You are on page 1of 13

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

BONIFACIO CAMACHO NATIONAL HIGH SCHOOL


ARALING PANLIPUNAN 10
10 – ZINC & 10 – ALUMINUM
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na 80% ng mga mag aaral ay:
1. Nauunawaan ang kahulugan at konsepto ng migrasyon
2. Napaghahambing ang mga pangunahing uri ng migrante
3. Napahahalagahan ang mga sakripisyo ng mga mirgrante dulot ng Globalisasyon
PAKSA
II. NILALAMAN Dahilan at Epekto ng Migrasyon Dulot ng
Globalisasyon: Migrasyon – Konsepto at
Konteksto
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Araling Panlipunan 10 – Ikalawang Markahan
Learning Resource. Modyul 5: Migrasyon: Konsepto at Konteksto
B. Iba pang kagamitang Panturo Chalk, Pictures, Tarpapel
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Paunang Gawain
Klas, bago tayo magsimula sa ating talakayan ay
magkakaroon muna tayo ng isang panalangin.
Iyuko natin ang ating mga ulo at tayo’y
manalangin. Panginoon, maraming salamat po sa
lahat ng biyaya at kaligtasan para sa araw na ito.
Amen!
Magandang araw, klas!
Magandang araw rin po, Maam!
Bago tayo magsimula, mangyaring malaman ko kung
mayroong liban sa ating klase ngayong araw, para sa
pangkat sa aking kanan, mayroon bang liban sa araw na
ito? (sasagot ang pangkat)
Wala po, Maam

Salamat, dumako naman tayo sa pangkat sa aking


kaliwa, mayroon bang liban sa araw na ito? (sasagot ang pangkat)
Wala po, Maam

Klas, ipapaalala ko lamang na tayo ay may mga


panuntunan na dapat nating tandaan at sundin. Ito ay
ang 4Ms:
a. Makinig nang mabuti sa talakayan.
b. Mangyaring magtaas ng kamay kung nais
sumagot o may kailangan.
c. Manatili sa itinalagang silya.
d. Manatiling suot ang face mask sa loob ng
silid - aralan

Malinaw ba ito, klas?


Opo, Maam
A. Balik- Aral
Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin, balikan
muna natin ang ating paksang tinalakay noong
nakalipas na lingo. Tungkol saan nga ba ang ating
nakaraang paksa? Mam, ang ating paksang tinalakay ay tungkol po
sa suliranin at isyu sa paggawa.
Mahusay! Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang
gawain at ito ay ang Maalaala mo Kaya.

Panuto: Klas, ako ay magpapakita ng tatlong larawan.


Sa bawat larawan na aking ipapakita, magtaas lamang
ng kamay kung sino ang makakaalala ng
ipinapahiwatig nito, mula sa ating nakaraang aralin.

Malinaw ba ang panuto, klas?


Opo, Maam!
Magsimula na tayo!
Ito ang ating unang larawan:

(magtaas ng kamay ang mag aaral)


Ito po ay nagpapakita ng pag aapply ng trabaho
ng isang empleyado.
Mahusay! Ipinapakita rito ang konsepto ng
Unemployemnt kung inyong maaalala. Ano nga ulit ang
konseptong ito? (magtaas ng kamay ang mag aaral)
Mga walang trabaho po.
Magaling at inyo pa itong natatandaan!

Para naman sa ating susunod na larawan:


Para sa ikalawang larawan, ano naman kaya ang
ipinapahiwatig nito at ano ang kinalaman sa ating
(magtaas ng kamay ang mag aaral)
nakaraang aralin?
Ito po ay iba’t ibang uri ng manggagawa.
Sila po ay tinatawag na labor force.
Magaling! Sila ang naging bida sa ating huling aralin.

Bilang huling katanungan, ano ang inyong naging


(magtaas ng kamay ang mag aaral)
reyalisasyon sa ating nakaraang talakayan?
Marami po sa ating mga manggagawa ang
nakakaranas ng iba’t ibang suliranin
Marami po sa ating mga manggagawa ang hindi
sapat ang kinikita para sa pangangailangan
May mga tao pong nahihirapan makahanap na
regular na trabaho
Mayroon pong ibang nakapagtapos ng pag aaral
pero hindi po makahanap ng trabaho
Magagaling, klas! Tunay nga na inyong naunawaan at
naisabuhay ang ating huling talakayan.
Malinaw ba klas ang ating nakaraang talakayan?
Opo, Maam!

