You are on page 1of 3

NEOKOLONYALISMO SA TIMOG AT TIMOG-

KANLURANG ASYA
Ang mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na makakaranas nito dahil
sa pagkakaroon ng mahinang ikonomiya. Makikita ito sa patuloy na pagiging pala-
asa ng mahihinang bansa sa mga bansang kabilang sa First World o mga bansang
may maunlad na ekonomiya at industriya.Nakikita ang pag-iral ng
neokolonyalismo sa mga tulong at donasyon na ipinagkakaloob ng dating
mananakop na may kapalit na pagkontrol sa ikonomiya ng dating sinakop na
bansa. Sa ganitong paraan nagtatagumpay sila na maitaguyod ang kanilang mga
sariling interes.

Globalisasyon ng Edukasyon
Maaaring mapaunlad ang kaalaman ng mga bansa sa iba’t ibang larangan sa
pamamagitan ng pagpapalitan ng iskolar at iba pang paraan. Napipilitan nag mga
tagapamahala sa mga pamantasan na makipag ugnayan sa mga kanluraning bansa
kung saan magmumula ang kanilang mga libro at kagamitan.

Pagpapalawig, pagpaparami, at pagpapatatag ng mga koneksyon at ugnayan ng


mga bansa sa kapwa bansa, at bansa sa mga international organization sa aspekto
ng ekonomiya, politika, kultura at kapalaigiran.

Dahil sa kakulangan sa pondo ay dayuhang ahensiya ang namamahala sa mga


pasilidad ng ma unibersidad. Sa paraang ito nagtatagumpay na maisakatuparan ng
kanlurang bansa ang kaniyang layunin na maisaayos ang mga kurso at di-
maisakatuparan ng bansang tinutulungan ang kanilang sariling kurikulum.
Sapamamagitan nito nagaganap ang intelektuwal na pananakop.

India
Ang bansang india ay minsang nagbukas ng kaniyang ekonomiya sa kalakalang
panlabas noong 1991. Kapansin-pansin na naging mas malaki ang kapital ng mga
kompanyang Amerikano dito noong 1992 at 1993 kaysa noong nakaraang 40 taon.

Mga Bansa sa Kanlurang Asya


Nag-unahan ang mga kanluraning bansa na masasakop ang mga bansa sa
kanlurang Asya nang matuklasan ang langis sa rehiyon. Ang mga Arabong Bansa
sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq, at Kuwait ang may hawak ng malaking
reserba ng langis sa daigdig. Kabilang din ang tatlong bansang ito sa OPEC na
siyang nagkokontrol ng presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan.
Ipinasa ni:
Rezel Jane D. Faeldo
Gr. 7 Diamond-A

You might also like