You are on page 1of 19

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Kontribusyon ng Timog at Kanlurang
Asya at ang Pagkakakilanlan ng
Kulturang Asyano

NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at ang
Pagkakakilanlan ng Kulturang Asyano
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angely D. Banagudos


Editor: Gemma F. Depositario,Ed.D.
Tagasuri: Marites A. Abiera
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aaralan habang wala ka sa paaralan.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang na napapahalagahan ang mga
kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asyano sa mga aspetong ng musika at sayaw, panitikan,
arkitektura, humanidades, isport at iba pa.
Sana makatutulong ang modyul na ito madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol
sa mga bansang Asyano habang ikaw ay nasa bahay lamang.

Subukin
Subukin mo ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga paunang pagsusulit/pagtataya na
magtatakda kung ano ang iyong nalalaman sa mga aralin. Basahing mabuti at unawain ang
bawat pahayag. Bigyan pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan upang
mabigyang linaw at malaman ang mga tamang kasagutan sa mga aralin na itatakda sa modyul
na ito.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang tawag sa bahay dalanginan ng mga Muslim na itinuturing na isa sa


pinakamahalagang sining Islamik?
a. stupa b. dome c. mosque d. tomb
2. Alin sa mga sumusunod na kontribusyon ang hindi kabilang sa Timog Asya?
a. kabaddi b. boxing c. baraha d. judu
3. Sa larangan ng sining (musika at sayaw) ng mga Asyano, sa anong pamamaraan
isinasagawa ng mga Hindu ang pinakamadaling paraan upang makamit ang nirvana
o ganap na kaligayahan?
a. Pagsasagawa ng ritwal na ayon sa Hinduismo.
b. Paggamit ng musika at ang pagsayaw na may tiyak na oras at panahon sa
pagsasagawa nito.
c. Pagsulat ng mga panitikang Indian sa Sanskrit.
d. Paggalang at pagsunod sa sistemang Caste.

4. Ang mga sumusunod ay mga akdang nakaimpluwensya sa panitikan ng Timog at


Kanlurang Asya maliban sa:
a. Golpa Guccha b. Ramayana c. Biag ni Lam-ang d. Panchatantra

5. Ipinagawa ni Shah Jahan ng Imperyong Mughal upang magsilbing libingan ng kanyang


asawa si Mumtaz Mahal na matatagpuan sa Agra, India.
a. Angkor Wat b. Borubudor c. Taj Majal d. Great Wall

1 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
6. Kinikilala siya bilang pinakadakilang manunulat ng literaturang sanskrit at may- akda ng
Shakuntala.
a. Jose Rizal b. Kalidasa c. Gwada Showaa d. Rabindranath Tagore

7. Ang Kanlurang Asya ay nakilala sa mga larong pampalakasan. Alin sa tingin mo


ang hindi kasali sa rehiyong ito?
a. weight lifting b.chess c. hurdle d.wrestling

8. Bakit kakaiba ang rehiyon ng Timog Asya sa larangan ng arkitektura?


a. Sapagkat lumaganap ang impluwensyang Indian sa rehiyon ng Silangan at
Timog Silangang Asya
b. Sapagkat mas kilala ang rehiyon ng Timog Asya sa buong daigdig
c. Sapagkat maraming nagawang kontribusyon ang mga Timog Asya
d. Sapagkat malaki ang impluwensya ni Shah Jahan sa larangan ng arkitektura sa
Timog Asya

9. Saang rehiyon sa Asya makikita ang ugnayan ng relihiyong Hinduismo, Budismo at Islam
sa mga mga gusaling ipinatayo nila?
a. Silangang Asya c. Kanlurang Asya
b. Timog Silangang Asya d. Timog Asya
10. Kung ikaw ay pangulo ng samahang Social Studieis Guild at naatasang magpresenta ng
mga kontribusyon sa Timog at Kanlurang Asya, alin ang mas angkop na gagamitin sa
isang video conferencing?
a. Pagkukuwento at pagtatanong
b. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay haka-haka
c. Debate at pag-uutos ng dapat Gawain
d. Multimedia presentation at pagtatalakay

Balikan
Panuto: Suriin ang kasunod na mga larawan. Ano kaya ang iyong masasalamin sa
mga larawan? Ipaliwanag ang naging batayan mo sa ipinahahayag ng mga larawan
at kilalanin ito isa-isa kung ito ba ay arkitektura, panitikan, humanidades(musika
at sayaw) o pampalakasan? Isulat ito sa iyong kwaderno.