Mga sagot:
1. Unemployment
2. Labor Force
B. Pagganyak
Ngayon naman klas, upang malaman niyo kung ano ang
paksang tatalakayin natin para sa araw na ito,
magkakaroon tayo ng isang laro!
Ako ay may ibibigay sa inyong box o cube, sa daloy ng
isang awitin, ipapasa ninyo sa inyong katabi ang cube,
at kapag nahinto, ipaliliwanag lamang ninyo kung ano
ang inyong pagkakaunawa sa larawan na nasa cube.
Mamimili lamang ng isa at ito’y ipapasang muli.

Malinaw ba ang ating gawain, klas?


Opo, Maam
(ibibigay ang cube at papatugtugin ang kanta)
Para sa unang larawan, ipakita at ipaliwanag:

Ito po ay nagpapakita ng maleta ng OFW at


eroplano, sa akin pong pagkakaunawa ay ito po ay
ang pag alis ng mga Pilipino para magtrabaho sa
Mahusay! Bigyan natin siya ng Boom Clap! ibang bansa.
(ituturo ang boom clap)
Ipagpatuloy natin!

Para sa ikalawang larawan, ipakita at ipaliwanag:

Sa akin pong napapansin, sila po ay nasa isang


airport at nag iiyakan. Kaya sa akin pong
reyalisasyon, ang tatay po ay magttrabaho sa
abroad.
Tumpak! Ngayon naman, batay sa mga nabanggit na
paliwanag ng inyong mga kamag aral, sino ang
makapagsasabi sakin ng ating paksa ngayong araw? (magtaas ng kamay ang mag aaral)
Maam! Migrasyon po?

Magaling! Ang ating paksa sa araw na ito ay


pagpapatuloy ng aralin tungkol sa Globalisasyon, ang
konsepto at konteksto ng Migrasyon.
C. Paglinang sa Aralin
Ito ang mapa ng migrasyon, ang kaniyang nakaraan at
konsepto. Handa na ba kayong tuklasin ito?
Opo, Maam!
Bago tayo magpatuloy sa ating pagtuklas sa araw na ito,
maaari niyo bang basahin muna ang ating mga layunin
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na 80% ng
mga mag aaral ay:
1. Nauunawaan ang kahulugan at konsepto
ng migrasyon
2. Napaghahambing ang mga pangunahing
uri ng migrante
3. Napahahalagahan ang mga sakripisyo ng
mga mirgrante dulot ng Globalisasyon
Sa ating Mapa, ating unang makikita ang salitang
migrasyon.

#FACTCHECK MUNA: Alam niyo ba na ang salitang


Migrasyon ay hango sa salitang Latin na MIGR na ang
ibig sabihin ay lumipat o umalis.

(magpapakita ng larawan)
Sila ay mga tao noong panahon bago pa tayo sakupin ng
mga mananakop, ano kaya ang ipinapahiwatig ng (magtataas ng kamay ang mag aaral)
larawan? Mga tao po noon na nagtatanim
Palipat lipat po sila ng lugar para magtanim
Mga naglalakad po sila o naglalakbay
Magagaling na obserbasyon! Ito ang unang yugto ng
balangkas ng kasaysayan ng Migrasyon, bago pa man
tayo sakupin ng mga mananakop.

Sa ating susunod na larawan naman, ay ang mga Kastila


at mga Pilipino, ano ang mapapansin ninyo sa larawan? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
May eroplano po
Nagttrabaho po yung mga Pilipino tapos
binabantayan ng Kastila
Mahuhusay! Dahil ito ang sumunod na balangkas,
noong tayo ay nasakop ng mga Kastila, dinala nila ang
mga Pilipino sa Mexico para magtrabaho, maging mga
alipin at manilbihan.

Sino ang makakaalala kung sino ang sumunod na


sumakop sa Pilipinas pagkatapos ng mga Kastila? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Maam, mga Amerikano po!

Magaling! Ang mga Amerikano ay nagpakita din ng


konsepto ng migrasyon sapagkat, ipinadala nila ang
mga Pilipino sa Hawaii para magtrabaho sa mga
plantations nila doon.
At ang huli ay ang kasalukuyang panahon! Sa ngayon
ay napakalawak na ng konsepto ng migrasyon, lalo’t
higit noong panahon ng dating Pang. Marcos Sr. ay
lumakas ang pwersa ng OFW kaya’t nagtayo ng POEA. (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Maam, ano po ang POEA?
Magandang katanungan, mamaya ay malalaman natin
ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman
sa mga OFW, isa dito ang POEA.

Nagdaan ang iba’t ibang mga pangulo at patuloy pa rin


ang paglawak at pagdami ng mga Pilipinong pinipiling
mangibang bansa, upang magtrabaho, mag aral o doon
permanenteng manirahan.

Nauunawaan ba klas? (lahat ng mag aaral)


Opo, Maam!

