You are on page 1of 4

EPEKTO NG MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT NG MGA KALAGAYANG

PANLIPUNAN SA BUHAY NG KABABAIHAN SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

May mga samahang pangkakababaihan sa Asya na layunin na maitaguyod ang karapatan, kilalanin
ang kahalagahan sa lipunan at mawakasan ang diskriminasyon ang atensiyon ng publiko hinggil sa
pagpapabuti sa kapakanan ng kababaihan.

KARAPATANG POLITIKAL
Noong ika-20 siglo, nagsimula ang pagbibigay ng maraming bansa sa Asya sa kababaihan ng
karapatang bumoto. Pagkaraan ng World War II, patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga bansang
nagbigay ng karapatang politikal sa kababaihan.

Noong 2011, ipinahayag ni Haring Abdullah bin Abdulaziz al-Saud na maaring bumoto ang
kababaihan at tumakbo sa mga posisyon sa pamahalaan simula sa taong 2015. Ang United Arab Emirates
naman ay nagbigay lamang ng limitadong karapatang politikal sa kababaihan. Samantala, sa Kuwait ang
kababaihan ay kasabay ng kalalakihan na nabigyan ng karapatang bumoto, subalit lamang ang karapatang ito
noong 2005 ang karapatang ito ay inalis.

Sa Bangladesh ang kababaihan ay mayroong nang natatamasa na karapatang politikal simula nang
maging malaya ito. Sa katunayan, may dalawang babae ang naglingkod dito bilang mga punong ministro, ito
sina Sheik Hasina at Begum Khaleda Zia. Bagamat patriyarkal ang lipunan sa Bangladesh, unti-unting
nagiging aktibo ang kababaihan sa politika. Sa Pakistan, nagkaroon ng karapatang politikal ang kababaihan
noong 1947. Ang kababaihang Muslim mula sa iba't ibang antas ng buhay ay aktibong sumuporta sa mga
kilusang politikal. Noong 1988, si Benazir Bhutto ang naging unang babaeng Muslim nahalal bilang punong
ministro sa isang bansang Muslim. Ang Sri Lanka naman ang isa sa mga bansang Asyano na unang nagbigay
ng pantay na karapatang politikal sa kababaihan na nasa edad 21 pataas. ang simula ng pakikilahok ng
kababaihan sa larangan ng politika. Noong 1960, nahalal naman si Sirimavo Bandaranaike, ang unang
babaeng punong ministro sa kasaysayan.

Karapatang Pangkabuhayan at Panlipunan


Malaki ang naitulong ng edukasyon upang mapabuti ang kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Dahil
sa edukasyon, napabilang ang kababaihan sa lakas paggawa. Ang ganitong pagkakataon ay nakatulong sa
mga pamilya upang mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay. Nakatulong ang mga samahang
pangkababaihan upang matamasa ang pantay na karapatan ng kababaihan sa trabaho at magkaroon pa ng
mga karagdagang pribilehiyo.

Timog Asya
Noong dekada 1880 hanggang nakibahagi ang kababaihan sa 1910 pagpapayabong ng kultura. Sa Sri
Lanka ang mga kababaihan na i nakapag-aral ay nagkaroon ng mga propesyon. Noong dekada 1920, hinilang
ng isang samahang pangkababaihan ang karapatan bumoto na naibigay sa kababaihan noong 1931. Sa mga
sumunod na taon, maraming samahang pangkababaihan ang naitatag na ipinaglaban ang pagkakaroon ng
kababaihan ng pantay na karapatan.

Sa Nepal, naitatag ang Ideal Women's Society na may layunin na itaas ang kamalayan ng kababaihan
hinggil sa kanilang politikal at panlipunang karapatan. Noong 1948, naitatag ang Nepal Women Association
na may katulad na layunin. Sa pagsisimula ng demokrasya, ang kababaihan ay higit na nagkaroon ng
kamalayan sa kanilang mga karapatan.

Sa Bangladesh, maraming balakid ang hinarap na mga kilusang pangkakababaihan na may


kaugnayan na rin sa masalimuot na kasaysayang politikal ng rehiyon. Nang makamtan ng bansa ang
kalayaan noong Disyembre 16, 1971, batid ng mga organisasyong pangkakabaihan ang labis na paglabag sa
karapatang pantao na naganap sa panahon ng digmaan. Hindi naging sapat ang pagtugon ng pamahalaan sa
malaking bilang ng kababaihan na nakaranas ng pang-aabuso sa mga sundalong Pakistani. Ipinapakita nito
na maraming pangkat at indibidwal ang hindi pa handa na hamunin ang patriyarkal na tradisyon sa lipunan.
Noong 1973, ang Women for Women na isang organisasyong binuo ng mga kabataang kababaihan ang
naging unang malayang organisasyon na sinuri ang kalagayan ng kababaihan sa Bangladesh. Naging daan ito
para ipaglaban ng maraming organisasyong pangkababaihan ang pagpapatupad sa mga patakaran para sa
ikauunlad ng kababaihan.