Ang unang larawan ay….


1. ______________________ sapagkat
___________________________________
___________________________________
___________________________________.

(Barnes & Nobles. n.d.)


)https://www.barne
sandnoble.com/w/r
amayana-and-
mahabharata- 2 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
romesh-c-
dutt/1118961273
(accessed
December 28,
2
Ang ikalawang larawan ay ….
.
__________________sapagkat

_____________________________

__________________________

___________________________

(Culture tri. n.d.)

Ang ikatlong larawan ay ….


3.
__________________sapagkat

_____________________________

_____________________________

_____________________________.
(Borrow n.d.)

Ang ikaapat na larawan ay ….


4.
__________________sapagkat

_____________________________

_____________________________

_____________________________
(Dutt n.d.)

3 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
Ang ikalimang larawan ay ….
5.
__________________sapagkat

__________________________
_________________________.

(Britannica n.d.)

Tuklasin

Panuto: Suriin mo ang mga larawan at bigyan ng kahulugan ang mga ito. Ano kaya ang
naging halaga nito sa Timog at Kanlurang Asya? Sa tingin mo ano kaya ang naging silbi ng
mga mga ito sa pamumuhay ng mga Asyano?

(Britannica n.d.)

4 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
(Barrow 2018) (Vishnu n.d.)

PAMPROSESONG TANONG:
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Ano ang ipinahahayag sa bawat larawan?
Sagot:______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________.

2. Paano naging mahalaga ang mga ito sa kultura ng Timog at Kanlurang Asya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________.

3. Paano nakaiimpluwensiya ang mga ito sa pagbuo at pag-unlad ng Timog at


Kanlurang Asya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________.`

5 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
Suriin
Sa bahaging ito ay inaasahan na matutuhan mo ang mga kontribusyon na hatid ng
Timog at Kanlurang Asya. Maaari mong balikan ang mga kasagutan at katanungan na iyong
nabuo sa unang bahagi ng modyul na ito upang malaman kung tama at nasagot mo nang
mabuti ang mga katanungan.
.
Panuto: Basahin at unawaaing mabuti ang teksto.

SINING

ARKITEKTURANG ASYANO

Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano at sa kabila ng naranasan na pananakop,


naipakita dito ang maipagmamalaking mapagkakakilanlan, mataas na kakayahan,
katalinuhan at kakaibang galing ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan tulad ng sining,
humanidades at pampalakasan.

Arkitektura ng Timog Asya

Sa relihiyong Hinduismo, Budismo at Islam iniuugnay ang bawat gusali na nililikha nila.
May dalawang tanda ng arkitekturang Indian, ang kilalang templong budista sa India, ang
stupa, na gawa sa laryo o bato na may mga bilugang umbok na may tulis ng tore. Inilalagay
dito ang mga sagrado at panrelihiyong relikya at ang Taj Mahal na ipinatayo ni Shah Jahan
para sa kanyang pinakamamahal na asawa na si Mumtaz Mahal na namatay sa sa
panganganak sa ikalabing-apat nilang anak.

(Gray n.d.) (Wikipedia 2021)

Mula kaliwa: Ang Templo ng Borobudur sa Java, Indonesia at ang Angkor Wat sa Cambodia
ay ilan lamang sa mga halimbawa ng obra maestro ng arkitekturang Indian. Sa kanan: Ang
Taj Mahal, isang mausoleum na makikita sa Agra, India.

6 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
Arkitektura ng Kanlurang Asya

Ang kilalang arkitekturang Islamik ay ang masjid o moske/mosque. Itinuturing ito na


pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik na napapalamutian ng marmol, mosaic,
at gawang kahoy. Ang tala ukol dito ay naglalarawang istrukturang may minbar o pulpito at
mihrab o nitso na may madetalyeng disenyo at nagtuturo sa direksyon ng Mecca, ang banal
na lungsod ng mga Muslim.

