You are on page 1of 13

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Paaralan Bataan National High School Antas Baitang-8

Guro Loren A. Catalan Asignatura Araling Panlipunan

Petsa/Oras May 15, 2023 Markahan Ikaapat na Markahan

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, 100 porsyento ng mga mag-aaral na may 75 porsyento ng antas ng


kaalaman ay inaasahang:

1. Nasusuri ang mga dahilan sa ikalawang digmaang pandaigdig;


2. nailalahad ang saloobin patungkol sa sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig;at
3. nakabubuo ng timeline patungkol sa mga pangyayari na nagpasiklab sa ikalawang
digmaang pandaigdig

Mga Bunga ng Unang Digmaang


II. NILALAMAN
Pandaigdig
KAGAMITANG PANTURO
Modyul 5: Mga Dahilan na nagbigay-daan
A. Sanggunian sa pagsiklab ng ikalawang digmaang
pandaigdig.
Powerpoint Presentation, laptop, speaker,
B. Kagamitan sa Pagtuturo
pantulong biswal
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Paunang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa isang


panalangin.

(Magpapanood ng video presentation ang


guro)
(Magsisitayo ang lahat para sa
panalangin)
2. Pagbati sa klase

Magandang buhay klas!

Magandang buhay din po, Ma’am.


3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago ang lahat, maaari muna bang


tumingin kayo sa inyong paligid at pulutin
ang mga makikitang kalat at pansamantala
itong ibulsa. Isaayos na din ang mga upuan
(Magpupulot ng kalat at mag-aayos ng
upuan ang lahat)
Maaari na kayong umupo.
(Uupo ang mga mag-aaral)
4. Pagtatala ng liban

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong


araw?
Wala po.
Ikinagagalak kong walang lumiban sa
inyong klase, iyan ay isang simbolo na lahat
kayong lahat ay motibado. Dahil diyan,
palakpakan ninyo ang inyong sarili.

(Papalakpak ang mga mag-aaral)


5. Balitaan

Sinong ang nais magbahagi sa inyo ng


pangkasalukuyang balita na nagaganap sa
ating bansa?
(Magbabahagi ang mga mag-aaral)

Maraming Salamat sa inyong makabuluhan


at impormatibong balita.

A. Balik Aral

Bago tayo dumako sa ating paksang aralin para sa


araw na ito, patungkol saan nga ba ang pinag-aralan
natin noong nakaraang araw?
Patungkol po sa kasunduang
pangkapayapaan

Tama! Sino nga ulit ang pinuno na nagmungkahi


ng batayan sa kapayapaan? Si Pangulong Woodrow Wilson po.

Tumpak! Ilang puntos nga ulit ang kanyang


iminungkahi at ilan lang ang napagkasunduan dito.
Labing apat na puntos po ngunit anim
lamang dito ang napagkasunduan.

Mahusay! Sa palagay niyo ba, nagtagumpay kaya


ng mahabang panahon ang League of Nation?
Hindi po sapagkat nagkaroon ng world
war 2

Magaling! Talaga nga namang may natutunan kayo


sa ating paksang aralin.

A. Pagganyak

Upang malaman natin ang ating panibagong aralin


para sa araw na ito, mayroon akong ipapanood na
maikling video animation sa inyo. Ang pamagat ng
maikling palabas na ito ay “Si pipoy at ang maliit
na apoy”.

Ngunit bago ang lahat, maaari niyo ba munang


basahin ang ating mga alituntunin habang
nanonood.
Mga alituntunin
1. Tumahimik
2. Unawain ang bidyo
3. Isulat ang mga mahahalagang
impormasyon
Handa na ba kayo klas?
Handa na po!

Kung gayon ay simulan na natin.

(Ipapanood ng guro ang bidyo)

Sino nga ulit ang pangunahing tauhan sa palabas?

Si Pipoy po
Tama! Ano nga ulit ang ginawa ni pipoy?