Ang kilusang pangkababaihan sa India ay kasabay ng mga kilusang pangkalayaan noong 1947. May
ilang organisasyong pangkababaihan ang nakipaglaban para sa pagtataguyod ng sosyo-politikal na karapatan
ng kababaihan gaya ng karapatan sa edukasyon, muling pag aasawa ng mga nabalo, at pagwawakas ng
purdah. Sa kasalukuyan ang mga kilusang pangkababaihan sa India ay nagpapatuloy, kabilang sa mga isyu
na nais nitong matugunan ay ang pagtatrabaho, pasahod, kalikasan, karapatang sibil, karahasan,
representasyon, caste, alokasyon ng mga pinagkukunang yaman, kalusugan, relihiyon, karapatan ng mga
konsyumer, komunidad, at ugnayan ng mga indibidwal.

Purdah-mga gawain na kinabibilangan ng pagtatago ng kababaihan sa publiko sa pamamagitan ng


pagsusuot ng damit na nagtatago sa katawan mula hanggang paa at paggamit ng mga kurtina at matataas no
pader sa tahanan.

Malaki ang impluwensiya ng kasaysayan. at Islam sa mga samahang pangkakabaihan. sa Pakistan.


Pagkaraan ng kalayaan, may mga pangkat na Muslim na ipinaglaban ang karapatan ng kababaihan sa
paglaya at karapatan ng kababaihan sa lipunan. Ginamit ng mga nasa kapangyarihan ang relihiyon upang
kontrolin ang kababaihan at mga maynoridad gayundin ang mga partidong politikal. Hinarap ng kababaihan
ang mga ang mga relihiyosong elemento sa kanilang pakikibaka para karapatan. Gayumpaman, iginiit din ng
kababaihan ang kanilang karapatan sa ari arian na nakasaad sa kanilang batas, ang Sharia. Hangad ng
kababaihan sa Pakistan ang pantay na karapatan at pagtingin sa lipunan at ang anuman pagbabago sa batas o
lipunan na maaring negatibong makaapekto sa kanila. Layunin nito na tumaas ang kamalayan ng kababaihan
sa kanilang mga karapatan at pantay na pagtrato sa lipunan, gayundin ang pagkilala sa kanilang kontribusyon
sa lipunan. Nais nilang ang wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan. Nagawa ng kababaihan sa Pakistan
na gawing pambansang isyu ang kanilang pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatang pantao bunga ng
kanilang pagkakaisa.

Kanlurang Asya
Ang kilusan na nagtataguyod sa peminismo ay hindi nakaakit sa karamihan ng kababaihang Muslim
dahil sa umiiral na patriyarkal na lipunan. Ito ay itinuturing bilang pagkawala ng moralidad at banta sa
samahan ng pamilya at lipunan dahil sa nakikita ito na naghihikayat sa kababaihan na wakasan ang hijab at
ang kanilang tradisyunal na pananamit. Isa rin sa hinamon ng kilusang peminista ay ang tradisyon ng
pagkakaroon ng kasamang kamag-anak na lalaki ng isang babaeng Muslim kung ito ay mag-aaral o
maglalakbay sa ibang bansa. Bagamat hindi masyadong popular ang mga kilusang pangkababaihan sa
rehiyon, unti unti nagkakaroon ng pag-unlad sa kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Samakatuwid, ang mga
kilusang pangkababaihan Kanlurang Asya ay nagsusumikap na mapabuti ang kanilang estratehiya upang
makamtan ang pagkapantay-pantay sa lipunan.

Hijab-tela na pantakip ng kababaihang Muslim sa kanilang ulo at dibdib.


Peminismo-kolektibong ideolohiya at kilusan na naglalayon na makamit ang pantay na karapatan ng
kababaihan sa aspektong politikal pangkabuhayan, kultural at panlipunan.

DAGDAG KAALAMAN
May mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa kababaihan at sa kanilang mga anak. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Republic Act No. 7877 (Anti-Sexual Harassment Act of 1995)-botas na nagbigay-proteksyon sa
kababaihan laban se sexual harassment na naganap trabaho, paaralan at mga lugar ng pagsasanay.
Maituturing na paglabag sa batas na ito ang paghingi ng mga pabor na sekswal ng mga toong may
awtoridad at impluwensiya. Hindi na mahalaga kung ang hiningan nito ay sumang-ayon o hindi.
2. Republic Act No. 8353 (Anti-Rape Law of 1997) batas na nagbibigay-proteksyon sa mga naging
biktima ng panggagahasa.
3. Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004)-batas na
nagbibigay proteksyon sa kababaihan at kanilang mga anak laban sa karahasan. Kabilang dito ang
pisikal na pananakit, pagbabants, pogpilit, mgo gawaing nakakaalarma a naghahatid ng emosyunal o
sikolohikal na paghihirap, pagdurusang mental at emosyunal at kahihiyan sa babae o sa kanyang anak
sa pamamagitan ng paulit-ulit na pang-aabuso.

