You are on page 1of 14

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7
EPEKTO NG MGA IDEOLOHIYA, NG COLD WAR AT NEO-
KOLONYALISMO SA IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIG.
Araling Panlipunan – Grade 8
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Epekto ng mga Ideolohiya, ng Cold War
at Neo-Kolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rochelle Mayven B. Pescante
Editor: Marites A. Abiera
Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin
Sa modyul na ito ay matutunan mo ang mga Salik na Nakakaapekto sa demand at
mailalapat mo ito sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, bilang kasapi ng
pamilya at lipunan.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

Most Essential Learning Competency:


Natataya ang epekto ng mga ideololohiya ng Cold War at ng Neo-kolonyalismo sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig. (AP8AKD-IVi-10)

Mga Layunin:

1: Natutukoy ang kahulugan at katuturan ng mga salita na may kaugnayan sa mga ideolohiya
ng Cold War, at ng Neokolonyalismo;

2: Nakakagawa ng Islogan tungkol sa epekto ng Cold War at Neo-kolonyalismo;

3: Napapahalagan ang mga mabuti at di mabuting epekto ng mga Ideolohiya ng Cold War at ng
Neo-kolonyalismo.

Subukin

Panuto: Jumbled Words. Ayusin ang mga titik na nasa bawat bilang upang malaman ang
tamang sagot. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. NAMOLISYOSAN- ang damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa


pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan.

2. OMSILAYNOIOKOEN- ay di tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang


makapangyarihang bansa.

3. DLOC ARW- hidwaan sa gitna ng kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang


Europa.Umiral ang labanang pandiplomatiko, pang-ekonomiya, pangmilitar,
ideolohiya at siyensya.

4. KMMNOUISO- ang isang ideolohiya na ekonomiko, pilosopikal, politikal at sosyal na

1
umaayon sa pagtatag ng organisasyong panlipunan na walang estado at kaantas-antas
batay sa kaki o height sa gamit ng produksiyon na tinatawag na kumunista, na
nagbabalangkas sa pagmamay ari ng buong lipunan.

5. TEDINU SSTTAE- ang isa sa makapangyarihang bansa pagkatapos ng ikalawang Digmaang


Pandaigdig na nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo

6. IETSOV UONNI- ang bansa na nagpapalaganap ng sosyalismo at komunismo

7. IIOODELHAY- ang isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong


magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.

8. SOSSAOI LYM-isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan


ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.

9. LISMOTAKAPI-tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produsiyon,


distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal
hanggang sa maging maliit na lamag ang papel ng pamahalaan sa mga
patakarang pangkabuhayan.

10. AASYRKOMED- ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.

Balikan
Panuto: Punan ang Data Retrival Chart batay sa hiningi ng bawat kahon. Isulat sa
iyong sagot sa kwaderno.

Ang Iba’t –ibang Ideolohiya Bansang Nagtaguyod


1 1
2 2
3 3
4 4
5 5

2
Tuklasin

https https://www.google.com/search?q=cold+war&source
://www.google.com/search?q=cold+war&source
Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sa
kwaderno.
1. Ano ang mga nakikita mo sa larawan ? Matutukoy mo ba kung anong mga bansa ito?
2. Bakit naging tanyag at kilala ang mga bansang ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaan
Pandaigdig?

Suriin https://www.google.com/search?q=cold+war&source

https://www.google.com/search?q=cold+war

3
Ang United States at Soviet Union ay dating magkakampi at kasama sa mga bansang
nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa” Ngunit dumating nga ang pagkakataong sila ay
nagkakaroon ng Cold War o Hindi tuwirang labanan. Ang Cold War ay hidwaan sa gitna ng
United States of Amerika at Union Soviet of Socialist Republics sa aspektong pangdiplomatiko,
pang-ekonomiko, pangmilitar, ideolohiya at siyensiya .Katulad ng sa magkaibigan, ang kanilang
hidwaan ay dulot ng kawalan ng tiwala,hindi pagpatupad sa pangako at hindi pakikinig sa bawat
isa at dahil dito ay may mabuti at masamang epekto ang Cold War.

MABUTING EPEKTO NG COLD WAR

• Pag-unlad ng Scentific Research at Invention


• Nagtulungan ang mga bansa sa kanilang ekonomiya sa pinsala ng digmaam

MASAMANG EPEKTO NG COLD WAR

• Paggasta ng Malaking Halaga


• Takot at pangamba ng bawat bansa
• Banta ng Nuclear weapons
• Umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pangmilitar, at kalakalan ng mga bansa
• Palakasan sa magkabilang bansa
• Propaganda warfare

https://www.google.com/search?q=neokolonyalismo&source

NEOKOLOYANISMO - ay bagong paraan ng pananakop ng malakas na bansa sa mahinang


bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng impluwensiya sa aspetong pangkabuhayan,
pampulitikal at pangkultura

EPEKTO NEO-KOLONYALISMO
• Over Dependence o labis na pagdepende sa iba- na ang ibig sabihin na umasa ng labis
ang mga tao sa mga mayayamang bansa
• Loss of Pride o kawalan ng karangalan-sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan, nabuo
sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling
• Continuous Enslavement o patuloy na pang–aalipin- ang mga bansa ay malaya sa
prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ay nakatali pa rin sa malakolonyal na interes ng
kanluran.
Project Ease Araling panlipunan 3 Modyul 20-Neokolonyalism

4
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Subukan mo ang iyong matatandaan ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot
sa iyong kwaderno.