Pinaypayan po ni pipoy ang maliit na apoy


na nasa mahinang baga at nilagyan pa po
niya ng mga tuyong dahoon.
Pagkatapos niya gawin ito, ano kaya ang kasunod
na nangyari?
Ang maliit na apoy po ay sumiklab

Tumpak! Ngayon naman paano kaya natin ito


maiuugnay sa ating panibagong aralin matapos
nating talakayin ang unang digmaang pandaigdig?

Kagaya po ng mahinang apoy na nasa


palabas, iyon po ay sinisimbolo na natapos
na ang unang digmaan. Ang pagpaypay
naman po ni pipoy sa apoy na siyang
dahilan ng pagsiklab ay sinisimbolo po na
mayroon muling naganap na digmaan
pagkatapos ng unang digmaang
pandaigdig.

Mahusay! Kagaya nga ng tinalakay natin noong


nakaraan, hindi sisiklab ang isang baga kung hindi
ito lalagyan ng paringas at papaypayan. At ito ang
ating tatalakayin para sa araw na ito. Maaari niyo
bang basahin ang ating paksang aralin.

Mga dahilan na Nagbigay pagsiklab sa


Ikalawang Digmaan Pandaigdig

Ito naman ang ating layunin para sa araw na ito.


Makibasa nga klas,

Layunin

1. Nasusuri ang mga dahilan sa


ikalawang digmaang pandaigdig
2. nailalahad ang saloobin patungkol
sa sanhi ng ikalawang digmaang
pandaigdig;at
3. nakabubuo ng timeline patungkol
sa mga pangyayari na nagpasiklab
sa ikalawang digmaang
pandaigdig

B. Paglalahad

Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdig, ano


nga kaya ulit ang ginawa ng mga pinuno ng bansa
upang mapanatili na ang kapayapaan?

Nagkaroon po ng kasunduan
Nagmungkahi po ng mga batayan para sa
kapayapaan sa pagitan ng mga bansa.

Mahusay! Ano ano kaya ang mga kasunduan o


patunay nito?
Nagtatag po ng league of nation at
nagkaroon po ng kasunduan sa versailles

Sa inyong palagay, umasa kaya ang mga tao na


mapapanatili ang kapayapaan nang ito ay maitatag?
Opo, umasa po sila

Nagtagumpay kaya ng mahabang panahon ang


league of nation?
Hindi po, sapagkat mayroon muling
sumiklab na digmaan.
Magaling! Ngayon ay tatalakayin natin ang
naitalang pinakamapinsalang digmaan na nangyari
sa kasaysayan. Katulad nga ng konsepto ng uling,
hindi ito magsisiklab kung walang paringas tama
ba? Tama po.

Ngayon paano natin ulit ito maiuugnay sa


ikalawang digmaang pandaigdig? Hindi po magkakaroon ng ikalawang
digmaan kung wala po itong sanhi o
dahilan.
Mahusay! Ngayon ay aalamin natin ang mga
dahilan kung bakit sumiklab muli ang digmaan.

(Ipapakita ng guro ang larawan)

Ano kaya ang pinaparating ng larawan na inyong


nakikita sa presentasyon?
Pagbaba po ng ekonomiya

Tumapak! Sa tingin ninyo, ano kaya ang


mangyayare sa bansa kung babagsak ang
ekonomiya?
Maraming tao po ang mawawalan ng
hanapbuhay at maraming tao po ang
magugutom.

Tama! Kagaya niyan, sa pagsapit ng 1929, ang


ekonomiya ng buong mundo ay unti –unting
humina. Milyong katao ang nawalan ng tirahan,
hanapbuhay at pera. Lahat ito ay nag-ugat sa
pagbagsak ng stock market ng United States
noong 1929. Tinawag din ang panahon na ito na
Great Depression.

Sa inyong palagay bakit kaya ito tinawag na great


depression?
Dahil ang mga tao po ay labis na
nalungkot o nalugmok sa pagbaba ng
ekonomiya.

Magaling! Dahil sa pagkakaudlot ng negosyo


maraming tao ang nalugmok at tumagal ito ng
sampung taon at naging malaking pagsubok sa
pulitika at ekonomiya.

