You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Ekonomiks)

PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. natutukoy ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan;
B. nasusuri ang konsepto ng teorya ng pangangailangan;
C. naibabahagi sa ating buhay ang kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan ng tao.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan


B. Sanggunian: Ekonomiks: Modyul Para sa Mag-aaral. Pahina 37-43
C. Kagamitan: cartolina, pentel pen, mga larawan, tsart, powerpoint presentation, LCD projector

III. PAMAMARAAN

A. PanimulangGawain

Guro Mag-aaral
1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin na


pangungunahan ng inyong kamag-aral. (Tatayo lahat)
Sa ngalan ng Ama, Anak at Espirito
Santo Amen……
2. Pagbati

Magandang buhay! Kumusta ang inyong araw


ngayon mga bata? Magandang umaga rin po. Maayos
naman po Ma’am.
3. Pagsisiyasat sa kapaligiran

Bago kayo umupo, maari niyo bang pulutin ang mga


kalat na nakikita ninyo sa ilalim ng inyong upuan at
ayusin ang inyong mga upuan. Pakitago ang mga
bagay na walang kinalaman sa ating asignatura.
Maari na kayong umupo.

3. Paglista ng Lumiban

May lumiban ba sa klase sa araw na ito?


Wala po.
Magaling! Dahil walang absent, bigyan niyo ang
inyong mga sarili ng Darna Clap!
(Gagawin ang Darna Clap.)
4. Pagbibigay ng patakaran sa klase

5. Pagganyak

Maglalaro muna tayo bago tayo magsimula. Mayroon


akong ipapamigay sa inyo na mga larawan. Idikit ang
mga ito sa cartolina na nasa pisara batay sa hanay
na napili ninyo, sa kailangan ba o sa kagustuhan.
Ayusin ito nang sunud-sunod ayon sa kahalagahan
sa loob ng isang minuto. Ang huling makakapagdikit
ay may kaukulang consequence. Nakuha niyo ba
ang direksyon?
Opo Mam!
Very Good!Simulan na natin.
B. Panlinang na Gawain

Guro Mag-aaral
1. Paglalahad

May idea na ba kayo sa ating aralin? Ang tatalakayin natin sa


araw na ito ay tungkol sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng isang tao. Tutukuyin rin natin ang kahalagahan
ng teoryang pangangailangan. Handa na ba kayong alamin
ang mga ito?
Opo Ma’am.
Alright! Bago pa man ang lahat ay ilalahad ko muna ang
layunin ng ating aralin.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ko na natutukoy ninyo


ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan; nasusuri
ang konsepto ng teorya ng pangangailangan; at naibabahagi
sa ating buhay ang kaibahan ng pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Klaro ba?
Opo.

2. Pangkatang Gawain

Ngayon ay magkakaroon muna tayo ng isang gawain.


Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Bibigyan ko ang
bawat grupo ng paksa na pag-uusapan ninyo. Magbigay ng sa
tingin ninyo ay mga kahulugan o halimbawa ng inyong paksa
at ipaliwanag ang mga ito. Mayroon lamang kayong limang
minuto pra mag-brainstorm. Pagkatapos ay iuulat ng inyong
napiling representative ang inyong mga sagot sa loob ng
dalawang minuto. Naintindihan niyo ba ang direksyon?

Group 1 – Pangangailangan
Group 2 – Kagustuhan

(Magbibigay ng graphic organizer kung saan magsusulat ang


bawat grupo upang ipresenta ang kanilang gawa.)

Pero bago tayo mag simula sa inyong paghahanda, alamin


muna natin kung ano ang magiging rubriks ng inyong
performance. Ito ang rubriks ng inyong performance:

Needs
Good Very Good
Kraytirya at lebel Improvement
(7pts) (10pts)
(5pts)
Accuracy ng Walang Ang ibang Tama ang
impormasyon imporma- Imporma- imporma-
syong syong inilahad syong
nailahad ay hindi tugma inilahad
Walang Kinakabahan Buo ang loob
imporma- at nauutal na ipaliwanag
Pagpapaliwanag syong habang ang mga
naipaliwanag ipinapaliwanag impormasyon
ang mga
impormasyon
Presentasyon Hindi Hindi gaano Organisado at
organisado at organisado may
walang ngunit may kaayusan ang
kaayusan ang kaayusan ang presentasyon. (Mag-uusap usap sa loob ng
presentasyon. presentasyon limang minuto ukol sa kanilang
Pakiki-isa ng mga Ang lahat ng Kalahati Ang lahat ng sagot. Isusulat nila ang
miyembro sa miyembro ng lamang ang miyembro ng kanilang mga sagot sa graphic
kanilang performance pangkat ay nag presenta pangkat ay organizer at iuulat ang kanilang
hindi naki-isa at naki-isa sa nag presenta napagkasunduan sa loob ng
at nag kanilang grupo at naki-isa dalawang minuto sabawat
presenta grupo.
(Pagkatapos ng 5 minuto)