(College, Westchester Community 2017)

Al-Masjid An- Nabawi, ang pinakalumang mosque sa daigdig at ang Dome of


the Rock na makikita sa Jerusalem.

May isa pang gusaling panrelihiyon, ang ribat. Parisukat ang hugis entrada nito at sa
gitna ay may patyo. Ang isa pang uri ng gusaling Islamik ay ang turbe(tomb), ang musoleo
ng sektang Shi’te. Ito ay may maliit na gusali na hugis bilugan at ang bubungan ay may
turret na hugis dulo ng lapis.

HUMANIDADES

PANITIKANG ASYANO

Maraming nagawa ang mga Asyano sa larangan ng panitikan. Mayaman ang


panitikang Asyano sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko, tula, maikling kwento at dula.

Timog Asya

Nasusulat ang wikang klasikal ng panitikang Indian sa Sanskrit, na nakaimpluwensiya


sa mga wika ng karatig bansa tulad ng Pilipinas, Indonesia, Sri Lanka at Pakistan. May
paniniwala na sa India nagmula ang mga sinaunang kwento. Ang Ramayana at Mahabharata
ay ang dalawang mahahalagang epiko sa India.

Ang Mahabharata isang epikong nagsasalaysay ng pantribong digmaan samantalang


ang Ramayana ay patungkol sa buhay ni Rama, ang lalakiing bida sa epiko.

7 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
(Vishnu n.d.) (Pandurangi n.d.)

(ProProfs Quizzes 2021)

Si Kalidasa naman ang pinakadakilang dramatista na may –akda ng Shakuntala.


Tungkol ito sa pag-ibig ni Haring Dusyanta sa isang ermitanya. Ang kahusayan ni Kalidasa ay
maihahalintulad sa mga mahuhusay na Europeong tulad ni William Shakespeare. Ang
Panchatantra naman ang pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng mga pabula na
may maraming kwento ukol sa alamat, engkantada at pabula. Si Rabindranath Tagore, isang
manunulat na taga Bengal, ang kauna-unahang Asyano na nagwagi noong 1913 ng Gawad
Nobel para sa panitikan. Sa kanyang mga akda, hinikayat ang mga kapwa Indian na
ipagmalaki ang lahing Indian. Ang Gitanjali ay isang aklat ng mga tula at ang Golpa Guccha
ay koleksyon ng mga kwento ukol sa ordinaryong pamumuhay at dinadanas na paghihirap ng
mga tao sa India

Kanlurang Asya

Ang panitikan sa rehiyong ito ay isang repleksyon ng kultura ng mga taong


naninirahan dito.
Noong 1966, si Shmuel Yosef Agnon na taga Israel ay tumanggap ng Nobel Prize.
Siya ang kauna-unahang Hudyo na nakatanggap ng kanyang akda na The Bridal Canopy at
a Guest for the Night.
Isa pang taga Israel ang nakilala sa kanyang akda na Songs of Jerusalem and Myself
si Yehuda Anichai. Ang popular na A Thousand and One Nights na mas kilalang Arabian
Nights. Ito ay kwentong Persiano na hango sa kwentong Indian. Isinalaysay ito ng isang

8 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
magandang prinsesa na nilibang ang hari upang hindi matuloy ang pagbitay sa kanya. Ang
Pakikipagsapalaran ni Sinbad at ang Tale of Alibaba and the Forty Thieves ay ilan lamang sa
lubhang makasining na pagsulat ng panitikan sa Kanlurang Asya. Ang Rubaiyat naman ay
ang napakagandang tula na isinulat ni Omar Khayyam. Ang inspirasyon ng mga Arabe sa
paggawa ay may kaugnayan lamang sa sa kanilang relihiyon—ang Islam.