Hanay A Hanay B
a. di tuwirang pagkontrol sa malayang bansa sa isang
1.Cold War makapangyarihang bansa.
b. malamig na digmaan ay panahon ng tensiyong
2.Neokolonyalismo politikal at tensiyong militar na naganap pagkatapos
ng ikalawang digmaan.

c. mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos.


3.United States
d. makapangyarihang bansa pagkatapos ng ikalawang
4.Ideolohiya
digmaang pandaigdig.

e. isang sandata na hinango ang kanyang enerhiya mula


5.Nuclear Weapons sa mga reaksyong nuclear ng fission at/ o fusion.
f. Isang uri ng pamamahala kung saan ang awtoridad ang
mga tao upang piliin ang kanilang namamahalang
lehislasyon.
(https://tl.m.wikipedia.Org.)
GAWAIN B.

Panuto: Suriin at tukuyin ang mga larawan nasa ibaba kung ito ba ay napabilang sa Ideolohiya,
Cold War, Neokolonyalismo. Isulat ang sagot sa kwaderno.

2
1
. .

https://www.google.com/search?q=cold+war https://www.google.com/search?q=neokolonyalismo&source

5
3 4
. .

https://www.google.com/search?q=ideolohiya&tbm https://www.google.com/search?q=ideolohiyang+liberalismo&tbm

5
.

https://www.google.com/search?q=cold+war

Isaisip
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO

• Ang neo-kolonyalismo ay isang anyo ng pananakop ng mga mayayaman at


makapangyarihang bansa. Ito ay hindi tuwirang pananakop.
• Nakaapekto ang neo-kolonyalismo sa kadahilanang nagiging labis na palaasa ang
mahirap ng bansa at kadalasan nawawala sila ng karangalan. Patuloy na inaaalipin ang
mga bansang maliit dulot ng Neo- kolonyalismo.
• Ang bansang Estados Unidos at Unyon Sobyet ang mga bansang tinatawag na super
power. Bawat isa ay may mga kaalyansang bansa`
• Marami ang naghirap at nagkimkim ng sama ng loob dahil sa hindi pagkakaisa ng
dalawang superpowers. Walang magawa ang mga bansang kaanib kundi sumunod sa
ideolohiya ng namumunong bansa. May naging mabuti at di mabuting epekto ang Cold
War sa mga bansa.
• Marami ang nag-alala sa Cold War dahill sa pag-iisip na magkakaroon uli ng digmaang
pandaigdig na gagamit ng higit na mapanganip at mapamuksang armas nuklear. Sa
pagwawakas ng Cold War, naituon ang pansin sa pagpapabuti ng ekonomiya at
pagkakaroon ng kasunduang pag-alis ng lahat ng uri ng Armas nukleyar.

6
Pamprosesong Tanong:

Panuto: Suriing mabuti ang mga katanungan sa ibaba at sagutin ito. Isulat ang iyong sagot
sa kwaderno.

1. Anu-ano ang epekto ng Cold War sa mga bansang sangkot dito? May
kabutihan bang naidulot ang labanang ito sa ating mundo?

2. Ano ang neokolonyalismo? Nararanasan ba natin ang sistemang ito? Sa


anong paran?Ilahad mo ito.

Isagawa
Panuto: Pumili ng isa sa mga epekto ng cold war at neokolonyalismo at gumawa ng islogan
tungkol dito. Isulat ito sa isang short bond paper.

Narito ang krayterya sa pagmamarka:

Content___________________3 puntos
Creativity__________________2 puntos
Relevance_________________3 puntos
Neatnesss_________________2 puntos

kabuuan___________________10 puntos

Tayahin
I. Panuto: Upang matiyak ang mga natutuhan sa aralin. Sagutin ang mga sumusunod na
gawain. Isulat ang titik ng tamang sagot sa journal notebook.