Ngayon maari nang magsimula ang unang pangkat. Ang


ipepresenta nila ay ang salitang “Pangangailangan”. Ang lahat
ay makinig at panatilihin natin ang katahimikan habang
nagpapakita ng presentasyon ang unang grupo.
(Mag-uulat tungkol sa kanilang
paksa.)
Magaling Group 1! Bigyan natin sila ng Werpa Clap.
(ang lahat ay gagawin ang
werpa clap)
Naintindihan ba ninyo ang iniulat ng unang grupo?
Opo Mam!
Magaling! Dadako naman tayo sa ikalawang grupo. Ang
ipapaliwanag naman nila ang tungkol sa “Kagustuhan”. Ang
lahat ay makinig at panatilihin natin ang katahimikan. (M (Mag-uulat tungkol sa kanilang
paksa.)
Magaling Group 2! Bigyan natin sila ng Lodi Clap.
(ang lahat ay gagawin ang Lodi
clap)
Ngayon ay lubos niyo na bang naintindihan ang kaibahan ng
pangangailangan at kagustuhan? Malalaman natin ang
kabuuan maya-maya lamang.

C. Pagtatalakay

Guro Mag-aaral
Bago natin talakayin ang kabuuan ng lahat
ng mga pangangailangan at kagustuhan,
mayroon akong video clip na ipapakita sa
inyo.(I-play ang video.)

Ano ang masasabi ninyo sa video


presentation? Nakapaloob po sa video kung paano
magdesisyon ayon sa pangangailangan o
kagustuhan ng tao.
Magaling! Ngayon alamin muna natin kung
ano nga ba ang kahulugan ng salitang
Pangangailangan. Ano ba ang
Pangangailangan at mga halimbawa nito?
(Gamitin ang powerpoint presentation.) Ang pangangailangan po ay mga bagay na
mahalaga upang mabuhay ang tao at
makaganap ng isang tungkulin. Halimbawa nito
ay pagkain, tubig, atbp.

Tama.
Ano naman ang kagustuhan? Ang kagustuhan po ay mga materyal na bagay
na ginusto lamang ng tao at maaari itong
mabuhay kahit wala ito.

Magaling! Titingnan ko nga kung talagang


alam niyo na ang pagkakaiba ng
pangangailangan at kagustuhan.
Halimbawa, may computer ang isang
graphic artist, pangangailangan ba ito o
kagustuhan?
Pangangailangan po.

Tama. Kung halimbawa namang may Ipad


ang mangingisda, pangangailangan ba ito o
kagustuhan? Kagustuhan po.
Magaling. Ngayon, sino ba ang famous
psychologist na nagpatupad ng teorya ng
pangangailangan? Si Abraham Maslow po.

Very good! Ngayon naman ay talakayin natin


ang hirarkiya ng pangangailangan ni
Maslow.

Ayon sa kanya, ang mga pangangailangan


ng tao ay may takdang antas ayon sa
kahalagahan ng mga ito. Halimbawa, kung
papipiliin ang tao kung alin sa pagkain o
pananamit ang higit niyang kailangan, mas
pipiliin niya ang una dahil nakadepende sa
pagkain ang buhay. Ayon din sa kanya, may
limang bahagi ang mga pangangailangan ng
tao. Anu-ano ang mga ito?

Pangangailangang pisyolohikal; pangkaligtasan


at seguridad; panlipunan; pagkamit ng respeto;
at kaganapan ng tao po.

Magaling!

Ngayon ay iisa-isahin natin ang mga ito.


Unahin natin ang pinakababang antas, ang
pangangailangang pampisikal o pisyolohikal.
Anu-ano ba ang mga bagay na nakapaloob
dito? Tubig, pagkain, hangin, damit, bahay po.
Tama. At bakit ba natin kailangan ang mga
bagay na ito? Kailangan po natin ang mga ito para po
mabuhay.
Very good! Sumunod ay ang pangkaligtasan
at seguridad. Anu-ano ba ang mga bagay na
ating kailangan dito? Kapayapaan, pag-aaruga ng ating mga
magulang, pagkakaroon ng ligtas na tahanan, at
pagiging ligtas po sa lahat ng oras.
Tumpak! Sa pangangailangang panlipunan
naman, anu-ano ba ang mga bagay na
dapat taglayindito ng isang tao? Pakikipagkaibigan, Pag-ibig sa kasintahan,
asawa, anak at kung anu-ano pa pong
pagkikipagkapwa-tao.
Magaling. Ang ikaapat na baitang naman ay
ang pagkamit ng respeto sa sarili at ng ibang
tao. Anu-ano naman ang mga bagay na
dapat taglayin dito ng isang tao? Tiwala po sa sarili, tagumpay at respeto.
Mahusay! Sa pinakamataas na antas
naman, ang pangangailangan na
maisakatuparan ang sariling mga kakayahan
at pagkatao. Sa tingin niyo ba mahirap
marating ang huling baitang ng herarkiya ng
pangangailangan ni Maslow? Bakit kaya?
Opo. Dahil konti lamang po ang nagnanais dito
dahil marami sa atin ang naka-focus lamang na
matustusan palagi ang mga mababang antas ng
pangangailangan po.
Tama! Ayon kay Maslow, ang isang taong
ganap ay hindi nakatuon masyado sa mga
materyal na bagay kundi sa mga bagay na
totoong makapagpapasaya sa kanya. Sang-
ayon ba kayo dito? Bakit kaya?
Opo, kasi po ang totoong kaligayahan ay hindi
galing sa pisikal na kalagayan kundi sa
kalagayang nagpapahayag na may bahagi sa
pagkatao na walang hanggan.