MUSIKA AT SAYAW

Sa maraming bansa sa Asya, ang musika at sayaw ay bahagi ng ritwal sa


panganganak, pag-aasawa, at kamatayan. Bagaman maraming mga bansa rito ang nasakop
ng mga Kanluranin, nananatiling buo ang tradisyong musikal ng mga Asyano dahil na rin sa
mahigpit at matibay na pundasyon nito. Sa sayaw mas binibigyang-diin sa rehiyong ito ang
galaw ng kamay at katawan ng tao. Sa humanidades, saklaw nito ang sayaw, awitin, at dulaan
na nabibilang sa tinatawag na performing arts.

Musika at Sayaw ng Indian

Sa India, mababakas ang impluwensiya ng istilong klasikal sa mga makabagong


pagtatanghal. Pinaghahalo sa mga awiting Indian ang mga transisyunal na himig o ragas sa
mga tradisyunal na ritmo o talas kung kaya’t Malaya silang nakabubuo ng mga saliw mula rito.
Mababanaag ang malakas na ugnayan ng sayaw at musika sa India. Ang bawat galaw
at kilos sa pagsasayaw ay may lapat na mga kahulugan. Ang kwento ng isang awitin ay
maaaring mahihinuha sa pamamagitan lamang ng paggalaw ng mga mata, ulo at kamay ng
isang mananayaw. Ang mga mananayaw ay nagsasanay ng ilang taon upang matutuhan ang
daan-daang pagkilos ng kamay o hand gestures na tinatawag na mudras.
Sa kasalukuyan, ang pelikula ang siyang pinakapopular na performing arts sa India.
Ang bansang ito ang may pinakamalaking industriya sa paggawa ng pelikula sa buong
daigdig. Tinatawag itong Bollywood na hango sa lugar ng Hollywood sa United States at sa
Bombay, India.
Naniniwala ang mga Hindu na upang makamit ang Nirvana (ganap na kaligayahan)
ang pinakamadaling paraan ang paggamit ng musika. Maraming instrumento sa musika ang
ginagamit tulad ng tamburin, plawta (vina) at tambol(maridangan). Ang sitar na gawa sa
pinatuyong upo at maraming kwerdas ang pinakabantog na instrument. Ang ragas ay isang
musika na nag-aalis ng sakit. Mayroong tiyak na oras at panahon sa pagtugtog nito.

Ang Musika at Sayaw ng mga Arabe

Sa mga lungsod ng Mecca, Ukash, at Medina sa Saudi Arabia pumupunta ang mga
manunulat, payaso, at musikero upang mag-aral at magpakadalubhasa sa musika. May mga
instrumento ng pangmusikal na ginagamit tulad ng mi’zafa, gussaba, mizmar, at tambourine.
Ang harpa at trumpeta ay nagmula sa Iraq. May isang sistema ng melodiya na ginagamit ng
mga unang musikerong Arabe na katulad sa ragas ng mga Hindu. Noong ika- 19 na siglo, ang
musikang Arabe ay impluwensyado ng mga Europeo. Makikita ito sa kanilang martsa na
gumagamit ng mga instrumenting banyaga.

PAMPALAKASAN

Ang palakasan ay naging isang daan upang magkabuklod-buklod ang mamamayang


Asyano. Hindi na mabilang ang mga Asyanong naging matagumpay at hinahangaaan sa iba’t
ibat palaro. Nagsilbing inspirasyong ito upang patuloy na magkaisa at magnais ng
kapayapaan ang lahat ng mamamayan sa Asya.

9 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
Timog Asya

Sa India, may tanyag na laro na ang tawag ay kabaddi. Napaksaimple at hindi


magastos ang larong ito na nangangailangan lamang ng malaking ispasyo para ito
maisagawa. Nalinang ang larong ito na may apat na libong taon naang upang makapagbigay
tulong sa mga Indian na maproteksyunan ang kanilang mga sarili laban sa paglusob ng mga
kaaaway. Nangngailangan ito ng dalawang pangkat para makakuha ng mataas na iskor. Sa
bawat pangkat ay may pitong miyembro. Ang gagawin lang ng magkabilang pangkat ay
manghuhuli ng myembro ng katunggaling pangkat.