1. Mapayapang pananakop sa likod ng kunwaring malasakit.


a.Cold War b.Neo-kolonyalismo c.Imperyalismo d.Kolonyalismo

2. Isinilang ang neo-kolonyalismo matapos ang:


a.Digmaang China c.Ikalawang Digmaang Pandaigdig
b.Digmaang Korea d. Digmaang Alemanya

3. Ang pananakop ng malalakas na bansa upang matamo ang kayamanan at kapangyarihan ng


isang bansa.
a.Neo-kolonyalismo b.Imperyalismo c.Kumunismo d.Sosyalismo

7
4. Ito ay hidwaan sa pamamagitan ng United States of America at Russia.
a. Conflict of countries b. Cold War c. Hundred Years d. South
Korean War

5. Bahagi ng Neo-kolonyalistang kultural ay ang pagpasok ng iba’t ibang pagkaing Amerikano


tulad ng:
a. bibingka at pinipig c. ginataan at latik
b. hamburger at hotdog d. kalamay at puto

II. Isulat ang M kung ito ay mabuting epekto ng Cold War at DM kung di-mabuting epekto ng Cold
War.

__________1. Nagkakaroon ng ibat ibang imbensyon


__________2. Walang tunay na kapayapaan
__________3. May banta ng digmaan
__________4. Pagtuon pansin sa ekonomiya
__________5. Banta ng nuclear weapons
__________6. Pag-unlad ng Scientific Resaerch at Invention

Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili ng isang sipi (quotation) sa ibaba at gumawa ng isang sanaysay tungkol dito.
Ang sanaysay o iyong paliwanag ay may pito hanggang sampung pangungusap lamang. Gawin
ito sa iyong kwaderno.

1. “Walang bansa ang magkakaisa”

2. “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa kulturang dayuhan”

Narito ang krayterya ng pagmamarka ng iyong sanaysay:


1. Nilalaman- 10
2. Kaugnayan - 5
3. Organisasyon- 5
KABUUAN 20 PUNTOS

8
Talasalitaan
GLOSARI

Makatutulong sa iyo ang mga sumusunod.

1. Ideolohiya - ay mga kaisipan nagsisilbing gabay sa pagkilos.

2. Cold War - walang tuwirang alitang pangmilitar ang dalawang bansa (Amerika at Unyong
Sobyet).

3. Neokolonyalismo - di tuwirang pagkontrol sa malayang bansa sa isang

4. Nucler Weapon - isang sandata na hinango ang kanyang enerhiya mula sa mga reaksyong
nuclear ng fission at/ o fusion.

5. Imperyalismo - ay batas o paraan ng pamamhala kung saan ang malalaki o


makapangyariahng bansa ang naghangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o pagkonttrol sa pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng
ibang bansa.

9
10
Subukin
Tayahin 1.Nasyonalismo
2.Neokolonyalismo
3.Cold War
1.B 4.Komunismo
2.C 5.United States
6. Soviet Union
3.B Pagyamanin 7. Ideolohiya
4.B 8. Socialismo
Gawain A
5.B 9.Kapitalismo
1. B 10. Demokrasya
2. A
II. 3. D
1.M 4. C Balikan
2.DM 5. C 1. Kapitalismo-Germany
Gawain B 2. Monarkiya-Japan
3.DM 3. Demokrasya-Pilipinas
4.M 1. Cold War
2. Neokolonyalismo 4.Totalitoaryanismo-North Korea
5.DM 5.Kumunismo-Russia
3. Ideolohiya
6.M 4. Ideolohiya note: at marami pang ibang sagot .
5. Cold War
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. AKLAT
Rosemarie C. Blando et. al. Kasaysayan ng Daigdig. Araling Panlipunan Modyul para sa Mag – aaral

B. Website
https://www.google.com/search?q=project+ease+modules+in+araling+panlipunan+8+neokolonyalismo&tbm

https://www.google.com/search?q=ideolohiyang+liberalismo&tbm
https://www.google.com/search?q=neokolonyalismo&tbm=isch&ved
https://www.google.com/search?q=cold+war&tbm=isch&ved=2ahU
https:/ /tl.m.wikipedia.Org.
https://www.google.com/search?q=us+flags+cold+war&tbm=isch&ved=2ahUKEwjrsIrPyuPuAhUNhZQKH
ZeTB80Q2-
cCegQIABAA&oq=us+flags+cold+war&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6CAgAELEDEIMBOgUIABCxAzoE
CAAQQzoHCAAQsQMQQzoKCAAQsQMQgwEQQzoGCAAQBRAeOgYIABAIEB46BAgAEBhQo9kCWK
7-
A2DNgQRoC3AAeAGAAZ0IiAHURpIBETAuMTQuMTAuMS4xLjQuMC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1p
bWewAQDAAQE&sclient=img&ei=6w0mYKuPDo2K0gSXp57oDA&bih=631&biw=1499&hl=en

https://www.google.com/search?q=project+ease+modules+in+araling+panlipunan+8+neokolonyalismo&t
bm
https://www.google.com/search?q=project+ease+modules+in+araling+panlipunan+8+cold+war&tbm

https://www.slideshare.net/chemzelambo/neokolonyalismo-by-michelle-e

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like