Very good!

D. Paglalahat

Guro Mag-aaral
Base sa tinalakay natin, ano nga ulit
ang kaibahan ng kagustuhan sa
pangangailangan? Ang pangangailangan po ay ang mga bagay na
bumubuhay sa atin. Ito ay mga bagay na
kinakailangan para maging produktibo, samantala
ang kagustuhan po ay mga bagay lamang na gusto
natin at nagbibigay ng panandaliang kasiyahan.
Tama. Ano naman ang limang level sa
herarkiya ng mga pangangailangan ni
Maslow at ang mga halimbawa nito?
Isa-isahin mula sa pinakababa
hanggang sa pinakataas.
Pisyolohikal: Pagkain, tubig, damit;
Pangkaligtasan at seguridad:Seguridad sa
katawan, pamilya, trabaho;
Pangangailangang panlipunan: Pakikipagkaibigan,
pakikipagkapwa, pagkakaroon ng pamilya;
Pagkamit ng respeto sa sarili at sa ibang tao:
Tiwala sa sarili, respeto;
Kaganapan ng pagkatao: Tagumpay, malikhain,
mapagpahalaga sa buhay
Magaling! Bigyan natin ang ating mga
sarili ng Petmalu Clap!
(gagawin ang petmalu clap)

E. Paglalapat

Guro Mag-aaral
So, ngayon ay mayroon ulit akong
ipapanood sa inyo na video clip. (i-play
ang video)

Ano nga kaya ang gagawin ninyo sa


isang milyon?
Mam bibilhin ko po muna ang aking mga kailangan
bago ang gusto ko.
Good! Sino pa ang gustong sumagot?

Tutulong po ako sa ibang tao para may mapasaya


po akong ibang tao maliban lamang sa sarili ko.
Mahusay! Mayroon pa bang gustong
sumagot?
Wala na po.

Very good!
F. Pagpapahalaga

Guro Mag-aaral
Ngayon, sa dalawang magkaibang
bagay na ating tinalakay –
Pangangailangan at Kagustuhan, ano
ang mas mahalaga para sa inyo? Ang mas mahalaga po ay ang pangangailangan,
dahil po hindi tayo mabubuhay nang wala ang mga
ito samantalang ang kagustuhan po ay nagbibigay
lamang ng pansamantalang kasiyahan.

Bakit kailangan natin malaman ang


kaibahan ng pangangailangan at
kagustuhan? Para po ma-prioritize natin kung ano ang mas dapat
natin pagtuunan ng pansin bago ang mga materyal
at temporaryong bagay lamang sa mundo.
Very Good! Lubos niyo nang
naintindihan ang ating paksa.
Palakpakan natin ang lahat.

IV. Pagtataya

I. Punan ng tamang sagot. (Isang puntos bawat bilang.)

1. Kumakain at umiinom ang tao upang matugunan ang pangangailangang _______________.


2. Tumitira sa bahay ang tao dahil sa pangangailangang _______________.
3. Nakikisalamuha ang tao dahil sa pangangailangang _______________.
4. Gusto ng isang tao na maging maganda at malinis ang kanyang sarili at kapaligiran dahil sa
pangangailangang _________________.
5. Nagbabasa ang isang tao dahil sa pangangailangang _______________.

II. Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng Pangangailangan o Kagustuhan.(Isang puntos


bawat bilang.)

____________ 1. Pagbili ng branded na damit.


____________ 2. Pagkain sa restawrant paminsan-minsan.
____________ 3.Nakikisalamuha at nagmamahal.
____________ 4.Panonood ng paboritong palabas sa sinehan.
____________ 5.Pagbabasa ng dyaryo araw-araw.

V. Takdang Aralin

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng relasyon ng mga bagay na Pangangailangan at


Kagustuhan.

RUBRIC PARA SA POSTER


Natatamong
Pamantayan Indikator Puntos
Puntos
Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang
Nilalaman ugnayan ng lahat ng konsept sa paggawa ng 21-25
poster
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe sa
16-20
konsepto paglalarawan ng konsepto
Pagkamapanlikha
Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster 11-15
(Originality)
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang
6-10
Presentasyon presentasyon
Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay
Pagkamalikhain
upang maipahayag ang nilalaman, konsepto, 1-5
(Creativity)
at mensahe
Kabuuan
Kalakip I.

Unang Grupo – Cluster Map

Ikalawang Grupo – Tree Diagram

You might also like