Ang larong chess, baraha at martial arts tulad ng judo at ay nagmula rin sa India. Ang
baraha ang popular na laro ng mga hari at maharlika ng kahariang korte sa India. Ang judo
at karate ay mahalagang pananggalang ng mga Budista sa mapanganip na paglalakbay
patungong Japan, China, at Korea na nag-uugnay sa repleksyong panloob ng mga Budista
sa kanilang buhay.

Kanlurang Asya

Noong 300 hanggang 1500 BCE, natagpuan sa kabihasnang Sumer ang isang
tabletang luwad na nagpapatunay na naglalaro ng ng buno (wrestling) at boksing ang mga
Sumerian. Sa panahong biblical, ang mga tansong istatwa ay naglalaro ng buno. Sa panahon
ng Ur, may mga damahan. Pangangaso naan nag libangan ng mga mayayaman. Sa
panahong ng Hitite, nakilala ang kagalingan sa paglalangoy bilang bahagi ng pakikidigma.
Sila ay nagtataglay ng kalusugang pisikal. Ang sinaunang Israel naman ay nakilala sa larong
takbuhan at pangingisda habang ang mga Persiano sa Iran ay mahusay mangabayo.
Sa kasalukuyan, nakilala ang bansang Syria sa larangan ng hurdles at high jump dahil
sa pagkapanalo ng atletang si Gwada Showaa. Dahil sa kanyang pagpupunyagi sa larangan
ng palakasan, nagpista ng isang linggo ang bansang Syria. Gayundin si Naim Suleymanoghi,
isang weightlifter na taga-Turkey na nag-uwi ng tatlong gintong medalya.

Mahilig sa palakasan ang mga Asyano hindi lamang para manalo at makilala sa buong
mundo, kundi taglay din ang katangiang dapat mataglay ng isang kasali sa laro.

10 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
Pagyamanin
Gawain A
Kopyahin ang crossword puzzle sa ibaba at sagutin ito sa kwaderno.

“Mga Kontribusyon sa Timog at Kanlurang Asya’’

Created by Puzzlemaker at DiscoveryEducation.com

Across
5. epikong nagsasalaysay ng pantribong digmaan na nagmula sa bansang India
7. tradisyunal na himig ng bansang India
8. pangkatang laro ng mga Hindu
9. lugar na sinasambahan ng mga Muslim
10. nakilalang laro sa bansang Syria

Down
1. tulang isinulat ni Omar Khayam
2. arkitekturang Islamik na may parisukat na hugis
3. popular na laro ng mga maharlika sa India
4. epiko na tungkol sa buhay ni prinsipe Rama
6. industriya ng pelikula sa India

11 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
Isaisip
Ang mga kontribusyonng Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ay nakakamangha at
dapat lamang na pahalagahan.

Bilang isang Pilipino, nararapat lamang na ipagmamalaki natin ang mga ambag ng
mga Asyano dahil tayo ay mga Asyano rin.

Mapapahalagahan natin ang mga kontribusyong ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng


mga ito at higit sa lahat igalang ang mga kontribusyon na ito na nagpapakilala sa
mga rehiyong ito.

Isagawa
Binabati kita! Malapit mo nang matapos ang mga pagsubok sa araling ito. Sa pagpapatuloy
mo sa pag-aaral ng paksang ito at upang mabatid ang lawak ng iyong kaalaman, ipapakita
mo ang iyong kakayahan sa pagguhit! Gumawa ng isang Poster na nagpapakita ng mga
kontribusyon sa Timog at Kanlurang Asya.