IMPLUWENSIYA NG RELIHIYON
Malaki ang impluwensiya ng Islam sa pamumuhay ng mga Muslim. Nakaapekto ang Islam sa mga
bansang Arabe sa aspektong pang-ekonomiya at pampolitika. Ang pamahalaan na naitatag ay pinamunuan
ng mga pinuno na nagmula sa pamilya ng mga orihinal na nagtatag ng mga imperyong Islamic. Ang mga
kilusan na nakipaglaban sa kolonisasyon ay napag-isa dahil sa Islam. Nakaimpluwensiya rin ang Islam sa
sining gaya ng disenyo ng tela, at mga palayok.

Dahil rin sa impluwensiya ng relihiyon, ang mga


Muslim ay hindi kumakain ng karne ng baboy.
Ipinagbabawal rin ang paninigarilyo at paglalasing. Isa
sa pagkakalinlan sa mga Muslim sa Kanlurang Asya ay
ang kanilang tradisyunal na pananamit na sinadya
upang takpan ang katawan. Ang kababaihan. ay
tradisyunal na gumagamit ng talukbong upang takpan
ang kanilang buhok sa publiko. Ang burka ay ginagamit
upang takpan ang katawan mula ulo hanggang paa. Ang
abaya naman ay kasuotan na tinatakpan ang katawan,
maliban sa mukha, kamay at paa. Ang niqab naman ay
ginagamit na pantakip sa mukha. Ang caftan ay
maluwag na kasuotan sa katawan na mayroon ding
mahabang manggas. Ang kalalakihan naman ay nagsusuot ng thob na maluwag na kasuotan na may
mahabang manggas. Gumagamit din sila ng isang mahabang bandana na tinatawag na ghoutra. Ang agal
naman ang ginagamit upang maisuot sa ulo ang ghoutra.

Nakaimpluwensiya rin ang relihiyon sa pagtrato sa kababaihan. Sa Kanlurang Asya, mayroon lamang
maliit na porsiyento ang kabilang sa lakas paggawa. May mga propesyon o trabaho rin na limitado para sa
kababaihan. Kinakailangan din ng pahintulot mula sa lalaking kapamilya kung maglalakbay sa ibang bansa o
magmamaneho.

Nakaimpluwensiya naman ang Hinduism sa pagdisiplina sa isip at katawan. Ang yoga ay isang teknik
ng pagsasanay ng isip at katawan upang magawang makontrol ang enerhiya. Inaalis nito mga materyal na
distraksiyon gaya ng pagnanasa at pagkatakot. Layunin nito na magkaroon ng tiwala sa sarili upang
makalaya ang pag-iisip sa pagdurusa. Isa sa impluwensiya ng Hinduism ay ang ebolusyon ng lipunan. Ang
mga tao sa lipunan ay nahati sa mga pangkat. Nakaimpluwensiya naman ang Buddhism sa pananaw ng
maraming tao.

ALAM MO BA?
Ang caste system ng India ay nag-ugat sa Hinduism na kinabibilangan ng 3,000 caste at 25,000 sub-
caste na may tradisyunal na kaugnayan sa mga hanapbuhay sa India. Ito ay nahahati sa mga kategorya.
1. Brahmin - binubuo ng mga pari, iskolar at guro. Ang tanyag na kasapi sa pangkat na ito ay si
Jawaharlal Nehru, ang unang punong ministro ng India.
2. Kshatriyas- mga pinuno at sundalo. Ang tanyag na kasapi sa pangkat na ito si Vasundhara Raje
Scindia, punong ministro ng estado ng Rajasthan
3. Vaishyas- mga mangangalakal. Ang tanyag na kasapi sa pangkat na ito si Mahandas Gandhi na
tinawag na "Ama ng India."
4. Sudras - mga manggagawa at tagapagsilbi
5. Dalits- dating tinawag na "untouchables" na gumagawa ng mga di kanais-nais na trabalho. Ang mga
dalit sa kasalukuyang panahon ay naging mga negosyante. Ang tanyag na kasapi sa pangkat na ito si
KR Narayanan ang dating pangulo ng India.

Ginising nito ang pagrespeto sa sarili at pagiging responsable ng isang tao. Itinaguyod nito ang
espirituwal na pag unlad at lakas ng pag-iisip ng tao, gayundin ang pagiging mahinahon.

You might also like