Dahil sa paglaganap ng depresasyon sa ekonomiya,


ano kaya sa palagay ninyo ang naging tingin ng
mga mamamayan sa kanilang pinuno?

Nagkaroon po ng galit

Nawalan po sila ng tiwala

Mahusay! Dahil sa paglaganap ng depresasyon sa


ekonomiya, nagdulot ito ng pagkawala ng tiwala ng
mga tao sa demokratikong pamahalaan. Maaari
niyo bang basahin ang pahayag nasa presentasyon?

“Paparusahan ko ang mga dapat managot


at ibabalik ko ang katanyagan ng inyong
bansa”
Kung kabilang kayo sa nakakaranas ng Great
Depression, ano ang mararamdaman ninyo kapag
sa inyo sinabi yan?

Magkakaroon po ng pag-asa

Lalakas po ang loob


Dahil diyan, sumibol ang isang ideolohiya na
tinawag na Facism o pasismo. Base sa larawan na
aking ipapakita, ano sa palagay ninyo ang
kahulugan ng pasismo?
May isang tao po na kumokontrol sa mga
tao.
Mahusay! Ang Pasismo klas ay isang sistema ng
pamahalaan na pinamumunuan ng isang diktador
na may ganap na kapangyarihan at binibigyang-
diin ang isang agresibong nasyonalismo at
kadalasang rasismo.

Sa palagay ninyo, may mga pinuno kaya na


sumikat sa panahong ito?

Sa palagay ko po ay mayroon, sila po yung


mga nangako sa tao.
Tama! Sumikat ang mga pasistang diktador na
nangakong bubuhayin ang ekonomiya ng kanilang
mga bansa, parurusahan ang mga dapat managot sa
kanilang paghihirap at ibabalik ang katanyagan ng
kanilang mga bansa.

Ngayon ay aalamin natin kung sino ang mga


pinuno na ito.

Makibasa nga ang nasa presentasyon.

BENITO MUSSOLINI

Ang nagtatag ng Fascist Party noong


1919. Naging punong ministro siya noong
1922 at ipinatupad ang diktaduryal na
pamumuno sa Italy.

Kung siya ang nagtatag ng Facist Party, ano sa


palagay ninyo ang kanyang katangian?

Kinokontrol niya po ang mga tao na


kanyang pinamumunuan

Tama! At para naman sa ikalawang sumikat na


pinuno, maaari niyo bai tong basahin?
ADOLF HITLER

Pinuno ng mga Nazi o National Socialist


German Worker’s Party sa Germany.
Mahusay mag – organisa at magsalita si
Hitler.
Salamat! Nangako siya na ibabalik ang dating
kadakilaan ng Germany. Layunin niya na
ipaghaganti ang pagkatalo ng Germany at
parusahan ang mga responsible sa pagkakapahiya
nito.

Sa pagsikat ng bagong pinuno at pagkakaroon ng


kaisipang paghihiganti, ano sa palagay ninyo ang
nangyare sa itinatag na league of nation at
kasunduan sa Versailles?
Nawalan po bisa ang kasunduan na
itinatag sa Versailles at hindi po
nagtagumpay ang league of nation sa
layunin na mapanatili ang kapayapaan.

Tumpak! Sa pagkakaroon ng diktaduryal na bansa


gaya ng Germany at Italy at mga demokratikong
bansa gaya ng United States, Britain at France. Ano
sa tingin niyo ang magiging resulta nito sa mundo?

Magkakaroon po ng magkasalungat na
hangarin

Mahahati po muli ang mundo sa dalawang


panig

Magkakaroon po muli ng alitan

Tumpak! Sa dekada 1930, ang mga diktador na


Fascist ang nagpasimula ng mga pagsalakay na
nagbigay – daan sa pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Maliwanag ba klas?

Malinaw po.

Ngayon naman, tatalakayin natin ang mga


pangyayari o pagsalakay bago sumiklab ang
ikalawang digmaang pandaigdig. Tatalakayin natin
ito sa pamamagitan ng timeline.

