You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Kasaysayan ng Daigdig
I. Layunin

Sa loob ng apatnapung (40) minute na talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Natatalakay ang sanhi at epekto ng Cold War,


b. Natatala at mga mabubuti at mabubuti at masasamang epekto ng Cold War, at
c. Nabibigyang halaga ang mga nagging epekto ng Cold War.

II. Nilalaman

Paksang Aralin: Cold War


Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, pahina 510-511
Kagamitan: projector at laptop, mga larawan, kagamitang biswal

III. Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng mga mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
- Hinihiling ko na tumayo ang Mahal naming panginoon salamat po sa araw
lahat para sa ating panalangin. na ito. Amen
b. Pagbati ng guro
- Magandang hapon sa lahat. Magandang hapon din po Sir
c. Pagtala ng lumiban sa klase
- May lumiban sa klase? Wala po Sir.
d. Balik-aral
- Ano an gating tinalakay noong Ang atin pong tinalakay noong nakaraang
nakaraang araw? araw ay tungkol sa ideolohiya.

- Ano ang ideolohiya? Ang ideolohoiya ay isang Sistema o


kalipunan ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa
daigdig at sa pagbabago nito
e. Pagganyak
Ano ang inyong nakikita sa mga
larawan?
- Yelo po Sir
- Digamaan po Sir

- Taong giniginaw Sir

Magaling!

f. Paglalahad ng layunin
- Bago natin simulant ang ating Sa looob ng apatnapung minuto na
leksyon maari nyu bang pagtatalakay ang mga mag-aaral ay
basahin an gating layunin isnaasahang
a. Natatalakay ang sanhi ng cold war
b. Natatala ang mga mabubuti at
masasamang epekto ng Cold War
At
c. Nabibigyang halaga ang mga
nagging epekto ng Cold War.

A. Pangkatang Gawain

Hahatiin sa apat na pangkat ang klase. Bibigyan ng limang miuto ang bawat pangkat para
matapos ang Gawain.
 Unang pangkat (tula)
- Tunay na sanhi ng Cold War
 Ikalawang pangkat (talk show)
- Kompetisyon sa kalawakan ng USSR at USA
 Ikatlong pangkat (broad Casting)
- Mabuting epekto ng Cold War
 Ikaapat na pangkat (reporting)
- Mga di mabuting epekto ng Cold war

Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Mga batayan Pinakamahusay Higit na Mahusay Mahusay


20 10 5
Nilalaman Naibibigay ng May kaunting Maraming
buong husay ang kakulangan ang kakulangan sa
hinihingi ng takdak nilalaman na nilalaman na
paksa sa ipinapakita ipinapakita
pangkatang gawain
Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas ng Naipapamalas ang
buong miyembro halos lahat ng pagkakaisa ng
ang pagkakaisa miyembro ang iilang miyembro
pagkakaisa
Presentasyon Buong husay na Mahusay na di- gaanong
ginawa ang ginawa ang mahusay na
pangkatang gawain pangkatang ginawa ang
gawain pangkatang
gawain
Takdang oras Natapos ang Natapos ang Di-natapos ang
pangkatang pangkatang pangkatang
Gawain sa buong Gawain ngunit gawain
husay sa loob ng lumagpas sa
itinakdang oras itinakdang oras

B. Paunlarin

1. Ano ang Cold War? Ipaliwanag - Ang Cold War ay ang bunga
ng matinding kompitisyon sa
ekonomiya, hindi
pagkakasundo ng mga
politico, tensiyong military at
pagkakaiba ng ideolohiyang
pinaniniwalaan ng mga
bansang United States at
Soviet Union.
2. Ano ang sanhi ng Cold War? - Ang sanhi ng Cold War ay ang
Ipaliwanag ibat-ibang ideolohiyang
pinaniniwalaan ng bawat
bansa. Ang united States ay
isang demokratikong bansa
samantala ang Soviet Union
ay komunistang bansa.
- Umigting din ang di
pagkakaunawaan dahil sa
kawalan ng bukas na
kalakalan ng mga bansa.
3. Ano ang mabuting epekto ng - Ang mabuting epekto ng Cold
Cold War? Ipaliwanag War ay nakabuo ng
International Monetary Fund
(IMF) upang ayusin ang daloy
ng malayang kalakalan sa
daigdig.
- Nakabuo din ng international
Bank of Rehabilitation and
Reconstruction (IBBR) o world
bank upang tumulung sa
rehabilitasyon at
rekonstruksyon.
4. Ano ang masasamang epekto - Ang di-mabuting epekto ng
ng Cold War? Ipaliwanag cold war ay mas lalong
umigting ang di
pagkakaunawaang pang
politika, pang military at
kalakalan ng mga bansa
- Nawala ang tunay na
pagkakaisa.
- Nagkaroon ng banta ng
digmaan sa pagitan ng mga
bansa.

C. Paglalahat

Paano pinapakita ng mga pinuno ng - Ang mga pinuno sa bansang


mga bansang Soviet Union at United Soviet Union at United States
State ang pag-uugali o pagpapahalaga ay nagpapakita ng
upang mapanatili ang kanilang pagpapahalaga na mapanatili
kapangyarihan? ang kanilang kapangyarihan
sa pamamagitan ng
pagbibigay sulusyon at
tumugon sa kasalukuyang isyu
na kinakaharap ng kanilang
bansa.

D. Isabuhay

Sa pagkakaibigan o kahit anumang - Opo Sir para hindi na


relasyon mayroon tayo sa buhay, magkaroon ng alitan sa
darating ang pagkakataon tulad ng pagitan niyong dalawang
hindi pagkakaunawan, hand aka bang magkaibigan.
magparaya o gumawa ng unang
hakbang upang masolusyunan ito?

