You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan- Modyul 5:
Epekto ng Ideolohiya, Cold War at
Neokolonyalismo

Name of Learner:
Grade & Section:

Name of School: _________________________________


Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arianne Marie Bulilan, Maricar P. Pelera, Adam Keth J. Lacquio
Editor: Mimie M. Opo
Tagasuri: Monina R. Antiquina
Tagaguhit: Chris Raymund M. Bermudo
Tagalapat:
Tagapamahala:
Virgilio P. Batan Jr - Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Monina R. Antiquina - Education Program Supervisor, Araling Panlipunan
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS
Arsenia C. Zamoras - Public Schools Division Supervisor
Adrian G. Refugio - School Principal, Galas NHS
Ferdinand R. Cornellio - School Principal, Tubod IS
Dexter S. Elumba - School Principal, Miputak NHS

Printed in the Philippines by


Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga Del Norte, 7100
Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin
Pamantayan ng Pagkatuto: AP8AKD-IVi-10 (MELC)

Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng cold war at ng neokolonyalismo


sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a. Nasusuri ang mga epekto ng mga ideolohiya, cold war at


neokolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig;
b.Naipaliliwanag ang mga mabuting epekto at di-mabuting
epekto ng mga ideolohiya, cold war at neokolonyalismo sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig; at
c. Nakapagtatala ng mga ideya tungkol sa mga epekto ng cold war
at neokolonyalismo.

Balikan
Gawain 1. BALIK-TANAW MUNA TAYO

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.


Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Ito ang nagsisilbing kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng sistemang


pang-ekonomiya at pampolitika ng isang bansa, pamahalaan o kilusan.
A. Ideolohiya B. Pilosopiya C. Sosyolohiya D. Sikolohiya
2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kategorya ng ideolohiya MALIBAN
sa ______.
A. Panlipunan B. Pampolitika C. Pangkabuhayan D. Panrelihiyon
3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng ideolohiya?
A. Kapitalismo B. Pangkultura C. Pang-ekonomiya D. Dayuhang Tulong
4. Anong uri ng ideolohiya na nagpapatamasa sa lahat ng pantay na
karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi,
kasarian o relihiyon.
A. Sosyalismo B. Demokrasya C. Kapitalismo D. Totalitaryanismo
5. Ito ay kategorya ng ideolohiya na nakasentro sa paraan ng pamumuno
at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala.
A. Panlipunan B. Panrelihiyon C. Pampolitika D. Pangkabuhayan

1
Aralin Epekto ng Ideolohiya, Cold War
at Neokolonyalismo
7

Tuklasin

Gawain 2: CONCEPT MAP

Panuto: Gamit ang kasunod na concept map, isulat ang kahalagahang


ginagampanan ng ideolohiya sa isang bansa.

Suriin

Gawain 3: TAYO’Y MAGBASA AT MATUTO

Panuto: Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa


mga ideolohiya, cold war at neokolonyalismo. Pagkatapos mong basahin ay
sagutin ang mga pamprosesong tanong at ang susunod na gawain na may
kinalaman tungkol dito.

2
Ang mga Ideolohiya sa daigdig sa kasalukuyan ang pangunahing
pamantayang sinusunod ng mga mamamayan. Ito rin ang puwersang
nagpapakilos sa kanila bilang isang bansa. Nagmula ang salitang ideolohiya
sa salitang ugat na idea o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao. Lipon
ito ng mga kaisipang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ng maraming tao
na kumikilos ayon sa mga ideya, simulain, prinsipyo o paniniwala na
napapaloob dito.

Ang Cold War ay panahon ng tensiyong politikal na naganap


pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nangyari mula 1945
hanggang 1991, nangyari ito dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa
ekonomiya, ang hindi pagkasundo ng mga politiko, at tensiyong militar. Ang
digmaan ay sa pagitan ng mga kanlurang mga bansa kasama ang Estados
Unidos at ang Unyong Sobyet kasama ang mga kaalyado nito. Ang
paghihirap ng Cold War ang humubog sa mga kasalukuyang pangyayari. Ito
ang labanang pandiplomatiko at pangkabuhayan at alitan sa ideolohiya at
kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang Europa. Walang
tuwirang alitang militar ang dalawang bansa. Naging labanan ito ng ideo-
lohiya at tinatawag na Cold War dahil walang naganap na putukan o tuwirang
komprontasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang magkatunggaling ideolohiya, cold war ay ang matinding


kompetensiya na naganap sa pagitan ng mga bansa pagkatapos ng 1945. Ito
ay tunggalian sa kapangyarihan at ideolohiya ng dalawang kinatawan ng mga
bansa, kung saan ang demokrasya at kapitalismo ay itinaguyod ng United
States at ang sosyalismo at komunismo naman ay itinaguyod ng Soviet Union.
Lahat ng mga bansa sa Europa ay nangangailangan ng tulong upang muling
makabangon mula sa pagkawasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mabuting Epekto ng Cold War