Ngayon ay ating aalamin kung ano ang


pangyayaring naganap noong 1931. Maaari niyo
bai tong basahin?

PAGSALAKAY NG JAPAN SA
MANCHURIA

Ito ang unang hamon para sa League of


Nations kung saan sinalakay ng Japan ang
isang lalawigan sa hilagang silangan ng
China, ang Manchuria
Sa inyong palagay bakit kaya naging hamon ito sa
league of nation?
Dahil po lumabag ang Japan sa
nakapaloob na kasunduan sa league of
nation.
Tama! Sa tingin niyo ba may nagawa pa ang league
of nation dito?
Wala na po

Tumpak! Pinigilan ito ng League of Nation subalit


wala na silang nagawa para dito.

Base sa larawan na nakikita niyo, ano pa kaya ang


naging dahilan ng pagsalakay ng Japan sa
Manchuria?

Dahil po sa likas na yaman ng manchuria

Mahusay! Isa sa mga dahilan kung bakit sinalakay


ng Japan ang Manchuria dahil mayaman ito sa
bakal at karbon.

Base sa larawan na inyong nakikita, ano kaya ang


ipinaparating nito? Hindi po gusto ng Germany ang League of
Nation, ang nais po nila ay muling
magtatag ng sandatahang lakas.
Mahusay! Dahil diyan, Ang Germany ay
tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa
Germany, ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa
pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-
aalis ng karapatang mag-armas.

Sa pag-tiwalag ng Germany sa league of nation,


ano kaya ang itinatag ni Adolf Hitler? Nagtatag po siya ng sandatahang lakas.

Magaling! . Matapos tumiwalag, pinasimulan ni


Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling
pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni
Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na
naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.

Ngayon naman, ano kayang bansa ang mayroon


flag na ganito?

Italy po

Magaling! Hindi lamang Germany at Japan ang


naglakas loob na lumabag sa League of Nations. Sa
kanilang ginawa, may isang bansa din ang
nahikayat at ito nga ay ang Italy.

Sa inyong palagay ano kaya ang ginawa ng Italy?

Sa palagay ko po ay nanalakay at sumakop


din po sila ng bansa kagayang ginawa ng
Germany at Italy.

Mahusay! Sino nga ulit ang pinuno ng Italy?

Si Benito Mussolini po.


Tumpak! Base sa mapa ano kayang bansa ang
sinakop ng Italy?

Ethiopia po
Magaling! Saang kontinente kaya ito matatagpuan?

Sa Africa po
Tama! Sa palagay ninyo, may nagawa kaya ang
League of nation dito?

Wala po silang nagawa muli.

Tumpak! Tuwirang nilabag ng Italy ang kasunduan


sa Liga. Bagamat kinondena ng Liga ang pag-atake
wala itong ginawa upang pigilan ang Italy.
Naniwala ang Britain at France na kung
pagbibigyan nila si Mussolini, mapapanatili ang
kapayapaan sa Europe.
Ngayon naman ay dumako tayo sa naganap noong
1936. Maaari niyo bang basahin?

DIMAANG SIBIL SA SPAIN

Nagawang subukan ni Hitler at Mussolini


na muling subukan ang kanilang lakas
laban sa mga demokratikong bansa sa
Europe.
Sa palagay ninyo, sa papaanong paraan kaya nila
nasubukan ang kanilang lakas?
Sa pamamagitan po ng pakikipagdigmaan
sa ibang bansa.
Tama! Sa tingin ninyo, magiging banta kaya sila sa
ibang bansa?
Opo Ma’am, dahil maaaring maghasik po
sila ng kaguluhan.
Tumpak! Noong Hulyo 1936, sumiklab ang isang
digmaang sibil sa Spain sa pagitan ng dalawang
panig – ang Pasistang Nasyonalist Front at
Sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga
pasistang Nasyonalista sa pangunguna ni Henerla
Francisco Franco at marami ang nadamay sa
digmaang sibil ng Spain dahil sa pakikiaalam mg
ibang bansa.