Ngayon naman ay tatalakayin natin ang mga uri ng


Migrasyon, handa na ba kayo klas? (lahat ng mag aaral)
Opo, Maam!

Mayroon itong dalawang uri, ang Panloob na


Migrasyon at ang Panlabas na Migrasyon. Mayroon
bang makapagsasabi sa akin ng pinagkaiba ng dalawa
mula sa mga pangalan nila mismo? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Base po sa nabanggit ninyo, ang panloob pong
migrasyon ay marahil nagaganap sa loob lamang
ng isang lugar
Ang panlabas naman po ay paglipat sa ibang
bansa po
Magagaling! Tama iyan klas, ang panloob na migrasyon
ay nangyayari sa loob ng isang bansa, halimbawa, tayo
ay nandito sa Bataan, subalit pagtungtong mo ng
kolehiyo, ang kurso mo ay nasa Maynila lamang,
pupunta ka doon at mag aaral. Ito ay ang panloob na
migrasyon.
Samantalang ang panlabas naman ay ang paglabas na sa
Pilipinas o sariling bansa, halimbawa ay magttrabaho sa
Japan o Amerika.

Naiintindihan ang pinagkaiba ng dalawa klas? (lahat ng mag aaral)


Opo, Maam!
Dumako naman tayo sa anim na Perspektibo at
Pananaw ng Migrasyon.
Una ay ang Globalisasyon ng mga Migrasyon.
Tunay naman na patuloy na dumarami ang ating mga
migrante taon taon, marami sa kanila ay nagmumula sa
NCR, CAR, Ilocos at marami pang rehiyon.
Ngunit sa anong bansa kaya madalas tumutungo ang
mga OFW? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Sa Saudi po Maam!

Tama! Sa Saudi Arabia o Middle East. Pero bakit kaya?


(magtataas ng kamay ang mag aaral)
Marami pong trabaho
May mga factory po na pwedeng pasukan
Marami pong hinahanap na domestic helper
Mahuhusay! Ang ikalawang perspektibo ay ang mabilis
na paglaki ng migrasyon, at dahil patuloy ang pagdami
ng mga migrante maging ang mga bansa ay
nagkakaroon na din ng iba’t ibang polisiya upang mas
maraming turista o manggagawa ang magpunta sa
kanila.

Sumunod dito ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng


migrante.
Isa isahin natin ang walong (8) uri ng migrante.

Unahin natin ang mga migranteng naghangad na


manirahan na sa bansang nilipatan, ang mga
Permanenteng Migrante.

Ikalawa, ang mga nananatili sa ibang bansa ngunit


walang dokumento o permit magtrabaho, sila ang mga
Irregular Migrants. (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Maam, sila din po ba yung mga tnt?
Tama, sila din ang mga tnt o, tago ng tago.

Ikatlo ay ang mga temporary migrants o bumisita


lamang sa ibang bansa o panandalian lamang.

Sumunod dito ay ang mga forced migrants, o mga


tinatawag na mga refugees, sino ba dito ang may ideya
sa kanila? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Maam, sila po ba yung tumatakas sa bansa nila

Tama! Sila yung mga napilitang umalis sa sariling


bansa dahil sa kaguluhan at kahirapan. (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Maam, gaya po ba ng mga tumatakas galing sa
North Korea?
Magaling! Sila ay ang mga refugees na umaalis sa
sariling bansa.

Sumunod ay ang family reunification migrants, sila


naman ang dumarayo at naninirahan sa ibang bansa
kasama ang buong pamilya.

Mayroon din tayong tinatawag na return migrants.


(magtataas ng kamay ang mag aaral)
Sila po yung mga bumabalik na sa sariling bansa
Maam, mga balikbayan
Tama yan! Sila ang mga nagmigrate tapos piniling
bumalik na din sa kanilang pinanggalingan o sa sariling
bansa.

Mayroon naman tayong dalawang klase ng migrasyon


ayon sa uri ng hanapbuhay, ang land based at sea based.
Ano kaya ang pinagkaiba nito? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Yung sea based po mga nagttrabaho sa barko, tas
yung land based po yung mga nasa lupa
halimbawa po mga nasa opisina
Maam sa land-based, kasama din po yung mga
domestic helper at nasa construction
Magagaling! Tama ang inyong pahiwatig sa pinagkaiba
ng dalawa.

Magbalik naman tayo sa ikaapat na perspektibo, ang


pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal, dahil
nga may mga bansang may alitan, naaapektuhan at
nalilimita din ang karapatan ng mga nais magmigrate sa
bansang ito.