Ang United States at Union Soviet ang nagpasikat sa pagpapalaganap


ng kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng United
States na maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang
kapitalista. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang
daloy ng malayang kalakalan sa mundo. Kasabay ring inayos ang
International Bank Rehabilitation and Reconstruction (IBBR) o World Bank
upang tumulong sa mga gawaing rehabilitasyon at rekonstruksiyon.
Samantala, pagkamatay ni Stalin ng USSR ay hiniling ni Khrushchev ang
Peaceful Co-existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na
makipaglaban pa sa digmaan. Isinulong ni Mikhail Gorvachev ang glasnost o
pagiging bukas na pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago ng
pangangasiwa sa ekonomiya. Nagkasundo sina Gorvachev ng Union Soviet at
Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang
badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng nakararami. Maraming
imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig: ang pagpapalipad ng Sputnik

3
I ng USSR, at Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid
sa mundo. And US naman ang nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga
puwersang nukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi pati na sa
medisina sa komunikasyon.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War

Umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pang-militar, at


kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa sa Soviet
Union na nagdulot nga malaking suliraning pang-ekonomiya. Dahil sa
matinding sigalot bunga ng Cold War, iginiit ng dalawang puwersa ang
kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa. Nagkaroon
pa ng bansa ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan
tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty
Organization o Warsaw Pact, at ikatlong puwersa o kilusang non-aligned.

Neokolonyalismo

Tumutukoy ang neokolonyalismo sa patuloy na impluwensiyang pang-


ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang
kolonya, bagamat wala silang tuwirang militar o politikal na kontrol sa mga
ito.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang


makabagong uri ng pananakop upang mapanatili ang kanilang
kapangyarihan, ang neokolonyalismo, at interbensiyon. Itinuturing ang
neokolonyalismo na bago at ibang uri ng pagsasamantala sa mahirap na
bansa. Ayon sa agham-politika, ito ang pananatili ng kontrol ng isang dating
kolonyalista sa dati nitong kolonya.

Mga Pamamaraan at Uri ng Neokolonyalismo

 Pang-ekonomiya – Naisagawa ang neokolonyalismo sa pamamagitan


ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang
pangkabuhayan ng isang bansa, ngunit sa katotohanan ay nakatali na
ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang
tumulong.
 Pangkultura – Nababago nito ang pananaw ng tinutulungang bansa sa
mga bagay na likas na angkin nito. Bunga ng kulturang dala ng
dayuhang tumutulong o bansang dayuhan, nababago ang
pinahahalagahan ng mga mamamayan ng tinutulungang bansa sa
pananamit, babasahin, maging sa pag-uugali.
 Dayuhang Tulong o Foreign Aid – Isang instrumento na nagkaloob ng
dayuhang tulong na maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o
pangmilitar. Sa una’y maiisip na walang kondisyon ang pagtulong tulad
ng pamimigay ng gatas sa mga bata o pamamahagi ng mga aklat.
Ngunit kung titingnang mabuti, may kapalit ang libreng pagtulong.

4
Nagbebenta ang bansang tinutulungan kaya nga’t bumabalik din sa
kanila ang malaking tubo ng kanyang puhunan.
\

 Dayuhang Pautang o Foreign Debt – Anumang pautang na ibibigay


ng International Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay laging may
kaakibat na kondisyon. Kabilang dito ang pagbubukas ng bansang
pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa
ng halaga ng salapi at pagsasaayos sa sistema ng pagbubuwis. Kung
hindi susundin ang mga kondisyon, hindi makauutang ang umuutang
na mga bansa. Dahil dito, hindi rin makakaahon sa utang ang
mahihirap na bansa. Debt trap ang tawag dito.
 Lihim na pagkilos o Covert Operation – Kung hindi mapasunod nang
mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang
guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.

Epekto ng Neokolonyalismo

 Over Dependence o labis na pagdepende sa iba - Malinaw na umaasa


nang labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may
kaugnayan sa United States.

 Loss of Pride o Kawalan ng Karangalan- Sanhi ng impluwensiya ng


mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa
kanluran ay mabuti at magaling, na isang dahilan kung bakit ang tao
ay nawalan ng interes sa sariling kultura at mga produkto.

 Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin- Totoo ngang ang


umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na
kahulugan ng salitang kalayaan, ang maliit na bansa ay patuloy pa ring
nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran.
Ang lahat ng aspekto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran.