E. Pagtatalakay (lesson Proper)


Paghihinuha
 Kasaysayan at Epekto ng Cold War
 COLD WAR
- Ay digmaan ng nagtutunggaliang ideolohiya ng dalawang pinakamakapangyarihang
bansa o superpower.
- United State- modelo ng kapitalista.
- U.S.S.R (Union of Soviet Sociolist Republic) – nakabatay sosyalismo
- Dahil hindi tuwiran o direktang nagdigmaan ang dalawang bansa.
 Domino Theory
- Isa itong paniniwalang political kung saan kapag may isang bansang komunista o
kapitalista sa isang rehiyon, hindi maglalaon ang mga kalapit bansa nito ay
maiimpluwensyahan upang tanggapin din ang mga ideolohiya.
- Nagging patakaran ng U.S at U.S.S.R na manghimasok sa pamamalakad ng
pamaahalaan ng bansang tinaguriang Third World.
 Third Wolrd
- Tumutukoy sa mga bansang hindi yumakap sa kapitalista.
- Tumutulkoy sa mga bansang mahihirap, baon sa pagkakautang at karaniwang dating
kolonya.
- Somalia, Rwanda, Nigeria at Ethiopia- Africa
- Myanmar, Vietnam, laos, at Cambodia, Sri lanka, Bangladesh, at Pilipinas.
- Sa pagkatalo ng Germany, kapwa kumilos ang US at U.S.S.R upang
maimpluwensyahan ang bagong kaayusan sa Europe at hinati nila ang Germany.
- Ang west Germany ay yumakap sa kapitalista at nakaalyado ng U.S samantala ang
East Germany ang komunismo at nagging kakampi ng U.S.S.R.
- Ang lungsod ng Berlin sa Germany ay nahati sa kanluran na yumakap sa demokrasya
at silangan na komunista.
- Nahati ang dalawang kampo sa isang pader na tinawatag na Berlin Wall.
- Ang kanlurang Europe ay nanatiling kapitalista samantalang ang silangang Europe ay
yumakap sa komunismo at nagging satellite ng U.S.S.R.
- Satellite – ay isang bansa na napapailalim sa impluwensya o kapangyarihan ng isa
pang bbansa.
 Winston Churchill
- Isa siyang punong ministro ng Great Britain.
- Ang pagkakahati ng ideolohiya ng Europe ay tinawag niyang Iron Curtail sa kanyang
talumpati.
- Nag resulta ito sa pagtigil ng ugnayan sa ibat-ibang larangan tulad ng pakikipag
kalakalan.
- Binuo ng U.S at ang kaalyado nito ang North Atlantic Treaty Organization (NATO)
samantala ang U.S.S.R. ay ang Wasaw Pact- Alyansang military.
 Mga anyo ng COLD WAR
 Proxy war ng mga kaalyado ng U.S at U.S.S.R
- Ito ang dalawang superpower ang tuwirang magtunggalian, pinangungunahan ito ng
kanilang mga satellite, client state o yaong mga kontrolado at kaalyadong mga bansa
 Space Race ng U.S at U.S.S.R
- Nag lunsad ng mga eksplorasyon sa kalawakan.
- Yuri Gigarin isa siyang cosmonaut ang unang taong nakaikot sa daigdig.
- Inilunsan ng U.S.S.R ang Sputnik I, ang kauna uanahang space satellite sa
kaysaysayan.
- Naglunsad naman ang U.S ng space satellite na tinawag na Explorer I
- Itinatag ang national aeronautics and space administration (NASA) ng U.S upang higit
na mapag aralan ang paggalugad sa kalawakan.
- Neil Arsmtrong – ang unang tumuntong sa buwan.
- Edwin Aldrin – unang nakapaglakad sa buwan
- Ito ay patunuay ng U.S na sila magaling kaysa sa U.S.S.R sa larangan ng pananaliksik
at teknolohiya.
 Pagpaparami ng armas
- Bunga ng nananaig na paranoia sa magkabilang kampo, nagparamihan sila ng
produksyon ng armas upang makalamang sa katungali at bumuo ng imahe na higit na
nakapangyayari kaysa isa.
 Yugto matapos ang Cold war
- 1989- bumagsak ang berlin wall, ang simbolo ng cold war at ideolohikal na
pagkakahiwalay ng kapitalistang west berlin at kumonistang east berlin.
- Natapos ang cold war sa Germany at napag isa muli angb bansang ito.
- 1991- nabuwag ang U.S.S.R dahil sa pagiging bukas isip at pagtanggap sa reporma ni
Mikhail Gorbachev.

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang titik T kapag tama pangungusap at titik M kapag mali ang
pangungusap.

_____1. Ang United States at Soviet Union ay dating magkakampi at kasama sa mga
bansang bumuo ng nagkakaisang bansa
_____2. 1991 nabuwag ang U.S.S.R dahil sa pagiging bukas isip at pagtanggap sa reporma ni
Mikhail Gorbachev.
_____3. Nauna ang Soviet Union na magpadala ng sasakyang pangkalawakan.
_____4. Si Yuri Gagarin ang unang cosmonaut na lumipad sa mundo sakay ng Vostok I
_____5. Si Niel Armstrong sng unsng nakapag lakad sa buwan.
_____6. Binuo ang International Monetary Fund upang ayusin ang daloy ng malayang
kalakalan sa mundo.
_____7. Dahil sa Cold War umigting ang di pagkaka-unawaang pang political,pang
military, at kalakalan ng mga bansa.
Tamang Sagot
1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA

V. Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa Neokolonyalismo. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat sa isa’t kalahating papel ang sagot.

1. Ano ang kahulugan ng Neokolonyalismo?


2. Anu-ano ang mga uri ng Neokolonyalismo?

You might also like