Ikalima ang paglaganap ng migration transition, ito


naman ang pagiging popular ng mga bansang madalas
dayuhin, sila din ang madalas mapuntahan ng mga
refugees.

Huli ay ang peminisasyon ng migrasyon.

Ano ba ang tawag sa mga lalaking naiiwan sa bahay


dahil ang babae ang nagttrabaho?
(magtataas ng kamay ang mag aaral)
Maam, househusband po? Parang housewife
Tama! Ano ba ang kalimitang nagiging trabaho ng mga
babae sa ibang bansa? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Madalas po Maam, mga kasambahay po
Minsan po maam mga trabahador sa factory
Magagaling at inyong namamasid ang mga ito!
Nauunawaan ba ang ating talakayan patungkol sa
malalim na konsepto at konteksto ng migrasyon?
(lahat ng mag aaral)
Opo, Maam!
D. Paglalapat
Upang mas tiyak na inyong natutuhan ang ating aralin
ay magkakaroon tayo ng isang gawain.
Pakibasa nga ang ating gawain, klas Replekasyon mo, Ipahayag mo!
Panuto: Sa isang malinis na papel, isulat ang
iyong repleksyon na binubuo ng sampung (10) na
pangungusap patungkol sa mababasang
sitwasyon sa diyaryo.
Klas, basahing mabuti ang nilalaman ng diyaryo.
(Babasahin ng mga mag-aaral ang balita)
Klas, tungkol saan ang nabasang na balita?
Ito po ay tungkol sa patuloy na pagdami ng OFW
na umaalis sa Pilipinas taon taon.
Naunawaan niyo ba ang nilalaman ng balita?
Opo, Maam

Klas, pakibasa nga ating mga gabay na tanong sa


pagbuo ng inyong repleksyon.
Gabay na mga tanong:
1. Ano ang dahilan ng pagdami ng OFW na
umaalis taon taon?
2. Ano-ano ang mga hakbang o paraan ng
gobyerno para pangalagaan sila?
3. Ano ang naging epekto nito sa kanilang
pamilya?
4. Kung isa ang iyong magulang sa umaalis
sa bansa upang magtrabaho, ano ang
mararamdaman mo?
Para naman sa ating rubrik para sa gawaing ito,
pakibasa nga klas.
Pamantayan sa Paggawa
5 pts 3 pts 2 pts
Nilala Nakapagbi Nakapagbi Nakapagbi
man gay ng 7 - gay ng 5 – gay ng 4 –
x2 10 7 pababa na
pangungus pangungus pangungus
ap tungkol ap tungkol ap tungkol
sa balita. sa balita. sa balita.
Presen Lahat ng Mayroong Nasa lima
tasyon bantas ay nasa tatlo o pataas
x1 akma ang o ang mga
pagkakaga pababang maling
mit. bantas ang bantas na
mali ang nagamit.
pagkakaga
mit.
Kaang Ang lahat May iilang May anim
kupan ng pangungus o higit
X2 pahayag sa ap ang pang
isinulat na hindi pangungus
sanaysay angkop sa ap ang
ay angkop ibinigay hindi
sa lahat ng na mga angkop sa
gabay na gabay na mga gabay
mga tanong. na tanong.
tanong.
KABUUANG PUNTOS 25
May katanungan ba klas patungkol sa ating gawain at
rubrik?
Wala po, Maam
Klas, maaari na kayong magsimula sa pagsusulat.
(Bibigyan ng sampung minuto ang mga mag-aaral
upang magsulat.)

Klas, kung tapos na ay ipasa na ang inyong mga papel.


E. Pagpapahalaga
Para naman sa susunod nating gawain ay hahatiin ko
ang grupo sa dalawa, ang kanan at kaliwa.
Klas, pakibasa nga ang ating panuto para sa gawain na
ito. Ano ako, Ano siya, Ano tayo?
Panuto: Ang bawat grupo ay makakatanggap ng
tatlong papel na naglalaman ng tatlong uri ng
migrante, inyo itong gagawan ng paghahambing
sa pamamagitan ng venn diagram. Isulat lamang
ang kanilang pagkakaiba at pagkakapareho.
Klas, narito ang ating rubrik para sa kasagutan.
Pamantayan sa Paggawa
5 pts 3 pts 2 pts
Kawastuhan Ang Ang Ang
kasagutan kasagutan kasaguta
ay ay n ay
sumasagot o bahagyang hindi
tumutugma sumasagot akma o
batay sa o tumutug
ibinigay na tumutugm
ma batay
katanungan. a batay sa
sa
ibinigay
ibinigay
na na
katanunga
katanung
n. an.
Organisasyo Ang Ang Ang
n kasagutan kasagutan
kasaguta
ay may ay simple
n ay
kanais-nais at maynangang
na kaayusan
ailangan
pagkakabuo at pa ng
at naipaliwan
disenyo
komprehens ag angat may
ibong kasagutan.
kakulang
naipaliwana ang sa
g ang kompreh
kasagutan. ensibong
pagpapal
iwanag
ng
kasaguta
n.
Kooperasyo Lahat ng May iilang Walang
n miyembro miyembro maayos
ng pangkat ng pangkat na
ay may ang hindi kooperas
maayos na maayos yon sa
kooperasyo ang gawain
n sa gawain kooperasy ang mga
on sa miyembr
gawain o ng
pangkat
KABUUANG PUNTOS 15

