power) ng ating salapi. Para talunin ito ay kailangang tumaas ang ating kita ng higit sa 5.5%.
Kung pantay ang pagtaas, atleast nakatabla tayo!
Kaya mahalagang mabantayan ang inflation rate.

Kung ikaw ay nagpapautang, dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng interest rate ang galaw ng
implasyon.
Sa mga fixed income earner, dagdag sipag ito at paghahanap ng sideline para makabawi. Hindi
maaaring iasa lang sa pagtaas ng sahod. Dahil kung tila bagyo sa pagbuhos ang implasyon ay tila
ambon lang sa dalang ang pagtaas ng sahod.  Mahalagang usapin na makapagsimula ng kahit
maliit na negosyo na maaaring panggalingan ng dagdag na kita!
Masuwerte ang mga may ipon dahil malaki ang oportunidad na talunin nila ang implasyon. Iba
na ang may ipon, may maipapamuhunan! Napakaraming investment instruments na pwede
nilang lagakan ng kanilang ipon na lilikha ng passive income tulad ng mutual fund. Mga
pamumuhunan na kung saan ay kikita ng mas mataas sa inflation rate ang inyong ipon kaysa
simpleng ilagak ito sa savings account sa bangko. Kailangan lang na masusi nating pag-aralan
ang mga ito at makapag-invest ng mas mataas sa inflation rate ang kita. Maaari itong matutunan
sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro at pagdalo sa mga seminar hingil sa financial
wellness.

PROBLEM/SULIRANIN: IMPLASYON

Solution: Sagot:

Mga Pamprosesong Tanong:


1) Ayon sa artikulo, paano malalabanan ang implasyon?

2) Sa iyong palagay, ano ang mabisang paraan para maiwasan ang epekto ng implasyon?

3) Kung mayroon kang ipon sa ngayon, ano ang iyong gagawin para hindi lumala ang
implasyon? Bakit?

You might also like