Pagyamanin
Gawain 4: H - DIAGRAM

Panuto: Paghambingin ang epekto ng cold war at neokolonyalismo gamit ang


H - diagram sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

5
Pamprosesong tanong:

1. Ano-ano ang hindi mabuting epekto ng cold war?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mabuting epekto ng neokolonyalismo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pagkakaroon ng cold war


at neokolonyalismo? Pangatwiran.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain

Gawain 5: BIGYANG-KAHULUGAN
Panuto: Ipaliwanang ang kahulugan ng mga sumusunod na uri ng
neokolonyalismo gamit ang graphic organizer.

6
Pamprosesong tanong:

1. Ano ang iyong ideya tungkol sa salitang neokolonyalismo?


2. Bakit kaya nagkaroon nito?
3. Paano naapektuhan ng patakarang ito ang ekonomiya ng mga bansang
papaunlad pa lamang?

Isaisip
Gawain 6: HULA-LETRA
Panuto: Buuin ang salitang inilalarawan o ipinaliliwanag. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang bansa


lalong- lalo na sa may kaugnayan sa United States.

_v_rd_p_n__n_e
2. Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga
neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng
tuluyan.

C_v_rt _p_ra____

7
3. Ang umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na
kahulugan ng salitang kalayaan, ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring
nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran.

_o_t_n___ E_s_a__m__t
4. Sa pamamaraang ito ay nabago ang pananaw ng tinutulungang bansa sa
mga bagay na likas na angkin nito.

P__g_u_t__a
5. Isang instrumento na nagkaloob ng dayuhang tulong na maaaring pang-
ekonomiya, pangkultura o pangmilitar.

__r_i_n _i_
6. Mapayapang pakikimuhay sa halip na makipaglaban pa sa digmaan.

__a_e_u_ C_-e_i_t___e
7. Ang anumang pautang na ibigay ng International Monetary Fund (IMF) at
World Bank (WB) ay laging may kaakibat na kondisyon. Kung hindi
susundin ang mga kondisyon ay hindi makakautang ang umuutang na
bansa.

F___i_n _e_t
8. Dahil sa impluwensiya ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao
na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling.

_o__ o_ _r__e
9. Naisasagawa ang neokolonyalismo sa pamamagitan ng pagkunwaring
tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa.

_a__-_k___m__a
10. Panahon ng tensiyong pampolitikal at tensiyong militar na naganap
matapos sa ikalawang digmaang pandaigdig.

___d __r

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na
may kaugnayan sa mga epekto ng ideolohiya, cold war at
neokolonyalismo. Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang ideolohiya?

8
A. Isang uri ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos
na kapangyarihan
B. Isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon,
distribusyon at kalakalan ay kontrolado
C. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng tao
D. Mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mabuting epekto ng cold
war?
A. Pagsasaayos ng daloy ng malayang kalakalan sa mundo
B. Pag-igting ng di pagkakaunawaan ng mga bansa
C. Pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya
D. Maraming imbensiyon ang naisasagawa
3. Bakit nangyari ang cold war sa pagitan ng United States at Soviet Union?
A. Dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa ekonomiya, ang hindi
pagkasundo ng mga politiko at tensiyong militar
B. Dahil sa kompetensiya sa kalakalan at sa kapangyarihan
C. Dahil sa pagkakaroon nito ng makabagong pamamaraan sa
pamumuhunang industriyal at pinansiyal
D. Dahil sa uri ng suliraning pampolitika at pang-ekonomiya na ang lahat
ng estado mayaman o mahirap ay maaring masangkot
4. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kategorya ng ideolohiya MALIBAN sa
isa. Ano ito?
A. Pampolitika C. Panlipunan
B. Pangkabuhayan D. Dayuhang Pautang
5. Ano ang pinagkasunduan nina Mikhail Gorbachev ng Soviet Union at
Ronald Reagan ng United States?
A. Tapusin ang Arms Race
B. Pagbuo ng International Monetary Fund
C. Pagbuo ng militar na tinawag na Black Shirts
D. Kasunduan ng Versailles
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng ideolohiya?
A. Pang-ekonomiya C. Pangkultura
B. Kapitalismo D. Dayuhang Tulong
7. Ano ang neokolonyalismo?
A. Isang uri ng mga kaisipang gabay sa pagkilos
B. Isang uri ng suliraning pampolitika at pang-ekonomiya na ang lahat
ng estado mayaman at mahirap ay maaring masangkot
C. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may
lubos na kapangyarihan
D. Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na
kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang
pangkat ng tao
8. Ano ang layunin ng neokolonyalismo?
A. Layunin nito ang pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang
pamumuhunan at kalakalan