Klas, may katanungan ba kayo patungkol sa ating


gawain at rubric?
Wala po, Maam
(Bibigyan ng limang minuto ang bawat pangkat)
Maaari na kayong magsimula sa inyong gawain.

Klas, makinig tayo sa unang pangkat para sa kanilang


presentasyon. (Magkakaroon ng presentasyon ng venn diagram
ang unang pangkat.)

Mahusay, bigyan natin sila ng Aling Dionisia Clap.


(ituro ang clap)
(Bibigyan ng puntos ang unang pangkat)
Ngayon naman ay ang ikalawang pangkat. (Magkakaroon ng presentasyon ng venn diagram
ang ikalawang pangkat.)

Mahusay, bigyan din natin sila ng Aling Dionisia Clap.


(Bibigyan ng puntos ang ikalawang pangkat.)

Klas, naging mahusay ang inyong paggawa ng venn


diagram patungkol sa pagkakapareho at pagkakaiba ng
mga uri ng migrante. Ano ang inyong natutuhan sa
ginawang aralin? (magtataas ng kamay ang mag aaral)
Tunay nga po na maraming mga migrante sa
bansa, Maam.
Marami pong iba’t ibang uri ng migrante
Mahusay! Lahat din sila ay mayroong iba’t ibang
dahilan kung bakit ito nagagawa. Nauunawaan ba ito
klas?
(lahat ng mag aaral)
Opo, Maam!
F. Paglalahat
Sa pagkakataong ito ay magsasagawa tayo ng isang
indibidwal na gawain.
Pakibasa nga ang ating panuto para sa ating gawain na
Bakit at Paano nga Ba, klas Bakit at Paano nga Ba?
Panuto: Ipaliwanag ng komprehensibo ang
inyong kasagutan. Magbigay ng 2 hanggang 3
pangungusap sa bawat katanungan.
Kayo ba klas ay mayroong katanungan patungkol sa
ating gawain?
Wala po, Maam
Maaari na kayong magsimula sa inyong gawain, klas
(Bibigyan ng dalawang minuto ang mga mag-aaral
para sa gawain)
1. Ipaliwanag ang kaibahan ng panloob at
panlabas na uri ng migrasyon
2. Sa iyong pananaw, dapat bang palawakin ang
konsepto ng peminisasyon sa pandarayuhan,
bakit?
3. Bilang kabataan, ninanais mo bang
maghanapbuhay din sa ibang bansa, bakit?
Klas, kayo ba ay may katanungan pa?
Wala na po, Maam
Mahusay!
Ngunit ngayon ay magkakaroon tayo ng isang
pagtataya.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang hinihinging detalye ng katanungan.
1 – 4. Apat na Balangkas ng Kasaysayan ng Migrasyon.
5. Uri ng migrante na illegal na nagtrabaho o nanirahan sa ibang bansa.
6. Uri ng migrasyon na nagaganap sa loob ng isang bansa.
7. Pangunahing bansa na madalas puntahan ng mga OFW upang magtrabaho.
8. Bagong katawagan sa mga lalaking nananatili sa bahay upang gampanan ang gawain sa bahay.
9. Tawag sa migranteng bumalik sa kanilang bansa.
10. Salitang Latin na pinagmulan ng salitang migrasyon.

Kasagutan:
1. Bago dumating ang mananakop
2. Panahon ng Kastila
3. Panahon ng Amerikano
4. Republika ng Pilipinas / Kasalukuyan
5. Irregular Migrants
6. Panloob na Migrasyon
7. Saudi Arabia
8. Househusband
9. Return Migrants
10. Migr

V. Takdang Aralin
Panuto: Ipakita ang pagpapahalaga sa sakripisyo ng bawat OFW na hindi nakasama ang kanilang
pamilya nitong huling holiday sa pamamagitan ng isang Poster. Gumawa ng poster sa isang long
bond paper, at sa likod nito ay ang pagpapaliwanag.

You might also like