RUBRIC SA GINAWANG POSTER


MGA KRAYTERYA Di- Kahanga-hanga Katanggap- Pagtatangka Iskor
Pangkaraniwan 3 tanggap 1
4 2
Pagkamalikhain Lubos na Naging malikhain Hindi gaanong Walang
nagpamalas ng sa paghahanda. naging malikhain ipinamalas na
pagkamalikhain sa paghahanda. pagkamalikhain
sa paghahanda. sa paghahanda.
Pamamahala ng Ginamit ang Ginamit ang oras Naisumite dahil Hindi handa at
Oras sapat na oras sa na itinakda sa binantayan ng hindi tapos.
paggawa ng paggawa at magulang
sariling disenyo naibigay sa
sa gawain. tamang oras.
Presentasyon Lubhang naging Naging malinaw Hindi gaanong Hindi naging
malinaw ang ang pagbigkas at malinaw ang malinaw ang
pagbigkas at paghahatid ng pagbigkas at pagbigkas/pagha
paghahatid ng mensahe. paghahatid ng hatid ng
mensahe. mensahe. mensahe.
Organisasyon Buo ang May kaisahan at Konsistent, may Hindi ganap ang
kaisipan may sapat na kaisahan, kulang pagkakabuo,
konsistent, detalye at sa detalye at kulang ang
kumpleto ang malinaw na hindi gaanong detalye at di-
detalye at intensyon. malinaw ang malinaw ang
napalinaw. intensyon. intensyon

12 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang
Paksa angkop ang mensahe ng mensahe o tema mensahe o tema
mga salita guhit ng paksa. ng guhit sa paksa ng guhit sa paksa
(islogan) at
larawan sa
paksa.
Kabuuang Puntos
Level ng Pagsasagawa (Performance)

Tayahin
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa
iyong kwaderno.
1. .Kinikilala siya bilang pinakadakilang manunulat ng literaturang sanskrit at may- akda ng
Shakuntala.
A. Jose Rizal B. Kalidasa C. Gwada Showaa D. Rabindranath Tagore

2. Saang rehiyon sa Asya makikita ang ugnayan ng relihiyong Hinduismo, Budismo at Islam
sa mga mga gusaling ipinatayo nila?
A. Silangang Asya C. Kanlurang Asya
B. Timog Silangang Asya D. Timog Asya
3. Ang palakasan ay naging isang daan upang magkabuklod-buklod ang mga mamamayang
Asyano. Ano ang tawag sa pangkatang laro sa India na ang gagawin lamang ay
manghuhuli ng miyembro ng katunggaling pangkat?
A. Karate B. Basketbol C. Kabbadi D. Judo

4. Ito ay isang sinaunang koleksyon ng mga magkakaugnay na pabula sa India.


A. Ramayana B. Panchatantra C. Mahabharata D. Shakuntala
5. Ipinagawa ni Shah Jahan ng Imperyong Mughal upang magsilbing libingan ng kanyang
asawa si Mumtaz Mahal na matatagpuan sa Agra, India.
A. Angkor Wat B. Borubudor C. Taj Majal D. Great Wall

6. Ito ay may maliit na gusali na hugis bilugan at ang bubungan ay may turret na hugis dulo
ng lapis.
A. mosque B. stupa C. turbe D. ribat

7. Bakit kakaiba ang rehiyon ng Timog Asya sa larangan ng arkitektura?


A. Sapagkat lumaganap ang impluwensyang Indian sa rehiyon ng Silangan at
Timog Silangang Asya
B. Sapagkat mas kilala ang rehiyon ng Timog Asya sa buong daigdig
C.Sapagkat maraming nagawang kontribusyon ang mga Timog Asya

13 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
D. Sapagkat malaki ang impluwensya ni Shah Jahan sa larangan ng arkitektura sa Timog
Asya

8. Kung ikaw ay pangulo ng samahang Social Studies Guild at naatasang magpresenta ng


mga kontribusyon sa Timog at Kanlurang Asya, alin ang mas angkop na gagamitin sa
isang video conferencing?
A. Pagkukuwento at pagtatanong
B. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay haka-haka
C. Debate at pag-uutos ng dapat Gawain
D. Multimedia presentation at pagtatalakay

9. Ang panitikang ito ay mas kilala sa sa tawag na “Arabian Nights’’.


A. Songs of Jerusalem C. The Tale of Alibaba
B. Rubaiyat D. A Thousand and One Nights

10. Ang Kanlurang Asya ay nakilala sa mga larong pampalakasan. Alin sa tingin mo
ang hindi kasali sa rehiyong ito?
A. weight lifting B.chess C. hurdle D.wrestling

Karagdagang Gawain
Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan pagkatapos isulat ang iyong sagot sa
iyong kwaderno. Sagutin lamang ang mga ito sa 3-5 pangungusap.