Noong 1936 may dalawang bansa ang nagsanib


pwersa, ano kaya ang mga bansang ito base sa
watawat?

Austria at Germany po ang dalawang


bansa na nagsanib pwersa.

Tama! Sa tingin ninyo, bakit kaya nakikipag sanib


pwersa ang Germany?
Dahil po nais nilang lumawak ang
kanilang kapangyarihan.

Mahusay! Sa palagay niyo ba, ito ay paraan nila ng


pagpaplakas?
Opo, dahil pursigido sila muling
makabangon

Magaling! Idineklara ni Hitler na kailangan ng


Germany ng karagdagang lugar upang ito ay
umunlad at lumago. Makakamtan lamang ito kung
makukuha ng Germany ang Austria at
Czechoslovakia.

Maliban sa Austria, anong bansa pa kaya ang


napasakamay ng Germany?
Napasakamay din po nila ang bansang
Czechoslovakia.
Tumpak! Pagkaraan lamang ng anim na buwan ay
sinakop ng mga sundalo ng Germany ang
Czechoslovakia.

Para naman sa ikahuling pangyayari, ito ay ang


paglusob ng Germany sa Poland. Makibasa ng ang
nasa presentasyon

PALUSOB NG GERMANY SA
POLAND

Huling pangyayri na nagpasiklab sa


Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang
pagpasok ng Germany sa Poland noong
1939.
Salamat! Ang pagsakop na ito ay pagbaligtad ng
Germany sa Russia na kapwa pumirma sa
Kasunduang Ribbentrop – Molotov, isang
kasunduan nang hindi pakikidigma.

Sa palagay niyo, mas lalo kayang lumawak ang


kapangyarihan ng Germany?

Opo Ma’am

Tama! Mula sa mga pangyayari na naganap, ano


kaya sa palagay ninyo ang mangyayari?

Magkakaroon po muli ng malawakang


digmaan.

Tumapak! Mula sa mga pangyayari na iyan,


masasabi natin na ito ay magbubunga ng
mapinsalang digmaan at ito nga ay ang ikalawang
digmaang pandaigdig.

C. Paglalapat

Worst Scenario
Sa mga binanggit na sanhi ng ikalawang Digmaang
pandaigdig, alin sa palagay ninyo ang
pinakamabigat na dahilan? Bakit? Isulat ang
inyong sagot sa isang malinis na papel. Maliwanag
ba klas?
Malinawanag po Ma’am

D. Pagpapahalaga

Sa palagay ninyo, may maidudulot bang kabutihan


ang mga pangyayaring naganap na nagbigay-daan
sa ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ibahagi ang
inyong saloobin sa harap ng klase.
(Magbabahagi ang mga mag-aaral)

E. Paglalahat

Bumuo ng timeline na nagpapakita ng mga


pangyayari na naging dahilan ng ikalawang
Digmaang pandaigdig

F. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at


piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagotang isulat sa
sagutang papel.

1. Anong lugar sa asya ng inagaw ng japan


kaya siya ay kinundena ng league of
nations?
A. Manchuria
B. Poland
C. Ethiopia
D. Italy
2. Bukod sa bansang Germany at Japan na
lumabag sa League of Nations, ano pa ang
isang bansang nahikayat nila?
A. Britain
B. France
C. Italy
D. Ethiopia
3. Ano ang tawag sa ideolohiyang pinairal ni
Benito Mussolini sa Italy?
A. Dictatorial
B. Facism
C. Communism
D. Totalitarianism
4. Anong bansang Europeo ang humiwalay sa
League of Nations?
A. Germany
B. Italy
C. France
D. Britain
5. Ano ang tawag sa panahon sa Europa na
kung saan nalugmok ang kanilang
ekonomiya?
A. Great Depression
B. Stock Market
C. Depression
D. League of Nation

G. Takdang-Aralin

Itala ang mga mahahalagang pangyayari na


naganap noong ikalawang digmaang pandaigdig.

You might also like