B. Layunin nitong hindi mapasunod ng mapayapa, gumawa ng paraan

9
ang mga neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o
ibagsak ito ng tuluyan
C. Layunin nitong mabago ng neokolonyalismo ang pananaw ng
tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito
D. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan ng kolonyalistang
bansa, pigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan at kunin ang mas
malaking kita sa negosyo
9. Isa sa mga epekto ng neokolonyalismo ay ang loss of pride o kawalan ng
karangalan. Bakit nawalan ng interes ang mga tao sa sariling kultura at
mga produkto?
A. Dahil malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang
bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States
B. Dahil ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng
kanluran
C. Dahil naimpluwensiyahan ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng
mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling
D. Dahil patuloy pa ring nakatali ang maliliit na bansa sa malakolonyal
at makakapitalistang interes ng kanluran
10. Ang Dayuhang Pautang o Foreign Debt ay isa sa mga pamamaraan ng
neokolonyalismo. Anumang pautang na ibigay ng International
Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay laging may kaakibat na
kondisyon. Anu-ano ang mga kondisyong ito?
A. Pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at
kalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos ng
sistema ng pagbubuwis
B. Pagputol ng kalakalan, limitado ang paglalakbay at bawal ang
pahayagan, magasin, aklat at programa sa radyo
C. Pagbebenta ng bansang tumulong ng mga imported na produkto
D. Pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at
kalakalan at pagbebenta ng bansang tumulong ng mga imported na
produkto

Karagdagang Gawain
Gawain 7: REPLEKSIYON
Panuto: Sumulat ng repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan sa epekto
ng cold war at neokolonyalismo. Gawing batayan sa pagsulat ng
repleksiyon ang balangkas sa ibaba. Isulat ito sa isang buong papel.

(Pamagat)
(Panimula)
(Katawan)
(Konklusiyon)

Pamantayan sa Pagsulat ng Repleksiyon

10
Mga 10 8 6 4
Kyarterya
Organisasyon Mahusay ang Maayos ang May lohikal Hindi maayos
pagkasunod- pagkasunod- na ang
sunod ng ideya sunod ng organisasyon organisasyon at
sa kabuuan ng ideya sa ngunit hindi walang
talata, mabisa talata, may masyadong panimula at
magpanimula angkop na mabisa ang konklusiyon
at malakas ang simula at panimula at
konklusiyon konklusiyon konklusiyon
batay sa
ebidensiya
Lalim ng Napakalalim na Malalim na Mababaw at Napakababaw
Repleksiyon makikita ang makikita ang hindi gaanong at walang pag-
pag -uugnay ng dati at makikita ang
dating bagong pag-uugnayan uugnay ang
kaalaman at kaalaman sa dati at dati at bagong
karanasan sa bagong
kaalaman
bagong kaalaman
kaalaman
Presentasyon Malinis at Malinis May Mahirap
maayos ang ngunit hindi kahirapang basahin, hindi
pagkakasulat maayos ang unawain ang maayos at
ng talata pagkakasulat pagkakasulat malinis ang
ng talata ng mga pagkakasulat
pangungusap ng talata
Kabuuang
Puntos

11
12
Tayahin Isaisip
1. D 1. Over Dependence
2. B 2. Covert Operation
3. A 3. Continued Enslavement
4. D 4. Pangkultura
5. A 5. Foreign Aid
6. B 6. Peaceful Co-existence
7. B 7. Foreign Debt
8. D 8. Loss of Pride
9. C 9. Pang-ekonomiya
10.A 10.Cold War
Karagdagang Gawain: Gawain
Repleksiyon Bigyang-Kahulugan
Ang mga sagot ay Ang mga sagot ay
nakadepende sa sagot ng nakadepende sa sagot ng
mag-aaral ayon sa kanilang mag-aaral ayon sa
pag-unawa. kanilang pag-unawa.
Pagyamanin Tuklasin Balikan
H - Diagram Concept Map Balik-Tanaw Muna
Tayo
Ang mga sagot ay Ang mga sagot ay
nakadepende sa sagot nakadepende sa sagot 1. A
ng mag-aaral ayon sa ng mag-aaral ayon sa 2. D
kanilang pag-unawa. kanilang pag-unawa. 3. A
4. B
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, R., et al., (2014). Kasaysayan ng Daigdig- Modyul ng Mag-aaral.

(Unang Edisyon). Vibal Group Inc. and Deparment of Education-

Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Vivar, T., et al (2000). Kasaysayan ng Daigdig- Batayang Aklat Para sa

Ikatlong Baitang. SD Publications, Inc.

13
14

You might also like