1. Bilang isang Pilipino at Asyano, alin sa mga kontribusyon ng Timog Asya at


Kanlurang Asya pinapahalagahan mo? Bakit?

2. Nakakabuti ba ang impluwensya ng kultura ng isang bansa sa ibang bansa? Ipaliwanag

Susi sa Pagwawasto
Paunang Pagtataya Panghuling Pagtataya
1. c 6. b 1. b 6. b
2. b 7. b 2.d 7. a
3. b 8. a 3.c 8. d
4. c 9. c 4.b 9. d
5. c 10. d 5. c 10. b

GAWAIN A ISAGAWA - Rubric – Iskoring p. 24


1.RUBAIYAT 6. BOLLYWOOD
2. RIBAT 7. RAGAS
3.BARAHA 8. KABADDI
4.RAMAYANA 9. MOSKE/MOSQUE
5.MAHABHARATA 10. HURDLES

14 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
Sanggunian

Barnes & Nobles. n.d. https://www.barnesandnoble.com/w/ramayana-and-mahabharata-romesh-c-


dutt/1118961273 (accessed December 28, 2021).

Barrow, Kevin. Sports Performance. n.d. https://www.sportsperformancebulletin.com/endurance-


training/strength-conditioning-and-flexibility/concurrent-training/attachment/weightlifting-2018-
asian-games-womens-53kg-group-a/ (accessed December 28, 2021).

BBC News. September 1, 2018. https://www.bbc.com/news/world-asia-india-45352716 (accessed December


27, 2021).

Blando, Rosemarie et.al. "Asya: Pagkakaisa sa gitna ng Pagkakaiba." In Asya: Pagkakaisa sa gitna ng
Pagkakaiba, by Rosemarie et.al. Blando. Pasig: Enduresources, 2014.

Britannica. n.d. https://www.britannica.com/topic/Taj-Mahal (accessed December 28, 2021).

College, Westchester Community. Slideshare. December 2, 2017. https://www.slideshare.net/mhall9488/the-


dome-of-the-rock-jerusalem (accessed December 28, 2021).

Culture trip. n.d. https://theculturetrip.com/middle-east/saudi-arabia/articles/the-oldest-mosques-in-the-


world/ (accessed December 28, 2021).

Discovery Education. n.d. https://puzzlemaker.discoveryeducation.com/ (accessed December 28, 2021).

Dutt, Rumesh C. Barnes & Noble. n.d. https://www.barnesandnoble.com/w/ramayana-and-mahabharata-


romesh-c-dutt/1118961273 (accessed December 27, 2021).

Gray, Martin. World Pilgrimage Guide. n.d. https://sacredsites.com/asia/indonesia/borobudur_stupa.html


(accessed December 28, 2021).

Mateo, Grace Estella et. al. "Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan." In Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, by Grace
Estella et. a Mateo. Quezon: Vival, 2008.

Pandit Vishnu Sharma, G.L. Chandirimani. "Panchatantra." In Panchatantra, by G.L. Chandirimani Pandit Vishnu
Sharma. India: Rupa, n.d.

Pandurangi, K.T. Rakuten Kobo. n.d. https://www.kobo.com/in/en/ebook/kalidasa (accessed December 28,


2021).

ProProfs Quizzes. December 23, 2021. https://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=quiz-related-to-


ramayana-and-mahabharata (accessed December 28, 2021).

Rakuten Kobo. n.d. https://www.kobo.com/ph/en/ebook/panchatantra-6 (accessed December 28, 2021).

Sarmiento, Bong. LIC/.news. April 13, 2020. https://www.licas.news/2020/04/13/philippine-muslim-region-


extends-ban-on-prayers-in-mosques-due-to-covid-19/ (accessed December 27, 2021).

Shutterstock. n.d. https://www.shutterstock.com/search/islam+temple (accessed December 28, 2021).

Wikipedia. December 21, 2021. https://en.wikipedia.org/wiki/Taj_Mahal (accessed December 28, 2021).

15 NegOr_Q3_AP7_Module8_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like